Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Josue 19-20

Ang Ipinamana kay Simeon

19 Ang ikalawang lupain ay napabigay kay Simeon, sa lipi ng mga anak ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan, at ang kanilang pamana ay nasa gitna ng pamana sa lipi ni Juda.

At(A) tinanggap nilang pamana ang Beer-seba, Seba, Molada;

Hazar-shual, Bala, at Ezem;

Eltolad, Betul, Horma;

Siclag, Bet-marcabot, Hazar-susa,

Bet-lebaot, Saruhen: labintatlong lunsod at ang mga nayon nito;

Ain, Rimon, Eter, at Asan, apat na lunsod at mga nayon nito;

at ang lahat ng mga nayon na nasa palibot ng mga lunsod na ito hanggang sa Baalat-beer, Rama ng Negeb. Ito ang pamana sa lipi ni Simeon ayon sa kanilang mga angkan.

Ang pamana sa lipi ni Simeon ay bahagi ng nasasakupan ng anak ni Juda; sapagkat ang bahagi ng lipi ni Juda ay napakalaki para sa kanila; kaya't ang mga anak ni Simeon ay nagkaroon ng pamana sa loob ng kanilang pamana.

Ang Ipinamana kay Zebulon

10 At ang ikatlong lupain ay napabigay sa mga anak ni Zebulon ayon sa kanilang mga angkan. At ang nasasakupan ng kanilang pamana ay hanggang sa Sarid;

11 at ang kanilang hangganan ay paakyat sa kanluran sa Merala, at abot hanggang sa Dabeset at sa batis na nasa silangan ng Jokneam.

12 Mula sa Sarid, ito ay pabalik sa silangan sa dakong sinisikatan ng araw hanggang sa hangganan ng Cisilot-tabor, at palabas sa Daberat, at paakyat sa Jafia;

13 mula roon ito ay patuloy sa silangan sa Gat-hefer, sa Itkazin; at palabas sa Rimon hanggang sa Nea.

14 Sa hilaga, ang hangganan ay paliko patungo sa Hanaton; at ang dulo nito ay sa libis ng Iftael;

15 at sa Kata, Nahalal, Simron, Idala, Bethlehem: labindalawang lunsod at ang mga nayon nito.

16 Ito ang pamana sa mga anak ni Zebulon ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod at ang mga nayon nito.

Ang Ipinamana kay Isacar

17 Ang ikaapat na lupain ay napabigay kay Isacar, sa mga anak ni Isacar ayon sa kanilang mga angkan.

18 At ang kanilang nasasakupan ay ang sa Jezreel, Cesulot, Sunem,

19 Hafaraim, Zion, Anaharat,

20 Rabit, Kishion, Ebez,

21 Remet, En-ganim, En-hada, Bet-pazez,

22 at ang hangganan ay hanggang sa Tabor, Sahazuma, at Bet-shemes; at ang mga dulo ng hangganan ng mga iyon ay sa Jordan: labing-anim na lunsod at ang mga nayon nito.

23 Ito ang pamana sa lipi ng mga anak ni Isacar ayon sa kanilang mga angkan, ang mga bayan at mga nayon nito.

Ang Ipinamana kay Aser

24 At ang ikalimang lupain ay napabigay sa lipi ni Aser ayon sa kanilang mga angkan.

25 At ang kanilang nasasakupan ay Helcat, Hali, Beten, Acsaf,

26 Alamelec, Amad, Mishal; hanggang sa Carmel sa kanluran at sa Sihorlibnath;

27 at paliko sa sinisikatan ng araw sa Bet-dagon, hanggang sa Zebulon, at sa libis ng Iftael sa hilaga sa Bet-emec at Nehiel; at papalabas sa Cabul sa kaliwa;

28 Hebron, Rehob, Hamon, Cana, hanggang sa malaking Sidon.

29 Ang hangganan ay paliko sa Rama, at sa bayang nakukutaan ng Tiro; at ang hangganan ay paliko sa Hosa, at ang dulo nito ay sa dagat mula sa lupain ni Aczib;

30 gayundin ang Uma, Afec, at Rehob: dalawampu't dalawang lunsod at ang mga nayon nito.

