Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NLT. Switch to the NLT to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Josue 21:1-22:20

Ang Bayan ng mga Levita

21 Nang magkagayo'y lumapit ang mga puno ng mga sambahayan ng mga angkan ng mga Levita kay Eleazar na pari, at kay Josue na anak ni Nun at sa mga puno ng mga sambahayan ng mga angkan ng mga lipi ng mga anak ni Israel.

At(A) sila'y nagsalita sa kanila sa Shilo, sa lupain ng Canaan, na sinasabi, “Ang Panginoon ay nag-utos sa pamamagitan ni Moises, na bigyan kami ng mga bayang matitirahan, at mga pastulan para sa aming hayop.”

Kaya't mula sa kanilang minana ay ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita ang mga lunsod na ito pati ang mga pastulan nito, ayon sa utos ng Panginoon.

Ang lupaing para sa mga angkan ng mga Kohatita ay nabunot. Kaya't ang mga Levita na anak ng paring si Aaron ay tumanggap sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lipi ni Juda, at sa lipi ni Simeon, at sa lipi ni Benjamin ng labintatlong bayan.

Ang nalabi sa mga anak ni Kohat ay tumanggap sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga angkan ng lipi ni Efraim, at mula sa lipi ni Dan, at sa kalahating lipi ni Manases ng sampung bayan.

At ang mga anak ni Gershon ay tumanggap sa pamamagitan ng palabunutan mula sa mga angkan ng lipi ni Isacar, at sa lipi ni Aser, at sa lipi ni Neftali, at sa kalahating lipi ni Manases sa Basan ng labintatlong bayan.

Ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan ay tumanggap mula sa lipi ni Ruben, at sa lipi ni Gad, at sa lipi ni Zebulon ng labindalawang lunsod.

At ibinigay ng mga anak ni Israel sa mga Levita sa pamamagitan ng palabunutan ang mga lunsod na ito at ang mga pastulan nito, gaya ng iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

Mula sa lipi ng mga anak ni Juda, at sa lipi ng mga anak ni Simeon ay kanilang ibinigay ang mga lunsod na ito na nabanggit sa pangalan,

10 na napabigay sa mga anak ni Aaron, sa mga angkan ng mga Kohatita, na mga anak ni Levi; yamang sa kanila ang unang kapalaran.

11 At ibinigay nila sa kanila ang Kiryat-arba, (si Arba ang ama ni Anak,) na siya ring Hebron, sa lupaing maburol ng Juda, pati ang mga pastulan nito sa palibot.

12 Ngunit ang mga parang ng lunsod, at ang mga pastulan, ay ibinigay nila kay Caleb na anak ni Jefone bilang kanyang pag-aari.

13 At sa mga anak ni Aaron na pari ay ibinigay nila ang Hebron, ang lunsod-kanlungan para sa nakamatay at ang mga nayon nito, at ang Libna pati ang mga pastulan nito;

14 at ang Jatir pati ang mga pastulan nito, at ang Estemoa, pati ang mga pastulan nito;

15 ang Holon pati ang mga pastulan nito, at ang Debir pati ang mga pastulan nito;

16 ang Ain pati ang mga pastulan nito, at ang Juta pati ang mga pastulan nito, at ang Bet-shemes pati ang mga pastulan nito; siyam na lunsod sa dalawang liping iyon.

17 At sa lipi ni Benjamin, ang Gibeon pati ang mga pastulan nito, ang Geba pati ang mga pastulan nito;

18 ang Anatot pati ang mga pastulan nito, at ang Almon pati ang mga pastulan nito; apat na lunsod.

19 Lahat ng mga lunsod ng mga anak ni Aaron na pari ay labintatlong bayan pati ang mga pastulan ng mga iyon.

20 Tinanggap ng mga angkan ng mga anak ni Kohat, na mga Levita, samakatuwid ay ang nalabi sa mga anak ni Kohat, ang mga bayang ibinigay sa kanila ay mula sa lipi ni Efraim.

