M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang unang hula ni Balaam.
23 At sinabi ni Balaam kay Balac, (A)Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.
2 At ginawa ni Balac gaya ng sinalita ni Balaam; at si Balac at si Balaam ay (B)naghandog sa bawa't dambana ng isang toro at ng isang tupang lalake.
3 At sinabi ni Balaam kay Balac, (C)Tumayo ka sa tabi ng iyong handog na susunugin, at ako'y yayaon; marahil ang Panginoon ay (D)paririto na sasalubungin ako: at anomang bagay na kaniyang ipakita sa akin ay aking sasaysayin sa iyo. At siya'y naparoon sa isang dakong mataas na walang tanim.
4 (E)At sinalubong ng Dios si Balaam: at sinabi niya sa kaniya, Aking inihanda ang pitong dambana, at aking inihandog ang isang toro at ang isang tupang lalake sa bawa't dambana.
5 (F)At nilagyan ng Panginoon ng salita ang bibig ni Balaam, at sinabi: Bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.
6 At siya'y bumalik sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, siya at ang lahat ng mga prinsipe sa Moab.
7 At (G)kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,
Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac,
Niyang hari sa Moab, na mula sa mga bundok ng Silanganan:
(H)Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob.
At parito ka, laitin mo ang Israel.
8 Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios?
At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon?
9 Sapagka't mula sa taluktok ng mga bato ay aking nakikita siya,
At mula sa mga burol ay akin siyang natatanawan:
Narito, siya'y isang (I)bayang tatahang magisa,
At (J)hindi ibinibilang sa gitna ng mga bansa.
10 (K)Sinong makabibilang ng alabok ng Jacob,
O ng bilang ng ikaapat na bahagi ng Israel?
Mamatay nawa ako ng (L)kamatayan ng matuwid,
At ang aking wakas ay magiging gaya nawa ng kaniya!
11 At sinabi ni Balac kay Balaam, Anong ginawa mo sa akin? (M)Ipinagsama kita upang sumpain mo ang aking mga kaaway, at, narito, iyong pinagpala silang totoo.
12 At siya'y sumagot, at nagsabi, (N)Hindi ba nararapat na aking pagingatang salitain yaong isinasa bibig ko ng Panginoon?
Ang ikalawang hula ni Balaam.
13 At sinabi sa kaniya ni Balac, Isinasamo ko sa iyo, na sumama ka sa akin sa ibang dako, na iyong pagkakakitaan sa kanila; ang iyo lamang makikita ay ang kahulihulihang bahagi nila, at hindi mo makikita silang lahat: at sumpain mo sila sa akin mula roon.
14 At dinala niya siya sa parang ng Sophim, sa taluktok ng Pisga, at (O)nagtayo roon ng pitong dambana, at naghandog ng isang toro, at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.
15 At kaniyang sinabi kay Balac, Tumayo ka rito sa tabi ng iyong handog na susunugin, samantalang aking sinasalubong ang (P)Panginoon doon.
16 At sinalubong ng Panginoon si Balaam, at (Q)pinapagsalita siya ng salita sa kaniyang bibig, at sinabi, bumalik ka kay Balac, at ganito ang iyong sasalitain.
17 At siya'y naparoon sa kaniya, at, narito, siya'y nakatayo sa tabi ng kaniyang handog na susunugin, at ang mga prinsipe sa Moab na kasama niya. At sinabi sa kaniya ni Balac, Anong sinalita ng Panginoon?
18 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinghaga, at sinabi,
Tumindig ka, Balac, at iyong dinggin;
Makinig ka sa akin, ikaw anak ni Zippor:
19 (R)Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling,
Ni anak ng tao na magsisisi;
Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin?
O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?
20 Narito, ako'y tumanggap ng utos na magpala:
(S)At kaniyang pinagpala, at hindi ko na mababago.
21 Wala siyang nakitang kasamaan sa Jacob,
Ni wala siyang nakitang kasamaan sa Israel:
Ang Panginoon niyang Dios ay sumasa kaniya,
At (T)ang sigaw ng hari ay nasa gitna nila.
22 (U)Dios ang naglalabas sa kanila sa Egipto;
(V)Siya'y may lakas na gaya ng mabangis na (W)toro.
23 Tunay na walang enkanto laban sa Jacob,
(X)Ni panghuhula laban sa Israel:
Ngayo'y sasabihin tungkol sa Jacob at sa Israel,
(Y)Anong ginawa ng Dios!
24 Narito, ang bayan ay tumitindig na (Z)parang isang leong babae,
(AA)At parang isang leon na nagpakataas:
Siya'y hindi mahihiga hanggang sa makakain ng huli,
At makainom ng dugo ng napatay.
