Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 22

Nagpasabi si Balac kay Balaam.

22 (A)At ang mga anak ni Israel ay naglakbay at humantong sa mga kapatagan ng Moab sa dako roon ng Jordan na nasa tapat ng Jerico.

At nakita ni Balac na anak ni Zippor ang lahat ng ginawa ng Israel sa mga Amorrheo.

At ang (B)Moab ay natakot na mainam sa bayan, sapagka't sila'y marami: at ang Moab ay nagulumihanan dahil sa mga anak ni Israel.

At sinabi ng (C)Moab sa mga matanda sa Madian, Ngayon ay hihimuran ng karamihang ito yaong lahat na nasa palibot natin, gaya ng baka na humihimod sa damo sa parang. At si Balac na anak ni Zippor, ay hari sa Moab ng panahong yaon.

At siya'y (D)nagutos ng mga sugo kay Balaam na anak ni Beor, hanggang (E)sa Pethor na nasa tabi ng ilog, hanggang sa lupain ng mga anak ng kaniyang bayan, upang tawagin siya, na sabihin, Narito, may isang bayan na lumabas mula sa Egipto: narito, kanilang tinatakpan ang ibabaw ng lupa, at sila'y nangakatayo laban sa akin:

Parito ka ngayon, isinasamo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito; sapagka't sila'y totoong makapangyarihan kay sa akin; marahil ako'y mananaig, na aming masasaktan sila, at aking silang mapalalayas sa lupain; sapagka't talastas ko na ang iyong pinagpapala ay mapalad at ang iyong sinusumpa ay mapapasama.

At ang mga matanda sa Moab at ang mga matanda sa Madian, ay nagsiparoon na dala sa kanilang kamay ang mga (F)ganting pala sa panghuhula; at sila'y dumating kay Balaam at sinalita nila sa kaniya ang mga salita ni Balac.

At kaniyang sinabi sa kanila, Dito na kayo tumuloy ngayong gabi, at bibigyan ko kayo ng kasagutan, kung ano ang sasalitain ng Panginoon sa akin; at ang mga prinsipe sa Moab ay tumuloy na kasama ni Balaam.

(G)At ang Dios ay naparoon kay Balaam, at nagsabi, Sinong mga tao itong kasama mo?

10 At sinabi ni Balaam sa Dios, Si Balac, na anak ni Zippor, hari sa Moab, ay nagpasugo sa akin, na sinasabi,

11 Narito, ang bayan na lumabas sa Egipto, ay tumatakip sa ibabaw ng lupa: ngayo'y parito ka, sumpain mo sila sa akin; marahil ako'y makababaka sa kanila, at sila'y aking mapalalayas.

12 At sinabi ng Dios kay Balaam, Huwag kang paroroong kasama nila; huwag mong susumpain ang bayan; sapagka't sila'y (H)pinagpala.

13 At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan, at sinabi sa mga prinsipe ni Balac, Yumaon kayo sa inyong lupain: sapagka't ipinagkait ng Panginoon ang pahintulot na ako'y pumaroong kasama ninyo.

14 At ang mga prinsipe sa Moab ay bumangon, at sila'y naparoon kay Balac, at nagsabi, Si Balaam ay tumangging pumarito na kasama namin.

15 At si Balac ay nagsugong muli ng marami pang prinsipe, at lalong mga mahal kay sa kanila.

16 At sila'y naparoon kay Balaam at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ni Balac na anak ni Zippor, Isinasamo ko sa iyo, na ang anomang bagay huwag mong tulutan na makaabala sa iyo sa pagparito mo sa akin:

17 Sapagka't ikaw ay aking papupurihan ng mga dakilang karangalan, at anomang sabihin mo sa akin ay gagawin ko: parito ka nga, isinasamo ko sa iyo, na sumpain mo sa akin ang bayang ito.

18 At si Balaam ay sumagot at nagsabi sa mga lingkod ni Balac, (I)Kahit ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay (J)hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon kong Dios, na ako'y gumawa ng kulang o higit.

19 Ngayon nga, isinasamo ko sa inyo, na (K)tumuloy rin kayo rito ngayong gabi, upang aking maalaman kung ano ang sasalitain pa ng Panginoon sa akin.

20 (L)At ang Dios ay naparoon kay Balaam nang kinagabihan, at nagsabi sa kaniya, Kung ang mga taong iyan ay nagsiparito, upang tawagin ka ay bumangon ka, sumama ka sa kanila: (M)nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ay siya mong gagawin.

Si Balaam at ang asno ay sinalubong ng anghel ng Panginoon.

