M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang batas ng handog para sa kasalanan.
4 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, (A)Kung ang sinoman ay magkakasala ng hindi sinasadya sa alin man sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at gagawin ng sinoman sa kanila;
3 (B)Kung ang pinahirang saserdote ang magkasala ng gayon na magdala ng sala sa bayan, ay maghahandog nga siya sa Panginoon dahil sa kaniyang kasalanan na ipinagkasala, ng isang guyang toro, na walang kapintasan, na pinakahandog dahil sa kasalanan.
4 At dadalhin niya ang toro (C)sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan sa harap ng Panginoon: at ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng toro, at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon.
5 At ang pinahiran ng langis na saserdote ay (D)kukuha ng dugo ng toro, at dadalhin sa tabernakulo ng kapisanan:
6 At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at magwiwisik na makapito ng dugo sa harap ng Panginoon, sa tapat ng tabing ng santuario.
7 At ang saserdote ay (E)maglalagay ng dugong yaon sa ibabaw ng mga anyong sungay (F)ng dambana ng mabangong kamangyan sa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan: (G)at lahat ng dugo ng toro ay ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
8 At aalisin ang lahat ng taba ng toro na handog dahil sa kasalanan; ang tabang nakakatakip sa lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,
9 At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin na kalakip ng mga bato,
10 (H)Na gaya ng pagaalis ng sa toro na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: at susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambanang pagsusunugan ng handog.
11 (I)At ang balat ng toro at ang buong laman pati ng ulo at ng mga hita, at ng lamang loob, at ng dumi,
12 Sa makatuwid baga'y ang buong toro ay ilalabas niya sa labas ng kampamento sa isang dakong malinis, (J)na pinagtatapunan ng mga abo, at (K)doon susunugin sa apoy sa ibabaw ng kahoy: sa pinagtatapunan ng mga abo susunugin yaon.
Ang batas ng handog para sa kapulungan.
13 (L)At kung ang buong kapisanan ng Israel ay magkasala, (M)at ang bagay ay malihim sa mga mata ng kapulungan, at sila'y nakagawa ng anoman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at naging salarin;
14 Pagka nakilala ang kasalanan ng kanilang ipinagkasala, ay maghahandog nga ang kapisanan ng isang guyang toro na pinaka handog dahil sa kasalanan, at dadalhin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan.
15 At (N)ipapatong ng mga matanda ng kapulungan, ang kanilang kamay sa ulo ng toro sa harap ng Panginoon: at papatayin ang toro sa harap ng Panginoon.
16 (O)At ang saserdoteng pinahiran ng langis ay magdadala ng dugo ng toro sa tabernakulo ng kapisanan:
17 At ilulubog ng saserdote ang kaniyang daliri sa dugo, at iwiwisik na makapito sa harap ng Panginoon, sa harap ng tabing.
18 At maglalagay siya ng dugo sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana na nasa harap ng Panginoon, na nasa tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
19 At aalisin niya ang lahat ng taba niyaon, at susunugin niya sa ibabaw ng dambana.
20 Gayon ang gagawin niya sa toro; kung paano ang ginawa niya (P)sa torong handog dahil sa kasalanan, ay gayon gagawin niya rito: (Q)at itutubos sa kanila ng saserdote, at patatawarin sila.
21 At ilalabas niya ang toro sa kampamento, at susunugin niya, na gaya ng pagkasunog sa unang toro: handog nga dahil sa kasalanan ng kapisanan.
Ang batas ng handog para sa kasalanan ng mga pamunuan.
22 Pagka ang isang pinuno ay nagkasala, (R)at nakagawa ng hindi sinasadya sa alinman sa lahat ng bagay na iniutos ng Panginoon niyang Dios na huwag gawin, at siya'y naging salarin;
23 (S)Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang ipinagkasala, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang lalaking kambing na walang kapintasan;
24 (T)At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kambing, at papatayin niya sa dakong pinagpapatayan ng handog na susunugin sa harap ng Panginoon: handog nga dahil sa kasalanan.
25 (U)At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang dugo'y ibubuhos sa paanan ng dambanang pagsusunugan ng handog.
26 At ang lahat ng taba niyaon ay susunugin niya sa dambana, (V)na gaya ng taba ng hain na mga handog tungkol sa kapayapaan: (W)at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kaniyang kasalanan, at siya'y patatawarin.
Ang batas ng handog para sa kasalanan ng mga pangkaraniwang tao.
27 (X)At kung ang sinomang karaniwang tao sa bayan ay magkasala ng hindi sinasadya, sa paggawa sa alinman sa mga bagay na iniutos ng Panginoon na huwag gawin, at maging makasalanan;
28 Kung maipakilala sa kaniya ang kasalanan niyang pinagkasalahan, ay magdadala siya ng pinakaalay niya na isang babaing kambing na walang kapintasan, na dahil sa kaniyang kasalanang pinagkasalahan niya.
