Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Deuteronomio 4

Ang Israel ay pinaalalahanang sundin ang kautusan ng Panginoon.

At ngayon, Oh Israel, dinggin mo (A)ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan, na aking itinuturo sa inyo, upang sundin ninyo; upang kayo'y mabuhay, at pumasok, at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang.

(B)Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.

Nakita ng inyong mga mata ang ginawa ng Panginoon tungkol kay Baal-peor; sapagka't lahat ng mga tao na sumunod (C)kay Baal-peor, ay nilipol ng Panginoon mong Dios sa gitna mo.

Nguni't kayong umayon sa Panginoon ninyong Dios ay nangabubuhay pa ang bawa't isa sa inyo sa araw na ito.

Narito, aking tinuruan kayo ng mga palatuntunan at ng mga kahatulan, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon kong Dios upang inyong gawing gayon sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang ariin.

Ingatan nga ninyo at inyong isagawa; sapagka't ito ang (D)inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan.

Sapagka't (E)anong dakilang bansa nga ang (F)may dios na napakalapit sa kanila, na gaya ng Panginoon nating Dios kailan man tayo'y tumawag sa kaniya?

At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito?

Magingat ka lamang sa iyong sarili, at (G)ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka iyong malimutan ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mangahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay; kundi (H)iyong ipakilala sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak;

10 Yaong (I)araw na ikaw ay tumayo sa harap ng Panginoon mong Dios sa Horeb, nang sabihin sa akin ng Panginoon, Papagpisanin mo sa akin ang bayan, at aking iparirinig sa kanila ang aking mga salita, upang sila'y magaral na matakot sa akin sa lahat ng araw na kanilang ikabubuhay sa ibabaw ng lupa, at upang kanilang maituro sa kanilang mga anak.

11 At kayo'y lumapit at tumayo sa ibaba ng bundok; at (J)ang bundok ay nagningas sa apoy hanggang sa kaibuturan ng langit, sangpu ng kadiliman, ulap, at salisalimuot na kadiliman.

12 (K)At ang Panginoo'y nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy; (L)inyong narinig ang tinig ng mga salita, nguni't (M)wala kayong anyong nakita; ang inyo lamang narinig ay isang tinig.

13 (N)At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong ganapin, sa makatuwid baga'y (O)ang sangpung utos; at (P)kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato.

14 (Q)At iniutos sa akin ng Panginoon nang panahong yaon, na turuan ko kayo ng mga palatuntunan at mga kahatulan, upang inyong mangagawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin.

15 (R)Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang (S)anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy:

16 Baka kayo'y mangagpakasama, at kayo'y (T)gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae,

17 Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid,

18 Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa:

19 At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng (U)buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit.

20 Nguni't kinuha kayo ng Panginoon, (V)at hinango kayo sa hurnong bakal, sa Egipto, (W)upang kayo'y maging sa kaniya'y isang bayang mana, gaya sa araw na ito.

21 Bukod dito'y nagalit sa akin ang Panginoon dahil sa inyo, at sumumpa na ako'y hindi tatawid sa Jordan, at hindi ako papasok sa mabuting lupaing yaon, na ibinigay ng Panginoon mong Dios sa iyo na pinakamana:

22 (X)Kundi ako'y nararapat mamatay sa lupaing ito, (Y)ako'y hindi nararapat tumawid sa Jordan: nguni't kayo'y tatawid, at inyong aariin (Z)ang mabuting lupaing yaon.

23 Mangagingat nga kayo, baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang pinagtibay sa inyo, at (AA)kayo'y gumawa ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Dios.

24 Sapagka't ang (AB)Panginoon mong Dios ay isang apoy na mamumugnaw, (AC)mapanibughuing Dios nga.

25 Pagka ikaw ay nagkaanak at nagkaanak ang inyong mga anak, at nagluwat kayo ng malaon sa lupaing yaon, at nagpakasama kayo, at gumawa kayo ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay, at (AD)gumawa kayo ng masama sa paningin ng Panginoon mong Dios, upang mungkahiin ninyo siya sa kagalitan:

26 (AE)Ay aking tinatawag ang langit at ang lupa upang sumaksi laban sa inyo sa araw na ito, na kayo'y malilipol na madali na walang pagsala sa lupain na inyong tinutungo ng pagdadaan sa Jordan, upang ariin: hindi ninyo mapatatagal doon ang inyong mga araw, kundi kayo'y lubos na malilipol.

