Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 7

Alay ng mga prinsipe.

At nangyari (A)ng araw na matapos ni Moises na maitayo ang tabernakulo, at mapahiran ng langis at mapaging banal, pati ng lahat ng kasangkapan niyaon, at ang dambana pati ng lahat na kasangkapan niyaon, at mapahiran ng langis at mapaging banal;

Na naghandog ang mga (B)prinsipe sa Israel, ang mga pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang. Ito ang mga prinsipe sa mga lipi, ito ang mga namamahala roon sa nangabilang:

At kanilang dinala ang kanilang alay sa harap ng Panginoon, anim na karitong may takip, at labing dalawang baka; isang kariton sa bawa't dalawa sa mga prinsipe, at sa bawa't isa'y isang baka: at kanilang iniharap sa harapan ng tabernakulo.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Tanggapin mo sa kanila, upang sila'y gumawa ng paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan, at ibibigay mo sa mga Levita, sa bawa't lalake ang ayon sa kanikaniyang paglilingkod.

At tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay sa mga Levita.

Dalawang kariton at apat na baka ay (C)ibinigay niya sa mga anak ni Gerson, ayon sa kanilang paglilingkod:

(D)At apat na kariton at walong baka ay kaniyang ibinigay sa mga anak ni Merari, ayon sa kanilang paglilingkod, sa ilalim ng pamamahala ni Ithamar na anak ni Aaron na saserdote.

Nguni't sa mga anak ni Coath ay walang ibinigay siya: (E)sapagka't ang paglilingkod sa santuario ay nauukol sa kanila; kanilang pinapasan sa kanilang mga balikat.

10 (F)At ang mga prinsipe ay naghandog sa pagtatalaga sa dambana noong araw na pahiran ng langis, sa makatuwid baga'y ang mga prinsipe ay naghandog ng kanilang alay sa harap ng dambana.

11 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sila'y maghahandog ng kanilang alay, na bawa't prinsipe'y sa kaniyang kaarawan, sa pagtatalaga sa dambana.

12 At ang naghandog ng kaniyang alay nang unang araw ay si (G)Naason na anak ni Aminadab sa lipi ni Juda:

13 At ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo ayon sa (H)siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na (I)pinakahandog na harina;

14 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na (J)puno ng kamangyan,

15 (K)Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

16 (L)Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

17 (M)At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Naason na anak ni Aminadab.

18 Nang ikalawang araw, si (N)Nathanael na anak ni Suar, na prinsipe ni Issachar ay naghandog:

19 Kaniyang inihandog na pinakaalay niya, ay isang pinggang pilak na ang bigat ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

20 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan;

21 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

22 Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan;

23 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Nathanael na anak ni Suar.

24 Nang ikatlong araw ay si (O)Eliab na anak ni Helon, na prinsipe sa mga anak ni Zabulon:

25 Ang kaniyang alay, ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

26 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

27 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

28 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;

29 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliab na anak ni Helon.

30 Nang ikaapat na araw ay si (P)Elisur na anak ni Sedeur, na prinsipe sa mga anak ni Ruben:

31 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina.

32 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

33 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

34 Isang lalaking kambing na handog dahil sa kasalanan;

35 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Elisur na anak ni Sedeur.

36 Nang ikalimang araw ay si (Q)Selumiel na anak ni Zurisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Simeon:

37 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

38 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo na puno ng kamangyan.

39 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

40 Isang kambing na lalake, na handog dahil sa kasalanan;

41 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Selumiel na anak ni Zurisaddai.

42 Nang ikaanim na araw ay si (R)Eliasaph na anak ni Dehuel, na prinsipe sa mga anak ni Gad:

43 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

44 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

45 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

46 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

47 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Eliasaph na anak ni Dehuel.

48 Nang ikapitong araw ay si (S)Elisama na anak ni Ammiud, na prinsipe sa mga anak ni Ephraim:

49 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

50 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

51 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon na handog na susunugin;

52 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

53 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Elisama na anak ni Ammiud.

54 Nang ikawalong araw ay si (T)Gamaliel na anak ni Pedasur, na prinsipe sa mga anak ni Manases:

55 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyaon ay isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

56 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

57 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

58 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

59 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Gamaliel na anak ni Pedasur.

60 Nang ikasiyam na araw ay si (U)Abidan, na anak ni Gedeon, na prinsipe sa mga anak ni Benjamin:

61 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

62 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

63 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

64 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

65 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Abidan na anak ni Gedeon.

66 Nang ikasangpung araw ay si (V)Ahiezer na anak ni Ammisaddai, na prinsipe sa mga anak ni Dan:

67 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinaka handog na harina;

68 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

69 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

70 Isang lalake sa mga kambing na handog dahil sa kasalanan;

71 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahiezer na anak ni Ammisaddai.

