Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 35

Mga bayan na ibibigay sa mga Levita.

35 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga (A)kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico, na sinasabi,

(B)Iutos mo sa mga anak ni Israel, na kanilang bigyan ang mga Levita sa mana na kanilang pagaari, ng mga bayan na matahanan; at ang mga (C)pastulan sa palibot ng mga bayang yaon ay ibibigay ninyo sa mga Levita,

At mapapasa kanila ang mga bayan upang tahanan; at ang kanilang mga pastulan ay sa kanilang mga kawan, at sa kanilang mga pagaari, at sa lahat nilang mga hayop.

At ang mga pastulan sa mga bayan, na inyong ibibigay sa mga Levita, ay isang libong siko sa palibot mula sa kuta ng bayan hanggang sa dakong labas.

At ang inyong susukatin sa labas ng bayan sa dakong silanganan ay dalawang libong siko, at sa dakong timugan ay dalawang libong siko, at sa dakong kalunuran ay dalawang libong siko, at sa dakong hilagaan ay dalawang libong siko, na ang bayan ay sa gitna. Ito ang magiging sa kanila'y mga pastulan sa mga bayan.

At ang mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay ang (D)anim na bayan na ampunan, na siya ninyong ibibigay na matatakasan ng nakamatay ng tao: at bukod sa rito ay magbibigay kayo ng apat na pu't dalawang bayan.

Lahat ng mga bayan na inyong ibibigay sa mga Levita ay (E)apat na pu't walong bayan: inyong ibibigay sangpu ng kanilang mga pastulan.

At tungkol sa mga bayan na (F)pagaari ng mga anak ni Israel na inyong ibibigay ay kukuha kayo ng (G)marami sa marami; at sa kaunti ay kukuha kayo ng kaunti: bawa't isa ayon sa kaniyang mana na kaniyang minamana ay magbibigay sa kaniyang mga bayan sa mga Levita.

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

10 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (H)Pagkaraan ninyo ng Jordan sa lupain ng Canaan,

11 (I)Ay pipili nga kayo ng mga bayan na maging mga bayang ampunan sa inyo, upang ang nakamatay ng tao na pumatay ng sinomang tao na hindi (J)sinasadya, ay makatakas doon.

12 At ang mga bayang yaong ay magiging sa inyo'y pinaka ampunan laban sa manghihiganti; upang ang nakamatay ay huwag mamatay, hanggang sa maitayo sa kapisanan na hatulan.

13 At ang mga bayan na inyong ibibigay ay (K)anim na bayang ampunan sa inyo.

14 (L)Magbibigay kayo ng tatlong bayan sa dako roon ng Jordan, at tatlong bayan ang ibibigay ninyo sa lupain ng Canaan; siyang magiging mga bayang ampunan.

15 Sa mga anak ni Israel, (M)at sa taga ibang lupa, at sa makikipamayan sa kanila ay magiging ampunan ang anim na bayang ito: upang ang bawa't nakamatay ng sinomang tao, na hindi sinasadya, ay makatakas doon.

16 (N)Nguni't kung kaniyang saktan ang kaniyang kapuwa ng isang kasangkapang bakal, na ano pa't namatay, siya nga'y mamamatay tao; ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.

17 At kung kaniyang saktan ng isang batong tangan niya sa kamay na ikamamatay ng isang tao, at namatay nga, mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.

18 O kung kaniyang saktan ng isang almas na kahoy na tangan niya sa kamay na ikamamatay ng tao, at namatay nga, ay mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin.

19 Ang manghihiganti sa dugo ay (O)siyang papatay sa pumatay: pagka nasumpungan niya ay kaniyang papatayin.

20 At kung kaniyang itinulak sa kapootan, o kaniyang hinagis na (P)binanta, ano pa't siya'y namatay;

21 O sa pakikipagkaalit ay sinaktan niya ng kaniyang kamay, na ano pa't siya'y namatay: siya na sumakit ay walang pagsalang papatayin; siya'y mamamatay tao: ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay, pagka nasumpungan niya.

Bayang ampunan para sa nakamatay.

