M’Cheyne Bible Reading Plan
Nilipol nila ang Cananeo.
21 At ang Cananeo, na (A)hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan ay nakabalita na ang Israel ay dumating (B)sa daan ng Atarim; at nilabanan niya ang Israel at binihag ang iba sa kanila.
2 (C)At ang Israel ay nanata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na ibibigay mo ang bayang ito sa aking kamay, ay aking lubos na (D)gigibain nga ang kanilang mga bayan.
3 At dininig ng Panginoon ang tinig ng Israel, at ibinigay ang Cananeo sa kanila, at kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan: at ang ipinangalan sa dakong yaon ay Horma.
4 (E)At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula (F)upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan.
5 (G)At ang bayan ay nagsalita laban sa Dios at laban kay Moises: (H)Bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang mamatay sa ilang? sapagka't walang tinapay at walang tubig; at ang aming kaluluwa ay nasusuya na sa manang ito.
6 At (I)ang Panginoon ay nagsugo ng mababangis na ahas sa gitna ng bayan, at kanilang kinagat ang bayan: at maraming tao sa Israel ay namatay.
7 (J)At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay (K)nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; (L)idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan.
8 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon.
9 At (M)si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,
Naglakbay mula sa Oboth at humantong sa bundok ng Pisga.
10 At ang mga anak ni Israel ay naglakbay, at (N)humantong sa Oboth.
11 At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at (O)humantong sa Ije-abarim sa ilang na nasa tapat ng Moab, sa dakong sinisikatan ng araw.
12 (P)Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa libis ng Zared.
13 Mula roon ay naglakbay sila, at humantong sa kabilang ibayo ng Arnon, na nasa ilang na lumalabas sa hangganan ng mga Amorrheo: sapagka't ang (Q)Arnon ay hangganan ng Moab, na nasa pagitan ng Moab at ng mga Amorrheo.
14 Kaya't sinasabi sa aklat ng Mga Pakikipagbaka ng Panginoon,
Ang Vaheb ay sa Sufa,
At ang mga libis ng Arnon,
15 At ang kiling ng mga libis
Na kumikiling sa dakong tahanan ng Ar,
At (R)humihilig sa hangganan ng Moab.
16 At mula roon, ay napasa Beer sila, na siyang balong pinagsabihan ng Panginoon kay Moises, Pisanin mo ang bayan at aking bibigyan sila ng tubig.
17 (S)Nang magkagayo'y inawit ng Israel ang awit na ito:
Bumalong ka, Oh balon; awitan ninyo siya;
18 Siyang balong hinukay ng mga prinsipe,
Na pinalalim ng mga mahal sa bayan,
(T)Ng setro at ng kanilang mga tungkod.
At mula sa ilang, sila'y napasa Mathana.
19 At mula sa Mathana ay napasa Nahaliel: at mula sa Nahaliel ay napasa Bamoth;
20 At mula sa Bamoth ay napasa libis na nasa bukid ng Moab, sa taluktok ng Pisga, na patungo sa ilang.
Sinaktan si Sehon at si Og.
21 At ang Israel ay (U)nagutos ng mga sugo kay Sehon, na hari ng mga Amorrheo, na sinasabi,
22 (V)Paraanin mo ako sa iyong lupain: kami ay hindi liliko sa bukid, ni sa ubasan; kami ay hindi iinom ng tubig ng mga balon: kami ay magdadaan sa maluwang na lansangan, hanggang sa aming maraanan ang iyong hangganan.
23 (W)At hindi ipinahintulot paraanin ni Sehon ang Israel sa kaniyang hangganan: kungdi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan, at lumabas sa ilang laban sa Israel at (X)dumating hanggang Jahaz: at nilabanan ang Israel.
24 At (Y)sinaktan siya ng Israel ng talim ng tabak, at inari ang kaniyang lupain mula sa Arnon hanggang (Z)Jaboc, hanggang sa mga anak ni Ammon: sapagka't ang hangganan ng mga anak ni Ammon ay matibay.
25 At sinakop ng Israel ang lahat ng mga bayang ito: at ang Israel ay tumahan sa lahat ng mga bayan ng mga Amorrheo, sa Hesbon at sa lahat ng mga bayan niyaon.
