Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 34

Bilin sa pakikidigma at sa pagbabahagi ng Canaan.

34 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa (A)lupain ng Canaan, (na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon),

(B)At inyong hahantungan ang dakong timugan mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom, at ang inyong hangganang timugan ay magiging mula sa dulo ng (C)Dagat na Alat sa dakong silanganan:

At ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timugan sa (D)sampahan ng Acrabbim, at patuloy hanggang sa Zin: at ang mga labasan niyaon ay magiging sa dakong timugan ng (E)Cades-barnea; at mula rito ay pasampa sa (F)Hasar-addar, at patuloy sa Asmon:

At ang hangganan ay paliko mula sa Asmon (G)hanggang sa batis ng Egipto, at ang magiging mga labasan niyaon ay sa dagat.

At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon: ito ang magiging inyong hangganang kalunuran.

At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng (H)Hor:

Mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang (I)pasukan ng Hamath; at ang magiging mga labasan ng hangganan ay sa (J)Sedad;

At ang magiging hangganan ay palabas sa Ziphron, at ang magiging mga labasan niyaon, ay ang (K)Hasar-enan: ito ang magiging inyong hangganang hilagaan.

10 At inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganang silanganan mula sa Hasar-enan hanggang Sepham:

11 At ang hangganan ay pababa mula sa Sepham hanggang sa (L)Ribla, sa dakong silanganan ng Ain; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng (M)Cinnereth sa dakong silanganan:

12 At ang hangganan ay pababa sa Jordan, at ang magiging mga labasan niyaon ay abot sa (N)Dagat na Alat: ito ang magiging inyong lupain, ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot.

13 At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel, na sinasabi, (O)Ito ang lupain na inyong mamanahin sa pamamagitan ng sapalaran, na iniutos ng Panginoon na ibigay sa siyam na lipi, at sa kalahating lipi;

14 (P)Sapagka't ang lipi ng mga anak ni Ruben ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, at ang lipi ng mga anak ni Gad ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nagsitanggap na, at gayon din naman ang kalahating lipi ni Manases ay nagsitanggap na ng kanilang mana:

15 Ang dalawang lipi na ito, at ang kalahating lipi ay nagsitanggap na ng kanilang mana sa dako roon ng Jordan sa dakong silanganan ng Jerico, sa dakong sinisikatan ng araw.

16 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

17 Ito ang mga pangalan ng mga lalake na magbabahagi ng lupain sa inyo na pinakamana: si (Q)Eleazar na saserdote, at si Josue na anak ni Nun.

18 (R)At maglalagay kayo ng isang prinsipe sa bawa't lipi, upang magbahagi ng lupain na pinakamana.

