M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang tungkod ni Aaron ay namulaklak.
17 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at kumuha ka sa kanila ng mga tungkod, isa sa bawa't sangbahayan ng mga magulang; sa lahat nilang mga prinsipe ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, labing dalawang tungkod: isulat mo ang pangalan ng bawa't isa sa kaniyang tungkod.
3 At isusulat mo ang pangalan ni Aaron sa tungkod ni Levi: sapagka't isa lamang tungkod magkakaroon sa bawa't pangulo sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
4 At iyong ilalagay sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ng patotoo, (A)na aking pinakikipagkitaan sa inyo.
5 At mangyayari na ang lalaking (B)aking pipiliin, ay mamumulaklak ang kaniyang tungkod: at aking ipatitigil sa akin, ang mga pag-upasala ng mga anak ni Israel, na kanilang (C)iniupasala laban sa inyo.
6 At si Moises ay nagsalita sa mga anak ni Israel, at ang lahat nilang mga prinsipe ay nagbigay sa kaniya ng tungkod, na bawa't pangulo ay isa, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, labing dalawang tungkod: at ang tungkod ni Aaron ay nasa gitna ng kanilang mga tungkod.
7 At inilagay ni Moises ang mga tungkod sa harap ng Panginoon (D)sa tabernakulo ng patotoo;
8 At nangyari nang kinabukasan, na si Moises ay pumasok sa tabernakulo ng patotoo; at, narito, na ang tungkod ni Aaron sa sangbahayan ni Levi ay namulaklak at nagkaroon ng mga hinog na almendras.
9 At mula sa harap ng Panginoon ay inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod sa lahat ng mga anak ni Israel: at kanilang pinagmalas, at kinuha ng bawa't lalake ang kaniyang tungkod.
10 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Ibalik mo (E)ang tungkod ni Aaron sa harap ng patotoo, (F)upang ingatang (G)pinakatanda laban sa mga anak ng panghihimagsik; upang iyong wakasan ang kanilang mga pag-upasala laban sa akin, upang huwag silang mamatay.
11 Gayon ginawa ni Moises: kung paanong iniutos ng Panginoon sa kaniya, ay gayon niya ginawa.
12 At sinalita ng mga anak ni Israel kay Moises, na sinasabi, Narito, kami ay mga patay, kami ay napahamak, kaming lahat ay napahamak.
13 (H)Lahat ng lumalapit, na lumalapit sa tabernakulo ng Panginoon, ay namamatay: kami bang lahat ay malilipol?
Ang bahagi ng mga saserdote sa mga bagay na banal.
18 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, (I)Ikaw at ang iyong mga anak at ang sangbahayan ng iyong mga magulang na kasama mo ay (J)magtataglay ng kasamaan ng santuario: at ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay magtataglay ng kasamaan ng inyong pagkasaserdote.
2 At ang iyong mga kapatid naman, ang lipi ni Levi, ang lipi ng iyong ama, ay palalapitin mo sa iyo upang sila'y (K)lumakip sa iyo at (L)mangasiwa sa iyo: nguni't ikaw at ang iyong mga anak na kasama mo, ay lalagay sa harap ng tabernakulo ng patotoo.
3 At kanilang iingatan ang iyong katungkulan, at ang katungkulan ng buong tolda: huwag lamang silang (M)lalapit sa mga kasangkapan ng santuario ni sa dambana, (N)upang huwag silang mamatay, ni maging kayo.
4 At sila'y lalakip sa iyo, at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, sa buong paglilingkod sa tolda: at (O)sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo.
5 (P)At inyong iingatan ang katungkulan ng santuario, at ang katungkulan ng dambana; (Q)upang huwag nang magkaroon pa ng kagalitan sa mga anak ni Israel.
6 At ako, narito, aking (R)pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na (S)bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
7 (T)At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; (U)at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin.
8 At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At (V)ako'y, narito, aking ibinigay sa (W)iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man.