29 (Y)At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan, at papatayin ang handog dahil sa kasalanan sa lagayan ng pagsusunugan ng handog.
30 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng dugo niyaon ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana.
31 (Z)At ang lahat ng taba niyaon ay kaniyang aalisin, (AA)na gaya ng pagaalis ng taba sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan; at susunugin ng saserdote sa dambana (AB)na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y patatawarin.
32 At kung kordero ang kaniyang dalhing pinakaalay na bilang handog dahil sa kasalanan, (AC)ay babaing walang kapintasan ang dadalhin niya.
33 At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog dahil sa kasalanan, at papatayin na pinaka handog dahil sa kasalanan, sa pinagpapatayan ng handog na susunugin.
34 At dadampot ang saserdote sa pamamagitan ng kaniyang daliri ng dugo ng handog dahil sa kasalanan, at ilalagay sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambanang pagsusunugan ng handog, at ang lahat ng dugo ay ibubuhos niya sa paanan ng dambana:
35 At ang lahat ng taba ay kaniyang aalisin, gaya ng pagkaalis ng taba sa kordero na hain na mga handog tungkol sa kapayapaan; at susunugin ng saserdote sa dambana, (AD)sa ibabaw ng mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: (AE)at itutubos sa kaniya ng saserdote tungkol sa kasalanan na kaniyang pinagkasalahan; at siya'y patatawarin.
UNANG AKLAT
Ang matuwid at ang masama ay pinagparis.
1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa (A)upuan ng mga (B)manglilibak.
2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At (C)sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3 At siya'y magiging (D)parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay (E)giginhawa.
4 Ang masama ay hindi gayon; Kundi (F)parang ipa na itinataboy ng hangin.
5 Kaya't ang masama ay hindi (G)tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
6 Sapagka't nalalaman ng (H)Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni't ang lakad ng masama ay mapapahamak.
Ang paghahari ng pinahiran ng Panginoon.
2 Bakit ang mga bansa ay (I)nangagugulo,
At ang mga bayan ay nangagaakala ng walang kabuluhang bagay?
2 Ang mga hari sa lupa ay nagsisihanda,
At ang mga pinuno ay nagsasanggunian,
Laban sa Panginoon at laban sa (J)kaniyang pinahiran ng langis, na sinasabi:
3 (K)Lagutin natin ang kanilang tali,
At ating iwaksi ang kanilang mga panali sa atin.
4 Siyang nauupo sa kalangitan ay (L)tatawa:
Ilalagay sila ng Panginoon sa kakutyaan.
5 Kung magkagayo'y magsasalita siya sa kanila sa kaniyang poot,
At babagabagin sila sa kaniyang malabis na sama ng loob:
6 Gayon ma'y inilagay ko ang aking hari
Sa aking banal na bundok ng Sion.
7 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya:
Sinabi ng Panginoon sa akin, (M)Ikaw ay aking anak;
Sa araw na ito ay ipinanganak kita.
8 Humingi ka sa akin, at ibibigay ko (N)sa iyo ang mga bansa na iyong pinakamana,
At ang mga pinakadulong bahagi ng lupa ay iyong pinakaari.
9 (O)Sila'y iyong babaliin ng isang pamalong bakal;
Iyong dudurugin sila na parang (P)isang sisidlan ng magpapalyok.
10 Ngayon nga'y magpakapantas kayo, Oh kayong mga hari:
Mangatuto kayo, kayong mga hukom sa lupa.
11 (Q)Kayo'y mangaglingkod sa Panginoon na may takot,
At mangagalak na (R)may panginginig.
12 Hagkan ninyo ang anak, baka magalit siya, at kayo'y mangapahamak sa daan,
Sapagka't ang kaniyang poot ay madaling magalab.
(S)Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya.
Iba't ibang palagay tungkol sa buhay at kaugalian.
19 Maigi (A)ang dukha na lumalakad sa kaniyang pagtatapat
Kay sa suwail sa kaniyang mga labi at mangmang.
2 Gayon din ang kaluluwa na walang kaalaman ay hindi mabuti;
At siyang nagmamadali ng kaniyang mga paa ay nagkakasala.
3 Ang kamangmangan ng tao ay sumisira ng kaniyang lakad;
At ang kaniyang puso ay nagagalit (B)laban sa Panginoon.
4 (C)Ang kayamanan ay nagdadagdag ng maraming kaibigan:
Nguni't ang dukha ay hiwalay sa kaniyang kaibigan.
5 (D)Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan;
At ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay hindi makatatahan.