25 At sinabi ni Balac kay Balaam, Ni huwag mo silang pakasumpain ni pakapagpalain.
26 Nguni't si Balaam ay sumagot at nagsabi kay Balac, Di ba isinaysay ko sa iyo, na sinasabi, (AB)Yaong lahat na sinasalita ng Panginoon, ay siya kong nararapat gawin?
27 At sinabi ni Balac kay Balaam, Halika ngayon, (AC)ipagsasama kita sa ibang dako; marahil ay kalulugdan ng Dios na iyong sumpain sila sa akin mula roon.
28 At ipinagsama ni Balac si Balaam sa taluktok ng (AD)Peor, (AE)na nakatungo sa ilang.
29 At sinabi ni Balaam kay Balac, (AF)Ipagtayo mo ako rito ng pitong dambana, at ipaghanda mo ako rito ng pitong toro at ng pitong tupang lalake.
30 At ginawa ni Balac gaya ng sinabi ni Balaam, at naghandog ng isang toro at ng isang tupang lalake sa bawa't dambana.
Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
64 Dinggin mo ang tinig ko. Oh Dios, sa aking hibik:
Ingatan mo ang buhay ko sa pagkatakot sa kaaway.
2 Ikubli mo ako sa lihim na payo ng mga manggagawa ng kasamaan;
Sa panggugulo ng mga manggagawa ng kasamaan:
3 (A)Na siyang nangaghasa ng kanilang dila na parang tabak,
At pinahilagpos ang kanilang mga (B)palaso, sa makatuwid baga'y ang masasakit na salita:
4 Upang kanilang maihilagpos sa sakdal sa mga lihim na dako:
Biglang inihihilagpos nila sa kaniya at hindi natatakot.
5 Sila'y nagpapakatapang sa masamang akala;
Sila'y nagsasangusapan ng paglalagay ng lihim na silo;
Sinasabi nila, (C)Sinong makakakita?
6 Sila'y nagsisipagsiyasat ng mga kasamaan;
Aming naganap, sabi nila, ang masikap na pagsiyasat;
At ang pagiisip sa loob ng bawa't isa, at ang puso ay malalim.
7 (D)Nguni't pahihilagpusan sila ng Dios;
Sila'y masusugatang bigla ng isang palaso.
8 Sa gayo'y sila'y (E)matitisod palibhasa't ang kanilang sariling dila ay laban sa kanila:
Ang lahat na makakita sa kanila ay (F)mangaguuga ng ulo.
9 At lahat ng mga tao ay (G)mangatatakot;
At kanilang ipahahayag ang salita ng Dios,
At may karunungang kanilang bubuhayin ang kanilang gawa.
10 Ang matuwid ay (H)matutuwa sa Panginoon, at manganganlong sa kaniya;
At lahat ng mga matuwid sa puso ay magsisiluwalhati.
Sa Pangulong Manunugtog. Salmo. Awit ni David.
65 Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion:
At sa iyo'y maisasagawa ang panata.
2 Oh ikaw na dumidinig ng dalangin,
(I)Sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
3 Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin:
Tungkol sa aming pagsalangsang, ay (J)lilinisin mo.
4 (K)Mapalad ang tao na (L)iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo,
(M)Upang siya'y makatahan sa iyong mga looban:
(N)Kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,
Ng iyong banal na templo.
5 Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay,
Oh Dios ng aming kaligtasan;
Ikaw na katiwalaan ng (O)lahat na wakas ng lupa,
At nila na malayo sa dagat:
6 Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan;
Palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
7 (P)Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat,
Ng hugong ng kanilang mga alon,
(Q)At ng kaingay ng mga bayan.
8 Sila naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda:
Ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
9 (R)Iyong dinadalaw ang lupa, at (S)dinidilig mo,
Iyong pinayayamang mainam;
(T)Ang ilog ng Dios ay puno ng tubig:
Iyong pinagtataanan sila ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana;
Iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal;
Iyong mga pinalalambot ng ambon;
Iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan;
At ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nagsisipatak sa mga (U)pastulan sa ilang;
At ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga[a] pastulan ay nangabihisan ng mga kawan;
Ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo;
Sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, sila naman ay nagsisiawit.
Hula sa paglagpak ng Babilonia. Muling pagkatayo ng Israel.
13 (A)Ang hula tungkol sa Babilonia (B)na nakita ni Isaias na anak ni Amoz.
2 Kayo'y mangaglagay ng isang (C)watawa't (D)sa bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, (E)inyong senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao.
3 Aking inutusan ang (F)aking mga itinalaga, oo, aking tinawag ang (G)aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit, sa makatuwid baga'y ang nangagagalak sa aking kamahalan.
4 Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, gaya ng malaking bayan: ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka.
5 Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain.
6 (H)Magsiangal kayo; (I)sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat.