9 Ito'y magiging iyo sa mga pinakabanal na bagay, na hindi pinaraan sa apoy: (X)bawa't alay nila, (Y)bawa't handog na harina nila, (Z)at bawa't handog nila dahil sa kasalanan, at bawa't handog nila dahil sa pagkakasala na kanilang ihahandog sa akin, ay magiging pinaka banal sa iyo at sa iyong mga anak.
10 (AA)Gaya ng mga kabanalbanalang bagay ay kakain ka ng mga iyan: bawa't lalake ay kakain niyaon magiging banal na bagay sa iyo.
11 At ito ay iyo; (AB)ang handog na itinaas na kanilang kaloob, sa makatuwid baga'y ang lahat ng mga handog na inalog ng mga anak ni Israel: aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo na marapat na bahagi magpakailan man: (AC)bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.
12 (AD)Lahat ng pinakamainam sa langis, at lahat ng pinakamainam sa alak, at sa trigo, ang mga pinakaunang bunga ng mga yaon na kanilang ibibigay sa Panginoon, ay ibibigay ko sa iyo.
13 Ang mga unang hinog na bunga ng lahat na nasa kanilang lupain, (AE)na kanilang dinadala sa Panginoon, ay magiging iyo; (AF)bawa't malinis sa iyong bahay ay kakain niyaon.
14 Lahat ng mga bagay na (AG)natatalaga sa Israel ay magiging iyo.
15 Lahat ng mga bagay na nagbubukas ng (AH)bahay-bata, sa lahat ng laman na kanilang inihahandog sa Panginoon, sa mga tao at gayon din sa mga hayop, ay magiging iyo: (AI)gayon man ang panganay sa tao ay tunay na iyong tutubusin, at ang panganay sa maruruming hayop ay iyong tutubusin.
16 At yaong mga matutubos sa kanila, mula sa isang buwang gulang ay iyong tutubusin, (AJ)ayon sa iyong pagkahalaga, ng limang siklong pilak, ayon sa siklo ng santuario ((AK)na dalawang pung gera).
17 (AL)Nguni't ang panganay ng baka, o ang panganay ng tupa, o ang panganay ng kambing ay huwag mong tutubusin; mga banal: iyong iwiwisik ang kanilang (AM)dugo sa ibabaw ng dambana, at iyong susunugin ang kanilang taba na pinakahandog na pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.
18 At ang laman nila ay magiging iyo, gaya ng dibdib na inalog at gaya ng kanang (AN)hita ay magiging iyo.
19 Lahat ng mga handog na itinaas sa mga banal na bagay na ihahandog ng mga anak ni Israel sa Panginoon, ay aking ibinigay sa iyo, at sa iyong mga anak na lalake at babae na kasama mo, na marapat na bahagi magpakailan man: (AO)tipan ng asin magpakailan man sa harap ng Panginoon sa iyo, at sa iyong binhi na kasama mo.
20 At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: (AP)ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.
Ang ikasangpung bahagi ay ipinamana sa mga Levita.
21 At sa mga anak ni Levi, ay narito, aking (AQ)ibinigay ang lahat ng ikasangpung bahagi sa Israel na pinakamana, na ganti (AR)sa kanilang paglilingkod na kanilang ipinaglilingkod, sa makatuwid baga'y sa paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
22 (AS)At sa haharapin ay huwag lalapit ang mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, (AT)baka sila'y magtaglay ng kasalanan, at mamatay.
23 Nguni't gagawin ng mga Levita ang paglilingkod ng tabernakulo ng kapisanan; at kanilang (AU)tataglayin ang kanilang kasamaan: ito'y magiging palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong mga lahi, at sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
24 Sapagka't ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel (AV)na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya't aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana.