21 At si Balaam ay bumangon nang kinaumagahan, at siniyahan ang kaniyang (N)asno, at sumama sa mga prinsipe sa Moab.

22 At ang galit ng Dios ay nagningas sapagka't siya'y naparoon: (O)at ang anghel ng Panginoon ay lumagay sa daan na pinaka kalaban niya. Siya nga'y nakasakay sa kaniyang asno at ang kaniyang dalawang alipin ay kasama niya.

23 At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan, na hawak ang kaniyang bunot na tabak: at ang asno ay lumiko sa daan, at napasa parang: at pinalo ni Balaam ang asno, upang ibalik siya sa daan.

24 Nang magkagayo'y tumayo ang anghel ng Panginoon sa isang makipot na daan sa pagitan ng mga ubasan, na ang isang bakod ay sumasadako rito, at ang isang bakod ay sumasadakong yaon.

25 At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon, at siya'y inipit sa bakod, at naipit ang paa ni Balaam sa bakod: at kaniyang pinalo uli ang asno.

26 At ang anghel ng Panginoon ay nagpauna uli at tumayo sa isang makipot na dako na walang daan lilikuan kahit sa kanan ni sa kaliwa.

27 At nakita ng asno ang anghel ng Panginoon, at siya'y nalugmok sa ilalim ni Balaam: at ang galit ni Balaam ay nagningas, at kaniyang pinalo ang asno ng kaniyang tungkod.

28 At (P)ibinuka ng Panginoon ang bibig ng asno, at nagsabi kay Balaam, Ano ang ginawa ko sa iyo, na ako'y pinalo mo nitong makaitlo?

29 At sinabi ni Balaam sa asno, Sapagka't tinuya mo ako: mayroon sana ako sa aking kamay na isang tabak, pinatay disin kita ngayon.

30 At sinabi ng asno kay Balaam, Di ba ako'y iyong asno na iyong sinakyan sa buong buhay mo hanggang sa araw na ito? gumawa ba kaya ako kailan man ng ganito sa iyo? At kaniyang sinabi, Hindi.

Ang sabi ng anghel ng Panginoon.

31 Nang magkagayo'y (Q)idinilat ng Panginoon ang mga mata ni Balaam, at kaniyang nakita ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa daan, na hawak ang kaniyang bunot na tabak: (R)at kaniyang iniyukod ang kaniyang ulo, at nagpatirapa.

32 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Bakit mo pinalo ang iyong asno nitong makaitlo? Narito, ako'y naparito na pinaka kalaban, sapagka't ang iyong lakad ay masama sa harap ko:

33 At nakita ako ng asno, at lumiko sa harap ko nitong makaitlo: kundi siya lumihis sa harap ko, ay tunay na ngayon ay napatay kita, at nailigtas ang kaniyang buhay.

34 At sinabi ni Balaam sa anghel ng Panginoon, Ako'y (S)nagkasala; sapagka't hindi ko nalamang ikaw ay nakatayo sa daan laban sa akin: ngayon nga, kung inaakala mong masama, ay babalik ako uli.

35 At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Balaam, Sumama ka sa mga tao: (T)nguni't ang salita lamang na aking sasalitain sa iyo, ang siyang sasalitain mo. Sa gayon ay sumama si Balaam sa mga prinsipe ni Balac.

Lumabas si Balac upang salubungin si Balaam.

36 At nang mabalitaan ni Balac na si Balaam ay dumarating, ay lumabas upang kaniyang salubungin siya sa bayan ng Moab, na (U)nasa hangganan ng Arnon, na siyang katapusang bahagi ng hangganan.

37 At sinabi ni Balac kay Balaam, Di ba ikaw ay aking pinaparoonang dalidali upang tawaging ka? bakit nga hindi ka naparito sa akin? (V)hindi ba tunay na mapapupurihan kita?

38 At sinabi ni Balaam kay Balac, Narito, ako'y naparito sa iyo: mayroon ba ako ngayong anomang kapangyarihan na makapagsalita ng anomang bagay? ang salitang ilagay ng Dios sa aking bibig, yaon ang aking sasalitain.

39 At si Balaam ay sumama kay Balac, at sila'y naparoon sa Chiriath-huzoth.

40 At naghain si Balac, ng mga baka at mga tupa, at ipinadala kay Balaam, at sa mga prinsipe na kasama niya.

41 At nangyari nang kinaumagahan, na isinama ni Balac si Balaam at isinampa siya sa (W)matataas na dako ni Baal, at kaniyang nakita mula roon ang katapustapusang bahagi ng bayan.