26 Sapagka't ang Hesbon ay siyang bayan ni Sehon na hari ng mga Amorrheo, na siyang nakipaglaban sa unang hari sa Moab, at sumakop ng buong lupain niyaon sa kaniyang kamay hanggang sa Arnon.
27 Kaya't yaong mga nagsasalita ng mga (AA)kawikaan ay nagsasabi,
Halina kayo sa Hesbon,
Itayo at itatag ang bayan ni Sehon:
28 Sapagka't may isang (AB)apoy na lumabas sa Hesbon,
Isang liyab na mula sa bayan ni Sehon:
Na sumupok sa Ar ng Moab,
Sa mga panginoon sa matataas na dako ng Arnon.
29 Sa aba mo, Moab!
Ikaw ay napahamak, Oh bayan ni (AC)Chemos:
Na nagpagala ng kaniyang mga anak na lalake,
At ipinabihag ang kaniyang mga anak na babae,
Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo.
30 Aming pinana (AD)sila; ang Hesbon ay namatay hanggang sa Dibon,
At aming iniwasak hanggang Nopha,
Na umaabot hanggang (AE)Medeba.
31 Ganito tumahan ang Israel sa lupain ng mga Amorrheo.
32 At si Moises ay nagsugo upang tumiktik sa Jazer, (AF)at kanilang sinakop ang mga bayan niyaon at pinalayas nila ang mga Amorrheo na nandoon.
33 (AG)At sila'y lumiko at umahon sa daan ng Basan: at si Og na hari sa Basan ay lumabas laban sa kanila, siya at ang buong bayan niya, upang makipagbaka sa (AH)Edrei.
34 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Huwag mo siyang katakutan; sapagka't aking ibinigay siya sa iyong kamay, at ang buong bayan niya, at ang kaniyang lupain, at iyong (AI)gagawin sa kaniya ang gaya ng iyong ginawa kay Sehon na hari ng mga Amorrheo, na tumahan sa Hesbon.
35 Gayon nila sinaktan siya, at ang kaniyang mga anak, at ang buong bayan niya hanggang sa walang natira sa kaniya: at kanilang inari ang kaniyang lupain.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Susan-Heduth: Michtam ni David, upang ituro: nang siya'y makipagaway kay (A)Aram-naharaim at kay Aram-soba, at bumalik si Joab, at sumugat sa Edom sa Libis ng Asin ng labing dalawang libo.
60 Oh Dios, (B)iniwaksi mo kami, ibinagsak mo kami;
Ikaw ay nagalit; Oh papanauliin mo kami.
2 Iyong niyanig ang lupain; iyong pinabuka:
(C)Pagalingin mo ang mga sira niyaon: sapagka't umuuga.
3 (D)Nagpakita ka sa iyong bayan ng mahihirap na bagay:
(E)Iyong ipinainom sa amin ang alak na pangpagiray.
4 (F)Nagbigay ka ng watawat sa nangatatakot sa iyo,
Upang maiwagayway dahil sa katotohanan. (Selah)
5 (G)Upang ang (H)iyong minamahal ay makaligtas,
Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.
6 (I)Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako'y magsasaya:
(J)Aking hahatiin ang (K)Sichem, at aking susukatin (L)ang libis ng Succoth,
7 Galaad ay (M)akin, at Manases ay akin;
Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo;
Juda ay (N)aking setro.
8 (O)Moab ay aking hugasan;
(P)Sa Edom ay aking ihahagis ang aking panyapak;
Filistia, (Q)humiyaw ka dahil sa akin.
9 Sinong magdadala sa akin sa matibay na bayan?
Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?
10 (R)Hindi mo ba kami iniwaksi, Oh Dios?
At hindi ka lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo.
11 Tulungan mo kami laban sa kaaway;
Sapagka't (S)walang kabuluhan ang tulong ng tao.
12 Sa pamamagitan ng Dios ay (T)gagawa kaming may katapangan:
Sapagka't siya ang (U)yumayapak sa aming mga kaaway.
Sa Pangulong Manunugtog; sa panugtog na kawad. Awit ni David.
61 Dinggin mo ang aking daing, Oh Dios;
Pakinggan mo ang aking dalangin.
2 Mula sa wakas ng lupa ay tatawag ako sa iyo, pagka nanglupaypay ang aking puso:
Patnubayan mo ako sa malaking bato na lalong mataas kay sa akin.