25 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
26 Bukod dito'y sasalitain mo sa mga Levita, at sasabihin mo sa kanila, Pagkuha ninyo sa mga anak ni Israel ng ikasangpung bahagi na aking ibinigay sa inyo mula sa kanila na inyong pinakamana, ay inyong ihahandog nga na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, (AW)ang ikasangpung bahagi ng ikasangpung bahagi.
27 At ang inyong handog na itinaas ay ibibilang sa inyo, na parang trigo ng giikan at ng kasaganaan ng pisaan ng ubas.
28 Ganito rin kayo maghahandog ng handog na itinaas sa Panginoon sa inyong buong ikasangpung bahagi, na inyong tinatanggap sa mga anak ni Israel; at ganito ibibigay ninyo ang handog na itinaas sa Panginoon kay Aaron na saserdote.
29 Sa lahat ng inyong natanggap na kaloob ay inyong ihahandog ang bawa't handog na itinaas sa Panginoon, ang lahat ng pinakamainam niyaon, sa makatuwid baga'y ang banal na bahagi niyaon.
30 Kaya't iyong sasabihin sa kanila, Pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa handog, ay (AX)ibibilang nga sa mga Levita, na parang bunga ng giikan, at parang pakinabang sa pisaan ng ubas.
31 At inyong kakanin saa't saan man, ninyo at ng inyong mga kasangbahay: sapagka't (AY)kabayaran sa inyo, na ganti sa inyong paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan.
32 At hindi kayo magtataglay ng kasalanan dahil dito, (AZ)pagka inyong naitaas ang pinakamainam sa mga yaon: at (BA)huwag ninyong lalapastanganin ang mga banal na bagay ng mga anak ni Israel, upang huwag kayong mamatay.
Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Masquil ni David.
55 (A)Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios;
At huwag kang magkubli sa aking pananaing.
2 Pakinggan mo ako, at iyong sagutin ako:
(B)Ako'y walang katiwasayan sa aking pagdaramdam, at ako'y dumadaing;
3 Dahil sa tinig ng kaaway,
Dahil sa pagpighati ng masama;
(C)Sapagka't sila'y naghagis ng kasamaan sa akin,
At sa galit ay inuusig nila ako.
4 (D)Ang aking puso ay nagdaramdam na mainam sa loob ko:
At ang mga kakilabutan ng kamatayan ay nahulog sa akin.
5 (E)Katakutan at panginginig ay dumating sa akin,
At tinakpan ako ng (F)kakilabutan.
6 At aking sinabi, Oh kung ako'y nagkaroon ng mga pakpak na gaya ng kalapati!
Lilipad nga ako, at magpapahinga.
7 Narito, kung magkagayo'y gagala ako sa malayo,
Ako'y titigil sa ilang. (Selah)
8 Ako'y magmamadaling sisilong
Mula sa malakas na hangin at bagyo.
9 Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika:
Sapagka't ako'y nakakita ng (G)pangdadahas at pagaaway sa bayan.
10 Araw at gabi ay nagsisiligid sila sa mga kuta niyaon:
Kasamaan man at kahirapan ay nangasa gitna rin niyaon.
11 Kasamaan ay nasa gitna niyaon;
Ang pagpighati at pagdaraya ay hindi humihiwalay sa kaniyang mga lansangan.
12 Sapagka't hindi kaaway ang dumuwahagi sa akin;
Akin nga sanang nabata:
(H)Ni hindi rin ang nagtatanim sa akin ang nagmamalaki laban sa akin;
Nagtago nga sana ako sa kaniya:
13 Kundi ikaw, lalake na kagaya ko,
(I)Aking kasama at aking kaibigang matalik.
14 Tayo ay maligayang nagpapayuhang magkasama,
Tayo'y lumalakad na magkaakbay (J)sa bahay ng Dios.
15 Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan,
(K)Mababa nawa silang buháy sa (L)Sheol:
Sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila.
16 Tungkol sa akin, ay tatawag ako sa Dios;
At ililigtas ako ng Panginoon.
