Print Page Options Listen to Reading
Previous Prev Day Next DayNext

The Daily Audio Bible

This reading plan is provided by Brian Hardin from Daily Audio Bible.
Duration: 731 days

Today's audio is from the NIV. Switch to the NIV to read along with the audio.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Josue 15

Ang Ipinamana kay Juda

15 Ang naging lupain ng lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan ay hanggang sa hangganan ng Edom; hanggang sa ilang ng Zin sa kadulu-duluhang bahagi ng timog.

Ang kanilang hangganan sa timog ay mula sa kadulu-duluhang bahagi ng Dagat na Alat, mula sa look na nakaharap sa timog.

Ito'y papalabas sa dakong timog paakyat sa Acrabim, at patuloy sa Zin at paakyat sa timog ng Kadesh-barnea, at patuloy sa Hesron, at paakyat sa Adar, at paliko sa Carca;

at patuloy sa Azmon, at papalabas sa batis ng Ehipto, at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat: ito ang inyong magiging hangganan sa timog.

Ang hangganan sa silangan ay ang Dagat na Alat, hanggang sa bunganga ng Jordan. At ang hangganan sa hilaga ay mula sa look ng dagat na nasa bunganga ng Jordan:

at paakyat hanggang sa Bet-hogla, at patuloy sa hilaga ng Bet-araba; at ang hangganan ay paakyat sa bato ni Bohan na anak ni Ruben.

Ang hangganan ay paakyat sa Debir mula sa libis ng Acor, hanggang sa hilagang paharap sa dakong Gilgal, na nasa tapat ng paakyat sa Adumim, na nasa timog ng ilog: at ang hangganan ay patuloy sa tubig ng En-shemes, at ang mga labasan niyon ay sa En-rogel.

Ang hangganan ay paakyat sa libis ng anak ni Hinom hanggang sa Jebuseo sa timog (na siya ring Jerusalem): at ang hangganan ay paakyat sa taluktok ng bundok na naroroon sa harapan ng libis ng Hinom sa kanluran na nasa kadulu-duluhang bahagi ng libis ng Refaim sa hilaga.

Ang hangganan ay umaabot mula sa taluktok ng bundok hanggang sa bukal ng tubig ng Neftoa, at papalabas sa mga lunsod ng bundok ng Efron, at ang hangganan ay umaabot sa Baala (na siya ring Kiryat-jearim).

10 Ang hangganan ay paikot mula sa Baala sa kanluran hanggang sa bundok ng Seir, at patuloy sa tabi ng bundok Jearim sa hilaga (na siya ring Chesalon), at pababa sa Bet-shemes at patuloy sa Timna.

11 Ang hangganan ay papalabas sa tagiliran ng Ekron sa hilaga; at ang hangganan ay umaabot sa Siceron, at patuloy sa bundok ng Baala, at papalabas sa Jabneel; at ang mga labasan ng hangganan ay sa dagat.

12 Ang hangganan sa kanluran ay ang Malaking Dagat, at ang baybayin nito. Ito ang hangganan ng mga anak ni Juda sa palibot, ayon sa kanilang mga angkan.

Sinakop ni Caleb ang Hebron at Debir(A)

13 Ayon(B) sa kautusan ng Panginoon kay Josue, ay nagbigay siya kay Caleb na anak ni Jefone ng isang bahagi sa gitna ng mga anak ni Juda, samakatuwid ay ang Kiryat-arba, na siya ring Hebron, (si Arba ay naging ama ni Anak).

14 Pinalayas ni Caleb mula roon ang tatlong mga anak na lalaki ni Anak: sina Sesai, Ahiman, at Talmai, na mga anak ni Anak.

15 Siya'y umakyat mula roon laban sa mga taga-Debir: ang pangalan ng Debir nang una ay Kiryat-sefer.

16 At sinabi ni Caleb, “Ang sinumang makatalo sa Kiryat-sefer at sakupin ito, sa kanya ay ibibigay ko bilang asawa si Acsa na aking anak na babae.”

17 Sinakop ito ni Otniel na anak ni Kenaz, na kapatid ni Caleb; at ibinigay niya sa kanya bilang asawa si Acsa na kanyang anak na babae.

18 Nang si Acsa ay dumating sa kanya, kanyang hinimok siya na humingi sa kanyang ama ng isang parang; at siya'y bumaba sa kanyang asno at sinabi ni Caleb sa kanya, “Anong ibig mo?”

19 At kanyang sinabi, “Bigyan mo ako ng handog; yamang inilagay mo ako sa lupain ng Negeb ay bigyan mo rin ako ng mga bukal ng tubig.” At ibinigay ni Caleb sa kanya ang mga bukal sa itaas at ang mga bukal sa ibaba.