72 Nang ikalabing isang araw ay si (W)Pagiel na Anak ni Ocran, na prinsipe sa mga anak ni Aser:

73 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinakahandog na harina;

74 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

75 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

76 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;

77 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, at limang kambing na lalake, at limang korderong lalake, ng unang taon: ito ang alay ni Pagiel na anak ni Ocran.

78 Nang ikalabing dalawang araw ay si (X)Ahira na anak ni Enan, na prinsipe sa mga anak ni Nephtali:

79 Ang kaniyang alay ay isang pinggang pilak, na ang bigat niyao'y isang daan at tatlong pung siklo, isang mangkok na pilak na ang bigat ay pitong pung siklo, ayon sa siklo ng santuario; kapuwa puno ng mainam na harina na hinaluan ng langis, na pinaka handog na harina;

80 Isang kutsarang ginto na ang bigat ay sangpung siklo, na puno ng kamangyan;

81 Isang guyang toro, isang tupang lalake, isang korderong lalake ng unang taon, na handog na susunugin;

82 Isang lalake sa mga kambing, na handog dahil sa kasalanan;

83 At sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang baka, limang tupang lalake, limang kambing na lalake, at limang korderong lalake ng unang taon: ito ang alay ni Ahira na anak ni Enan.

84 Ito ang (Y)pagtatalaga ng dambana nang araw na pahiran ng langis ng mga prinsipe sa Israel: labing dalawang pinggang pilak, labing dalawang mangkok na pilak, labing dalawang kutsarang ginto:

85 Na bawa't pinggang pilak ay isang daan at tatlong pung siklo ang bigat, at bawa't mangkok ay pitong pu: lahat ng pilak ng mga sisidlan ay dalawang libo at apat na raang siklo, ayon sa siklo ng santuario;

86 Ang labing dalawang kutsarang ginto, na puno ng kamangyan, na ang bigat ay sangpung siklo bawa't isa, ayon sa siklo ng santuario; lahat ng ginto ng mga kutsara, ay isang daan at dalawang pung siklo:

87 Lahat ng mga baka na handog na susunugin ay labing dalawang toro, ang mga tupang lalake ay labing dalawa, ang mga korderong lalake ng unang taon ay labing dalawa, at ang mga handog na harina niyaon; at ang mga kambing na lalake na handog dahil sa kasalanan ay labing dalawa:

88 At lahat ng mga baka na pinaka–hain na mga handog tungkol sa kapayapaan, ay dalawang pu't apat na toro, ang mga tupang lalake ay anim na pu, ang mga kambing na lalake ay anim na pu, ang mga korderong lalake ng unang taon ay anim na pu. Ito ang (Z)pagtatalaga sa dambana pagkatapos na mapahiran ng (AA)langis.

89 At nang si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng kapisanan, (AB)upang makipagsalitaan sa kaniya, ay (AC)narinig nga niya ang tinig na nagsasalita sa kaniya, mula sa itaas ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban ng patotoo, na nasa gitna ng dalawang querubin: at siya'y nagsalita sa kaniya.

Mga Awit 42-43

IKALAWANG AKLAT

Pagkauhaw sa Panginoon sa panahon ng bagabag at pagkakatapon. Sa Pangulong Manunugtog; Masquil ng mga anak ni Core.

42 Kung paanong humihingal ang usa sa pagkauhaw sa tubig (A)ng mga batis,
Gayon humihingal ang aking kaluluwa sa pagkasabik sa iyo, Oh Dios.
(B)Kinauuhawan ng aking kaluluwa ang Dios, (C)ang buháy na Dios:
Kailan ako paririto, (D)at haharap sa Dios?
Ang aking mga luha ay (E)naging aking pagkain araw at gabi,
(F)Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at (G)nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko,
(H)Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, (I)at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios,
Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan.
(J)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya
Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
Oh Dios ko, ang aking kaluluwa ay nanglulumo sa loob ko;
Kaya't aking inaalaala ka (K)mula sa lupain ng Jordan,
At ng (L)Hermonitas, mula sa burol ng Mizhar.
(M)Kalaliman ay tumatawag sa kalaliman sa hugong ng iyong mga baha:
(N)Lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.
Gayon ma'y (O)uutusan ng Panginoon ang kaniyang kagandahang-loob sa araw,
At (P)sa gabi ay sasa akin ang awit sa kaniya,
Sa makatuwid baga'y isang dalangin sa Dios ng aking buhay.
Aking sasabihin sa Dios na aking (Q)malaking bato, Bakit mo ako kinalimutan?
Bakit ako'y yayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
10 Na wari tabak sa aking mga buto, na tinutuya ako ng aking mga kaaway;
(R)Habang sinasabi nilang lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios?
11 (S)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

Panalangin sa pagliligtas.