3 Sapagka't ikaw ay naging aking kanlungan,
(V)Matibay na moog sa kaaway.
4 (W)Ako'y tatahan sa iyong tabernakulo magpakailan man:
Ako'y manganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. (Selah)
5 Sapagka't dininig mo, Oh Dios, ang aking mga panata: Ibinigay mo ang mana sa nangatatakot sa iyong pangalan.
6 (X)Iyong pahahabain ang buhay ng hari:
Ang kaniyang mga taon ay magiging parang malaong panahon.
7 Siya'y tatahan sa harap ng Dios magpakailan man: Oh maghanda ka ng kagandahang-loob (Y)at katotohanan, upang mapalagi siya.
8 Sa gayo'y aawit ako ng pagpuri sa iyong pangalan magpakailan man.
(Z)Upang maisagawa ko araw-araw ang aking mga panata.
5 Hoy, taga Asiria, na (A)pamalo ng aking galit, siyang tungkod na kasangkapan ng aking pagiinit.
6 Aking susuguin siya (B)laban sa maruming bansa, at laban sa bayan na aking kinapopootan ay pagbibilinan ko siya, (C)upang manamsam, at upang manunggab, at yapakan sila na parang putik ng mga lansangan.
7 Gayon ma'y hindi niya inaakalang gayon, (D)o iniisip mang gayon ng kaniyang puso; kundi ang nasa kaniyang puso ay manggiba, at manglipol ng mga bansa na hindi kakaunti.
8 Sapagka't kaniyang sinasabi, Hindi baga ang (E)aking mga pangulo ay hari silang lahat?
9 Hindi baga ang (F)calno ay (G)gaya ng Carchemis? hindi ba ang (H)Hamath ay gaya ng (I)Arphad? hindi ba ang Samaria ay gaya ng Damasco?
10 (J)Kung paanong nakasumpong ang aking kamay ng mga kaharian ng mga diosdiosan, na ang mga larawan nilang inanyuan ay mga higit ng dami kay sa Jerusalem at sa Samaria;
11 Hindi ko baga gagawing gayon sa Jerusalem at sa kaniyang mga diosdiosan, ang gaya ng ginawa ko sa Samaria at sa kaniyang mga (K)diosdiosan?
12 Kaya't mangyayari, na (L)pagka naisagawa ng Panginoon ang buo niyang gawain sa bundok ng Sion at sa Jerusalem, (M)aking parurusahan ang kagagawan ng mapagmalaking loob na hari sa Asiria, at ang kaluwalhatian ng kaniyang mga mapagmataas na tingin.
13 (N)Sapagka't kaniyang sinabi, Aking ginawa ito sa kalakasan ng aking kamay at sa aking karunungan; sapagka't ako'y mabait: at aking binago ang mga hangganan ng mga tao, at ninakaw ko ang kanilang mga kayamanan, at parang matapang na lalake na ibinaba ko silang nangakaupo sa mga luklukan:
14 At nasumpungan ng aking kamay na parang pugad ang mga kayamanan ng mga tao; at ako'y namulot sa buong lupa na parang namumulot ng mga itlog na napabayaan: at walang magkilos ng pakpak, o magbuka ng bibig o sumiyap.
15 Magmamapuri ba ang palakol laban sa nagpuputol niyaon? Nakapagmamalaki ba ang lagari laban sa humahawak niyaon? gaya ng kung ang pamalo ay makapagpapanginig sa kanila na nagtataas niyaon, o gaya ng kung ang tungkod ay magtataas sa tao na hindi kahoy.
16 Kaya't pangangayayatin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ang kaniyang mga mataba; at sa ilalim ng kaniyang kaluwalhatian ay magkakaroon ng pagniningas na gaya ng ningas na apoy.
17 At ang liwanag ng Israel ay magiging pinakaapoy, at ang kaniyang Banal ay pinakaliyab: at magniningas at susupukin ang kaniyang mga tinikan at mga dawag (O)sa isang araw.
18 At kaniyang pupugnawin ang kaluwalhatian ng kaniyang gubat, at ng kaniyang pinakikinabangang bukid, ang kaluluwa at gayon din ang katawan: at magiging gaya ng kung nanglulupaypay ang may dala ng watawat.