21 Sa kanila'y ibinigay ang Shekem pati ang mga pastulan sa lupaing maburol ng Efraim, na lunsod-kanlungan para sa nakamatay, at ang Gezer pati ang mga pastulan nito,

22 ang Kibsaim pati ang mga pastulan nito, at ang Bet-horon pati ang mga pastulan nito—apat na bayan.

23 At sa lipi ni Dan, ang Elteke pati ang mga pastulan nito, Gibeton pati ang mga pastulan nito;

24 ang Ailon pati ang mga pastulan nito, ang Gat-rimon pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

25 At mula sa kalahating lipi ni Manases, ang Taanac pati ang mga pastulan nito; at ang Gat-rimon pati ang mga pastulan nito—dalawang bayan.

26 Lahat ng lunsod sa mga angkan ng nalabi sa mga anak ni Kohat ay sampu pati ang mga pastulan nito.

27 At sa mga anak ni Gershon, isa sa mga angkan ng mga Levita, ay ibinigay ang mula sa kalahating lipi ni Manases, ang Golan sa Basan pati ang mga pastulan nito, ang lunsod-kanlungan para sa nakamatay; at ang Beestera pati ang mga pastulan nito—dalawang lunsod;

28 at mula sa lipi ni Isacar, ang Kishion pati ang mga pastulan nito, ang Daberat pati ang mga pastulan nito;

29 ang Jarmut pati ang mga pastulan nito, ang En-ganim pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod,

30 at mula sa lipi ni Aser, ang Mishal pati ang mga pastulan nito, ang Abdon pati ang mga pastulan nito;

31 ang Helcat pati ang mga pastulan nito, ang Rehob pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

32 At mula sa lipi ni Neftali, ang lunsod-kanlungan na para sa nakamatay, ang Kedes sa Galilea pati ang mga pastulan nito, at ang Hamot-dor pati ang mga pastulan nito, at ang Cartan pati ang mga pastulan nito—tatlong lunsod.

33 Lahat ng lunsod ng mga Gershonita ayon sa kanilang mga angkan ay labintatlong lunsod pati ang mga pastulan ng mga iyon.

34 At para sa mga angkan ng mga anak ni Merari, na nalabi sa mga Levita, sa lipi ni Zebulon, ang Jokneam pati ang mga pastulan nito, at ang Karta pati ang mga pastulan nito,

35 ang Dimna pati ang mga pastulan nito, ang Nahalal pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

36 Mula naman sa lipi ni Ruben, ang Bezer pati ang mga pastulan nito, at ang Jaza pati ang mga pastulan nito.

37 Ang Kedemot pati ang mga pastulan nito, at ang Mefaat pati ang mga pastulan nito—apat na lunsod.

38 Mula sa lipi ni Gad, ang lunsod-kanlungan para sa nakamatay, ang Ramot sa Gilead pati ang mga pastulan nito, ang Mahanaim pati ang mga pastulan nito;

39 ang Hesbon pati ang mga pastulan nito, at ang Jazer pati ang mga pastulan nito, lahat ay apat na lunsod.

40 Tungkol sa mga lunsod ng ilan sa mga anak ni Merari samakatuwid ay ang nalabi sa mga angkan ng mga Levita, ang ibinigay sa kanila ay labindalawang bayan.

41 Lahat ng lunsod ng mga Levita sa loob ng mga pag-aari ng mga anak ni Israel ay apatnapu't walong bayan pati ang mga pastulan ng mga iyon.

42 Ang mga lunsod na ito ay may kanya-kanyang pastulan sa palibot ng mga iyon, gayundin sa lahat ng mga bayang ito.

43 Kaya't ibinigay ng Panginoon sa Israel ang lahat ng lupain na kanyang ipinangakong ibibigay sa kanilang mga ninuno; at nang kanilang matanggap ay nanirahan sila doon.

44 At binigyan sila ng Panginoon ng kapahingahan sa bawat panig, gaya ng kanyang ipinangako sa kanilang mga ninuno, wala ni isa sa lahat ng kanilang mga kaaway ay nagtagumpay sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang kaaway sa kanilang kamay.

45 Wala ni isa sa lahat ng mabubuting pangako na ginawa ng Panginoon sa sambahayan ng Israel ang hindi natupad; lahat ay nangyari.

