Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 3

Nilupig ang Basan.

Nang magkagayo'y pumihit tayo, at ating sinampa ang daang patungo sa Basan: at (A)si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa atin, siya at ang buong bayan niya, sa pakikipagbaka (B)sa Edrei.

At sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong katakutan siya, sapagka't aking ibinigay sa iyong kamay siya, at ang kaniyang buong bayan, at ang kaniyang lupain; at iyong gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay (C)Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.

Gayon din ibinigay ng Panginoon nating Dios sa ating kamay si Og, na hari sa Basan, at ang buong bayan niya; (D)at ating sinaktan siya hanggang sa walang natira sa kaniya.

At ating sinakop ang lahat niyang mga bayan nang panahong yaon; (E)walang bayan na di sinakop natin sa kanila; anim na pung bayan ang buong lupain ng Argob, ang kaharian ni Og, sa Basan.

Ang lahat ng ito'y mga bayang nakukutaan ng matataas na kuta, na may mga pintuang-bayan at mga halang; bukod pa ang napakaraming mga bayan na walang kuta.

At ating lubos na nilipol, na gaya ng ating ginawa kay Sehon na hari sa (F)Hesbon, na lubos nating nilipol bawa't bayan na tinatahanan, sangpu ng mga babae at ng mga bata.

Nguni't ang madlang kawan at ang nasamsam sa mga bayan ay ating dinala.

At ating sinakop ang lupain nang panahong yaon sa kamay ng dalawang hari ng mga Amorrheo na nasa dako roon ng Jordan, mula sa libis ng Arnon hanggang sa bundok ng Hermon;

(Na siyang Hermon ay tinatawag ng mga taga Sidon na Sirion, at tinatawag ng mga Amorrheo na (G)Senir):

10 (H)Lahat ng mga bayan ng kapatagan, at ang buong Galaad, at (I)ang buong Basan, hanggang Salcha at Edrei, na mga bayan ng kaharian ni Og sa Basan.

11 (J)(Sapagka't si Og lamang na hari sa Basan ang nalalabi sa natira sa mga (K)Rephaim; narito, ang kaniyang higaan ay higaang bakal; wala ba ito sa (L)Rabbath ng mga anak ni Ammon? siyam na siko ang haba niyaon at apat na siko ang luwang niyaon, ayon (M)sa siko ng isang lalake).

Pagaari ng buong Jordanita.

12 At ang lupaing ito'y ating sinakop na pinakaari nang panahong yaon; (N)mula sa Aroer, na nasa tabi ng libis ng Arnon, at kalahati ng lupaing maburol ng Galaad, (O)at ang mga bayan niyaon, ay aking ibinigay sa mga Rubenita at sa mga Gadita:

13 (P)At ang labis ng Galaad, at ang buong Basan, na kaharian ni Og, ay aking ibinigay sa kalahating lipi ni Manases; ang buong lupain ng Argob, sa makatuwid baga'y ang buong Basan. (Siya ring tinatawag na lupain ng mga Rephaim.

14 Sinakop ni Jair na anak ni Manases ang buong lupain ng Argob, hanggang sa hangganan ng mga Gessureo at ng mga Machateo; (Q)at mga tinawag niya ng Basan ayon sa kaniyang pangalang Havot-jair hanggang sa araw na ito.)

15 (R)At aking ibinigay ang Galaad kay Machir.

16 At sa mga Rubenita at sa mga (S)Gadita ay aking ibinigay ang mula sa Galaad hanggang sa libis ng Arnon, na siyang kalahatian ng libis, na pinaka hangganan niyaon hanggang sa ilog Jaboc, (T)na siyang hangganan ng mga anak ni Ammon;

17 Pati ng Araba at ng Jordan at ng hangganan niyaon, mula sa (U)Cinereth (V)hanggang sa Dagat ng Araba (W)na Dagat na Alat, sa ibaba ng gulod ng Pisga sa dakong silanganan.

18 At kayo'y aking inutusan nang panahong yaon, na sinasabi, Ibinigay sa inyo ng Panginoon ninyong Dios ang lupaing ito upang ariin: (X)kayo'y daraang may sakbat sa harap ng inyong mga kapatid na mga anak ni Israel, lahat ng taong matapang.

