Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 11

Nagbulongbulongan ang mga tao at nalungkot si Moises.

11 At (A)ang bayan ay naging parang mapag-upasala na nagsalita ng masasama sa pakinig ng Panginoon: at nang marinig ng Panginoon ay nagningas ang kaniyang galit; (B)at ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila, at sinupok ang kahulihulihang bahagi ng kampamento.

At ang bayan ay humibik kay Moises; at si Moises ay (C)nanalangin sa Panginoon at ang apoy ay namatay.

At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Tabera: sapagka't ang apoy ng Panginoon ay sumunog sa gitna nila.

At (D)ang halohalong karamihan na nasa gitna nila ay nahulog sa kasakiman: at ang mga anak ni Israel naman ay muling umiyak at nagsabi, (E)Sino ang magbibigay sa atin ng karneng makakain?

(F)Ating naaalaala ang isda, na ating kinakain sa Egipto na walang bayad; ang mga pipino, at ang mga milon, at ang mga puero, at ang mga sibuyas, at ang bawang:

Nguni't ngayo'y ang ating kaluluwa ay natutuyo; walang kaanoanoman: sa ating harapan ay walang anoman kundi ang manang ito.

At ang (G)mana ay gaya ng butil ng culantro, at ang kulay niyaon ay gaya ng kulay ng (H)bdelio.

Ang bayan ay dumadaan sa palibot, at pinupulot yaon, at kanilang ginigiling sa mga gilingan, o kanilang dinidikdik sa mga lusong, at kanilang niluluto sa mga palyok, at ginagawa nilang munting tinapay at ang (I)lasa ay gaya ng lasa ng bagong langis.

(J)At pagka ang hamog ay nahuhulog sa ibabaw ng kampamento sa gabi, ang mana ay nahuhulog.

10 At narinig ni Moises ang pag-iiyakan ng bayan sa kanikaniyang sangbahayan, na bawa't lalake ay nasa pintuan ng kaniyang tolda; at ang galit ng Panginoon ay nagningas na mainam; at sumama ang loob ni Moises.

11 At sinabi ni Moises sa Panginoon, (K)Bakit mo ginawan ng masama ang iyong lingkod? at bakit hindi ako nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, na iyong iniatang sa akin ang pasan ng buong bayang ito.

12 Akin ba kayang ipinaglihi ang buong bayang ito? ipinanganak ko ba upang iyong sabihin sa akin, (L)Kandungin mo sila sa iyong kandungan, na (M)gaya ng nag-aalagang magulang na kinakandong ang kaniyang batang pasusuhin, sa lupain na iyong (N)isinumpa sa kanilang mga magulang?

13 (O)Saan ako kukuha ng karne upang ibigay sa buong bayang ito? sapagka't sila'y umiyak sa akin, na nagsisipagsabi, Bigyan mo kami ng karneng aming makain.

14 (P)Hindi ko kayang dalhing magisa ang buong bayang ito, sapagka't totoong mabigat sa akin.

15 At kung ako'y ginagawan mo ng ganito ay patayin mo na ako, (Q)ipinamamanhik ko sa iyo, kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin; at (R)huwag ko nang makita ang aking kahirapan.

Pitongpung lalake sa mga matatanda ang kinatulong ni Moises.

16 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo sa akin ang (S)pitong pung lalake sa mga matanda sa Israel, sa iyong mga nalalaman na mga matanda sa bayan at mga (T)nangungulo sa kanila; at dalhin mo sa tabernakulo ng kapisanan, upang sila'y makatayo roon na kasama mo.

17 At (U)ako'y bababa at makikipag-usap sa iyo doon; at ako'y kukuha sa Espiritung sumasaiyo (V)at aking isasalin sa kanila; at kanilang dadalhin ang (W)pasan ng bayan na kasama mo, upang huwag mong dalhing magisa.

18 At sabihin mo (X)sa bayan, Magpakabanal kayo, para sa kinabukasan, at kayo'y magsisikain ng karne: sapagka't kayo'y nagsisiiyak sa pakinig ng Panginoon, na sinasabi, Sinong magbibigay sa amin ng karne na aming makakain? sapagka't maigi kahit nang nasa Egipto: dahil dito bibigyan kayo ng Panginoon ng karne at kakain kayo.

19 Hindi ninyo kakaning isang araw, ni dalawang araw, ni limang araw, ni sangpung araw, ni dalawang pung araw;

20 Kundi isang buong buwan, (Y)hanggang sa lumabas sa inyong mga ilong, at inyong kasuyaan: sapagka't inyong itinakuwil ang Panginoon na nasa gitna ninyo, at kayo'y umiyak sa harap niya, na nagsasabi, (Z)Bakit kami nakaalis sa Egipto?

