Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 14

Tumutol ang buong kapisanan.

14 At ang buong kapisanan ay naglakas ng kanilang tinig, (A)at humiyaw; at ang bayan ay umiyak ng gabing yaon.

(B)At inupasala ng lahat ng mga anak ni Israel si Moises at si Aaron: at sinabi sa kanila ng buong kapisanan, Nangamatay na sana tayo sa lupain ng Egipto! o kaya'y nangamatay na sana tayo sa ilang na ito!

At bakit kaya tayo dinala ng Panginoon sa lupaing ito, upang tayo'y mabuwal sa tabak? Ang ating mga asawa at ang ating mga anak ay magiging mga huli: hindi ba magaling sa atin na tayo'y magbalik sa Egipto?

At nagsang-usapan sila, (C)Tayo'y maglagay ng isang kapitan at tayo'y (D)magbalik sa Egipto.

Nang magkagayon, si (E)Moises at si Aaron ay nagpatirapa sa harap ng buong kapulungan na kapisanan ng mga anak ni Israel.

At hinapak ni Josue na anak ni Nun, at ni Caleb na anak ni Jephone, na mga kasamang tumiktik sa lupain, ang kanilang mga suot:

At sinalita nila sa buong kapisanan ng mga anak ni Israel, na sinasabi, (F)Ang lupain na aming dinaanan upang tiktikan ay isang napakainam na lupain.

Kung (G)kalulugdan tayo ng Panginoon ay dadalhin nga niya tayo sa lupaing yaon, at ibibigay niya sa atin; na yao'y (H)lupaing binubukalan ng gatas at pulot.

Huwag lamang kayong manghimagsik laban sa Panginoon, (I)ni matakot sa bayan ng lupaing yaon, (J)sapagka't sila'y tinapay sa atin; ang kaniyang kalinga ay inilayo sa kanila, at ang Panginoon ay (K)sumasaatin: huwag kayong matakot sa kanila.

10 (L)Datapuwa't tinangka ng buong kapisanan na pagbatuhanan sila. (M)At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa tabernakulo ng kapisanan sa lahat ng mga anak ni Israel.

Ang babala ng Panginoon at ang pamamagitan ni Moises.

11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (N)Hanggang kailan hahamakin ako ng bayang ito? at (O)hanggang kailan hindi sila mananampalataya sa akin, sa lahat ng mga tanda na aking ginawa sa kanila?

12 Aking sasaktan sila ng salot, at hindi ko sila pamamanahan at (P)gagawin kita na isang bansang malaki at matibay kay sa kanila.

13 (Q)At sinabi ni Moises sa Panginoon, Kung gayo'y mababalitaan ng mga taga Egipto; sapagka't isinampa mo ang bayang ito ng iyong kapangyarihan sa gitna nila;

14 At kanilang sasaysayin sa mga tumatahan sa lupaing ito. (R)Kanilang nabalitaan na ikaw Panginoon, ay nasa gitna ng bayang ito; sapagka't ikaw Panginoon, ay napakita ng mukhaan, (S)at ang iyong ulap ay nakatindig sa ibabaw ng mga yaon, at ikaw ay nangunguna sa kanila, sa isang haliging ulap sa araw, at sa isang haliging apoy sa gabi.

15 Kung iyong papatayin nga ang bayang ito na parang isang tao, ay magsasalita nga ang mga bansang nakabalita ng iyong kabantugan na sasabihin,

16 (T)Sapagka't hindi madadala ng Panginoon ang bayang ito sa lupain, na kaniyang isinumpa sa kanila, kaya't kaniyang pinatay sila sa ilang.

17 At ngayon, idinadalangin ko sa iyo, na itulot mo na ang kapangyarihan ng Panginoon ay maging dakila, ayon sa iyong sinalita, na sinasabi,

18 Ang Panginoon ay (U)banayad sa pagkagalit at sagana sa kaawaan, na nagpapatawad ng kasamaan at ng pagsalangsang; at sa anomang paraan ay hindi aariing walang muang ang may sala, na (V)dinadalaw ang kasamaan ng mga ama sa mga anak sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng lahi.