17 (M)Sa hapon at sa umaga, at sa katanghaliang tapat, ako'y dadaing at hihibik:
At kaniyang didinggin ang aking tinig.
18 Kaniyang tinubos ang aking kaluluwa sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin:
(N)Sapagka't sila'y marami na nakikipaglaban sa akin.
19 Didinggin ng Dios, at paghihigantihan sila,
Siyang tumatahan ng una. (Selah)
Ang mga tao na walang mga pagbabago,
At hindi nangatatakot sa Dios.
20 Kaniyang iniunat ang kaniyang mga kamay laban sa gayon na nasa kapayapaan sa kaniya:
Kaniyang nilapastangan ang kaniyang tipan.
21 (O)Ang kaniyang bibig ay malambot na parang mantekilya:
Nguni't ang kaniyang puso ay pakikidigma:
Ang kaniyang mga salita ay lalong mabanayad kay sa langis,
(P)Gayon ma'y mga bunot na tabak.
22 (Q)Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka:
Hindi niya titiising makilos kailan man ang matuwid.
23 Nguni't ikaw, Oh Dios, ibababa mo sila sa hukay ng kapahamakan:
Mga mabagsik at magdarayang tao ay (R)hindi darating sa kalahati ng kanilang mga kaarawan;
Nguni't titiwala ako sa iyo.
Si Rezin at si Peca ay bumaka sa Jerusalem.
7 At nangyari, nang mga kaarawan ni Achaz na anak ni Jotham, anak ni Uzzias, na hari sa Juda, na si (A)Rezin na hari sa Siria, at si Peca na anak ni Remalias, hari sa Israel, ay nagsiahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon; nguni't hindi nanganaig laban doon.
2 At nasaysay sa sangbahayan ni David, na sinasabi, Ang Siria ay nalakip sa Ephraim. At ang puso niya'y nakilos, at ang puso ng kaniyang bayan na gaya ng mga punong kahoy sa gubat na kinilos ng hangin.
3 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon kay Isaias, Lumabas ka na iyong salubungin si Achaz, ikaw, at si Sear-jasub na iyong anak, (B)sa dulo ng padaluyan ng tipunan ng tubig sa itaas, sa lansangan ng parang ng nagpapaputi ng kayo;
4 At sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay magingat, at tumahimik ka; huwag kang matakot, o manglupaypay man ang iyong puso ng dahil sa dalawang buntot na apoy na ito na umuusok, ng dahil sa mabangis na galit ng Rezin at Siria, at ng (C)anak ni Remalias.
5 Dahil sa ang Siria ay pumayo ng masama laban sa iyo, ang Ephraim din naman, at ang anak ni Remalias, na nagsasabi,
6 Magsiahon tayo laban sa Juda, at ating bagabagin, at ating papasukin sila, at tayo'y maglagay ng hari sa gitna niyaon, sa makatuwid baga'y ang anak ni Tabeel:
7 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Hindi matatayo o mangyayari man.
8 Sapagka't (D)ang pangulo ng Siria (E)ay ang Damasco, at ang pangulo ng Damasco ay ang Rezin: at (F)sa loob ng anim na pu't limang taon ay magkakawatakwatak ang Ephraim, upang huwag maging bayan:
9 At ang pangulo ng Ephraim ay ang (G)Samaria, at ang pangulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung kayo'y hindi maniniwala, tunay na hindi kayo mangatatatag.
Ang batang Emmanuel.
10 At ang Panginoon ay nagsalita uli kay Achaz, na nagsasabi,
11 Humingi ka sa ganang iyo ng (H)tanda na mula sa Panginoon mong Dios; humingi ka maging (I)sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas.
12 Nguni't sinabi ni Achaz, (J)Hindi ako hihingi, ni tutuksuhin ko man ang Panginoon.
13 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh (K)sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios?
14 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; (L)narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na (M)Emmanuel.