21 At sinabi ni (AA)Moises, Ang bayan na kinaroroonan ko, ay anim na raang libong katao na nakatayo; at iyong sinabi, Akin silang bibigyan ng karne na kanilang makakain sa buong buwan.

22 Papatayin ba kaya ang mga kawan at mga bakahan, upang magkasya sa kanila? o ang lahat ng isda sa dagat at titipunin sa kanila upang magkasya sa kanila?

23 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (AB)Umikli na ba kaya ang kamay ng Panginoon? ngayo'y (AC)makikita mo kung ang aking salita ay matutupad sa iyo o hindi.

24 At si Moises ay lumabas, (AD)at isinaysay sa bayan ang mga salita ng Panginoon: at siya'y nagpisan ng pitong pung lalake sa mga matanda sa bayan at kaniyang pinatayo sa palibot ng Tolda.

25 At ang (AE)Panginoon ay bumaba sa ulap, at nagsalita sa kaniya; at kumuha sa Espiritung sumasakaniya at isinalin sa pitong pung matanda: at nangyari, na nang sumakanila ang Espiritu, ay nanganghula, nguni't hindi na sila umulit.

Eldad at si Medad.

26 Nguni't naiwan ang dalawang lalake sa kampamento, na ang pangalan ng isa ay Eldad, at ang pangalan ng isa ay Medad: at ang Espiritu ay sumasakanila; at sila'y kabilang sa nangasulat, nguni't (AF)hindi nagsilabas sa Tolda: at sila'y nanghula sa kampamento.

27 At tumakbo ang isang binata, at isinaysay kay Moises, at sinabi, Si Eldad at si Medad ay nanghuhula sa kampamento.

28 At si (AG)Josue na anak ni Nun, na tagapangasiwa ni Moises, na isa sa kaniyang mga piling lalake, ay sumagot at nagsabi, Panginoon kong Moises, (AH)pagbawalan mo sila.

29 At sinabi ni Moises sa kaniya, Ikaw ba'y may paninibugho sa akin? (AI)ibigin nawa na ang buong bayan ng Panginoon ay maging propeta na isakanila ng Panginoon ang kaniyang Espiritu!

30 At naparoon si Moises sa kampamento, siya at ang mga matanda sa Israel.

Ipinadala ang mga pugo na kasama ang salot.

31 (AJ)At lumabas ang isang hanging galing sa Panginoon, at nagdala ng mga pugo na mula sa dagat, at pinalapag sa kampamento na may isang araw lakarin sa dakong ito, at isang araw lakarin sa kabilang dako sa palibot ng kampamento, at nagsilipad na may dalawang siko ang taas sa balat ng lupa.

32 At ang bayan ay nangakatindig ng buong araw na yaon at ng buong gabi, at ng buong ikalawang araw, at nagsipanghuli ng mga pugo; yaong kaunti ang napisan ay nakapisan ng sangpung (AK)homer: at kanilang ikinalat para sa kanila sa buong palibot ng kampamento.

33 (AL)Samantalang ang karne ay nasa kanilang mga ngipin pa, na hindi pa nila nangunguya ay nagningas laban sa bayan ang galit ng Panginoon at sinaktan ng Panginoon ang bayan ng isang salot na di kawasa.

34 At ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Kibroth-hattaavah; sapagka't doon inilibing nila ang bayang sakim.

35 (AM)Mula sa Kibroth-hattaavah ay naglakbay ang bayan na patungo sa Haseroth; at sila'y tumira sa Haseroth.

Mga Awit 48

Awit; Salmo ng mga anak ni Core.