7 Kaya't lahat ng kamay ay manghihina, at bawa't puso ng tao ay manglulumo:
8 At sila'y manglulupaypay; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila; sila'y (J)mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam: mangagkakatigilan; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab.
9 Narito, (K)ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang (L)lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.
10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: (M)ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
11 (N)At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; (O)at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.
12 At (P)aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na (Q)higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir.
13 Kaya't (R)aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa (S)kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,
14 At mangyayari, na kung paano ang usang hinahabol, at kung paano ang mga tupa na walang pumisan, ay magsisibalik sila (T)bawa't isa sa kaniyang sariling bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.
15 Bawa't masusumpungan ay palalagpasan; at bawa't nahuli ay mabubuwal sa tabak.
16 Ang kanilang mga sanggol ay (U)pagluluraylurayin sa harap ng kanilang mga mata; (V)ang kanilang mga bahay ay sasamsaman, at ang kanilang mga asawa ay dadahasin.
17 Narito, aking hihikayatin ang mga Medo (W)laban sa kanila, na hindi magpapakundangan sa pilak, at tungkol sa ginto, hindi nila kaluluguran.
18 At pagluluraylurayin ng kanilang mga busog ang mga binata; at sila'y hindi maaawa sa bunga ng bahay-bata; ang kanilang mata ay hindi mahahabag sa mga bata.
19 At ang Babilonia, ang (X)kaluwalhatian ng mga kaharian, ang (Y)ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya (Z)nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.
20 Hindi matatahanan kailan man, (AA)ni di tatahanan sa buong panahon: ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan.
21 Kundi mga maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga (AB)roon; at ang kanilang mga bahay ay mangapupuno ng mga hayop na nagsisiungal; at mga avestruz ay magsisitahan doon, at ang mga lalaking kambing ay magluluksuhan roon.
22 At ang mga lobo ay magsisihiyaw sa kanilang mga moog, at ang mga chakal sa mga maligayang palasio: (AC)at ang kanilang panahon ay malapit nang sumapit, at ang kanilang mga kaarawan ay hindi magtatagal.
1 Si Pedro, na apostol ni Jesucristo, sa mga hinirang na nangingibang bayan (A)na nasa Pangangalat sa Ponto, Galacia, Capadocia, Asia at Bitinia,
2 (B)Ayon (C)sa paunang kaalaman ng Dios Ama, sa pagpabanal ng Espiritu, upang magsitalima at (D)mangawisikan ng dugo ni Jesucristo: (E)Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo'y sumagana.
3 Purihin nawa ang Dios (F)at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli (G)tayo sa isang buhay na pagasa (H)sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay,
4 Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, (I)na inilaan sa langit para sa inyo,
5 Na sa kapangyarihan ng Dios (J)ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.
6 Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't (K)ngayo'y sa sangdaling panahon, (L)kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok,
7 Upang (M)ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama't ito'y (N)sinusubok sa pamamagitan ng apoy, (O)ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal (P)sa pagpapakahayag ni Jesucristo:
8 Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; (Q)na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y (R)inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian:
9 (S)Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa.
10 Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi (T)ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo:
11 Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro (U)ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, (V)nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito.
12 Na ipinahayag sa kanila, na hindi sa ganang kanilang sarili, kundi sa ganang inyo, pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito, na ngayo'y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan (W)ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit; na ang mga bagay na ito'y ninanasang mamasdan ng mga anghel.
13 Kaya't (X)inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip, (Y)na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang (Z)dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo;
14 Na gaya ng mga anak na matalimahin, (AA)na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo'y na (AB)sa kawalang kaalaman:
15 Nguni't yamang banal (AC)ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan (AD)ng pamumuhay;
16 Sapagka't nasusulat, (AE)Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.
17 At kung inyong tinatawagan, na Ama, siyang (AF)walang itinatanging tao, na humahatol ayon sa gawa ng bawa't isa, ay gugulin ninyo sa (AG)takot ang panahon ng inyong (AH)pangingibang bayan:
18 Na inyong nalalamang (AI)kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na (AJ)ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;
19 Kundi ng mahalagang (AK)dugo, gaya ng sa (AL)korderong (AM)walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:
20 (AN)Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan, nguni't inihayag (AO)sa mga huling panahon dahil sa inyo,
21 Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios, (AP)na sa kaniya'y bumuhay na maguli sa mga patay, at (AQ)sa kaniya'y nagbigay ng kaluwalhatian; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios.
22 Yamang (AR)nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, (AS)sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng (AT)buong ningas ng inyong puso sa isa't isa:
23 (AU)Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, (AV)sa pamamagitan (AW)ng salita ng Dios (AX)na nabubuhay at namamalagi.
24 Sapagka't,
(AY)Ang lahat ng laman ay gaya ng damo,
At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo.
Ang damo'y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta:
25 (AZ)Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man.
At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978