M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang pakakak na pilak.
10 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Gumawa ka ng dalawang pakakak na pilak; yari sa pamukpok gagawin mo: at iyong gagamitin sa (A)pagtawag sa kapisanan, at sa paglalakbay ng mga kampamento.
3 (B)At pagka kanilang hihipan, ay magpipisan sa iyo ang buong kapisanan sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
4 At kung kanilang hihipan ang isa lamang, ang mga prinsipe nga, ang (C)mga pangulo sa mga libolibong taga Israel, ay magpipisan sa iyo.
5 At paghihip ninyo ng hudyat, ay (D)magsisisulong ang mga kampamento na nasa dakong silanganan.
6 At paghihip ninyo ng hudyat na ikalawa, ay (E)magsisisulong ang mga kampamento na nasa dakong timugan: sila'y hihihip ng isang hudyat para sa kanilang paglalakbay.
7 Datapuwa't pagka ang kapisanan ay magpipisan ay hihihip kayo, (F)nguni't huwag ninyong patutunuging ayon sa hudyat.
8 (G)At ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay magsisihihip ng mga pakakak; at magiging palatuntunan sa inyo magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi.
9 (H)At pagka makikipagbaka kayo sa inyong lupain (I)laban sa kaaway na sa inyo'y pumipighati, ay inyo ngang patutunugin ang hudyat ng pakakak; (J)at kayo'y aalalahanin sa harap ng Panginoon ninyong Dios, at kayo'y maliligtas sa inyong mga kaaway.
10 (K)Gayon sa kaarawan ng inyong kasayahan, at sa inyong mga takdang kapistahan, at sa mga pasimula ng inyong mga buwan, ay inyong hihipan ang mga pakakak sa ibabaw ng inyong mga handog na susunugin, at sa ibabaw ng mga hain ng inyong mga handog tungkol sa kapayapaan; at sa inyo'y magiging alaala sa harap ng inyong Dios: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Ang mga anak ni Israel ay lumakad mula sa Sinai.
11 At nangyari sa ikalawang taon, nang ikalawang buwan, nang ikadalawang pung araw ng buwan, (L)na ang ulap ay napaitaas mula sa tabernakulo ng patotoo.
12 At ang mga anak ni Israel ay nagsisulong, ayon sa kanilang mga paglalakbay mula (M)sa ilang ng Sinai; at ang ulap ay tumahan (N)sa ilang ng Paran.
13 At kanilang pinasimulan ang kanilang paglalakbay (O)ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.
14 (P)At unang sumulong ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Juda ayon sa kanilang mga hukbo; at nangungulo sa kaniyang hukbo si (Q)Naason na anak ni Aminadab.
15 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Issachar, si Nathanael na anak ni Suar.
16 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Zebulon, si Eliab na anak ni Helon.
Ang pagkakasunodsunod.
17 (R)At ang tabernakulo ay tinanggal at ang mga anak ni Gerson at ang mga anak ni Merari, (S)na mga may dala ng tabernakulo ay nagsisulong.
18 (T)At ang watawat ng kampamento ng Ruben ay sumulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si (U)Elisur na anak ni Sedeur.
19 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Simeon si Selumiel na anak ni Zurisaddai.
20 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Gad, si Eliasaph na anak ni Dehuel.
21 (V)At ang mga Coathita ay nagsisulong na dala ang santuario: at itinayo ng iba ang tabernakulo samantalang ang (W)mga ito'y nagsisidating.
22 (X)At ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Ephraim ay nagsisulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si (Y)Elisama na anak ni Ammiud.
23 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Manases, si Gamaliel na anak ni Pedasur.
24 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Benjamin, si Abidan na anak ni Gedeon.
25 (Z)At ang watawat ng kampamento ng mga anak ni Dan na siyang nasa hulihan ng lahat ng mga kampamento ay nagsisulong ayon sa kanilang mga hukbo: at nangungulo sa kaniyang hukbo si (AA)Ahiezer na anak ni Ammisaddai.
26 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Aser si Phegiel na anak ni Ocran.
27 At nangungulo sa hukbo ng lipi ng mga anak ni Nephtali si Ahira na anak ni Enan.
28 Ganito ang mga paglalakbay ng mga anak ni Israel, ayon sa kanilang mga hukbo; at sila'y nagsisulong.
29 At si Moises ay nagsabi kay Hobab na anak ni (AB)Rehuel na Madianita, biyanan ni Moises: Kami ay naglalakbay sa dakong sinabi ng Panginoon, (AC)Aking ibibigay sa inyo: sumama ka sa amin at gagawan ka namin ng mabuti: (AD)sapagka't ang Panginoon ay nagsalita ng mabuti tungkol sa Israel.