15 Siya'y (N)kakain ng mantekilla at pulot, (O)pagka siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti.
16 Sapagka't bago (P)maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, pababayaan ang lupain (Q)ng dalawang haring iyong kinayayamutan.
17 Ang Panginoon ay magpapasapit sa iyo, at sa iyong bayan, at sa sangbahayan ng iyong magulang ng mga araw na hindi nangyari mula ng araw na humiwalay ang (R)Ephraim sa Juda; sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria.
18 At mangyayari sa araw na yaon, na (S)susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahulihulihang bahagi ng mga ilog ng Egipto, at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria.
19 At sila'y magsisidating, at silang lahat ay mangagpapahinga sa mga gibang libis, at sa mga bitak ng malalaking bato, at sa lahat ng mga tinikan, at sa lahat ng mga sukal.
20 Sa araw na yaon ay (T)aahitin ng Panginoon ang ulo at ang balahibo ng mga paa, ng pangahit na inupahan, ang nangasa bahagi ng dako roon ng Ilog, ang hari sa Asiria: at aalisin din ang balbas.
21 At mangyayari sa araw na yaon, na ang isang tao ay magaalaga ng guyang baka, at ng dalawang tupa;
22 At mangyayari, na dahil sa kasaganaan ng gatas na kanilang ibibigay ay kakain siya ng mantekilla: sapagka't ang bawa't isa na naiwan sa gitna ng lupain ay kakain ng mantekilla at pulot.
23 At mangyayari sa araw na yaon, na ang bawa't dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak, ay magiging dawagan at tinikan.
24 Paroroon ang isa na may mga pana at may busog; sapagka't ang buong lupain ay magiging mga dawag at mga tinikan.
25 At ang lahat ng burol na hinukay ng azarol, hindi mo paroroonan dahil sa takot sa mga dawag at sa mga tinikan; (U)kundi magiging pagalaan sa mga baka, (V)at yurakan ng mga tupa.
1 Si Santiago, na (A)alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati (B)sa labingdalawang angkan (C)na nasa Pangangalat.
2 Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso;
3 Yamang nalalaman (D)na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay (E)gumagawa ng pagtitiis.
4 At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging (F)sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.
5 Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay (G)humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.
6 Nguni't (H)humingi siyang may pananampalataya, (I)na walang anomang pagaalinlangan: sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad (J)ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.
7 Sapagka't huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon;
8 Ang taong (K)may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.
9 Datapuwa't ang kapatid na mababang kapalaran ay magmapuri (L)sa kaniyang mataas na kalagayan:
10 At ang mayaman, (M)dahil sa siya'y pinababa: sapagka't (N)siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.
11 Sapagka't sumisikat ang araw na may hanging nakakasunog, at naluluoy (O)ang damo; at nangalalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang karikitan ng kaniyang anyo: gayon din naman ang taong mayaman na malalanta sa lahat ng kaniyang mga paglakad.
12 (P)Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap (Q)ng putong ng buhay, (R)na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.
13 Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, Ako'y tinutukso ng Dios; sapagka't ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man:
14 Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila (S)ng sariling masamang pita at nahihikayat.
15 Kung magkagayo'y ang kahalayan, (T)kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay (U)namumunga ng kamatayan.
16 Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid.
17 Ang bawa't mabuting kaloob (V)at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa (W)Ama ng mga ilaw, (X)na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.
18 (Y)Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, (Z)upang tayo'y maging isang uri ng mga (AA)pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang.
19 Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't (AB)magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, (AC)magmakupad sa pananalita, (AD)magmakupad sa pagkagalit;
20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.
21 Kaya't (AE)ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, (AF)na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
22 Datapuwa't maging (AG)tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.
23 Sapagka't (AH)kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa (AI)salamin:
24 Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya.
25 Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na (AJ)kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa.
26 Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso (AK)samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.
27 Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating (AL)Dios at Ama ay ito, (AM)dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, (AN)at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978