Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 29

Handog sa kapistahan ng mga isang linggo; ng pagsisisi; at ng kapistahan ng tabernakulo.

29 At sa ikapitong buwan, sa unang araw ng buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod; (A)isang araw ngang sa inyo'y paghihip ng mga pakakak.

At kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon, ng isang guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan;

At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina, na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro, dalawang ikasangpung bahagi sa lalaking tupa,

At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero:

At isang kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan upang itubos sa inyo:

(B)Bukod pa sa handog na susunugin sa bagong buwan, at sa handog na harina niyaon, (C)at sa palaging handog na susunugin at sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon, ayon sa kanilang palatuntunan, na pinakamasarap na amoy, na handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

(D)At sa ikasangpung araw nitong ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; at inyong (E)pagdadalamhatiin ang inyong mga kaluluwa; huwag kayong gagawa ng anomang gawa:

Kundi kayo'y maghahandog sa Panginoon ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy; isang guyang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon: na mga (F)walang kapintasan sa inyo:

At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake,

10 Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero:

11 (G)Isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan, bukod pa sa (H)handog dahil sa kasalanan na pangtubos at sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon.

12 (I)At sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod, at mangingilin kayong pitong araw sa Panginoon:

13 At (J)maghahandog kayo ng isang handog na susunugin, na pinaka handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: labing tatlong guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon: na mga walang kapintasan:

14 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi sa bawa't toro sa labing tatlong toro, dalawang ikasangpung bahagi sa bawa't tupang lalake sa dalawang tupang lalake,

15 At isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa labing apat na kordero

16 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon at sa inuming handog niyaon.

17 At sa ikalawang araw ay maghahandog kayo ng labing dalawang guyang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:

18 At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa bilang ng mga yaon, (K)alinsunod sa palatuntunan:

19 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina, at sa mga inuming handog ng mga yaon.

20 At sa ikatlong araw ay labing isang toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan;

21 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan.

22 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.

23 At sa ikaapat na araw ay sangpung toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:

24 Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:

25 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.

26 At sa ikalimang araw ay siyam na toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:

27 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:

28 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa handog na inumin niyaon.

29 At sa ikaanim na araw, ay walong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:

30 At ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:

31 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan: bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa mga inuming handog niyaon,

32 At sa ikapitong araw ay pitong toro, dalawang tupang lalake, labing apat na korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan:

33 At ang handog na harina ng mga yaon, at ang mga inuming handog para sa mga toro, sa mga tupang lalake, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang, alinsunod sa palatuntunan:

34 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.

35 Sa ikawalong araw, ay magkakaroon kayo ng isang (L)takdang pagpupulong; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod;

36 Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: isang toro, isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan:

37 Ang handog na harina ng mga yaon at ang mga inuming handog para sa toro, sa lalaking tupa, at sa mga kordero, ayon sa kanilang bilang alinsunod sa palatuntunan:

38 At isang kambing na lalake na pinaka handog dahil sa kasalanan; bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, at sa inuming handog niyaon.

39 Ang mga ito ay inyong ihahandog sa Panginoon (M)sa inyong mga takdang kapistahan, bukod pa sa inyong mga (N)panata, at sa inyong mga kusang handog, na mga pinakahandog ninyong susunugin, at ang inyong mga pinakahandog na harina, at ang inyong mga pinakainuming handog, at ang inyong mga pinakahandog tungkol sa kapayapaan.

40 At isinaysay ni Moises sa mga anak ni Israel, ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises.

Mga Awit 73

IKATLONG AKLAT

Ang katapusan ng matuwid at masama ay pinagparis. Awit ni Asaph.