Mga Awit 62-63

Sa Pangulong Manunugtog; ayon sa paraan ni Jeduthun. Awit ni David.

62 Sa (A)Dios lamang naghihintay ng tahimik ang aking kaluluwa:
Sa kaniya galing ang aking kaligtasan.
Siya lamang ang aking kanlungan at aking kaligtasan:
Siya ang (B)aking matayog na moog; hindi ako lubhang makikilos.
Hanggang kailan maghahaka kayo ng masama laban sa isang tao.
Upang patayin siya ninyong lahat,
(C)Na gaya ng pader na tumagilid, o bakod na nabubuwal?
Sila'y nagsisisangguni lamang upang ibagsak siya sa kaniyang karilagan;
Sila'y natutuwa sa mga kasinungalingan:
Sila'y nagsisibasbas ng kanilang bibig, (D)nguni't nanganunumpa sa loob. (Selah)
Kaluluwa ko, maghintay kang tahimik sa Dios lamang;
Sapagka't ang aking pagasa ay mula sa kaniya.
Siya lamang ang aking malaking bato at aking kaligtasan:
Siya'y aking matayog na moog; (E)hindi ako makikilos.
(F)Nasa Dios ang aking kaligtasan at aking kaluwalhatian;
Ang malaking bato ng aking kalakasan, at ang kanlungan ko'y nasa Dios.
Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan;
(G)Buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya;
Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
(H)Tunay na walang kabuluhan ang mga taong may mababang kalagayan, at ang mga taong may mataas na kalagayan ay kabulaanan:
Sa mga timbangan ay sasampa sila;
Silang magkakasama ay lalong magaan kay sa walang kabuluhan.
10 Huwag kang tumiwala sa kapighatian,
At huwag maging walang kabuluhan sa pagnanakaw:
(I)Kung ang mga kayamanan ay lumago, huwag ninyong paglalagakan ng inyong puso.
11 Ang Dios ay nagsalitang (J)minsan,
Makalawang aking narinig ito;
(K)Na ang kapangyarihan ay ukol sa Dios:
12 Sa iyo naman, Oh Panginoon, ukol ang (L)kagandahang-loob:
Sapagka't (M)ikaw ay nagbabayad sa bawa't tao ayon sa kaniyang gawa.

(N)Awit ni David, nang siya'y nasa ilang ng Juda.

63 Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang (O)maaga:
Kinauuhawan ka (P)ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman,
Sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario.
Upang tanawin ang (Q)iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
(R)Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay:
Pupurihin ka ng aking mga labi.
Sa gayo'y pupurihin (S)kita habang ako'y nabubuhay:
(T)Igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba;
At ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
Pagka (U)naaalaala kita sa aking higaan,
At ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
Sapagka't naging katulong kita,
At (V)sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo:
Inaalalayan ako ng iyong kanan.
Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak,
Magsisilusong sa mga lalong (W)mababang bahagi ng lupa.
10 Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak:
Sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11 Nguni't (X)ang hari ay magagalak sa Dios:
Bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay (Y)luluwalhati;
Sapagka't (Z)ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.

Isaias 11-12

Ang sanga mula sa ugat ni Isai.

11 At may lalabas na usbong sa puno ni (A)Isai, at isang (B)sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:

At ang Espiritu ng Panginoon ay (C)sasa kaniya, ang (D)diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;

At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon: at (E)hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga:

(F)Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at (G)sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.

At katuwiran ang (H)magiging bigkis ng kaniyang baywang, at pagtatapat ang pamigkis ng kaniyang mga balakang.

At ang lobo ay tatahang (I)kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata.

At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.

At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.

Hindi sila magsisipanakit (J)o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't (K)ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.

10 At (L)mangyayari, sa araw na yaon na ang angkan ni Isai, na tumatayong (M)pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga bansa; at ang kaniyang (N)pahingahang dako ay magiging maluwalhati.

Muling titipunin ng Panginoon ang mga nangalat sa Israel.

11 At (O)mangyayari, sa araw na yaon, na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi, mula sa Asiria, at mula sa Egipto, at mula sa (P)Patros, at mula sa (Q)Cus, at mula sa (R)Elam, at mula sa Sinar, at mula sa (S)Amath, at mula sa mga (T)pulo ng dagat.

12 (U)At siya'y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya (V)ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa.

13 Ang inggit naman ng Ephraim ay (W)maaalis, at ang mga lumiligalig ng Juda ay mahihiwalay: ang Ephraim ay hindi maiinggit sa Juda, at ang Juda ay hindi liligalig sa Ephraim.

