M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang kasalanan ng Baal-peor at ang katapatan ni Phinees.
25 At ang Israel ay tumahan sa (A)Sittim, at (B)ang bayan ay nagpasimulang magkasala ng pakikiapid sa mga anak na babae ng Moab:
2 Sapagka't kanilang (C)tinawag ang bayan sa mga (D)hain sa kanilang mga dios; at ang bayan ay kumain at yumukod sa kanilang mga dios.
3 At ang Israel ay nakilakip sa diosdiosang (E)Baal-peor; at ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel.
4 At sinabi ng Panginoon kay Moises, (F)Ipagsama mo ang lahat ng pangulo sa bayan at bitayin mo sila sa Panginoon sa harap ng araw, upang ang maningas na (G)galit ng Panginoon ay mapawi sa Israel.
5 At sinabi ni Moises sa mga (H)hukom sa Israel, (I)Patayin ng bawa't isa sa inyo yaong mga nakilakip sa diosdiosang Baal-peor.
6 At, narito, isa sa mga anak ni Israel ay naparoon at nagdala sa kaniyang mga kapatid ng isang babaing Madianita sa paningin ni Moises, at sa paningin ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel, samantalang sila'y (J)umiiyak sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.
7 At nang makita ni (K)Phinees, na anak ni (L)Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ay tumindig siya sa gitna ng kapisanan, at humawak ng isang sibat sa kaniyang kamay;
8 At siya'y naparoon sa likod ng lalaking Israelita sa loob ng tolda, at kapuwa niya sinaksak, ang lalaking Israelita at ang babae sa kaniyang tiyan. Sa gayon ang salot ay (M)natigil sa mga anak ni Israel.
9 At yaong (N)nangamatay sa salot ay dalawang pu't apat na libo.
10 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
11 (O)Pinawi ni Phinees na anak ni Eleazar, na anak ni Aaron na saserdote, ang aking galit sa mga anak ni Israel, sa paraang siya'y (P)nagsikap dahil sa aking pagsisikap sa kanila, na anopa't hindi ko nilipol ang mga anak ni Israel sa aking (Q)sikap.
12 Kaya't sabihin mo, (R)Narito, ako'y nakikipagtipan sa kaniya tungkol sa kapayapaan:
13 At magiging kaniya, at sa kaniyang (S)binhi pagkamatay niya, ang tipan ng (T)pagkasaserdoteng walang hanggan; sapagka't siya'y nagsikap sa kaniyang Dios, at tumubos sa mga anak ni Israel.
14 Ang pangalan nga ng lalaking Israelita na napatay, na pinatay na kalakip ng babaing Madianita ay Zimri na anak ni Salu, na prinsipe sa isang sangbahayan ng mga magulang sa mga Simeonita.
15 At ang pangalan ng babaing Madianita na napatay ay Cozbi, na anak ni (U)Zur; siya'y prinsipe sa bayan ng isang sangbahayan ng mga magulang sa Madian.
16 (V)At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
17 Bagabagin ninyo ang mga Madianita, at inyong saktan sila:
18 Sapagka't kanilang binagabag kayo ng kanilang mga (W)lalang na kanilang ipinangdaya sa inyo sa bagay ng (X)Peor, at sa bagay ni Cozbi, na anak na babae ng prinsipe sa Madian, na kanilang kapatid na namatay nang kaarawan ng salot dahil sa Peor.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo ni David, Awit.
68 Bumangon nawa ang (A)Dios, mangalat ang kaniyang mga kaaway;
Sila namang nangagtatanim sa kaniya ay magsitakas sa harap niya.
2 (B)Kung paanong napaparam ang usok ay gayon nangapaparam sila.
(C)Kung paanong natutunaw ang pagkit sa harap ng apoy,
Gayon mamatay ang masama sa harapan ng Dios.
3 Nguni't mangatuwa (D)ang matuwid; mangagalak sila sa harap ng Dios:
Oo, mangagalak sila ng kasayahan.
4 Kayo'y magsiawit sa Dios, kayo'y magsiawit ng kapurihan sa kaniyang pangalan:
(E)Ipaghanda ninyo ng maluwang na lansangan siya na nangangabayo sa mga ilang;
(F)Ang kaniyang pangalan ay JAH; at mangagalak kayo sa harap niya.
5 (G)Ama ng mga ulila, at hukom ng mga babaing bao,
Ang Dios sa kaniyang banal na tahanan.