73 Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel.
Sa mga malilinis sa puso.
Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay:
Ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas.
(A)Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog,
Nang aking makita ang kaginhawahan ng masama.
Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan:
Kundi ang kanilang kalakasan ay (B)matatag.
Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao;
Na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao.
Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg:
Tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan.
Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan:
Sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso.
Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati:
(C)Sila'y nangagsasalitang may kataasan.
Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit,
At ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa.
10 Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan:
At tubig ng punong saro ay nilalagok nila.
11 At kanilang sinasabi, (D)Paanong nalalaman ng Dios?
At may kaalaman ba sa Kataastaasan?
12 Narito, ang mga ito ang masama;
(E)At palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan,
13 (F)Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso,
(G)At hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala;
14 Sapagka't buong araw ay nasalot ako,
At naparusahan tuwing umaga.
15 Kung aking sinabi, Ako'y magsasalita ng ganito;
Narito, ako'y gagawang may karayaan sa lahi ng iyong mga anak.
16 Nang aking isipin kung paanong aking malalaman ito,
Ay napakahirap sa ganang akin;
17 Hanggang (H)sa ako'y pumasok sa santuario ng Dios,
At aking nagunita (I)ang kanilang huling wakas,
18 Tunay na iyong inilagay (J)sila sa mga madulas na dako:
Iyong inilugmok sila sa kapahamakan.
19 Kung paanong naging kapahamakan sila sa isang sandali!
Sila'y nilipol na lubos ng mga kakilabutan.
20 (K)Ang panaginip sa pagkagising:
Sa gayon, Oh Panginoon, (L)pag gumising ka, iyong hahamakin ang kanilang larawan.
21 Sapagka't ang puso ko'y namanglaw,
At sa aking kalooban ay nasaktan ako:
22 (M)Sa gayo'y naging walang muwang ako, at musmos;
Ako'y naging gaya ng hayop sa harap mo.
23 Gayon ma'y laging sumasaiyo ako:
Iyong inalalayan ang aking kanan.
24 (N)Iyong papatnubayan ako ng iyong payo,
At (O)pagkatapos ay tatanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
25 (P)Sinong kumakasi sa akin sa langit kundi ikaw?
At walang ninanasa ako sa lupa liban sa iyo.
26 (Q)Ang aking laman at ang aking puso ay nanglulupaypay:
Nguni't ang Dios ay kalakasan ng aking puso, at (R)bahagi ko magpakailan man.
27 Sapagka't narito, silang malayo sa iyo ay mangalilipol:
Iyong ibinuwal silang lahat, (S)na nangakikiapid, na nagsisihiwalay sa iyo.
28 Nguni't mabuti sa akin (T)na lumapit sa Dios;
Ginawa kong aking kanlungan ang Panginoong Dios,
(U)Upang aking maisaysay ang lahat ng iyong mga gawa.

Isaias 21

Ang hula sa Babilonia.

21 Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng (A)dagat.

Kung paanong umiikot (B)ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain.

Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin; (C)ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan, at ang mananamsam ay nananamsam. (D)Umahon ka, Oh Elam; kumubkob ka, Oh Media; lahat ng buntong-hininga niya'y aking pinatigil.

Kaya't ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan; mga hirap ay dinamdam ko, gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam; ako'y naghihirap na anopa't hindi ako makarinig; ako'y nanglulupaypay na anopa't hindi ako makakita.

Ang aking puso ay sumisikdo, (E)kakilabutan ay tumakot sa akin: ang pagtatakip-silim na aking ninasa ay naging kapanginigan sa akin.

Sila'y nangaghanda ng dulang, sila'y nangaglagay ng bantay, sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom: magsitindig kayo, kayong mga pangulo, inyong ihanda ang kalasag.

Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, maglagay ka ng bantay; ipahayag niya kung ano ang nakikita niya:

At pagka siya'y nakakita ng pulutong, (F)ng mga nangangabayong dalawa't dalawa, ng mga asno, ng pulutong ng mga kamelyo siya'y masikap na makikinig na ma'y pagiingat.

At siya'y umungal na parang leon: Oh Panginoon, ako'y tumatayong lagi sa moog (G)na bantayan kung araw, at ako'y tumatanod sa aking bantayan na magdamagan:

At, narito, dito'y dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawa't dalawa. At siya'y sumagot at nagsabi, (H)Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at (I)lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa.