19 At ito ang mga pangalan ng mga lalake: sa lipi ni Juda, ay si Caleb na anak ni Jephone.

20 At sa lipi ng mga anak ni Simeon, ay si Samuel na anak ni Ammiud.

21 Sa lipi ni Benjamin, ay si Elidad na anak ni Chislon.

22 At sa lipi ng mga anak ni Dan, ay ang prinsipe Bucci na anak ni Jogli.

23 Sa mga anak ni Jose: sa lipi ng mga anak ni Manases, ay ang prinsipe Haniel na anak ni Ephod:

24 At sa lipi ng mga anak ni Ephraim, ay ang prinsipe Chemuel na anak ni Siphtan.

25 At sa lipi ng mga anak ni Zabulon, ay ang prinsipe Elisaphan na anak ni Pharnach.

26 At sa lipi ng mga anak ni Issachar, ay ang prinsipe Paltiel na anak ni Azan.

27 At sa lipi ng mga anak ni Aser, ay ang prinsipe Ahiud na anak ni Selomi.

28 At sa lipi ng mga anak ni Nephtali, ay ang prinsipe Pedael na anak ni Ammiud.

29 Ito yaong mga inutusan ng Panginoon na bumahagi ng mana sa mga anak ni Israel sa lupain ng Canaan.

Mga Awit 78:38-72

38 (A)Nguni't siya, palibhasa'y puspos ng kaawaan, ay pinatawad ang kanilang kasamaan at hindi sila nilipol:
Oo, madalas na inihiwalay ang kaniyang galit,
At hindi pinukaw ang buo niyang poot.
39 (B)At naalaala niyang (C)sila'y laman lamang;
Hanging dumadaan, at hindi bumabalik.
40 Kay dalas na nanghimagsik nila laban sa kaniya sa ilang,
At pinapanglaw nila (D)siya sa ilang!
41 At sila'y nagsibalik uli, at tinukso ang Dios,
At minungkahi ang Banal ng Israel.
42 Hindi nila inalaala ang kaniyang kamay,
Ni ang araw man nang kaniyang tubusin sila sa kaaway.
43 (E)Kung paanong kaniyang inilagay ang kaniyang mga tanda sa Egipto,
At ang kaniyang mga kababalaghan sa parang ng Zoan;
44 (F)At pinapaging dugo ang kanilang mga ilog,
At ang kanilang mga bukal, na anopa't hindi sila makainom.
45 (G)Nagsugo rin siya sa gitna nila ng mga pulutong ng mga bangaw na lumamon sa kanila;
At mga (H)palaka, na nagsigiba sa kanila.
46 Ibinigay rin niya ang kanilang bunga sa tipaklong,
At ang kanilang pakinabang sa (I)balang.
47 Sinira niya ang (J)kanilang ubasan ng granizo,
At ang mga puno nila ng sikomoro ng escarcha.
48 (K)Ibinigay rin naman niya ang kanilang mga hayop sa granizo,
At sa mga lintik ang kanilang mga kawan.
49 Ibinugso niya sa kanila ang kabangisan ng kaniyang galit,
Poot at galit, at kabagabagan,
Pulutong ng mga anghel ng kasamaan.
50 Kaniyang iginawa ng landas ang kaniyang galit;
Hindi niya pinigil ang kanilang buhay sa kamatayan,
Kundi ibinigay ang kanilang buhay sa pagkapuksa;
51 (L)At sinaktan ang lahat na panganay sa Egipto,
Ang panguna ng kanilang kalakasan sa mga tolda ni (M)Cham:
52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na (N)parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't (O)tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang (P)santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (Q)binahagi sa kanila na pinakamana (R)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.
56 Gayon ma'y nanukso at nanghimagsik sila laban sa Kataastaasang Dios,
At hindi iningatan ang kaniyang mga patotoo;
57 Kundi nagsitalikod, at nagsigawang may paglililo na gaya ng kanilang mga magulang:
Sila'y nagsilisyang (S)parang magdarayang busog.
58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga (T)mataas na dako,
At kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.
59 Nang marinig ito ng Dios, ay napoot,
At kinayamutang lubha ang Israel:
60 (U)Sa gayo'y kaniyang pinabayaan ang tabernakulo ng (V)Silo,
Ang tolda na kaniyang inilagay sa gitna ng mga tao;
61 At ibinigay ang kaniyang (W)kalakasan sa pagkabihag,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay sa kamay ng kaaway.
62 (X)Ibinigay rin niya ang kaniyang bayan sa tabak;
At napoot sa kaniyang mana.
63 Nilamon ng apoy ang kanilang mga binata;
At (Y)ang mga dalaga nila'y hindi nagkaroon ng awit ng pagaasawa.
64 (Z)Ang mga saserdote nila'y nabuwal sa pamamagitan ng tabak;
At (AA)ang mga bao nila'y hindi nanganaghoy.
65 Nang magkagayo'y gumising ang Panginoon na gaya (AB)ng mula sa pagkakatulog,
Gaya ng malakas na tao na humihiyaw dahil sa alak.
66 At (AC)sinaktan niya sa likod ang kaniyang mga kaaway:
Inilagay niya sila sa laging kadustaan.
67 Bukod dito'y tinanggihan niya ang tolda ng Jose,
At hindi pinili ang lipi ni Ephraim;
68 Kundi pinili ang lipi ni Juda,
Ang bundok ng Zion (AD)na kaniyang inibig.
69 At itinayo niya ang kaniyang santuario na parang mga kataasan,
Parang lupa na kaniyang itinatag magpakailan man.
70 (AE)Pinili naman niya si David na kaniyang lingkod,
At kinuha niya siya mula sa kulungan ng mga tupa:
71 (AF)Dinala niya siya na mula sa pagsunod sa mga tupa ng nagpapasuso,
Upang maging pastor ng Jacob na kaniyang bayan, at ang Israel na kaniyang mana.
72 Sa gayo'y siya ang kanilang pastor ayon sa (AG)pagtatapat ng kaniyang puso;
At pinatnubayan niya sila sa pamamagitan ng kabihasahan ng kaniyang mga kamay.