6 Pinapagmamaganak (H)ng Dios ang mga nagiisa:
(I)Kaniyang inilalabas sa kaginhawahan ang mga bilanggo:
Nguni't (J)ang mga mapanghimagsik ay magsisitahan sa tuyong lupa.
7 Oh Dios, (K)nang ikaw ay lumabas sa harap ng iyong bayan,
Nang ikaw ay lumakad sa ilang; (Selah)
8 (L)Ang lupa ay nayanig,
Ang mga langit naman ay tumulo sa harapan ng Dios:
Ang (M)Sinai na yaon ay nayanig sa harapan ng Dios, ng Dios ng Israel.
9 Ikaw, Oh Dios, naglagpak ng saganang ulan,
Iyong pinatibay ang iyong mana, noong ito'y mahina.
10 Ang iyong kapisanan ay tumahan doon:
Ikaw, Oh Dios, ipinaghanda mo ng iyong kabutihan ang dukha.
11 Nagbibigay ng salita ang Panginoon:
Ang mga babaing nangaghahayag ng mga balita ay malaking hukbo.
12 Mga hari ng mga hukbo ay (N)nagsisitakas, sila'y nagsisitakas:
(O)At nangamamahagi ng samsam ang naiwan sa bahay.
13 (P)Mahihiga ba kayo sa gitna ng mga kulungan ng mga kawan,
(Q)Na parang mga pakpak ng kalapati na natatakpan ng pilak,
At ng kaniyang balahibo ng gintong madilaw?
14 Nang ang Makapangyarihan sa lahat ay magkalat ng mga hari roon,
Ay tila nagka nieve sa (R)Salmon.
15 Bundok ng Dios ay ang bundok ng Basan;
Mataas na bundok ang bundok ng Basan.
16 Bakit kayo'y nagsisiirap, kayong matataas na mga bundok,
(S)Sa bundok na ninasa ng Dios na maging kaniyang tahanan?
Oo, tatahan doon ang Panginoon magpakailan man.
17 (T)Ang mga karo ng Dios ay dalawang pung libo samakatuwid baga'y libolibo:
Ang Panginoon ay nasa gitna nila, kung paano sa Sinai, gayon sa santuario.
18 (U)Sumampa ka sa mataas, (V)pinatnubayan mo ang iyong bihag sa pagkabihag;
Tumanggap ka ng mga (W)kaloob sa gitna ng mga tao, Oo, pati sa mga mapanghimagsik, upang makatahang kasama nila ang Panginoong Dios.
19 Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan,
Sa makatuwid baga'y ang Dios na siyang aming kaligtasan. (Selah)
20 Ang Dios sa amin ay Dios ng mga kaligtasan;
At (X)kay Jehova na Panginoon ukol ang pagpapalaya sa kamatayan.
21 (Y)Nguni't sasaktan ng Dios ang ulo ng kaniyang mga kaaway.
Ang bunbunang mabuhok ng nagpapatuloy sa kaniyang sala.
22 Sinabi ng Panginoon, (Z)Ibabalik ko uli mula sa Basan,
Ibabalik ko uli sila mula sa mga kalaliman ng dagat:
23 (AA)Upang madurog mo sila, na nalulubog ang iyong paa sa dugo,
(AB)Upang ang dila ng iyong mga aso ay magkaroon ng kaniyang pagkain sa iyong mga kaaway.
24 Kanilang nakita ang iyong mga lakad, Oh Dios,
Sa makatuwid baga'y ang lakad ng aking Dios, ng aking Hari, sa loob ng santuario.
25 (AC)Ang mga mangaawit ay nangagpauna, ang mga manunugtog ay nagsisunod,
(AD)Sa gitna ng mga dalaga na nagtutugtugan ng mga pandereta.
26 Purihin ninyo ang Dios sa mga kapisanan,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ninyong mga sa bukal ng (AE)lahi ng Israel.
27 Doo'y (AF)ang munting Benjamin ay siyang kanilang puno,
Ang mga pangulo ng Juda at ang kanilang pulong,
Ang mga pangulo ng Zabulon, ang mga pangulo ng Nephtali.
28 Ang Dios mo'y (AG)nagutos ng iyong kalakasan:
Patibayin mo, Oh Dios, ang ginawa mo sa amin.
29 Dahil sa iyong templo sa Jerusalem
(AH)Mga hari ay mangagdadala ng mga kaloob sa iyo.
