Exodo 6:3
Ang Biblia (1978)
3 At ako'y napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob (A)na Dios na Makapangyarihan sa lahat; nguni't sa pamamagitan ng aking pangalang (B)Jehova, noon ay hindi ako napakilala sa kanila.
Read full chapter
Exodo 15:2-3
Ang Biblia (1978)
2 Ang Panginoon ay aking lakas at (A)awit,
At siya'y naging aking kaligtasan:
Ito'y aking Dios, at siya'y aking pupurihin.
Dios ng aking ama, at siya'y aking (B)tatanghalin.
3 Ang Panginoo'y isang (C)mangdidigma:
Panginoon ang kaniyang pangalan.
Mga Awit 115:17-18
Ang Biblia (1978)
17 Ang patay ay (A)hindi pumupuri sa Panginoon,
Ni sinomang nabababa sa katahimikan;
18 (B)Nguni't aming pupurihin ang Panginoon
Mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Isaias 12:2
Ang Biblia (1978)
2 Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: (A)sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978