Isaias 26

Awit ng pagtitiwala sa pagiingat ng Panginoon.

26 Sa araw na (A)yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; (B)kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.

Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, (C)upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.

Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.

Magsitiwala kayo sa Panginoon (D)magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.

Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: (E)kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.

Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.

Ang daan ng ganap ay katuwiran: (F)ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.

Oo, (G)sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: (H)sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa.

Ninasa (I)kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.

10 Magpakita man ng awa sa masama, (J)hindi rin siya matututo ng katuwiran; (K)sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.

11 Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.

12 Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka't ikaw rin ang (L)gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin.

13 Oh Panginoon naming Dios, (M)ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't (N)ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.

14 Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, (O)at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.

15 (P)Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain.

16 Panginoon, (Q)sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.

17 Gaya (R)ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.

18 Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man (S)ang mga nananahan sa sanglibutan.

19 Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. (T)Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.

20 Ikaw ay parito, bayan ko, (U)pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;

21 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas (V)mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.

1 Juan 4

Mga minamahal, (A)huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, (B)kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't (C)maraming nagsilitaw na (D)mga bulaang propeta sa sanglibutan.

Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: (E)ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay (F)naparitong nasa laman ay sa Dios:

At ang (G)bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; (H)at ngayo'y nasa sanglibutan na.

Kayo'y sa Dios, mumunti kong mga anak, at inyong dinaig sila: sapagka't lalong dakila (I)siyang nasa inyo (J)kay sa nasa sanglibutan.

Sila'y sa sanglibutan: kaya't tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila, at sila'y dinidinig (K)ng sanglibutan.

Tayo nga'y sa Dios: (L)ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito'y ating nakikilala (M)ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.

Mga minamahal, mangagibigan tayo sa isa't isa: sapagka't ang pagibig ay sa Dios; at ang bawa't umiibig ay ipinanganak ng Dios, at nakakakilala sa Dios.

(N)Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang (O)Dios ay pagibig.

(P)Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin, sapagka't sinugo ng (Q)Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan (R)upang tayo'y mabuhay sa pamamagitan niya.

10 Narito ang pagibig, (S)hindi sa tayo'y umibig sa Dios, kundi siya ang umibig sa atin, at sinugo ang kaniyang Anak (T)na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan.

11 Mga minamahal, (U)kung tayo'y inibig ng Dios ng gayon, ay nararapat na mangagibigan din naman tayo.

12 Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios: (V)kung tayo'y nangagiibigan, ang (W)Dios ay nananahan sa atin, at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin:

13 Dito'y nakikilala natin na (X)tayo'y nangananahan sa kaniya at siya'y sa atin, sapagka't binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu.

14 At (Y)nakita natin at sinasaksihan na sinugo (Z)ng Ama ang Anak upang maging (AA)Tagapagligtas ng sanglibutan.

15 Ang (AB)sinomang nagpapahayag (AC)na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.

16 At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. (AD)Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya.

17 Dito'y naging sakdal ang pagibig sa atin, upang tayo'y magkaroon ng pagkakatiwala sa (AE)araw ng paghuhukom; sapagka't kung ano siya, ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito.

18 Walang takot sa pagibig: (AF)kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot, sapagka't ang takot ay may kaparusahan; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig.

19 (AG)Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin.

20 Kung sinasabi ng sinoman, (AH)Ako'y umiibig sa Dios, at napopoot sa kaniyang kapatid, (AI)ay sinungaling; sapagka't ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita, ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita?

21 At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978