Pinauwi ni Josue ang Lipi mula sa Silangan

22 Pagkatapos ay tinawag ni Josue ang mga Rubenita, mga Gadita, at ang kalahating lipi ni Manases,

at(B) sinabi sa kanila, “Inyong iningatan ang lahat na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, at inyong pinakinggan ang aking tinig sa lahat ng aking iniutos sa inyo;

hindi ninyo pinabayaan nitong maraming araw ang inyong mga kapatid hanggang sa araw na ito, kundi inyong iningatan ang tagubilin ng Panginoon ninyong Diyos.

At ngayo'y binigyan ng Panginoon ninyong Diyos ng kapahingahan ang inyong mga kapatid, gaya ng ipinangako niya sa kanila. Kaya't ngayo'y bumalik kayo at humayo sa inyong mga tolda sa lupaing kinaroroonan ng inyong ari-arian na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa kabila ng Jordan.

Maingat ninyong gawin ang utos at batas na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na ibigin ang Panginoon ninyong Diyos, at lumakad sa lahat niyang mga daan, at ingatan ang kanyang mga utos, manatili at maglingkod sa kanya nang inyong buong puso at kaluluwa.”

Kaya't binasbasan sila ni Josue at pinahayo sila at sila'y umuwi sa kanilang mga tolda.

Sa kalahating lipi ni Manases ay nagbigay si Moises ng pag-aari sa Basan; ngunit ang kalahating lipi ay binigyan ni Josue ng pag-aari kasama ng kanilang mga kapatid sa kabila ng Jordan sa dakong kanluran. Bukod dito'y, binasbasan sila ni Josue nang kanyang pauwiin sila sa kanilang mga tolda,

at sinabi sa kanila, “Kayo'y bumalik sa inyong mga tolda na may maraming kayamanan, maraming hayop, pilak, ginto, tanso, bakal, at maraming kasuotan. Hatiin ninyo sa inyong mga kapatid ang nasamsam mula sa inyong mga kaaway.”

Kaya't ang mga anak nina Ruben, Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay bumalik at humiwalay sa mga anak ni Israel sa Shilo, na nasa lupain ng Canaan, upang pumunta sa lupain ng Gilead, ang kanilang lupain na kanilang naging pag-aari, ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

Ang Dambana sa Tabi ng Jordan

10 Nang sila'y dumating malapit sa lupain ng Jordan, na nasa lupain ng Canaan, ang mga anak nina Ruben, Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo roon ng isang napakalaking dambana sa tabi ng Jordan.

11 At narinig ng mga anak ni Israel, na sinabi, “Tingnan ninyo, ang mga anak nina Ruben, Gad, at ang kalahating lipi ni Manases ay nagtayo ng isang dambana sa tapat ng lupain ng Canaan, sa bahaging pag-aari ng mga anak ni Israel sa lupain ng Jordan.”

12 Nang ito ay marinig ng mga anak ni Israel, ang buong kapulungan ay nagtipon sa Shilo upang makipagdigma laban sa kanila.

13 At sinugo ng mga anak ni Israel sa mga anak nina Ruben, Gad, at sa kalahating lipi ni Manases, sa lupain ng Gilead, si Finehas na anak ng paring si Eleazar.

14 Kasama niya ay sampung pinuno, isang pinuno sa bawat sambahayan ng mga magulang sa bawat isa sa mga lipi ng Israel; at bawat isa sa kanila'y pinuno ng mga sambahayan ng kanilang mga magulang sa mga angkan ng Israel.

15 At sila'y dumating sa mga anak nina Ruben, Gad, at sa kalahating lipi ni Manases sa lupain ng Gilead, at sinabi nila sa kanila,

16 “Ganito(C) ang sinabi ng buong kapulungan ng Panginoon, ‘Anong kataksilan itong inyong ginawa laban sa Diyos ng Israel sa pagtalikod sa araw na ito mula sa pagsunod sa Panginoon, sa pamamagitan ng inyong pagtatayo ng isang dambana bilang paghihimagsik laban sa Panginoon?