30 At sinabi niya sa kaniya, Ako'y hindi paroroon; kundi ako'y babalik sa aking sariling lupain, at sa aking kamaganakan.
31 At sinabi ni Moises, Huwag mo kaming iwan, ipinamamanhik ko sa iyo; sapagka't nalalaman mo kung paanong hahantong kami sa ilang, at ikaw ay maaari sa aming (AE)pinakamata.
32 At mangyayari, na (AF)kung ikaw ay sasama sa amin, oo, mangyayari, na anomang mabuting gagawin ng Panginoon sa amin, ay siya rin naming gagawin sa iyo.
33 At sila'y nagsisulong (AG)mula sa bundok ng Panginoon ng tatlong araw na paglalakbay; at (AH)ang kaban ng tipan ng Panginoon ay nasa unahan nila ng tatlong araw nilang paglalakbay, upang ihanap sila ng dakong kanilang mapagpapahingahan.
34 At (AI)ang ulap ng Panginoon ay nasa itaas nila sa araw, pagka sila'y sumulong mula sa kampamento.
Ang pagalis.
35 At nangyari pagka ang kaban ay isinulong na sinabi ni Moises, (AJ)Bumangon ka, Oh Panginoon, at mangalat ang mga kaaway mo, at magsitakas sa harap mo ang nangapopoot sa iyo.
36 At pagka inilapag ay kaniyang sinabi, Bumalik ka, Oh Panginoon sa mga laksang libolibong Israelita.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core; itinugma sa Alamoth. Awit.
46 Ang Dios ay (A)ating ampunan at kalakasan,
(B)Handang saklolo sa kabagabagan.
2 Kaya't hindi tayo matatakot bagaman ang lupa ay mabago,
At bagaman ang mga bundok ay mangaglipat sa kagitnaan ng mga dagat;
3 Bagaman ang tubig niyaon ay magsihugong at mabagabag.
Bagaman ang mga bundok ay mangauga dahil sa unos niyaon. (Selah)
4 (C)May isang ilog, na ang mga agos ay nagpapasaya (D)sa bayan ng Dios.
Sa banal na dako ng mga tabernakulo ng Kataastaasan.
5 (E)Ang Dios ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos:
Tutulungan siya ng Dios na maaga.
6 Ang mga bansa ay nangagkagulo, ang mga kaharian ay nangakilos:
Inihiyaw niya ang kaniyang tinig, ang lupa ay natunaw.
7 (F)Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan. (Selah)
8 Kayo'y parito, inyong masdan ang mga gawa ng Panginoon,
Kung anong mga kagibaan ang kaniyang ginawa sa lupa.
9 (G)Kaniyang pinapaglilikat ang mga pagdidigma sa wakas ng lupa;
Kaniyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat;
Kaniyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
10 Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios:
(H)Ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa.
11 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.
Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.
47 Oh (I)ipakpak ang inyong mga kamay ninyong lahat na mga bayan;
Magsihiyaw kayo sa Dios ng tinig ng pagtatagumpay.
2 Sapagka't ang Panginoong kataastaasan (J)ay kakilakilabot;
(K)Siya'y dakilang Hari sa buong lupa.
3 (L)Kaniyang pasusukuin ang mga bayan sa ilalim natin,
At ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
4 Kaniyang ipipili tayo (M)ng ating mana,
(N)Ang karilagan ni Jacob na kaniyang minahal. (Selah)
5 (O)Ang Dios ay napailanglang na may hiyawan,
Ang Panginoon na may tunog ng pakakak.
6 Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa Dios, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri:
Kayo'y magsiawit ng mga pagpuri sa ating Hari, kayo'y magsiawit ng mga pagpuri.
7 Sapagka't ang Dios (P)ay Hari ng buong lupa:
(Q)Magsiawit kayo ng mga pagpuri na may pagunawa.
8 (R)Ang Dios ay naghahari sa mga bansa:
Ang Dios ay nauupo sa kaniyang banal na luklukan.
9 Ang mga pangulo ng mga bayan ay nangapipisan
Upang maging bayan ng Dios ni Abraham;
Sapagka't ang mga (S)kalasag ng lupa ay ukol sa Dios;
Siya'y totoong bunyi.
Pagsasama ng kasintahang lalake at babae sa walang hanggang pagibig.