19 (W)Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo, ang kasamaan ng bayang ito (X)ayon sa kalakhan ng iyong kaawaan, at (Y)ayon sa iyong pagkapatawad sa bayang ito, mula sa Egipto hanggang ngayon.

20 At sinabi ng Panginoon, Aking pinatawad (Z)ayon sa iyong salita:

21 Nguni't tunay, na kung paanong ako'y buháy at kung paanong mapupuspos ng (AA)kaluwalhatian ng Panginoon ang buong lupa:

22 (AB)Sapagka't ang lahat ng taong yaon na nakakita ng aking kaluwalhatian at ng aking mga tanda, na aking ginawa sa Egipto at sa ilang ay tinukso pa rin ako nitong (AC)makasangpu, at hindi dininig ang aking tinig;

23 (AD)Tunay na hindi nila makikita ang lupain na aking isinumpa sa kanilang mga magulang, ni sinoman sa kanila na humamak sa akin ay hindi makakakita:

24 Kundi ang (AE)aking lingkod na si Caleb, sapagka't siya'y nagtaglay ng ibang diwa (AF)at siya'y sumunod na lubos sa akin, ay aking dadalhin siya sa lupain na kaniyang pinaroonan; at aariin ng kaniyang lahi.

25 Ngayon nga'y ang mga (AG)Amalecita at ang mga Cananeo ay tumatahan sa libis: bukas ay magbalik kayo at (AH)kayo'y pasa ilang sa daang patungo sa Dagat na Mapula.

Apat na pung taon na magiging gala.

26 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi,

27 (AI)Hanggang kailan titiisin ko ang masamang kapisanang ito, na naguupasala laban sa akin? Aking narinig ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel na kanilang inuupasala laban sa akin.

28 Sabihin mo sa kanila, (AJ)Ako'y buháy, sabi ng Panginoon, tunay na (AK)kung paano ang sinalita ninyo sa aking pakinig ay gayon ang gagawin ko sa inyo:

29 Ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito; at yaong (AL)lahat na nangabilang sa inyo ayon sa inyong kabuoan ng bilang, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda na nag-upasala laban sa akin,

30 Ay tunay na hindi kayo papasok sa lupaing (AM)pinagtaasan ko ng aking kamay, na patatahanan ko sana sa inyo, (AN)maliban si Caleb na anak ni Jephone, at si Josue na anak ni Nun.

31 (AO)Nguni't ang inyong mga bata, na inyong sinabing magiging mga huli ay aking papapasukin, at kanilang makikilala ang lupain na (AP)inyong itinakuwil.

32 (AQ)Nguni't tungkol sa inyo, ang inyong mga bangkay ay mangabubuwal sa ilang na ito.

33 At ang inyong mga anak ay magiging gala sa ilang na (AR)apat na pung taon, at kanilang (AS)tataglayin ang inyong pakikiapid, hanggang sa ang inyong mga bangkay ay matunaw sa ilang.

34 (AT)Ayon sa bilang ng mga araw na inyong itiniktik sa lupain, sa makatuwid baga'y apat na pung araw, (AU)sa bawa't araw ay isang taon, ay inyong (AV)tataglayin ang inyong mga kasamaan, na apat na pung taon, at inyong makikilala ang pagsira ko ng kapangakuan.

35 Akong Panginoon ang nagsalita, tunay na ito'y aking gagawin sa buong masamang kapisanang (AW)ito, na nagpipisan laban sa akin: sa ilang na ito matutunaw sila, at diyan sila mamamatay.

36 (AX)At ang mga lalake, na sinugo ni Moises upang tumiktik ng lupain, na nagsipagbalik, at nagpaupasala ng buong kapisanan laban sa kaniya sa paghahatid ng masamang balita laban sa lupain,

37 Sa makatuwid baga'y ang mga taong yaon na nagsipaghatid ng masamang balita ng lupain, ay (AY)nangamatay sa salot sa harap ng Panginoon.

38 (AZ)Nguni't si Josue na anak ni Nun, at si Caleb na anak ni Jephone, ay naiwang buháy sa mga taong yaon na nagsiparoong tumiktik ng lupain.

Hinabol hanggang sa Horma.

39 At sinaysay ni Moises ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel: at (BA)ang bayan ay tumaghoy na mainam.