48 Dakila ang Panginoon, at marapat pakapurihin,
(A)Sa bayan ng aming Dios, sa kaniyang (B)banal na bundok.
(C)Maganda sa kataasan, ang kagalakan ng buong (D)lupa,
Siyang bundok ng Sion, sa mga dako ng hilagaan,
(E)Na bayan ng dakilang Hari.
Ang Dios ay napakilala sa kaniyang mga bahay-hari, na pinakakanlungan.
Sapagka't narito, ang mga hari ay nagpupulong,
Sila'y nagsidaang magkakasama.
Kanilang nakita, nagsipanggilalas nga sila;
Sila'y nanganglupaypay, sila'y (F)nangagmadaling tumakas.
(G)Panginginig ay humawak sa kanila roon;
Sakit, gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.
(H)Sa pamamagitan ng hanging silanganan
Iyong binabasag ang mga sasakyan sa Tharsis.
Kung ano ang aming narinig, ay gayon ang aming nakita
Sa (I)bayan ng Panginoon ng mga hukbo, sa bayan ng aming Dios:
(J)Itatatag ito ng Dios magpakailan man. (Selah)
Aming inaalaala ang iyong kagandahang-loob, Oh Dios,
Sa gitna ng iyong templo.
10 Kung ano ang (K)iyong pangalan, Oh Dios,
Gayon ang pagpuri sa iyo hanggang sa mga wakas ng lupa;
Ang iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
11 Matuwa ka bundok ng Sion,
Magalak ang mga (L)anak na babae ng Juda,
Dahil sa iyong mga kahatulan.
12 Libutin ninyo ang Sion, at inyong ligirin siya:
Inyong saysayin ang mga moog niyaon.
13 Tandaan ninyong mabuti ang kaniyang mga kuta,
Inyong masdan ang kaniyang mga bahay-hari;
Upang inyong maisaysay ito sa (M)susunod na lahi.
14 Sapagka't ang Dios na ito ay ating Dios magpakailan-kailan man:
Siya'y magiging ating (N)patnubay hanggang sa kamatayan.

Isaias 1

Ang katigasan ng ulo ng bayan ng Panginoon.

(A)Ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz, na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga kaarawan ni (B)Uzias, ni (C)Jotham, ni (D)Ahaz, at ni (E)Ezechias, na mga hari sa Juda.

Dinggin mo, Oh langit, (F)at pakinggan mo, Oh lupa, sapagka't sinalita ng Panginoon: Ako'y nagalaga at nagpalaki ng mga bata, at sila'y nanganghimagsik laban sa akin.

(G)Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay (H)hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita.

Ah bansang salarin, bayang napapasanan ng kasamaan, lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, mga anak na nagsisigawa ng kalikuan: pinabayaan nila ang Panginoon, hinamak nila ang Banal ng Israel, sila'y nangapalayo na nagsiurong.

Bakit kayo'y (I)hahampasin pa, na kayo'y manganghimagsik ng higit at higit? ang buong ulo ay masakit, at ang buong puso ay nanglulupaypay.

Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan; kundi mga sugat, at mga pasa, at nangagnananang sugat: hindi nangatikom, o nangatalian man, o nangapahiran man ng langis.

Ang inyong lupain (J)ay giba; ang inyong mga bayan ay sunog ng apoy; ang inyong lupain ay nilalamon ng mga taga ibang lupa sa inyong harapan, at giba, na gaya ng iniwasak ng mga taga ibang lupa.

At ang anak na babae ng Sion ay naiwang parang balag sa isang ubasan, parang pahingahan sa halamanan ng mga pepino, parang bayang nakukubkob.

(K)Kung hindi nagiwan sa atin ng (L)napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng (M)Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra.

Niwalang kabuluhan ang forma ng pagsamba.

10 (N)Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga pinuno ng Sodoma; mangakinig kayo sa kautusan ng ating Dios, kayong bayan ng Gomorra.

11 Sa anong kapararakan (O)ang karamihan ng inyong mga hain sa akin? sabi ng Panginoon: ako'y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa, at ng mataba sa mga hayop na pinataba; at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro, o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake.

12 Nang kayo'y magsidating na pakita sa harap ko, sinong humingi nito sa inyong kamay, (P)upang inyong yapakan ang aking mga looban?

13 Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; (Q)ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, (R)hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong.

14 Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y patá ng pagdadala ng mga yaon.

15 At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking (S)ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.

16 Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:

17 Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; (T)inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo (U)ang babaing bao.

18 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, (V)sabi ng Panginoon: (W)bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa,

19 Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain:

20 Nguni't kung kayo'y magsitanggi at manganghimagsik, kayo'y lilipulin ng tabak: sapagka't sinalita ng (X)bibig ng Panginoon.

Ang Sion ay makasalanan, nguni't sa huli ay maliligtas.

21 Ano't ang tapat na bayan ay naging tila (Y)patutot! noong una siya'y puspos ng kahatulan! katuwiran ay tumatahan sa kaniya, nguni't ngayo'y mga mamamatay tao.

22 Ang iyong pilak ay naging dumi, ang iyong alak ay nahaluan ng tubig.

23 (Z)Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik, at mga kasama ng mga tulisan; bawa't isa'y (AA)umiibig ng mga suhol, at naghahangad ng mga kabayaran: (AB)hindi nila hinahatulan ang ulila, o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao.

24 Kaya't sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ng Makapangyarihan ng Israel, Ah kukuhang sulit ako sa aking mga kaalit, at manghihiganti ako sa aking mga kaaway.