10 (J)Oh ikaw na aking giniik, at trigo ng (K)aking giikan: ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo, sa Dios ng Israel, aking ipinahayag sa iyo.

11 (L)Ang hula tungkol sa (M)Duma.

May tumatawag sa akin mula sa (N)Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?

12 Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo.

13 Ang hula tungkol sa (O)Arabia.

Sa gubat ng Arabia ay magsisitigil kayo, Oh kayong nangaglalakbay na pulupulutong na mga (P)Dedaneo.

14 Ang nauuhaw ay dinadalhan nila ng tubig; sinalubong ng mga nananahan sa lupain ng Tema na may kanilang tinapay ang mga bihag.

15 Sapagka't kanilang tinatakasan ang mga tabak, ang bunot na tabak, at ang akmang busog, at ang lala ng digmaan.

16 Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Sa loob ng isang taon, (Q)ayon sa mga taon ng magpapaupa, ang lahat ng kaluwalhatian ng (R)Cedar ay mapapawi:

17 At ang malabi sa bilang sa mga mangbubusog, sa mga makapangyarihang lalake na mga anak ni Cedar, ay mangiilan: sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng Israel, siyang nagsalita.

2 Pedro 2

Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na (A)mga bulaang propeta, na (B)gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim (C)ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati (D)ang Panginoon (E)na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.

At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang (F)daan ng katotohanan.

At (G)sa kasakiman sa mga (H)pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapamahakan ay hindi nagugupiling.

Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel (I)nang mangagkasala ang mga yaon, kundi (J)sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom;

At ang dating sanglibutan ay (K)hindi pinatawad, datapuwa't (L)iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama;

At pinarusahan niya ng pagkalipol (M)ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama:

At (N)iniligtas ang matuwid na si Lot, na lubhang nahahapis sa mahahalay na (O)pamumuhay ng masasama

(Sapagka't ang matuwid na ito na namamayang kasama nila, ay lubhang (P)nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya, ng mga gawa nilang laban sa kautusan):

Ang (Q)Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom;

10 Datapuwa't lalong-lalo na ng (R)mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop. Mga pangahas, (S)mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na (T)magsialipusta sa mga pangulo:

11 Samantalang ang (U)mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon.

12 Datapuwa't ang mga ito, na (V)gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.

13 Na nangagbabata ng masama na (W)kabayaran ng gawang masama; palibhasa'y inaari nilang isang kaligayahan ang (X)magpakalayaw kung araw, (Y)mga dungis at kapintasan, na nangagpapakalayaw (Z)sa kanilang mga daya, samantalang sila'y (AA)nangakikipagpiging sa inyo;

14 Na may mga matang puspos ng pangangalunya, at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga; na may pusong sanay sa kasakiman; mga anak ng paglait,

15 Na pagkaalis sa daang matuwid ay nangaligaw sila, palibhasa'y nagsisunod (AB)sa daan ni Balaam na anak ni Beor, na nagibig ng kabayaran ng gawang masama;

16 Datapuwa't siya'y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang: na isang asnong (AC)pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta.

17 Ang mga ito'y mga bukal na walang tubig, (AD)mga ulap na tinatangay ng unos; (AE)na sa kanila'y itinaan ang kapusikitan ng kadiliman;

18 Sapagka't, (AF)sa pananalita ng mga kapalaluan na walang kabuluhan, ay umaakit sila sa masasamang pita ng laman, sa pamamagitan ng kalibugan, doon sa nagsisitakas sa nangamumuhay sa kamalian;

19 Na pinangangakuan ng (AG)kalayaan, (AH)samantalang sila'y mga alipin ng kabulukan; sapagka't ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon.

20 Sapagka't kung, pagkatapos na sila'y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan (AI)sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama (AJ)ang huling kalagayan nila kay sa nang una.

21 Sapagka't magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran, kay sa, pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila.

22 Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay, Nagbabalik na muli (AK)ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978