M’Cheyne Bible Reading Plan
Pagpapatuloy ng handog na susunugin.
28 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ang alay sa akin, ang aking (A)pagkain na pinakahandog sa akin na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa akin, ay inyong pagiingatang ihandog sa akin sa ukol na kapanahunan.
3 At iyong sasabihin sa kanila, (B)Ito ang handog na pinaraan sa apoy na inyong ihahandog sa Panginoon; mga korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, dalawa araw-araw, na pinakapalaging handog na susunugin.
4 Ang isang kordero ay iyong ihahandog sa umaga, at ang isang kordero ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw;
5 At (C)ang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng (D)ikaapat na bahagi ng isang hin ng langis na hinalo.
6 (E)Isang palaging handog na susunugin, na iniutos sa bundok ng Sinai na pinakamasarap na amoy, handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
7 At ang pinakahandog na inumin niyaon, ay ang ikaapat na bahagi ng isang hin sa isang kordero: sa dakong banal magbubuhos ka ng handog na inumin na pinaka mainam na alak para sa Panginoon.
8 At ang isang kordero, ay iyong ihahandog sa paglubog ng araw: gaya ng handog na harina sa umaga, at gaya ng handog na inumin niyaon, ay iyong ihahandog, isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
Handog sa araw ng sabbath.
9 At sa araw ng sabbath ay dalawang korderong lalake ng unang taon na walang kapintasan, at dalawang ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina, na pinakahandog na harina na hinaluan ng langis, at ang handog na inumin niyaon:
10 Ito (F)ang handog na susunugin sa bawa't sabbath, bukod pa sa palaging handog na susunugin, at ang inuming handog niyaon.
11 At (G)sa mga pasimula ng inyong mga buwan ay maghahandog kayo ng handog na susunugin sa Panginoon; dalawang guyang toro at isang tupang lalake, pitong korderong lalake ng unang taon, na walang kapintasan;
12 At (H)tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng langis, para sa bawa't toro; at dalawang ikasangpung bahagi ng mainam na harina na pinakahandog na harina, na hinaluan ng langis para sa isang tupang lalake;
13 At isang ikasangpung bahagi ng mainam na harina, na hinaluan ng langis na pinakahandog na harina para sa bawa't kordero; pinakahandog na susunugin na pinakamasarap na amoy, handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.
14 At ang magiging handog na inumin ng mga yaon ay kalahati ng isang hin ng alak sa toro, at ang ikatlong bahagi ng isang hin ay sa tupang lalake, at ang ikaapat na bahagi ng isang hin ay sa kordero: ito ang handog na susunugin sa bawa't buwan sa lahat ng buwan ng taon.
15 At (I)isang kambing na lalake na pinakahandog sa Panginoon dahil sa kasalanan; ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon.
Handog sa paskua ng Panginoon.
16 (J)At sa unang buwan, sa ikalabing apat na araw ng buwan, ay paskua ng Panginoon.
17 (K)At sa ikalabing limang araw ng buwang ito ay magkakaroon ng isang pista; pitong araw na kakain kayo ng tinapay na walang lebadura.
18 (L)Sa unang araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod:
19 Kundi maghahandog kayo sa Panginoon ng isang handog na pinaraan sa apoy, na pinakahandog na susunugin; dalawang guyang toro, at isang lalaking tupa, at pitong korderong lalake ng unang taon; na mga (M)walang kapintasan:
20 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis: tatlong ikasangpung bahagi ang inyong ihahandog para sa isang toro, at dalawang ikasangpung bahagi para sa tupang lalake;
21 At isang ikasangpung bahagi ang iyong ihahandog para sa bawa't kordero sa pitong kordero;
22 At isang (N)kambing na lalake na pinakahandog dahil sa kasalanan, upang itubos sa inyo.
23 Inyong ihahandog ang mga ito bukod pa sa handog na susunugin sa umaga, na pinakapalaging handog na susunugin,
24 Ganitong paraan ihahandog ninyo araw-araw, sa loob ng pitong araw, ang pagkain na handog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon: ihahandog ito bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa inuming handog niyaon.
25 At sa (O)ikapitong araw ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod.
26 (P)Gayon din sa araw ng mga unang bunga, na paghahandog ninyo ng isang bagong handog na harina sa Panginoon sa inyong pista ng mga sanglinggo, ay magkakaroon kayo ng isang banal na pagpipisan; huwag kayong gagawa ng anomang gawang paglilingkod:
27 Kundi kayo'y maghahandog ng isang handog na susunugin na pinakamasarap na amoy sa Panginoon; (Q)dalawang guyang toro, isang tupang lalake, at pitong korderong lalake ng unang taon;
28 At ang handog na harina ng mga yaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, ay tatlong ikasangpung bahagi para sa bawa't toro, dalawang ikasangpung bahagi sa isang tupang lalake,
29 Isang ikasangpung bahagi sa bawa't kordero sa pitong kordero;
30 (R)Isang kambing na lalake upang itubos sa inyo.