27 At (AF)pangangalatin kayo ng Panginoon sa mga bayan, at kayo'y malalabing kaunti sa bilang sa gitna ng mga bansa, na pagdadalhan sa inyo ng Panginoon.

28 (AG)At doo'y maglilingkod kayo sa mga dios, na yari ng mga kamay ng mga tao, kahoy at bato (AH)na hindi nangakakakita, ni nangakakarinig, ni nangakakakain, ni nangakakaamoy.

29 (AI)Nguni't mula roon ay iyong hahanapin ang Panginoon mong Dios, at iyong masusumpungan, kung iyong hahanapin siya ng buo mong puso at ng buo mong kaluluwa.

30 Pagka ikaw ay nasa kapighatian, at ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa iyo (AJ)sa mga huling (AK)araw, ay magbabalik loob ka sa Panginoon mong Dios, at iyong didinggin ang kaniyang tinig.

31 Sapagka't ang (AL)Panginoon mong Dios ay maawaing Dios; hindi ka niya pababayaan, ni lilipulin ka niya ni kalilimutan ang tipan sa iyong mga magulang na kaniyang isinumpa sa kanila.

32 Sapagka't (AM)ipagtanong mo nga sa mga araw na nagdaan, na nangauna sa iyo, mula nang araw na lalangin ng Dios ang tao sa ibabaw ng lupa, at (AN)mula sa isang hangganan ng langit hanggang sa kabila, kung nagkaroon ng gaya ng dakilang bagay na ito, o may narinig na gaya nito?

33 (AO)Narinig ba kaya kailan man ng mga tao ang tinig ng Dios na nagsalita sa gitna ng apoy, gaya ng narinig mo, at nabuhay?

34 O may Dios kaya na nagsikap na yumaon at sumakop ng isang bansa sa gitna ng ibang bansa, (AP)sa pamamagitan ng mga tukso, (AQ)ng mga tanda, at ng mga kababalaghan, at ng pagbabaka, at (AR)ng makapangyarihang kamay, at (AS)ng unat na bisig, at (AT)ng mga malaking kakilabutan ayon sa lahat na ginawa ng Panginoon mong Dios sa iyo sa Egipto, sa harap ng iyong mga mata?

35 Sa iyo ipinakita ito, upang iyong makilala na ang Panginoon ay siyang Dios; (AU)wala nang iba liban sa kaniya.

36 (AV)Mula sa langit ay ipinarinig niya sa iyo ang kaniyang tinig, upang kaniyang turuan ka; at sa ibabaw ng lupa ay kaniyang ipinakita sa iyo ang kaniyang dakilang apoy, at iyong narinig ang kaniyang mga salita sa gitna ng apoy.

37 At sapagka't (AW)kaniyang inibig ang iyong mga magulang, kaya kaniyang pinili ang kaniyang binhi pagkatapos nila, at inilabas ka niya sa Egipto ng kaniyang pagharap, ng kaniyang dakilang kapangyarihan;

38 (AX)Upang palayasin sa harap mo ang mga bansang lalong malalaki at lalong makapangyarihan kay sa iyo, upang ikaw ay kaniyang papasukin, na ibigay sa iyo na pinakamana ang kanilang lupain, gaya sa araw na ito.

39 Talastasin mo nga sa araw na ito at isapuso mo, na (AY)ang Panginoon ay siyang Dios sa itaas sa langit at sa ibaba sa lupa; wala nang iba pa.

40 At iyong iingatan ang kaniyang mga palatuntunan at ang kaniyang mga utos, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, (AZ)upang ikabuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, at upang iyong mapalaon ang iyong mga araw sa ibabaw ng lupaing yaon, na ibinigay sa iyo magpakailan man ng Panginoon mong Dios.

Tatlong bayan na tanggulan.

41 Nang magkagayo'y (BA)inihiwalay ni Moises ang tatlong bayan sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw;

42 (BB)Upang ang nakamatay ng tao ay tumakas doon, na nakamatay sa kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan; at sa pagtakas sa isa sa mga bayang ito ay mabuhay siya:

43 (BC)Sa makatuwid baga'y sa Beser, sa ilang, sa kapatagang lupa, na ukol sa mga Rubenita; at sa Ramoth sa Galaad, na ukol sa mga Gadita; at sa Golan sa Basan, na ukol sa mga Manasita.

Pinagtibay na muli ang utos.