40 At sila'y bumangong maaga sa kinaumagahan, at umakyat sila sa taluktok ng bundok, na sinasabi, Narito (BB)kami, at kami ay aakyat sa dakong ipinangako ng Panginoon: sapagka't kami ay nagkasala.

41 At sinabi ni Moises, Bakit sinasalangsang ninyo ngayon ang (BC)utos ng Panginoon, sa bagay ay hindi ninyo ikasusulong?

42 (BD)Huwag kayong umakyat, sapagka't ang Panginoon ay wala sa gitna ninyo; upang huwag kayong masaktan sa harap ng inyong mga kaaway.

43 Sapagka't nandoon ang mga (BE)Amalecita at ang mga Cananeo sa harap ninyo, at kayo'y mangabubuwal sa tabak: sapagka't kayo'y humiwalay sa pagsunod sa Panginoon, kaya't ang Panginoon ay wala sa inyo.

44 (BF)Nguni't sila'y nagpumilit umakyat sa taluktok ng bundok: gayon ma'y ang (BG)kaban ng tipan ng Panginoon, at si Moises ay hindi nagsilabas sa kampamento.

45 Nang (BH)magkagayon ang mga Amalecita ay bumaba at ang mga Cananeo na tumatahan sa bundok na yaon, ay sinaktan sila at nilupig silang hinabol, hanggang sa (BI)Horma.

Mga Awit 50

Ang Panginoon ang hahatol sa matuwid at sa masama. (A)Awit ni Asaph.

50 Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita,
At tinawag ang lupa (B)mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon.
Mula sa Sion na (C)kasakdalan ng kagandahan,
(D)Sumilang ang Dios.
Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik;
(E)Isang apoy na mamumugnaw sa harap niya,
At magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.
(F)Siya'y tatawag sa langit sa itaas,
At sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan:
Pisanin mo ang (G)aking mga banal sa akin;
(H)Yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain.
At (I)ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran;
Sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah)
(J)Iyong dinggin, Oh aking bayan, at ako'y magsasalita;
Oh Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo:
(K)Ako'y Dios, iyong Dios.
(L)Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain;
At ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko.
(M)Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay,
Ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan.
10 Sapagka't bawa't hayop sa gubat ay akin,
At ang hayop sa libong burol.
11 Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok:
At (N)ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin.
12 Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo:
(O)Sapagka't ang sanglibutan ay akin, at ang buong narito.
13 Kakanin ko ba ang laman ng mga toro,
O iinumin ang dugo ng mga kambing?
14 (P)Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat:
At (Q)tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan:
15 At (R)tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan;
Ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako.
16 Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios,
Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan,
At iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig?
17 Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo,
At iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo.
18 Pagka nakakita ka ng magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya,
At naging kabahagi ka ng mga mapangalunya.
19 Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan,
At ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan.
20 Ikaw ay nauupo, at (S)nagsasalita laban sa iyong kapatid;
Iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina.
21 Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, (T)at ako'y tumahimik;
Iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo:
Nguni't sasawayin kita, at (U)aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata.
22 Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios,
Baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas:
23 (V)Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin;
At sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap
Aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.

Isaias 3-4

Kailangang matigil ang pagkaidolatria ng Israel.

Sapagka't, narito, ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay (A)nagaalis sa Jerusalem at sa Juda (B)ng alalay at tungkod, ng buong alalay na tinapay at ng buong alalay na tubig;

Ng makapangyarihang lalake, at ng lalaking mangdidigma; ng hukom, at ng propeta, at ng manghuhula, at ng matanda;

Ng kapitan ng lilimang puin, at ng marangal na tao, at ng tagapayo, at ng bihasang manggagawa, at ng matalinong mangeenkanto.

At mga bata ang (C)ilalagay kong maging kanilang mga pangulo, at mga sanggol ang magpupuno sa kanila.

At ang bayan ay mapipighati, bawa't isa'y ng iba, at bawa't isa'y ng kaniyang kapuwa: ang bata ay magpapalalo laban sa matanda at ang hamak laban sa marangal.