Ang mga Bayan ng Juda

20 Ito ang naging pamana sa lipi ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga angkan.

21 Ang mga kadulu-duluhang lunsod ng lipi ng mga anak ni Juda sa timog sa hangganan ng Edom ay ang Kabzeel, Eder, Jagur,

22 Cina, Dimona, Adada,

23 Kedes, Hazor, Itnan,

24 Zif, Telem, Bealot,

25 Hazor-hadata, Kiryot-hesron (na siya ring Hazor),

26 Amam, Shema, Molada,

27 Hazar-gada, Hesmon, Bet-pelet,

28 Hazar-shual, Beer-seba, Bizotia,

29 Baala, Iim, Ezem,

30 Eltolad, Cesil, Horma,

31 Siclag, Madmana, Sansana,

32 Lebaot, Silim, Ain, at Rimon: lahat ng mga lunsod ay dalawampu't siyam, pati ang mga nayon ng mga iyon.

33 Sa mababang lupain: Estaol, Sora, Asena,

34 Zanoa, En-ganim, Tapua, Enam,

35 Jarmut, Adullam, Socoh, Azeka,

36 Saaraim, Aditaim, Gedera, Gederotaim; labing-apat na lunsod pati ang kanilang mga nayon.

37 Senan, Hadasha, Migdal-gad;

38 Dilan, Mizpe, Jokteel,

39 Lakish, Boscat, Eglon,

40 Cabon, Lamas, Citlis;

41 Gederot, Bet-dagon, Naama at Makeda: labing-anim na bayan at ang kanilang mga nayon.

42 Libna, Eter, Asan,

43 Jifta, Asna, Nesib,

44 Keila, Aczib, at Maresha; siyam na lunsod at ang kanilang mga nayon.

45 Ekron at ang kanyang mga bayan at mga nayon,

46 mula sa Ekron hanggang sa dagat, lahat na nasa gilid ng Asdod at ang kanilang mga nayon.

47 Asdod, at ang kanyang mga bayan at mga nayon. Gaza, at ang kanyang mga bayan at mga nayon, hanggang sa batis ng Ehipto, at ang Malaking Dagat at ang kanyang baybayin.

48 Sa lupaing maburol, Samir, Jatir, Socoh,

49 Dana, Kiryat-sana (na siyang Debir),

50 Anab, Estemoa, Anim;

51 Goshen, Holon, at Gilo: labing-isang lunsod at ang kanilang mga nayon,

52 Arab, Duma, Eshan,

53 Janum, Bet-tapua, Afeca;

54 Humta, Kiryat-arba (na siyang Hebron), at Sior; siyam na lunsod at ang kanilang mga nayon.

55 Maon, Carmel, Zif, Juta,

56 Jezreel, Jocdeam, Zanoa,

57 Cain, Gibeah, at Timna: sampung lunsod at ang kanilang mga nayon.

58 Halhul, Bet-zur at Gedor,

59 Maarath, Bet-anot, at Eltecon; anim na lunsod at ang kanilang mga nayon.

60 Kiryat-baal (na siyang Kiryat-jearim), at Rabba: dalawang lunsod at ang kanilang mga nayon.

61 Sa ilang; Bet-araba, Midin, Secaca;

62 Nibsan, at ang Bayan ng Asin, at En-gedi: anim na lunsod at ang kanilang mga nayon.

63 Ngunit(C) ang mga Jebuseo na naninirahan sa Jerusalem ay hindi napalayas ng mga anak ni Juda; kaya't ang mga Jebuseo ay nanirahang kasama ng mga anak ni Juda sa Jerusalem hanggang sa araw na ito.

Lucas 18:18-43

Ang Mayamang Lalaki(A)

18 Tinanong siya ng isang pinuno, “Mabuting Guro, anong gagawin ko upang magmana ng buhay na walang hanggan?”

19 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang.

20 Nalalaman(B) mo ang mga utos: ‘Huwag kang mangalunya; Huwag kang pumatay; Huwag kang magnakaw; Huwag kang tumayong saksi sa kasinungalingan; Igalang mo ang iyong ama at ina.’”

21 At sinabi niya, “Tinupad ko ang lahat ng mga bagay na ito buhat pa sa aking pagkabata.”

22 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanya, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Anumang mayroon ka ay ipagbili mo, ipamahagi mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. At pumarito ka, sumunod ka sa akin.

23 Subalit nang marinig niya ang mga bagay na ito, siya'y nalungkot, sapagkat siya'y napakayaman.

24 Tumingin sa kanya si Jesus at sinabi, “Napakahirap sa mga may kayamanan ang pumasok sa kaharian ng Diyos!

25 Sapagkat madali pa sa isang kamelyo ang pumasok sa butas ng isang karayom, kaysa sa isang taong mayaman na pumasok sa kaharian ng Diyos.”

26 At sinabi ng mga nakarinig nito, “Sino kaya ang maliligtas?”

27 Subalit sinabi niya, “Ang mga bagay na hindi magagawa ng mga tao ay magagawa ng Diyos.”

28 Sinabi ni Pedro, “Tingnan mo, iniwan namin ang aming mga tahanan at sumunod sa iyo.”

29 At sinabi niya sa kanila, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman na nag-iwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Diyos,

30 na di tatanggap ng lalong higit pa sa panahong ito, at sa panahong darating ng buhay na walang hanggan.”