44 At ito ang kautusang sinalaysay ni Moises sa harap ng mga anak ni Israel:

45 Ito ang mga patotoo, at ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na sinalita ni Moises sa mga anak ni Israel, nang sila'y lumabas sa Egipto;

46 Sa dako pa roon ng Jordan, (BD)sa libis na nasa tapat ng Beth-peor, sa lupain ni Sehon na hari ng mga Amorrheo na tumatahan sa Hesbon, (BE)na siyang sinaktan ni Moises at ng mga anak ni Israel, nang sila'y umalis sa Egipto;

47 At kanilang sinakop ang kaniyang lupain na pinakaari, (BF)at ang lupain ni Og na hari sa Basan, ang dalawang hari ng mga Amorrheo, na nangasa dako pa roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw;

48 (BG)Mula sa Aroer na nasa hangganan ng libis ng Arnon, hanggang sa bundok ng Sion (na siya ring (BH)Hermon),

49 At ang buong Araba sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan, hanggang sa dagat ng Araba sa ibaba ng gulod ng Pisga.

Mga Awit 86-87

Dalangin ni David.

86 Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako;
Sapagka't (A)ako'y dukha at mapagkailangan.
Ingatan mo ang aking kaluluwa; (B)sapagka't ako'y banal:
Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo.
(C)Maawa ka sa akin, Oh Panginoon,
Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw.
Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod;
(D)Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa.
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad,
At (E)sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo.
(F)Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin;
At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing.
(G)Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo;
Sapagka't iyong sasagutin ako.
Walang gaya mo sa gitna ng mga dios, (H)Oh Panginoon;
Wala mang mga gawang gaya ng iyong mga gawa.
(I)Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon;
At kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.
10 Sapagka't ikaw ay dakila, at gumagawa ng kagilagilalas na mga bagay:
(J)Ikaw na magisa ang Dios.
11 (K)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon; (L)lalakad ako sa iyong katotohanan:
Ilakip mo ang aking puso sa pagkatakot sa iyong pangalan.
12 Pupurihin kita, Oh Panginoon kong Dios ng aking buong puso;
At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailan man.
13 Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin;
At iyong (M)iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol.
14 Oh Dios, (N)ang palalo ay bumangon laban sa akin,
At ang kapisanan ng mga marahas na tao ay umusig ng aking kaluluwa,
At hindi inilagay ka sa harap nila.
15 (O)Nguni't ikaw, Oh Panginoon, ay Dios na puspos ng kahabagan at mapagbiyaya,
Banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob at katotohanan.
16 (P)Oh bumalik ka sa akin, at maawa ka sa akin;
Ibigay mo ang lakas mo sa (Q)iyong lingkod.
At iligtas mo ang anak ng iyong lingkod na babae.
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda (R)sa ikabubuti:
Upang mangakita nilang nangagtatanim sa akin, at mangapahiya,
Sapagka't ikaw, Panginoon, ay tumulong sa akin, at umaliw sa akin.

Salmo ng mga anak ni Core; Awit.

87 Ang kaniyang (S)patibayan ay (T)nasa mga banal na bundok.
Minahal ng Panginoon ang mga pintuang-bayan ng Sion,
Ng higit kay sa lahat na tahanan ng Jacob.
Maluwalhating mga bagay ang sinalita tungkol sa iyo,
(U)Oh bayan ng Dios. (Selah)
Aking babanggitin ang Rahab (V)at ang Babilonia na kasama ng mga nakakakilala sa akin:
Narito, ang Filistia at ang Tiro, pati ng Etiopia;
Ang isang ito ay ipinanganak diyan.
Oo, tungkol sa Sion ay sasabihin,
Ang isang ito at ang isang yaon ay ipinanganak sa kaniya;
At itatatag siya ng Kataastaasan.
Sasalaysayin ng Panginoon, pagka kaniyang (W)isinulat ang mga bayan,
Ang isang ito ay ipinanganak diyan. (Selah)
Silang nagsisiawit na gaya ng nagsisisayaw ay mangagsasabi,
Lahat ng aking mga bukal ay nangasa iyo.

Isaias 32

Ang paghahari ng matuwid na hari.

32 Narito, isang hari ay maghahari (A)sa katuwiran, at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan.

At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at (B)kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang (C)lupain.

At (D)ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig.

Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga (E)utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw.

Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob.

Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon, upang alisan ng makakain ang taong gutom, at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw.

Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama: siya'y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita, pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid.

Nguni't ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya.

Ang mga babae ay binalaan.