8 Oh ikaw sana'y naging aking kapatid,
Na humitit ng mga suso ng aking ina!
Pagka nasumpungan kita sa labas, hahagkan kita;
Oo, at walang hahamak sa akin.
2 Aking papatnubayan ka, at dadalhin kita sa bahay ng aking ina,
Na magtuturo sa akin;
Aking paiinumin ka ng hinaluang alak,
(A)Ng katas ng aking (B)granada.
3 Ang kaniyang kaliwang kamay ay (C)malalagay sa ilalim ng aking ulo,
At ang kaniyang kanang kamay ay yayakap sa akin.
4 Pinagbibilinan ko kayo, (D)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang sinta ko,
Hanggang sa ibigin niya.
5 Sino itong (E)umaahong mula sa ilang,
Na humihilig sa kaniyang sinisinta?
Sa ilalim ng punong mansanas ay ginising kita:
Doon nagdamdam sa iyo ang iyong ina,
Doon nagdamdam yaong nanganak sa iyo.
6 Ilagay mo akong (F)pinakatatak sa iyong puso,
Pinakatatak sa iyong bisig:
Sapagka't ang pagsinta ay (G)malakas na parang kamatayan,
Panibugho ay (H)mabagsik na parang Sheol:
Ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy,
Isang pinaka liyab ng Panginoon.
7 Ang maraming tubig ay hindi makapapatay sa pagsinta,
Ni mapauurong man ng mga baha;
Kung ibigay ng lalake ang lahat na laman ng kaniyang bahay dahil sa pagsinta,
Siya'y lubos na kukutyain.
8 Tayo'y may isang munting kapatid na babae, (I)At siya'y walang mga suso:
Ano ang ating gagawin sa ating kapatid na babae
Sa araw na siya'y ipakikiusap?
9 Kung siya'y maging isang kuta,
Pagtatayuan natin siya ng moog na pilak:
At kung siya'y maging isang pintuan,
Ating tatakpan ng mga tablang sedro.
10 Ako'y isang kuta, at ang aking mga suso ay (J)parang mga moog niyaon:
Ako nga'y naging sa harap ng kaniyang mga mata ay parang nakakasumpong ng kapayapaan.
11 Si Salomon ay (K)may ubasan sa Baal-hamon;
(L)Kaniyang pinaupahan ang ubasan sa mga tagapamahala;
Bawa't isa'y nagdadala dahil sa bunga niyaon ng isang libong putol na pilak.
12 Ang aking ubasan na akin ay nasa harap ko;
Ikaw, Oh Salomon, ay magkakaroon ng libo,
At ang nangagiingat ng bunga niyaon ay dalawang daan.
13 Ikaw na tumatahan sa mga halamanan,
Ang mga kasama ay nangakikinig ng iyong tinig:
(M)Iparinig mo sa akin.
14 Ikaw ay magmadali, sinisinta ko,
At ikaw ay (N)maging parang usa o batang usa
Sa mga bundok ng mga especia.
8 Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: Mayroon tayong isang (A)dakilang saserdote, (B)na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit,
2 Ministro (C)sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.
3 Sapagka't ang (D)bawa't dakilang saserdote ay inilagay upang maghandog ng mga kaloob at ng mga hain naman: sa ganito'y (E)kinakailangan din namang siya'y magkaroon ng anomang ihahandog.
4 Kung siya nga'y nasa lupa ay hindi siya saserdote sa anomang paraan, palibhasa'y mayroon nang nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan;
5 Na nangaglilingkod sa anyo at (F)anino ng mga bagay sa kalangitan, gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Dios nang malapit ng gawin niya ang tabernakulo: sapagka't sinabi niya, (G)Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok.
6 Datapuwa't ngayo'y kinamtan niya ang ministeriong (H)lalong marangal, palibhasa'y siya nama'y (I)tagapamagitan sa isang tipang (J)lalong magaling, na inilagda sa lalong mabubuting pangako.
7 Sapagka't (K)kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa.
8 Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya,
(L)Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon,
Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
9 Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang
Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto;
Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan,
At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel
Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon;
(M)Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip,
At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito.
At ako'y magiging Dios nila,
At sila'y magiging bayan ko:
11 At hindi magtuturo ang bawa't isa sa kaniyang kababayan,
At ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing,
Kilalanin mo ang Panginoon:
Sapagka't ako'y makikilala ng lahat,
Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila.
12 Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan,
At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.
13 Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay (N)linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978