(D)Pagka ang lalake ay hahawak sa kaniyang kapatid sa bahay ng kaniyang ama, na magsasabi: Ikaw ay may damit, ikaw ay maging aming pinuno, at ang pagkabagsak ito ay mapasa ilalim ng iyong kamay:

Sa araw na yaon ay manglalakas siya ng kaniyang tinig, na magsasabi, Hindi ako magiging tagapagpagaling; sapagka't sa aking bahay ay wala kahit tinapay o damit man; huwag ninyo akong gawing pinuno ng bayan.

Sapagka't ang Jerusalem ay giba, at ang Juda ay bagsak: sapagka't ang kanilang dila at ang kanilang mga gawa ay laban sa Panginoon, upang mungkahiin ang mga mata niyang maluwalhati.

Ang kanilang pagtatangi ng mga tao ay sumasaksi laban sa kanila; at kanilang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan na (E)gaya ng Sodoma, hindi nila ikinukubli. Sa aba ng kanilang kaluluwa! sapagka't sila'y nagsiganti ng kasamaan sa kanilang sarili.

10 Sabihin ninyo sa matuwid, (F)na ikabubuti niya: (G)sapagka't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang mga gawa.

11 Sa aba ng masama! ikasasama niya: (H)sapagka't ang kagantihan sa kaniyang mga kamay ay mabibigay sa kaniya.

12 Tungkol sa aking bayan, (I)mga bata ang mga mamimighati sa kanila, at mga babae ang mangagpupuno sa kanila. Oh bayan ko, (J)silang nagsisipatnubay sa iyo, mangagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas.

13 Ang Panginoon ay tumayo (K)upang magsanggalang, at tumayo upang humatol sa mga bayan.

14 (L)Ang Panginoon ay hahatol sa mga matanda ng kaniyang bayan, at sa mga pangulo niyaon; Kayo ang nagkainan sa ubasan: ang samsam sa dukha ay nasa inyong mga bahay;

15 Anong ibig ninyong sabihin (M)na inyong dinidikdik ang aking bayan, at inyong ginigiling ang mukha ng dukha? sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

Sinumpa ang hangal na babae.

16 Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, (N)Sapagka't ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa:

17 Kaya't papaglalangibin ng Panginoon ang bao ng ulo ng mga anak na babae ng Sion, at huhubdan ng Panginoon ang kanilang mga lihim na bahagi.

18 (O)Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas ng paa, at (P)ang mga hiyas ng ulo, at ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan;

19 Ang mga hikaw, at ang mga pulsera, at ang mga lambong na pangmukha;

20 Ang mga laso ng buhok, at ang mga kuwintas sa bukong-bukong, at ang mga pamigkis, at ang mga sisidlan ng pabango, at ang mga amuleto;

21 Ang mga singsing, at ang mga hiyas na pang-ilong;

22 Ang mga damit na pamista, at ang mga balabal, at ang mga panleeg, at ang mga supot;

23 Ang mga maliit na salamin, at ang mainam na kayong lino, at ang mga turbante, at ang mga lambong.

24 At mangyayari na sa halip na mga mainam na especia ay kabulukan; at sa halip na pamigkis ay panali; at sa halip na buhok na ayos ay kakalbuhan; at sa halip na pamigkis na mainam ay (Q)pamigkis na kayong magaspang; hero sa halip ng kagandahan.

25 Ang iyong mga lalake ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong mga makapangyarihan ay sa pakikipagdigma.

26 At ang kaniyang mga pintuang-bayan ay (R)tataghoy at magsisitangis; at siya'y magiging giba at (S)guho sa lupa.

Hangal na babae (karugtong).

At pitong babae ay (T)magsisihawak sa isang lalake sa araw na yaon, na mangagsasabi, Kami ay magsisikain ng aming sariling tinapay, at mangagsusuot ng aming sariling kasuutan: tawagin lamang kami sa iyong pangalan; alisin mo ang aming kadustaan.

Ang mga natira ay maliligtas.

Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati (U)ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan.

At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, (V)tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't (W)nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem:

(X)Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion, at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan, at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas.

At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang (Y)ulap at usok sa araw, at ng (Z)liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo.

At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at (AA)upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.

Mga Hebreo 11

11 Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay (A)na hindi nakikita.

Sapagka't (B)sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan.

Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag (C)sa pamamagitan ng salita ng Dios, (D)ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita.

Sa pananampalataya si (E)Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain, sa pamamagitan nito'y sinaksihan sa kaniyang siya'y matuwid, na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob: at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa.

Sa pananampalataya si (F)Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan; at hindi siya nasumpungan, sapagka't siya'y inilipat ng Dios: sapagka't bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya'y naging kalugodlugod sa Dios:

At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.

Sa pananampalataya si Noe, (G)nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong (H)sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay (I)hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng (J)katuwiran na ayon sa pananampalataya.

Sa pananampalataya si (K)Abraham, nang tawagin, ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana; at siya'y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon.

Sa pananampalataya siya'y naging manglalakbay sa lupang pangako, na gaya sa hindi niya sariling lupa, (L)at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob, na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya:

10 Sapagka't (M)inaasahan niya ang bayang (N)may mga kinasasaligan, na ang nagtayo at (O)gumawa ay ang Dios.

11 Sa pananampalataya (P)si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi, nang lipas na ang kaniyang gulang, palibhasa'y inari niyang tapat ang nangako:

12 Kaya naman (Q)sumibol sa isa, sa kaniya (R)na tila patay na, ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan, at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat.

13 Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't (S)kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga (T)ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.

14 Sapagka't ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili.

15 At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik.

16 Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng (U)Dios (V)na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda (W)sila ng isang bayan.[a]

17 Sa pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay inihandog si Isaac: oo, siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak;

18 Sa makatuwid baga'y yaong pinagsabihan, (X)Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi:

19 Na inisip na (Y)maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang (Z)halimbawa.

20 Sa pananampalataya'y (AA)binasbasan ni Isaac si Jacob at si Esau, tungkol sa mga bagay na darating.

21 Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay (AB)binasbasan niya ang bawa't isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod.

22 Sa pananampalataya, nang malapit nang mamatay si (AC)Jose, ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto.

23 Sa pananampalataya, nang ipanganak si Moises, (AD)ay itinagong tatlong buwan ng kaniyang mga magulang, sapagka't kanilang nakitang maganda ang bata; at hindi sila natakot sa utos ng hari.

24 Sa pananampalataya, nang lumaki na si (AE)Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon;

25 Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala;

26 Na inaring malaking kayamanan (AF)ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay (AG)ang gantingpalang kabayaran.

27 Sa pananampalataya'y (AH)iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang (AI)tulad sa nakakita niyaong di nakikita.

28 Sa pananampalataya'y itinatag niya ang paskua, (AJ)at ang pagwiwisik ng dugo, upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin.

29 Sa pananampalataya'y nagsipagdaan sila sa gitna (AK)ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo: na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod.

30 Sa pananampalataya'y (AL)nangalagpak ang mga kuta ng Jerico, pagkatapos na makubkob na pitong araw.

31 Sa pananampalataya'y (AM)hindi napahamak na kasama ng mga manunuway, ang patutot na si Rahab, na tumanggap na payapa sa mga tiktik.

32 At ano pa ang aking sasabihin? sapagka't kukulangin ako ng panahon kung sasaysayin ko ang (AN)tungkol kay Gideon, (AO)kay Barac, (AP)kay Samson, (AQ)kay Jefte; tungkol kay (AR)David, at (AS)kay Samuel at sa mga propeta:

33 Na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalataya'y (AT)nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, (AU)nangagtamo ng mga pangako, (AV)nangagtikom ng mga bibig ng mga leon,

34 Nagsipatay (AW)ng bisa ng apoy, (AX)nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka, (AY)nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa.

35 (AZ)Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli: at ang iba'y nangamatay sa hampas, na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli:

36 At ang iba'y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman:

37 Sila'y pinagbabato, (BA)pinaglagari, pinagtutukso, pinagpapatay sa tabak: (BB)sila'y nagsilakad na paroo't parito na may balat ng mga tupa't kambing: na mga salat, nangapipighati, tinatampalasan

38 ((BC)Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan), na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa.

39 At ang lahat ng mga ito, (BD)nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi (BE)kinamtan ang pangako,

40 Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging (BF)sakdal ng bukod sa atin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978