(F)Kayo'y magsibangon, kayong mga babaing tiwasay, at dinggin ninyo ang tinig ko; ninyong mga walang bahalang anak na babae, pakinggan ninyo ang aking pananalita.

10 Sapagka't sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo, kayong mga walang bahalang babae: sapagka't ang ani ng ubas ay magkukulang, ang pagaani ay hindi darating.

11 Kayo'y magsipanginig, kayong mga babaing tiwasay; kayo'y mangabagabag, kayong mga walang bahala; kayo'y magsipaghubo, at kayo'y magsipaghubad, at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang.

12 Sila'y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang, dahil sa mabungang puno ng ubas.

13 Sa lupain ng aking bayan ay (G)tutubo ang mga tinik at mga dawag; oo, sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan:

14 Sapagka't ang bahay-hari (H)ay mapapabayaan; ang mataong bayan ay magiging ilang; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man, kagalakan ng mga mailap na asno, pastulan ng mga kawan;

15 (I)Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas, at ang (J)ilang ay maging mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat.

16 Kung magkagayo'y tatahan ang kahatulan sa ilang, at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid.

17 At ang gawain ng katuwiran (K)ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.

18 At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan.

19 Nguni't lalagpak ang granizo, sa ikasisira ng gubat; at ang bayan ay lubos na mawawasak.

20 Mapapalad kayo (L)na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig, na nangagpapalakad ng mga paa ng (M)baka at ng asno.

Apocalipsis 2

Sa (A)anghel ng iglesia sa (B)Efeso ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng (C)pitong bituin sa kaniyang kanang kamay, na (D)yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto:

Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga (E)nagpapanggap na apostol, at sila'y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;

At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan, at hindi ka napagod.

Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na (F)iyong iniwan ang iyong unang pagibig.

Kaya't alalahanin mo kung saan ka nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa; o kung hindi ay (G)paririyan ako sa iyo, at aalisin ko ang (H)iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan, maliban na magsisi ka.

Nguni't ito'y nasa iyo, na iyong kinapopootan ang mga gawa ng (I)mga Nicolaita, na kinapopootan ko naman.

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin (J)ng punong kahoy ng buhay, na nasa (K)Paraiso ng Dios.

At (L)sa anghel ng iglesia sa (M)Smirna ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli, (N)na namatay, at muling nabuhay:

Nalalaman ko ang iyong kapighatian, at ang iyong (O)kadukhaan (datapuwa't ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng (P)mga nagsasabing sila'y mga Judio, at hindi sila gayon, (Q)kundi isang sinagoga ni Satanas.

10 Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin: narito, malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo'y masubok; at (R)magkakaroon kayo ng kapighatiang (S)sangpung araw. (T)Magtapat (U)ka hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita (V)ng putong ng buhay.

11 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay hindi parurusahan (W)ng ikalawang kamatayan.

12 At (X)sa anghel ng iglesia sa (Y)Pergamo ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi (Z)ng may matalas na tabak na may dalawang talim:

13 Nalalaman ko kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga'y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.

14 Datapuwa't mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka't mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni (AA)Balaam, na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel, (AB)upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan, at (AC)makiapid.

15 Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng (AD)mga Nicolaita.

16 Magsisi ka nga; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo, at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig.

17 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko (AE)ng manang natatago, at siya'y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na (AF)isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap.

18 At (AG)sa anghel ng iglesia sa (AH)Tiatira ay isulat mo:

Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios, (AI)na may mga matang gaya ng ningas ng apoy, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:

19 Nalalaman ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.

20 Datapuwa't (AJ)mayroon akong laban sa iyo, na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel, na nagpapanggap na propetisa; at siya'y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid, at (AK)kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan.

21 At binigyan ko siya ng panahon upang (AL)makapagsisi; at siya'y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid.

22 Narito, akin siyang iniraratay sa higaan, at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian, maliban na kung sila'y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa.

23 At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako'y yaong (AM)sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso: at (AN)bibigyan ko ang bawa't isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa.

24 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, sa lahat ng walang aral na ito, na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila; (AO)hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan.

25 Gayon ma'y ang nasa inyo'y panghawakan ninyong matibay hanggang sa (AP)ako'y pumariyan.

26 (AQ)At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, (AR)ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:

27 At sila'y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na (AS)bakal, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama:

28 At sa kaniya'y ibibigay ko (AT)ang tala sa umaga.

29 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978