19 Nguni't ang inyong mga asawa at ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop, ((Y)aking talastas na kayo'y mayroong maraming hayop), ay mangatitira sa inyong mga bayan na aking ibinigay sa inyo;

20 Hanggang sa bigyan ng Panginoon ng kapahingahan ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanilang ariin naman ang lupain na ibinigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios, sa dako roon ng Jordan; kung magkagayon ay (Z)babalik ang bawa't lalake sa inyo sa kaniyang pagaari, na aking ibinigay sa inyo.

21 (AA)At aking iniutos kay Josue nang panahong yaon, na sinasabi, Nakita ng iyong mga mata ang lahat ng ginawa ng Panginoon mong Dios sa dalawang haring ito; gayon ang gagawin ng Panginoon sa lahat ng mga kahariang iyong daraanan.

22 Huwag kayong matakot sa kanila: sapagka't ipinakikipaglaban kayo (AB)ng Panginoon ninyong Dios.

Hindi itinulot ang pagtawid sa Jordan.

23 At ako'y dumalangin sa Panginoon nang panahong yaon, na sinasabi,

24 Oh Panginoong Dios, iyong minulang ipinakilala sa iyong lingkod ang iyong kadakilaan at ang iyong kamay na makapangyarihan: (AC)ano ngang Dios sa langit o sa lupa ang makagagawa ng ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong mga makapangyarihang kilos?

25 Paraanin mo nga ako, isinasamo ko sa iyo, at aking makita ang (AD)mabuting lupain na nasa dako roon ng Jordan, yaong mainam na bundok, at ang (AE)Libano.

26 Nguni't (AF)ang Panginoon ay nagalit sa akin dahil sa inyo, at hindi ako dininig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Siya na; huwag ka nang magsalita pa sa akin ng tungkol sa bagay na ito.

27 (AG)Sumampa ka sa taluktok ng Pisga at ilingap mo ang iyong mga mata sa dakong kalunuran, at sa dakong hilagaan, at sa dakong timugan, at sa dakong silanganan, at masdan mo ng iyong mga mata; sapagka't hindi ka makatatawid sa Jordang ito.

28 Nguni't (AH)pagbilinan mo si Josue, at palakasin mo ang kaniyang loob at palakasin mo siya: sapagka't siya'y daraan sa harap ng bayang ito, at kaniyang ipamamana sa kanila ang lupain na iyong makikita.

29 Sa gayo'y tumahan tayo sa (AI)libis, na nasa tapat ng Beth-peor.

Mga Awit 85

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core.

85 Panginoon, ikaw ay naging lingap sa iyong lupain:
(A)Iyong ibinalik ang nangabihag ng Jacob.
(B)Iyong pinatawad ang kasamaan ng iyong bayan,
Iyong tinakpan ang lahat nilang kasalanan, (Selah)
Iyong pinawi ang buong poot mo:
(C)Iyong tinalikdan ang kabangisan ng iyong galit.
(D)Ibalik mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan,
At papaglikatin mo ang iyong galit sa amin.
(E)Magagalit ka ba sa amin magpakailan man?
Iyo bang ipagpapatuloy ang iyong galit sa lahat ng sali't saling lahi?
Hindi mo ba kami bubuhayin uli:
Upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon,
At ipagkaloob mo sa amin ang iyong pagliligtas.
(F)Aking pakikinggan kung ano ang sasalitain ng Dios na Panginoon:
Sapagka't (G)siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kaniyang bayan at sa kaniyang mga (H)banal:
Nguni't huwag silang manumbalik uli (I)sa kaululan.
Tunay na ang kaniyang pagliligtas ay malapit sa kanila na nangatatakot sa kaniya;
(J)Upang ang kaluwalhatian ay tumahan sa aming lupain.
10 (K)Kaawaan at katotohanan ay nagsalubong;
(L)Katuwiran at kapayapaan ay naghalikan.
11 Katotohanan ay bumubukal sa lupa;
At ang katuwiran ay tumungo mula sa langit.
12 Oo, ibibigay ng (M)Panginoon ang mabuti;
At ang ating (N)lupain ay maguunlad ng kaniyang bunga.
13 Katuwira'y mangunguna sa kaniya;
At gagawing daan ang kaniyang mga bakas.

Isaias 31

Hindi ang Egipto, kundi ang Panginoon ang makatutulong.

31 Sa aba nila na (A)nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong, at (B)nagsisiasa sa mga kabayo; at nagsisitiwala sa mga karo, sapagka't marami, at sa mga mangangabayo, sapagka't mga totoong napakalakas; nguni't hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel, o hinahanap man ang Panginoon!