31 Bukod pa sa palaging handog na susunugin, at sa handog na harina niyaon, ay inyong ihahandog ang mga yaon (yaong mga (S)walang kapintasan sa inyo), at ang mga inuming handog ng mga yaon.
Ang paghahari ng matuwid na hari. Awit ni Salomon.
72 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang (A)iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
2 (B)Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran,
At ang iyong dukha, ng kahatulan.
3 (C)Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan,
At ang mga gulod, sa katuwiran.
4 Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaraywarayin ang mangaapi.
5 Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili (D)ang araw,
At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
6 (E)Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
7 Sa kaniyang mga kaarawan ay (F)giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
8 (G)Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat,
At mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
9 Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod (H)sa kaniya;
At hihimuran ng (I)kaniyang mga kaaway ang alabok.
10 (J)Ang mga hari ng Tharsis, at (K)sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob;
Ang mga hari sa (L)Sheba at (M)Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
11 Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya:
Lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.
12 Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing;
At ang dukha na walang katulong.
13 Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan,
At ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas.
14 Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan;
(N)At magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:
15 At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba:
At dadalanginang lagi siya ng mga tao:
Pupurihin nila siya buong araw.
16 Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok;
Ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano:
At silang sa bayan ay giginhawa na (O)parang damo sa lupa.
17 Ang kaniyang pangalan ay (P)mananatili kailan man;
Ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw:
(Q)At ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya;
(R)Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
18 (S)Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel,
Na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay:
19 At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man;
(T)At mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian.
(U)Siya nawa, at Siya nawa.
20 Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos.
Ang hula tungkol sa Egipto. Pagsamsam, susundan ng pagbalik sa Panginoon.
19 (A)Ang hula tungkol sa (B)Egipto.
Narito, ang (C)Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at (D)ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon.
2 At aking hihikayatin ang mga Egipcio laban sa mga Egipcio: at lalaban bawa't isa sa kanikaniyang kapatid, at bawa't isa laban sa kaniyang kapuwa; bayan laban sa bayan, at kaharian laban sa kaharian.
3 At ang diwa ng Egipto ay mauupos sa gitna niyaon; at aking sisirain ang payo niyaon: at (E)sasangguni sila sa mga diosdiosan, at sa mga enkantador, at sa mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga manghuhula.
4 At aking ibibigay ang mga Egipcio (F)sa kamay ng mabagsik na panginoon; at mabangis na hari ay magpupuno sa kanila, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.
5 At (G)magkukulang ng tubig sa mga dagat, at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo.
6 At ang mga ilog ay babaho; ang mga batis ng Egipto ay huhupa at matutuyo: ang mga tambo at mga talahib ay mangatutuyo.
7 Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala.
8 (H)Ang mga mangingisda naman ay magsisitaghoy, at lahat ng nangaglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis, at silang nangaglaladlad ng mga lambat sa mga tubig ay manganglalata.
9 Bukod dito'y silang nagsisigawa sa mga (I)lino, at silang nagsisihabi ng puting damit ay mangapapahiya.
10 At ang kaniyang mga haligi ay magkakaputolputol, silang lahat na nangagpapaupa ay nangagdadalamhati ang kalooban.
11 Ang mga pangulo sa (J)Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?
12 Saan nangaroon nga (K)ang iyong mga pantas? at sasabihin nila sa iyo ngayon; at alamin nila kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa Egipto.
13 Ang mga pangulo sa Zoan ay naging mga mangmang, ang mga pangulo sa Nof ay (L)nangadaya; kanilang iniligaw ang Egipto, na siyang panulok na bato ng kaniyang mga lipi.
14 Naghalo ang Panginoon ng (M)diwa ng kasuwailan sa gitna niya: at iniligaw nila ang Egipto sa bawa't gawa niya, na parang langong tao na nahahapay sa kaniyang suka.
15 Hindi na magkakaroon man sa Egipto (N)ng anomang gawain, na magagawa ng ulo o ng buntot, sanga ng palma, o tambo.
16 (O)Sa araw na yaon ay magiging (P)parang mga babae ang Egipto: at manginginig at matatakot dahil sa (Q)bala ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo, na kaniyang ibinabala.
17 At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Egipto; sa kanino man mabanggit yaon ay matatakot, dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo, na ipinanukala laban doon.