31 Ito ang pamana sa lipi ni Aser ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod at mga nayon nito.

Ang Ipinamana kay Neftali

32 Ang ikaanim na lupain ay napabigay sa mga anak ni Neftali ayon sa kanilang mga angkan.

33 At ang hangganan nito ay mula sa Helef, mula sa ensina sa Saananim, at sa Adamineceb, at sa Jabneel, hanggang sa Lacum, at ang dulo niyon ay sa Jordan.

34 Ang hangganan ay paliko sa kanluran sa Aznot-tabor, at papalabas sa Hucuca mula roon; at hanggang sa Zebulon sa timog, at hanggang sa Aser sa kanluran, at sa Juda sa Jordan na dakong sinisikatan ng araw.

35 Ang mga lunsod na may pader ay Siddim, Ser, Hamat, Racat, Cineret,

36 Adama, Rama, Hazor,

37 Kedes, Edrei, En-hazor,

38 Iron, Migdal-el, Horem, Bet-anat, at Bet-shemes: labinsiyam na lunsod at ang mga nayon nito.

39 Ito ang pamana sa lipi ni Neftali ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod at ang mga nayon nito.

Ang Ipinamana kay Dan

40 Ang ikapitong lupain ay napabigay sa lipi ni Dan ayon sa kanilang mga angkan.

41 At ang nasasakupan ng kanilang pamana ay Sora, Estaol, Ir-semes,

42 Saalabin, Ailon, Jet-la,

43 Elon, Timna, Ekron,

44 Elteke, Gibeton, Baalat,

45 Jehud, Bene-berac, Gat-rimon,

46 Me-jarcon, Raccon at ang hangganan sa tapat ng Joppa.

47 Nang(B) ang nasasakupan ng mga anak ni Dan ay nawala sa kanila, ang mga anak ni Dan ay umahon at lumaban sa Lesem, at pagkatapos sakupin at patayin ng talim ng tabak, ay inangkin nila ito at nanirahan doon at tinawag ito ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ama.

48 Ito ang pamana sa lipi ni Dan ayon sa kanilang mga angkan, ang mga lunsod na ito at ang mga nayon nito.

Ang Mana ng mga Anak ni Josue ay ang Timnat-sera

49 Nang kanilang matapos ang pamamahagi ng lupain bilang pamana ayon sa mga hangganan niyon, ay binigyan ng mga anak ni Israel ng pamana si Josue na anak ni Nun sa gitna nila.

50 Ayon sa utos ng Panginoon ay kanilang ibinigay sa kanya ang lunsod na kanyang hiningi, ang Timnat-sera sa lupaing maburol ng Efraim; at kanyang muling itinayo ang lunsod at nanirahan doon.

51 Ito ang mga pamana na ipinamahagi ng paring si Eleazar at ni Josue na anak ni Nun, at ng mga pinuno ng mga sambahayan ng mga ninuno ng mga lipi ng mga anak ni Israel bilang pamana, sa pamamagitan ng palabunutan sa Shilo sa harap ng Panginoon sa pintuan ng toldang tipanan. Gayon nila tinapos ang paghahati-hati sa lupain.

Ang mga Lunsod-Kanlungan

20 At(C) ang Panginoon ay nagsalita kay Josue, na sinasabi,

“Sabihin mo sa mga anak ni Israel, ‘Pumili kayo ng lunsod-kanlungan na aking sinabi sa inyo sa pamamagitan ni Moises,

upang matakbuhan ng taong nakamatay nang walang balak o hindi sinasadya at magiging kanlungan ninyo laban sa tagapaghiganti sa dugo.

Siya'y tatakas patungo sa isa sa mga lunsod na iyon, at tatayo sa pasukan ng pintuan ng lunsod, at ipapaliwanag ang pangyayari sa pandinig ng matatanda sa lunsod na iyon. Kanilang dadalhin siya sa lunsod at kanilang bibigyan siya ng isang lugar upang siya'y manatiling kasama nila.