30 Sawayin mo ang mga mailap na hayop sa mga puno ng tambo,
Ang karamihan ng mga toro na kasama ng mga guya ng mga bayan,
Na niyayapakan sa ilalim ng paa ang mga putol ng pilak;
Iyong pinangalat ang mga bayan na nangagagalak sa pagdidigma.
31 Mga pangulo ay (AI)magsisilabas sa Egipto;
Magmamadali ang (AJ)Etiopia na igawad ang kaniyang mga kamay sa Dios.
32 Magsiawit kayo sa Dios, kayong mga kaharian sa lupa;
Oh magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon.
33 Sa kaniya na (AK)sumasakay sa langit ng mga langit, na noon pang una:
Narito, binibigkas niya ang kaniyang tinig, na makapangyarihang tinig,
34 Inyong isa Dios ang kalakasan:
Ang kaniyang karilagan ay nasa Israel,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa mga langit.
35 Oh Dios, ikaw ay (AL)kakilakilabot mula sa iyong mga dakong banal:
Ang Dios ng Israel, ay nagbibigay ng kalakasan at kapangyarihan sa kaniyang bayan.
Purihin ang Panginoon.
Ang hula sa Moab.
15 (A)Ang hula tungkol sa (B)Moab. (C)Sapagka't sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba, at nawalan ng kabuluhan; sapagka't sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab, at nawalan ng kabuluhan.
2 Siya'y umahon sa Bayith, at sa (D)Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa (E)Nebo, at sa (F)Medeba: (G)lahat nilang ulo ay kalbo, bawa't balbas ay gupit.
3 Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa't isa, na umiiyak ng di kawasa.
4 At ang Hesbon ay humihiyaw, (H)at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa (I)Jahas: kaya't ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan.
5 Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, (J)sa Eglat-selisiyah: sapagka't sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagka't sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan.
6 Sapagka't ang tubig ng Nimrim (K)ay natuyo, sapagka't ang damo ay natuyo, ang sariwang damo ay nalalanta, walang sariwang bagay.
7 Kaya't ang kasaganaan na kanilang tinamo, at ang kanilang tinipon, ay kanilang dadalhin sa mga batis ng mga kahoy na sauce.
8 Sapagka't ang daing ay lumilipana sa mga hangganan ng Moab; ang angal niya ay hanggang sa Eglaim, at ang angal niya ay hanggang sa (L)Beer-elim.
9 Sapagka't ang tubig ng (M)Dimon ay nahaluan ng dugo: sapagka't magpapasapit pa ako sa Dimon ng isang (N)leon na nakatanan sa Moab, at sa nalabi sa lupain.
3 Gayon din naman, (A)kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, (B)kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng (C)ugali ng kanikaniyang asawang babae;
2 Sa pagkamasid nila ng inyong (D)ugaling mahinhin na may takot.
3 Na (E)huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit;
4 Kundi (F)ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.
5 Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, (G)na pasakop sa kanikaniyang asawa;
6 Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.
7 (H)Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan (I)ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: (J)upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.
8 Katapustapusan, (K)kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, (L)mangagibigang tulad sa magkakapatid, (M)mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:
9 (N)Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, (O)o ng alipusta ang pagalipusta; kundi (P)ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.
10 Sapagka't,
(Q)Ang magnais umibig sa buhay,
At makakita ng mabubuting araw,
Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama,
At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:
11 At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti;
Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.
12 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing:
Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.
13 At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?
14 Datapuwa't (R)kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran (S)ay mapapalad kayo: at (T)huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o (U)huwag kayong mangagulo;
15 Kundi (V)inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: (W)na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa (X)kaamuan at (Y)takot:
16 Na taglay (Z)ang mabuting budhi; (AA)upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang (AB)nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng (AC)pamumuhay kay Cristo.
17 Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.
18 Sapagka't si Cristo man ay (AD)nagbata ring (AE)minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, (AF)upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay (AG)sa laman, nguni't (AH)binuhay (AI)sa espiritu;
19 Na iyan din ang kaniyang iniyaon at (AJ)nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,
20 Na nang unang panahon ay mga suwail, (AK)na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang (AL)inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:
21 Na ayon sa tunay (AM)na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y (AN)ang bautismo, hindi sa pagaalis (AO)ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng (AP)isang mabuting budhi sa Dios, (AQ)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;
22 Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na (AR)ipinasakop (AS)sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978