18 (R)Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto, (S)na mangagsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo; isa'y tatawagin: Ang bayang giba.
19 Sa araw na yaon ay (T)magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon (U)sa gitna ng lupain ng Egipto, at isang haligi sa hangganan niyaon sa Panginoon.
20 (V)At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto: sapagka't sila'y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati, at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at isang tagapagsanggalang, at kaniyang ililigtas sila.
21 At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto, at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon; oo, (W)sila'y magsisisamba na may hain at alay, at magsisipanata ng panata sa Panginoon, at tutuparin.
22 At sasaktan ng Panginoon ang Egipto, na nananakit at magpapagaling; at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at siya'y madadalanginan nila, at pagagalingin niya sila.
23 Sa araw na yaon ay (X)magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto, at ang mga Egipcio ay sa Asiria, at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria.
24 Sa araw na yao'y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria, na pagpapala sa gitna ng lupain:
25 Sapagka't pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, Pagpalain ang bayan kong Egipto, (Y)at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na (Z)aking mana.
Ang pagkabihag ng Egipto at ng Etiopia ay hinulaan.
20 Nang taong dumating si (AA)Tartan kay (AB)Asdod, nang suguin siya ni Sargon na hari sa Asiria, at siya'y makipaglaban kay Asdod, at sakupin niya;
2 Nang panahong yaon ay nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni (AC)Isaias na anak ni Amoz, na nagsasabi, Ikaw ay yumaon, at kalagin mo (AD)ang kayong magaspang sa iyong mga balakang, at maghubad ka ng iyong panyapak sa iyong paa. At ginawa niyang gayon (AE)na lumakad na hubad at walang panyapak.
3 At sinabi ng Panginoon, Kung paanong ang aking lingkod na si Isaias ay lumakad na hubad at walang panyapak na tatlong taon na (AF)pinakatanda at pinakakamanghaan sa Egipto at sa (AG)Etiopia;
4 Gayon ihahatid (AH)ng hari sa Asiria ang mga bihag sa Egipto, at (AI)ang mga tapon sa Etiopia, bata at matanda, hubad at walang panyapak, at may mga pigi (AJ)na litaw, sa ikapapahiya ng Egipto.
5 At sila'y manganglulupaypay (AK)at mangapapahiya, dahil sa Etiopia na kanilang pagasa at sa Egipto na kanilang kaluwalhatian.
6 At ang nananahan sa (AL)baybaying ito ay mangagsasabi sa araw na yaon, Narito, gayon na lamang ang aming pagasa, na aming tinakasan na hiningan ng tulong upang makalaya sa hari sa Asiria: at kami paanong makatatanan?
1 Si Simon Pedro, na (A)alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya (B)sa katuwiran (C)ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo:
2 Biyaya at kapayapaan ang (D)sa inyo'y dumami (E)sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin;
3 Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa (F)kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na (G)tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;
4 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay (H)makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.
5 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang (I)kaalaman;
6 At sa kaalaman ay ang (J)pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang (K)pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang (L)kabanalan;
7 At sa kabanalan ay ang (M)mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang (N)pagibig.
8 Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.
9 Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito (O)ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng (P)paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.
10 Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa (Q)pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay (R)hindi kayo mangatitisod kailan man:
11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok (S)sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo.
12 Kaya't magiging handa akong lagi na ipaalaala ko sa inyo ang mga bagay na ito, (T)bagama't inyong nalalaman, at kayo'y (U)pinatitibay sa katotohanang nasa inyo.
13 At inaakala kong matuwid, na samantalang ako'y nasa tabernakulong (V)ito, ay kilusin ko kayo na ipaalaala ko sa inyo;
14 Yamang aking nalalaman na dumarating na madali ang paghiwalay ko sa aking tabernakulo, na (W)gaya ng ipinahiwatig sa akin ng Panginoon nating Jesucristo.
15 Oo, pagsisikapan ko na sa tuwituwi na, pagkamatay ko'y inyong maalaala ang mga bagay na ito.
16 Sapagka't kami ay hindi nagsisunod sa (X)mga kathang ginawang mainam, noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at (Y)pagparito ng ating Panginoong Jesucristo, (Z)kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan.
17 Sapagka't siya'y tumanggap sa Dios Ama ng (AA)karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, (AB)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan:
18 At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
19 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang (AC)ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at (AD)ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso:
20 Na maalaman muna ito, na (AE)alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag.
21 Sapagka't hindi sa kalooban ng tao dumating (AF)ang hula kailanman: (AG)kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyokan ng Espiritu Santo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978