43 Hatulan mo ako, (T)Oh Dios, at (U)ipagsanggalang mo ang aking usap laban sa masamang bansa:
Oh iligtas mo ako sa magdaraya at hindi ganap na tao.
Sapagka't ikaw ang Dios ng aking kalakasan; bakit mo ako (V)itinakuwil?
(W)Bakit ako yumayaong tumatangis dahil sa pagpighati ng kaaway?
(X)Oh suguin mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan; patnubayan nawa nila ako:
Dalhin nawa nila ako sa (Y)iyong banal na bundok.
At sa iyong mga tabernakulo.
Kung magkagayo'y paparoon ako sa dambana ng Dios,
Sa Dios na aking malabis na kagalakan:
At sa alpa ay pupuri ako sa iyo, Oh Dios, aking Dios.
(Z)Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko?
At bakit ka nababagabag sa loob ko?
Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya,
Na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.

Awit ng mga Awit 5

Pangsamantalang paghihiwalay.

Ako'y (A)dumating sa aking halamanan, kapatid ko, kasintahan ko:
Aking dinampot ang aking (B)mira pati ang aking especia;
(C)Aking kinain ang aking pulot-pukyutan pati ang aking pulot;
Aking ininom ang aking alak pati ang aking gatas.
Magsikain kayo, Oh mga kaibigan; Magsiinom kayo, oo, magsiinom kayo ng sagana, Oh sinisinta.
Ako'y nakatulog, nguni't ang aking puso ay gising:
Ang tinig ng aking sinta (D)ang siyang tumutuktok, na kaniyang sinasabi,
Pagbuksan mo ako, kapatid ko, (E)sinta ko, (F)kalapati ko, (G)sakdal ko:
Sapagka't ang aking ulo ay basa ng hamog,
Ang aking mga kulot na buhok ay ng mga patak ng gabi.
Aking hinubad ang aking suot; paanong aking isusuot?
Aking hinugasan ang aking mga paa paanong sila'y aking dudumhan?
Isinuot ng aking sinta ang kaniyang kamay sa butas ng pintuan,
At nakilos ang aking puso sa kaniya.
Ako'y bumangon upang pagbuksan ang aking sinta;
At ang aking mga kamay ay tutulo ng mira,
At ang aking mga daliri ng malabnaw na mira.
Sa mga tatangnan ng trangka.
Aking pinagbuksan ang aking sinta:
Nguni't ang aking sinta ay umurong at nakaalis,
Napanglupaypay na ako ng aking kaluluwa (H)nang siya'y magsalita:
(I)Aking hinanap siya, nguni't hindi ko nasumpungan siya;
Aking tinawag siya, nguni't hindi siya sumagot sa akin.
Nasumpungan ako ng (J)mga bantay na nagsisilibot sa bayan,
Sinaktan nila ako, sinugatan nila ako,
Inalis sa akin ang aking balabal ng mga tanod ng mga kuta.
Pinagbibilinan ko kayo, (K)Oh mga anak na babae ng Jerusalem,
Kung inyong masumpungan ang aking sinta,
Na inyong saysayin sa kaniya, na ako'y may sakit, (L)na pagsinta.
Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta,
(M)Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae?
Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta,
Na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan?
10 Ang aking sinisinta ay maputi at mapulapula
Na pinakamainam sa sangpung libo.
11 Ang kaniyang ulo ay gaya ng pinakamainam na (N)ginto:
Ang kaniyang kulot na buhok ay malago at maitim na gaya ng uwak.
12 Ang kaniyang mga mata ay (O)gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig;
Na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay.
13 Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng (P)pitak ng mga especia,
Gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay:
Ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga (Q)lila na tumutulo ng malabnaw na mira.
14 Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na (R)berilo:
Ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga (S)zafiro.
15 Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol, na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto:
Ang kaniyang anyo ay gaya ng (T)Libano na marilag na gaya ng mga sedro.
16 Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis:
Oo, siya'y totoong kaibigibig.
Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan,
Oh mga anak na babae ng Jerusalem.

Mga Hebreo 5

Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, (A)ay inilagay dahil sa mga tao (B)sa mga bagay na nauukol sa Dios, (C)upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan:

Na makapagtitiis na may kaamuan (D)sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang (E)siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;

At (F)dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili.

(G)At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na (H)gaya ni Aaron.

Gayon din si Cristo man ay (I)hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi,

(J)Ikaw ay aking Anak.
Ikaw ay aking naging anak ngayon:

Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako,

(K)Ikaw ay saserdote magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay (L)naghandog ng mga panalangin at mga daing (M)na sumisigaw ng malakas at lumuluha (N)doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,

Bagama't siya'y (O)Anak, gayon may (P)natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;

At (Q)nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya;

10 Pinanganlan ng Dios na (R)dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

11 Tungkol sa kaniya'y (S)marami kaming sasabihin, at mahirap na saysayin, palibhasa'y nagsipurol kayo sa pakikinig.

12 Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman (T)ng mga unang (U)simulain ng (V)aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng (W)gatas, at hindi ng pagkaing matigas.

13 Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.

14 Nguni't ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang, sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam, upang makilala ang mabuti at ang masama.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978