25 At aking ibabalik ang aking kamay sa iyo, at aking lilinising lubos ang naging dumi mo, at aalisin ko ang iyong lahat na tingga:

26 At aking papananauliin ang iyong mga hukom na gaya ng una, at ang iyong mga kasangguni na gaya ng pasimula: (AC)pagkatapos ay tatawagin ka Ang bayan ng katuwiran, ang tapat na bayan.

27 Ang Sion ay tutubusin ng kahatulan, at ng katuwiran ang kaniyang mga nahikayat.

28 Nguni't ang pagkalipol ng mga mananalangsang at ng mga makasalanan ay magkakapisan, at silang nagtatakuwil sa Panginoon ay mangalilipol.

29 Sapagka't kanilang ikahihiya ang (AD)mga encina na inyong ninasa, at kayo'y mangalilito dahil sa (AE)mga halamanan na inyong pinili.

30 Sapagka't kayo'y magiging parang (AF)encina na ang dahon ay nalalanta, at parang halamanan na walang tubig.

31 At ang malakas ay magiging parang taling estopa, at ang kaniyang gawa ay parang alipato; at kapuwa sila (AG)magliliyab, at walang papatay sa apoy.

Mga Hebreo 9

Ngayon, ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Dios, at ng kaniyang (A)santuario, ang santuario ng sanglibutang ito.

Sapagka't (B)inihanda ang isang tabernakulo, ang una, (C)na kinaroroonan ng (D)kandelero, at (E)ng dulang, at (F)ng mga tinapay na handog; na siyang tinatawag na Dakong Banal.

At sa likod ng ikalawang tabing (G)ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan;

Na may isang (H)gintong dambana ng kamangyan at (I)kaban ng tipan, at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto (J)na may lamang mana, at tungkod (K)ni Aaron na namulaklak, at (L)mga tapyas na bato ng tipan;

At sa ibabaw nito ay (M)ang mga querubin ng kaluwalhatian na nangagsisililim sa (N)luklukan ng awa; na ang mga bagay na ito ay hindi natin mapaguusapan ngayon ng isa isa.

At sa ganitong pagkahanda ng mga bagay na ito, sa unang tabernakulo ay palaging nagsisipasok (O)ang mga saserdote, na tinutupad ang mga katungkulan;

Datapuwa't sa (P)ikalawa ay pumapasok na (Q)nagiisa ang dakilang saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili, at sa mga kamalian ng bayan:

Na ipinakikilala (R)ng Espiritu Santo, na hindi pa naihahayag (S)ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo;

Na yao'y isang (T)talinghaga ng panahong kasalukuyan; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain, tungkol sa budhi, (U)na hindi magpapasakdal sa sumasamba,

10 Palibhasa'y palatuntunan lamang na (V)ukol sa laman, na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago (gaya ng mga (W)pagkain, at mga inumin at sarisaring paglilinis).

11 Nguni't pagdating ni Cristo na dakilang saserdote (X)ng mabubuting bagay na darating, (Y)sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi (Z)gawa ng mga kamay, sa makatuwid baga'y hindi sa paglalang na ito,

12 At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng (AA)kaniyang sariling dugo, ay pumasok na (AB)minsan magpakailan man sa (AC)dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan.

13 Sapagka't (AD)kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka, at (AE)ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan, ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman:

14 Gaano pa kaya (AF)ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay (AG)maglilinis ng inyong budhi (AH)sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay?

15 At dahil dito'y siya ang (AI)tagapamagitan ng isang (AJ)bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, (AK)ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.

16 Sapagka't kung saan mayroong tipan doo'y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon.

17 Sapagka't (AL)ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa: sa ibang paraa'y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa.

18 Kaya't ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo.

19 Sapagka't (AM)nang salitain ni Moises ang bawa't utos sa buong bayan ayon sa kautusan, ay kumuha siya ng dugo ng (AN)mga bulong baka at ng mga kambing, (AO)na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang boong bayan,

20 Na sinasabi, Ito (AP)ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo.

21 Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay (AQ)pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan.

22 At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at (AR)maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.

23 Kinakailangan nga na (AS)ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito; nguni't ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito.

24 Sapagka't hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang (AT)ng tunay; kundi (AU)sa talagang langit, upang humarap ngayon sa harapan ng Dios (AV)dahil sa atin:

25 At siya'y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili, na (AW)gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal (AX)taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili;

26 Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay (AY)minsan siya'y nahayag (AZ)sa katapusan ng mga panahon (BA)upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili.

27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;

28 Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan (BB)upang dalhin ang mga kasalanan (BC)ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas (BD)ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978