6 (E)Marami ang mamamanhik ng lingap sa magandang-loob:
At (F)bawa't tao ay kaibigan ng nagbibigay ng mga kaloob.
7 Ipinagtatanim siya ng (G)lahat ng kapatid ng dukha:
Gaano pa nga kaya ang ilalayo sa kaniya ng kaniyang mga kaibigan!
Kaniyang hinahabol sila ng mga salita, nguni't wala na sila.
8 Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa:
Siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti.
9 Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan;
At ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay.
10 Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang;
Lalo na (H)sa alipin na magpuno sa mga pangulo.
11 (I)Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit.
At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang.
12 Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon;
Nguni't ang kaniyang lingap ay (J)parang hamog sa damo.
13 Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama:
(K)At ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo.
14 Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang:
(L)Nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon.
15 (M)Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog;
At ang tamad na kaluluwa ay (N)magugutom.
16 Ang nagiingat (O)ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa:
Nguni't ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay.
17 Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa (P)Panginoon,
At ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli.
18 (Q)Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa;
At huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak.
19 Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa:
Sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli.
20 Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo,
Upang ikaw ay maging pantas (R)sa iyong huling wakas.
21 (S)May maraming katha sa puso ng tao;
Nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo.
22 Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya'y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob:
At ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling.
23 Ang pagkatakot sa Panginoon ay (T)patungo sa kabuhayan;
At ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan:
Hindi siya dadalawin ng kasamaan.
24 Idinadampot (U)ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan,
At hindi na magsusubo pa sa kaniyang bibig uli.
25 Iyong saktan ang manglilibak, at ang musmos ay magaaral ng kabaitan:
At iyong sawayin ang naguunawa, at siya'y makakaunawa ng kaalaman.
26 Ang sumasamsam sa kaniyang ama, at nagpapalayas sa kaniyang ina,
(V)Ay anak na nakakahiya at nagdadala ng kakutyaan.
27 Magtigil ka, anak ko, sa pakikinig ng aral
Na nagliligaw lamang mula sa mga salita ng kaalaman.
28 Ang walang kabuluhang saksi ay lumilibak sa kahatulan:
At (W)ang bibig ng masama ay lumalamon ng kasamaan.
29 Ang mga kahatulan ay nahahanda sa mga manglilibak,
(X)At ang mga hampas ay sa mga likod ng mga mangmang.
2 Sapagka't ibig ko na inyong maalaman kung gaano kalaki ang aking pagpipilit dahil sa inyo, at sa nangasa (A)Laodicea, at sa lahat na hindi nakakita ng mukha ko sa laman;
2 Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pagibig, at sa (B)lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila (C)ang hiwaga ng (D)Dios, sa makatuwid baga'y si Cristo,
3 Na siyang (E)kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.
4 Ito'y sinasabi ko, upang huwag kayong madaya ng sinoman sa mga pananalitang kaakitakit.
5 Sapagka't bagaman sa laman ako'y wala sa harap, gayon ma'y nasa inyo ako sa espiritu, na nagagalak at nakikita ko ang inyong ayos, at ang katibayan ng inyong pananampalataya kay Cristo.
6 Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya,
7 Na nangauugat (F)at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.
8 Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa (G)sali'tsaling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:
9 Sapagka't (H)sa kaniya'y nananahan ang buong (I)kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,
10 At sa kaniya (J)kayo'y napuspus (K)na siyang pangulo ng lahat na (L)pamunuan at kapangyarihan:
11 Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling (M)hindi gawa ng mga kamay, (N)sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo;
12 Na nangalibing na (O)kalakip niya sa bautismo, na kayo nama'y (P)muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay.
13 At (Q)nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan:
14 Na pinawi (R)ang usapang (S)nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito'y kaniyang inalis, na ipinako sa krus;
15 (T)Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila (U)sa bagay na ito.
16 Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo (V)tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol (W)sa kapistahan, o (X)bagong buwan o araw ng sabbath:
17 Na (Y)isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't (Z)ang katawan ay kay Cristo.
18 Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman,
19 At hindi nangangapit sa (AA)Ulo, na sa kaniya'y ang buong katawan, na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid, ay lumalago ng paglagong mula sa Dios.
20 (AB)Kung kayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo mula sa (AC)mga pasimulang aral ng sanglibutan, (AD)bakit, na waring kayo'y nangabubuhay pa sa sanglibutan, kayo'y nangapasasakop sa mga palatuntunan,
21 Gaya ng: (AE)Huwag dumampot, ni huwag lumasap, ni huwag humipo
22 (Ang lahat ng mga bagay na ito ay mangasisira sa paggamit), ayon sa mga utos at mga aral ng mga tao?
23 Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa (AF)pagsambang kusa, at sa pagpapakababa, at sa pagpapakahirap sa katawan; nguni't walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978