Kung siya'y habulin ng tagapaghiganti sa dugo, hindi nila ibibigay ang nakamatay sa kanyang kamay sapagkat kanyang napatay ang kanyang kapwa nang hindi sinasadya, at hindi niya kinapootan nang nakaraang panahon.

Siya'y mananatili sa lunsod na iyon, hanggang sa siya'y tumayo sa harap ng kapulungan upang hatulan, hanggang sa pagkamatay ng pinakapunong pari nang panahong iyon. Kung magkagayo'y uuwi ang nakamatay at babalik sa kanyang sariling bayan, at sa kanyang sariling bahay, sa lunsod na kanyang tinakasan.”

Kaya't kanilang ibinukod ang Kedes sa Galilea sa lupaing maburol ng Neftali, at ang Shekem sa lupaing maburol ng Efraim, at ang Kiryat-arba (na siyang Hebron) sa lupaing maburol ng Juda.

Sa kabila ng Jordan sa silangan ng Jerico, ay kanyang itinalaga ang Bezer sa ilang sa kapatagan, mula sa lipi ni Ruben, at ang Ramot sa Gilead na mula sa lipi ni Gad, at ang Golan sa Basan na mula sa lipi ni Manases.

Ito ang mga itinalagang lunsod sa lahat ng mga anak ni Israel, at sa dayuhang naninirahang kasama nila, na sinumang makamatay ng sinumang tao na hindi sinasadya, ay makakatakas patungo doon upang huwag mapatay ng kamay ng tagapaghiganti sa dugo, hanggang siya'y humarap sa kapulungan.

Lucas 19:28-48

Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem(A)

28 Nang masabi niya ang mga bagay na ito, nagpatuloy siya na umakyat tungo sa Jerusalem.

29 Nang siya'y malapit na sa Betfage at Betania, sa bundok na tinatawag na Olibo, ay sinugo niya ang dalawa sa mga alagad,

30 na sinasabi, “Pumunta kayo sa katapat na nayon at sa pagpasok ninyo roon, ay makikita ninyo ang isang nakataling batang asno na hindi pa nasasakyan ng tao. Kalagan ninyo iyon at dalhin ninyo rito.

31 At kung may magtanong sa inyo, ‘Bakit ninyo kinakalagan iyan? Ganito ang inyong sasabihin, ‘Kailangan siya ng Panginoon.’”

32 Ang mga sinugo ay pumunta at natagpuan ang ayon sa sinabi niya sa kanila.

33 Nang kinakalagan nila ang batang asno, ay sinabi sa kanila ng mga may-ari nito, ‘Bakit ninyo kinakalagan ang batang asno?’

34 At sinabi nila, “Kailangan ito ng Panginoon.”

35 Dinala nila ito kay Jesus at ipinatong nila ang kanilang mga damit sa batang asno at isinakay nila si Jesus doon.

36 At samantalang siya'y nakasakay, inilalatag ng mga tao[a] ang kanilang mga damit sa daan.

37 Nang malapit na siya sa libis ng bundok ng mga Olibo, ang lahat ng napakaraming mga alagad ay nagpasimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga makapangyarihang gawa na kanilang nakita,

38 na(B) sinasabi,

“Mapalad ang Hari
    na dumarating sa pangalan ng Panginoon!
Kapayapaan sa langit,
    at kaluwalhatian sa kataas-taasan!”

39 Ilan sa mga Fariseo na mula sa maraming tao ay nagsabi sa kanya, “Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.”

40 At sumagot siya, “Sinasabi ko sa inyo na kung tatahimik ang mga ito, ang mga bato'y sisigaw.”

Iniyakan ni Jesus ang Jerusalem

41 Nang malapit na siya at nakita ang lunsod, ito'y kanyang iniyakan,

42 na sinasabi, “Kung sa araw na ito ay alam mo sana ang mga bagay na tungo sa kapayapaan! Subalit ngayo'y nakakubli ito sa iyong mga mata.

43 Sapagkat darating sa iyo ang mga araw, na ang mga kaaway mo ay magtatayo ng muog sa palibot mo at papaligiran ka, at gigipitin ka sa bawat panig.