17 Hindi(D) pa ba sapat ang kasalanan sa Peor na kung saan ay hindi pa natin nalilinis ang ating mga sarili, kaya't dumating ang salot sa kapulungan ng Panginoon,

18 upang kayo'y humiwalay sa araw na ito sa pagsunod sa Panginoon? At kung kayo'y maghihimagsik ngayon laban sa Panginoon ay magagalit siya bukas sa buong kapulungan ng Israel.

19 Gayunman, kung ang inyong lupain ay marumi, dumaan kayo sa lupain ng Panginoon, na kinatatayuan ng tabernakulo ng Panginoon at kumuha kayo ng pag-aari kasama namin; huwag lamang kayong maghihimagsik laban sa Panginoon, o gawin kaming mga manghihimagsik sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang dambana bukod sa dambana ng Panginoon nating Diyos.

20 Hindi(E) ba't si Acan na anak ni Zera ay nagtaksil tungkol sa itinalagang bagay, at ang poot ay bumagsak sa buong kapulungan ng Israel? Ang taong iyon ay namatay na hindi nag-iisa dahil sa kanyang kasamaan.’”

Lucas 20:1-26

Tinanong ang Awtoridad ni Jesus(A)

20 Isang araw, samantalang tinuturuan ni Jesus[a] ang mga taong-bayan sa templo at ipinangangaral ang magandang balita, lumapit ang mga pari at ang mga eskriba na kasama ang matatanda.

At sinabi nila sa kanya, “Sabihin mo sa amin, sa anong awtoridad mo ginagawa ang mga bagay na ito? O sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na ito?”

Siya'y sumagot sa kanila, “Tatanungin ko rin kayo ng isang tanong, at sabihin ninyo sa akin:

Ang bautismo ba ni Juan ay mula sa langit, o mula sa mga tao?”

At sila'y nag-usapan sa isa't isa na sinasabi, “Kung sasabihin natin, ‘Mula sa langit,’ ay sasabihin niya, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’

Subalit kung sasabihin natin, ‘Mula sa mga tao,’ ay babatuhin tayo ng mga taong-bayan, sapagkat sila'y napapaniwala na si Juan ay isang propeta.”

Kaya't sila'y sumagot na hindi nila nalalaman kung saan iyon nagmula.

At sinabi sa kanila ni Jesus, “Hindi ko rin naman sasabihin sa inyo kung sa anong awtoridad ko ginagawa ang mga bagay na ito.”

Ang Talinghaga ng mga Magsasaka sa Ubasan(B)

At(C) sinimulan niyang isalaysay sa taong-bayan ang talinghagang ito: “Isang tao ang nagtanim ng ubasan. Ipinagkatiwala niya ito sa mga magsasaka, at pumunta sa ibang lupain nang mahabang panahon.

10 Nang dumating ang panahon ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka upang siya'y bigyan mula sa bunga ng ubasan, subalit binugbog siya ng mga magsasaka, at pinaalis na walang dala.

11 Nagsugo siya ng isa pang alipin, subalit ito'y kanilang binugbog din at hiniya, at pinaalis na walang dala.

12 At nagsugo pa siya ng ikatlo. Ito ay kanilang sinugatan at pinagtabuyan.

13 Pagkatapos ay sinabi ng panginoon ng ubasan, ‘Anong gagawin ko? Susuguin ko ang minamahal kong anak, baka siya'y igagalang nila.’

14 Subalit nang makita siya ng mga magsasaka ay sinabi nila sa kanilang mga sarili, ‘Ito ang tagapagmana, patayin natin siya upang ang mana ay maging atin.’

15 Kaya't kanilang itinapon siya sa labas ng ubasan at pinatay. Ano kaya ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan?

16 Siya'y darating at pupuksain niya ang mga magsasakang ito, at ibibigay ang ubasan sa iba.” At nang marinig nila ito ay sinabi nila, “Huwag nawang mangyari.”

17 Subalit(D) tumingin siya sa kanila at sinabi, “Ano nga itong nasusulat,

‘Ang batong itinakuwil ng mga tagapagtayo
ay siyang naging batong panulok?’