Gayon ma'y siya'y pantas, at magdadala ng kasamaan, at (C)hindi iuurong ang kaniyang mga salita, kundi babangon laban sa bahay ng mga manggagawa ng kasamaan, at laban sa tulong nila na nagsisigawa ng kasamaan.

Ang mga Egipcio nga ay mga tao, at hindi Dios; at ang kanilang mga kabayo ay laman, at hindi diwa: at pagka iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, siyang tumutulong ay matitisod, at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal, at silang lahat ay mangalilipol na magkakasama.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, (D)Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli, pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya, na hindi siya matatakot sa kanilang tinig, o maduduwag man dahil sa ingay nila: (E)gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion, at sa burol niyaon upang makipaglaban.

Gaya ng mga ibong nagsisilipad (F)gayon aampunin ng Panginoon ng mga hukbo ang Jerusalem; yao'y (G)kaniyang aampunin at ililigtas, siya'y daraan at iingatan niya,

Kayo'y manumbalik sa kaniya na inyong pinanghimagsikan (H)lubha, Oh mga anak ni Israel.

Sapagka't sa araw na yaon ay (I)itatapon ng bawa't tao ang kaniyang mga diosdiosang pilak, at ang kaniyang mga diosdiosang ginto, na ginawa ng inyong sariling mga kamay, sa ganang inyo ay naging kasalanan,

Kung magkagayo'y mabubuwal ang taga Asiria (J)sa pamamagitan ng tabak, na hindi sa tao: at ang tabak, na hindi sa mga tao, lalamon sa kaniya: at kaniyang tatakasan ang tabak, at ang kaniyang mga binata ay magiging mamumuwis.

At ang kaniyang malaking bato ay lalagpasan, dahil sa kakilabutan, at ang kaniyang mga pangulo ay masisindak (K)sa watawat, sabi ng Panginoon, na ang kaniyang apoy ay nasa Sion, at ang kaniyang hurno ay nasa Jerusalem.

Apocalipsis 1

Ang (A)Apocalipsis ni Jesucristo, na ibinigay ng (B)Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin, sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali: at kaniyang ipinadala at ipinaalam (C)sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan;

Na sumaksi (D)sa salita ng Dios, at sa patotoo ni Jesucristo, sa lahat ng mga bagay na nakita niya.

Mapalad (E)ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't (F)ang panaho'y malapit na.

Si Juan sa (G)pitong iglesia na nasa Asia: (H)Biyaya ang sumainyo nawa, at kapayapaang mula (I)doon sa kaniya na ngayon, at nang nakaraan at darating; at mula sa (J)pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan;

At mula kay Jesucristo na siyang (K)saksing tapat, (L)na panganay sa mga patay, at pangulo ng mga hari sa lupa. (M)Doon sa umiibig sa atin, at sa nagkalag (N)sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo;

At ginawa (O)tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa.

Narito, (P)siya'y pumaparitong (Q)nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at (R)ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.

Ako ang Alpha (S)at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, (T)ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.

Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, (U)dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.

10 Ako'y (V)nasa Espiritu (W)nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang (X)dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.

11 Na nagsasabi, Ang iyong nakikita, ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa (Y)pitong iglesia: sa (Z)Efeso, at sa (AA)Smirna, at sa (AB)Pergamo, at sa (AC)Tiatira, at sa (AD)Sardis, at sa (AE)Filadelfia, at sa (AF)Laodicea.

12 At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay (AG)nakita ko ang pitong kandelerong ginto:

13 At sa gitna ng mga kandelero ay may (AH)isang katulad ng isang anak ng tao, (AI)na may suot na (AJ)damit hanggang sa paa, at (AK)may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.

14 At ang kaniyang ulo at ang (AL)kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang (AM)kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;

15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng (AN)tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang (AO)kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.

16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.

17 At (AP)nang siya'y aking makita, ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan. At (AQ)ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay, na sinasabi, Huwag kang matakot; (AR)ako'y ang una at ang huli,

18 At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at (AS)nasa akin ang mga susi ng (AT)kamatayan at ng Hades.

19 Isulat mo nga (AU)ang mga bagay na nakita mo, (AV)at ang mga bagay ngayon, (AW)at ang mga bagay na mangyayari sa darating;

20 Ang hiwaga (AX)ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at (AY)ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978