Ikatlong Pagsasalita ni Jesus tungkol sa Kanyang Kamatayan(C)

31 Isinama niya ang labindalawa at sinabi sa kanila, “Tingnan ninyo, umaahon tayo tungo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta tungkol sa Anak ng Tao ay matutupad.

32 Sapagkat siya'y ibibigay sa mga Hentil at siya'y lilibakin, hahamakin, at luluraan,

33 kanilang hahagupitin siya at papatayin at sa ikatlong araw siya ay muling mabubuhay.”

34 Ngunit wala silang naunawaan sa mga bagay na ito. Ang salitang ito ay naikubli sa kanila, at hindi nila naunawaan ang sinabi.

Pinagaling ni Jesus ang Bulag na Pulubi(D)

35 Nang malapit na siya sa Jerico, isang bulag ang nakaupo sa tabi ng daan na namamalimos.

36 At nang marinig niya ang maraming tao na dumaraan, nagtanong siya kung ano ang ibig sabihin nito.

37 Sinabi nila sa kanya na dumaraan si Jesus na taga-Nazaret.

38 At siya'y sumigaw, “Jesus! Anak ni David, maawa ka sa akin.”

39 Siya'y sinaway ng mga nasa unahan at sinabihan siyang tumahimik. Subalit siya'y lalong nagsisigaw, “Anak ni David, maawa ka sa akin.”

40 At si Jesus ay tumigil at ipinag-utos na dalhin ang tao[a] sa kanya. Nang lumapit ito ay kanyang tinanong,

41 “Anong ibig mong gawin ko sa iyo?” At sinabi niya, “Panginoon, ako sana'y muling makakita.”

42 Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tanggapin mo ang iyong paningin; pinagaling ka ng iyong pananampalataya.”

43 At kaagad na tinanggap niya ang kanyang paningin at sumunod sa kanya, na niluluwalhati ang Diyos. Nang makita ito ng buong bayan ay nagbigay puri sila sa Diyos.

Mga Awit 86

Panalangin ni David.

86 Ikiling mo ang iyong pandinig, O Panginoon, at ako'y sagutin mo,
    sapagkat dukha at nangangailangan ako.
Ingatan mo ang aking buhay, sapagkat ako'y banal na tao.
Ikaw na aking Diyos,
    iligtas mo ang iyong lingkod na nagtitiwala sa iyo.
O Panginoon, maawa ka sa akin,
    sapagkat sa buong araw sa iyo ako'y dumaraing.
Pasayahin mo ang kaluluwa ng lingkod mo,
    sapagkat sa iyo, O Panginoon itinataas ko ang kaluluwa ko.
Sapagkat ikaw, Panginoon, ay mabuti at mapagpatawad,
    sagana sa tapat na pag-ibig sa lahat ng sa iyo ay tumatawag.
Pakinggan mo, O Panginoon, ang aking panalangin,
    pakinggan mo ang tinig ng aking daing.
Sa araw ng aking kaguluhan ay tumatawag ako sa iyo;
    sapagkat sinasagot mo ako.

Walang gaya mo sa gitna ng mga diyos, O Panginoon;
    ni mayroong anumang mga gawang gaya ng sa iyo.
Lahat(A) ng mga bansa na iyong nilalang ay darating
    at sasamba sa harapan mo, O Panginoon;
    at ang iyong pangalan ay kanilang luluwalhatiin.
10 Sapagkat ikaw ay dakila at gumagawa ng kahanga-hangang mga bagay,
    ikaw lamang ang Diyos.
11 O Panginoon, ituro mo sa akin ang iyong daan,
    upang makalakad ako sa iyong katotohanan;
    ilakip mo ang aking puso upang matakot sa iyong pangalan.
12 Nagpapasalamat ako sa inyo ng buong puso, O Panginoon kong Diyos,
    at luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailanman.
13 Sapagkat dakila ang iyong tapat na pagsinta sa akin;
    sa kalaliman ng Sheol ay iniligtas mo ang aking kaluluwa.

14 O Diyos, ang mga taong mayabang ay nagbangon laban sa akin,
    isang pangkat ng malulupit na tao ang nagtatangka sa aking buhay,
    at hindi ka nila isinaalang-alang sa harapan nila.
15 Ngunit ikaw, O Panginoon, ay Diyos na mahabagin at mapagbiyaya,
    banayad sa pagkagalit, sa tapat na pag-ibig at katapatan ay sagana.
16 Lingunin mo ako, maawa ka sa akin;
    ibigay mo ang lakas mo sa iyong lingkod,
    at iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda para sa kabutihan,
    upang makita ng mga napopoot sa akin at mapahiya,
    sapagkat ikaw, Panginoon, ay tumulong at umaliw sa akin.

Mga Kawikaan 13:9-10

Ang ilaw ng matuwid ay natutuwa,
    ngunit ang tanglaw ng masama ay mawawala.
10 Sa kapalaluan, ang suwail ay lumilikha ng gulo,
    ngunit ang karunungan ay nasa mga tumatanggap ng payo.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001