19 At ang nalabi sa mga punong kahoy ng kaniyang gubat ay mangangaunti, na anopat mabibilang ng bata.
Ang mga nalabi ay babalik.
20 At mangyayari (P)sa araw na yaon, na ang nalabi sa Israel, at (Q)ang nangakatanan sa sangbahayan ni Jacob, (R)hindi na titiwala pa uli sa kaniya na sumakit sa kanila; kundi titiwala sa Panginoon, sa Banal ng Israel, sa katotohanan.
21 (S)Isang nalabi ay manunumbalik, sa makatuwid baga'y ang nalabi sa Jacob, sa makapangyarihang Dios.
22 Sapagka't bagaman ang iyong bayang Israel ay magiging parang buhangin sa dagat, (T)ang isang nalabi lamang sa kanila ang manunumbalik: ang pagkalipol ay naipasiya, na magtataglay ng katuwiran.
23 Sapagka't ang kagibaan, at ang ipinasiya, gagawin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, sa gitna ng buong lupa.
Sumama rin ang Asiria.
24 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Oh bayan kong tumatahan sa Sion, huwag kang matakot sa taga Asiria: bagaman ikaw ay sinaktan niya ng pamalo at nagtaas ng kaniyang tungkod laban sa iyo, ayon sa paraan ng Egipto.
25 Sapagka't (U)sangdali pa, at ang pagkagalit ay magaganap, at ang aking galit, sa kanilang ikamamatay.
26 At ibabangon ng Panginoon ng mga hukbo, ang kasakunaan laban sa kaniya, na gaya ng pagpatay sa (V)Madian sa bato ng Oreb: at ang (W)kaniyang panghampas ay malalagay sa dagat, at kaniyang itataas ng ayon sa paraan ng Egipto.
27 At mangyayari (X)sa araw na yaon, na ang atang niya ay mahihiwalay sa iyong balikat, at ang kaniyang ipinasan sa iyong leeg, at ang ipinasan ay malalagpak dahil sa (Y)pinahiran.
28 Siya'y dumating sa Ajad, siya'y nagdaan sa (Z)Migron; sa (AA)Michmas inilalapag niya ang kaniyang mga daladalahan:
29 Sila'y nangagdaraan sa landas; sila'y nagsituloy na (AB)nangagpahinga sa Geba: ang Rama ay nanginginig; ang Gabaa ni Saul ay tumakas.
30 Humiyaw kang malakas ng iyong tinig, Oh anak na babae (AC)ng Galim! duminig ka, Oh Lais! Oh ikaw na kaawaawang Anathoth!
31 Madmena ay palaboy; ang mga nananahan sa Gebim ay nagtitipon upang magsitakas.
32 Sa araw ding ito ay titigil siya sa (AD)Nob: kaniyang iniuunat ang kaniyang kamay sa bundok ng anak na babae ng Sion, na burol ng Jerusalem.
33 Narito, puputulin ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, na kakilakilabot ang mga sanga: at ang mga mataas sa anyo ay ibubuwal, at ang mapagmataas ay ibababa.
34 (AE)At kaniyang puputulin ang mga siitan ng gubat sa pamamagitan ng bakal, at ang Libano ay mawawasak sa pamamagitan ng isang makapangyarihan.
4 Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo? hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga (A)kalayawan (B)na bumabaka sa inyong mga sangkap?
2 Kayo'y nangagiimbot, at kayo'y wala: (C)kayo'y nagsisipatay, at kayo'y nangaiinggit, at hindi maaaring kamtan: kayo'y nangakikipagaway at nangakikipagbaka; kayo'y wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi.
3 Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, (D)sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.
4 Kayong (E)mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na (F)ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? (G)Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.
5 O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang (H)Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian?
6 Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang (I)Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
7 Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.
8 Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at (J)dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga (K)may dalawang akala.
9 Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.
10 Mangagpakababa kayo (L)sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.
11 (M)Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, (N)o humahatol sa kaniyang kapatid, ay (O)nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.
12 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at (P)makapagwawasak: datapuwa't (Q)sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?
13 (R)Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, (S)Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo:
14 Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? (T)Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi.
15 Sapagka't ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon.
16 Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga pagpapalalo: (U)ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay masama.
17 (V)Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978