14 At sila'y lulusob sa mga Filisteo sa kalunuran; magkasamang sasamsam sila sa mga anak ng silanganan: kanilang iuunat ang kanilang kamay sa Edom at sa Moab; at susundin sila ng mga anak ni Ammon.

15 At lubos na (X)sisirain ng Panginoon ang look ng dagat ng Egipto; at iwawaswas ang kaniyang kamay (Y)sa Ilog ng kaniyang malakas na hangin, at papagpipituhing batis, at palalakarin ang mga tao na hindi basa ang mga paa.

16 (Z)At magkakaroon ng isang lansangan sa nalabi sa kaniyang bayan, na malalabi, mula sa Asiria; (AA)gaya ng nagkaroon sa Israel ng araw na siya'y umahon mula sa lupain ng Egipto.

Muling titipunin (karugtong).

12 At sa araw na yaon ay (AB)iyong sasabihin, Ako'y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka't bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako.

Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: (AC)sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.

Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.

At (AD)sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, (AE)ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.

(AF)Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa.

Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel (AG)sa gitna mo.

Santiago 5

(A)Magsiparito (B)ngayon, kayong mayayaman, kayo'y magsitangis at magsihagulhol dahil sa mga karalitaan ninyong sa inyo'y darating.

Ang inyong mga kayamanan ay mga bulok, at ang (C)inyong mga damit ay nginangatngat ng tanga.

Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na; at ang mga kalawang na ito ay siyang magiging patotoo laban sa inyo, at gaya ng apoy na lalamunin ang inyong laman. (D)Kayo'y nagtipon ng inyong mga kayamanan (E)sa mga huling araw.

Narito, ang kaupahan (F)ng mga manggagawa na nagsiani sa inyong mga bukid, na iniring ninyo sa pamamagitan ng daya, ay humihibik: at (G)ang mga hibik ng mga nagsiani ay nagsipasok sa mga pakinig ng Panginoon ng (H)mga hukbo.

Kayo'y nangabuhay ng tamasa sa ibabaw ng lupa, at nangagalak; inyong pinataba ang inyong mga puso sa (I)araw ng patayan.

(J)Inyong hinatulan, (K)inyong pinatay ang matuwid; hindi niya kayo nilalabanan.

Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa (L)pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang (M)maaga at huli.

Mangagtiis din naman kayo; (N)pagtibayin ninyo ang inyong mga puso, sapagka't ang pagparito ng Panginoon ay malapit na.

Huwag kayong mangagupasalaan, mga kapatid, laban sa isa't isa, upang kayo'y huwag mahatulan; narito, ang hukom (O)ay nakatayo sa harapan ng mga pinto.

10 (P)Kunan ninyong halimbawa ng pagbabata at ng pagtitiis, mga kapatid, ang mga propeta na nagsipagsalita sa pangalan ng Panginoon.

11 Narito, (Q)tinatawag nating mapapalad ang nangagtiis: inyong nabalitaan (R)ang pagtitiis ni Job, at inyong nakita (S)ang pinapangyari ng Panginoon, kung gaano ang lubos na pagkahabag at ang pagkamaawain ng Panginoon.

12 Nguni't higit sa lahat ng mga bagay, mga kapatid ko, ay (T)huwag ninyong ipanumpa, kahit ang langit, ni ang lupa, ni ang anomang ibang sumpa: kundi ang inyong oo, ay maging oo; at ang inyong hindi, ay maging hindi; upang kayo'y huwag mangahulog sa ilalim ng hatol.

13 Nagbabata baga ang sinoman sa inyo? siya'y manalangin. Natutuwa ang sinoman? (U)awitin niya ang mga pagpupuri.

14 May sakit baga ang sinoman sa inyo? ipatawag niya (V)ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, (W)na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon:

15 At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; (X)at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya.

16 Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa (Y)ng maningas (Z)na panalangin ng taong matuwid.

17 Si Elias ay isang taong may pagkataong gaya rin ng atin, at siya'y nanalangin ng buong ningas upang huwag umulan; (AA)at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.

18 At muli siyang nanalangin; at ang langit ay (AB)nagbigay ng ulan, at ang lupa ay namunga ng kaniyang bunga.

19 Mga kapatid ko, (AC)kung ang sinoman sa inyo ay nalilihis sa katotohanan, at siya'y papagbaliking loob ng sinoman;

20 Ay alamin nito na ang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan, mula sa kamalian ng lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan, at (AD)magtatakip ng karamihang kasalanan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978