44 At ibabagsak ka sa lupa, ikaw at ang iyong mga anak na nasa iyo. Sa iyo'y hindi sila mag-iiwan ng bato sa ibabaw ng kapwa bato; sapagkat hindi mo kinilala ang panahon ng pagdalaw sa iyo.”

Nilinis ni Jesus ang Templo(C)

45 At pumasok siya sa templo, at pinasimulang itaboy sa labas ang mga nagtitinda,

46 na(D) sinasabi sa kanila, “Nasusulat,

‘Ang aking bahay ay magiging bahay-dalanginan,’
    subalit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw.”

47 Nagturo(E) siya araw-araw sa templo. Ngunit pinagsisikapan ng mga punong pari, ng mga eskriba, at ng mga pinuno ng bayan na siya'y patayin.

48 Ngunit wala silang nakitang magagawa nila, sapagkat nakatuon ang pansin ng buong bayan sa kanyang mga salita.

Mga Awit 88

Isang Awit. Awit ng mga Anak ni Kora. Sa Punong Mang-aawit: ayon sa Mahalath Leannoth. Maskil ni Heman na Ezrahita.

88 O Panginoon, Diyos ng aking kaligtasan,
    ako'y dumaing araw at gabi sa harap mo.
Paratingin mo nawa ang aking panalangin sa harapan mo,
    ang iyong pandinig sa aking daing ay ikiling mo!

Sapagkat ang aking kaluluwa ay punô ng mga kaguluhan,
    at papalapit sa Sheol ang aking buhay.
Ako'y ibinilang sa kanila na bumababa sa Hukay;
ako'y taong walang lakas,
gaya ng pinabayaan sa gitna ng mga patay,
    gaya ng pinatay na nakahiga sa libingan,
gaya ng mga hindi mo na inaalala,
    sapagkat sila'y inihiwalay sa iyong kamay.
Inilagay mo ako sa pinakamalalim na Hukay,
    sa madidilim na dako at kalaliman.
Ang iyong poot ay mabigat na sa akin ay nakapatong,
    at iyong sinaktan ako ng lahat mong mga alon. (Selah)

Pinalayo mo sa akin ang aking mga kasamahan;
    ginawa mo akong isang bagay na kanilang katatakutan.
Ako'y nakakulong upang ako'y hindi makatakas;
    dahil sa kalungkutan ay lumabo ang mata ko,
O Panginoon, araw-araw ay tumatawag ako sa iyo,
    aking iniabot sa iyo ang mga kamay ko.
10 Gagawa ka ba ng mga kababalaghan para sa mga patay?
    Ang mga patay ba ay babangon upang purihin ka? (Selah)

11 Ang iyo bang tapat na pag-ibig ay ipahahayag sa libingan,
    o sa Abadon ang iyong katapatan?
12 Ang iyo bang mga kababalaghan ay malalaman sa kadiliman,
    o ang iyong katuwiran sa lupain ng pagkalimot?

13 O Panginoon, ako sa iyo'y dumaraing,
    sa umaga'y dumarating sa harapan mo ang aking panalangin.
14 O Panginoon, bakit mo itinatakuwil ang aking kaluluwa?
    Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha sa akin?
15 Pinahihirapan at malapit sa kamatayan mula sa aking kabataan,
    tiniis ko ang pagkatakot sa iyo, wala akong kakayahan.
16 Ang iyong mabangis na poot ay dumaan sa akin,
    winasak ako ng iyong mga kakilakilabot na bagay.
17 Kanilang pinaligiran ako na gaya ng tubig sa buong araw;
    kinubkob nila akong magkakasama.
18 Inalis mo sa akin ang aking mangingibig at kaibigan,
    ang aking mga kasamahan ay nasa kadiliman.

Mga Kawikaan 13:12-14

12 Nagpapasakit ng puso ang pag-asang naaantala,
    ngunit punungkahoy ng buhay ang natupad na nasa.
13 Ang humahamak sa salita, sa sarili'y nagdadala ng kapahamakan,
    ngunit ang gumagalang sa utos ay gagantimpalaan.
14 Ang kautusan ng matalino ay bukal ng buhay,
    upang makaiwas ang tao sa mga bitag ng kamatayan.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001