18 Ang bawat mahulog sa ibabaw ng batong ito ay magkakadurug-durog, at dudurugin nito ang sinumang mabagsakan nito.”

19 Pinagsikapan siyang pagbuhatan ng kamay sa oras na iyon ng mga eskriba at ng mga punong pari, sapagkat nahalata nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila, subalit sila'y natakot sa taong-bayan.

Ang Katanungan tungkol sa Pagbabayad ng Buwis(E)

20 Kaya't siya'y minatyagan nila at nagsugo ng mga espiya na nagkunwaring matatapat, upang siya'y hulihin sa kanyang salita, para siya'y maibigay sa mga pinuno at awtoridad ng gobernador.

21 At kanilang tinanong siya, “Guro, nalalaman namin na ikaw ay nagsasabi at nagtuturo ng matuwid at wala kang pinapanigang tao, kundi itinuturo mo ayon sa katotohanan ang daan ng Diyos.

22 Nararapat bang kami ay magbuwis kay Cesar, o hindi?”

23 Subalit batid niya ang kanilang katusuhan at sinabi sa kanila,

24 “Ipakita ninyo sa akin ang isang denario. Kanino ang larawan at ang nakasulat dito?” At sinabi nila, “Kay Cesar.”

25 At sinabi niya sa kanila, “Kung gayo'y ibigay ninyo kay Cesar ang kay Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.”

26 At hindi nila nagawang hulihin siya sa kanyang salita sa harap ng mga taong-bayan. At sa pagkamangha nila sa kanyang sagot sila ay tumahimik.

Mga Awit 89:1-13

Maskil(A) ni Etan na Ezrahita.

89 Aking aawitin ang iyong tapat na pag-ibig magpakailanman, O Panginoon,
    sa pamamagitan ng aking bibig ay ipahahayag ko sa lahat ng salinlahi ang katapatan mo.
Sapagkat aking sinabi, ang tapat na pag-ibig ay matatatag kailanman,
    itatag mo sa mga langit ang iyong katapatan.

“Ako'y nakipagtipan sa aking hinirang,
    ako'y sumumpa kay David na aking lingkod:
‘Ang(B) mga binhi mo'y itatatag ko magpakailanman,
    at aking itatayo ang iyong trono para sa lahat ng salinlahi.’” (Selah)

Purihin nawa ng langit ang iyong mga kahanga-hangang gawa, O Panginoon,
    ang katapatan mo sa kapulungan ng mga banal!
Sapagkat sino sa langit ang maihahambing sa Panginoon?
    Sino sa mga nilalang sa langit ang gaya ng Panginoon,
isang Diyos na kinatakutan sa kapulungan ng mga banal,
    dakila at kakilakilabot kaysa lahat ng nasa palibot niya?
O Panginoong Diyos ng mga hukbo,
    sino ang makapangyarihang gaya mo, O Panginoon?
    Ang iyong katapatan ay nakapaligid sa iyo.
Iyong pinamumunuan ang pagngangalit ng dagat;
    kapag tumataas ang mga alon nito, ang mga iyon ay pinatatahimik mo.
10 Iyong dinurog ang Rahab na tulad sa pinatay,
    pinangalat mo ng iyong makapangyarihang bisig ang iyong mga kaaway.
11 Ang langit ay iyo, maging ang lupa ay iyo,
    ang sanlibutan at ang lahat ng narito ay itinatag mo.
12 Ang hilaga at ang timog ay iyong nilalang,
    ang Tabor at ang Hermon ay magalak na nagpuri sa iyong pangalan.
13 Ikaw ay may makapangyarihang bisig;
    malakas ang iyong kamay, mataas ang iyong kanang kamay.

Mga Kawikaan 13:15-16

15 Ang mabuting pagpapasiya'y nagbubunga ng pagpapala,
    ngunit ang lakad ng di-tapat ang kanilang ikasisira.
16 Sa bawat bagay ang matalinong tao ay gumagawang may kaalaman;
    ngunit ang hangal ay nagkakalat ng kanyang kahangalan.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001