22 Nguni't kung sa kabiglaanan ay kaniyang (Q)maitulak na walang pakikipagkaalit, o mahagisan niya ng anomang bagay na hindi binanta,

23 O ng anomang bato na ikamamatay ng tao, na hindi niya nakikita at kaniyang maihagis sa kaniya, na ano pa't namatay at hindi niya kaaway, at hindi niya pinagaakalaan ng masama:

24 Kung gayo'y ang (R)kapisanan ang siyang hahatol sa sumakit at sa manghihiganti sa dugo, ayon sa mga kahatulang ito:

25 At ililigtas ng kapisanan ang nakamatay sa kamay ng manghihiganti sa dugo, at siya'y pababalikin ng kapisanan sa kaniyang bayang ampunan, na kaniyang tinakasan: at siya'y tatahan doon hanggang sa pagkamatay ng (S)pangulong saserdote, (T)na pinahiran ng banal na langis.

26 Nguni't kung ang nakamatay ay lumabas sa anomang dahilan, sa hangganan ng kaniyang bayang ampunan, na kaniyang tinakasan;

27 At masumpungan siya ng manghihiganti sa dugo sa labas ng hangganan ng kaniyang bayang ampunan, at patayin ng manghihiganti sa dugo ang nakamatay, ay hindi siya magiging salarin sa dugo,

28 Sapagka't siya'y nararapat na tumira sa kaniyang bayang ampunan, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote: nguni't pagkamatay ng dakilang saserdote ang nakamatay ay makababalik sa lupain ng kaniyang pagaari.

Batas tungkol sa mamamatay tao.

29 At ang mga bagay na ito ay magiging isang (U)palatuntunan sa kahatulan sa inyo, sa buong panahon ng inyong mga lahi sa lahat ng inyong mga tahanan.

30 Sinomang pumatay sa kaninoman, ay papatayin ang pumatay sa (V)patotoo ng mga saksi: nguni't ang isang saksi ay hindi makapagpapatotoo laban sa kaninomang tao upang patayin.

31 Bukod sa rito, huwag kayong tatanggap ng suhol sa buhay ng pumatay na nagiging salarin sa pagpapatay: kundi siya'y walang pagsalang papatayin.

32 At huwag kayong tatanggap ng suhol sa kaninomang tumakas sa kaniyang bayang ampunan, upang bumalik na manahan sa kaniyang lupain, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote.

33 Kaya't huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong kinaroroonan; (W)sapagka't ang dugo ay nagpaparumi ng lupain: at walang paglilinis na magagawa sa lupa dahil sa dugo na nabubo doon, kundi sa (X)pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo.

34 (Y)At huwag ninyong dudumhan ang lupain na inyong tinatahanan, na ako'y tumahan sa gitna niyan: sapagka't (Z)akong Panginoon ay tumatahan sa gitna ng mga anak ni Israel.

Mga Awit 79

Hinagpis dahil sa pagka sira ng Jerusalem, at panalangin sa paghingi ng tulong. Awit ni Asaph.

79 Oh Dios, (A)ang mga bansa ay dumating sa (B)iyong mana;
(C)Ang iyong banal na templo ay kanilang nilapastangan;
(D)Kanilang pinapaging bunton ang Jerusalem.
Ang mga bangkay ng iyong mga lingkod ay (E)ibinigay nila na pagkain sa mga ibon sa himpapawid,
Ang laman ng iyong mga banal ay sa mga hayop sa lupa.
Ang kanilang dugo ay ibinubo nila na parang tubig sa palibot ng Jerusalem;
(F)At walang naglibing sa kanila.
(G)Kami ay naging kadustaan sa aming kalapit,
Kasabihan at kakutyaan nilang nangasa palibot namin.
Hanggang kailan, Oh Panginoon, magagalit ka magpakailan man?
(H)Magaalab ba ang iyong paninibugho na parang apoy?
(I)Ibugso mo ang iyong pagiinit sa mga bansa na hindi nangakakakilala sa iyo,
At sa mga kaharian na hindi nagsisitawag sa iyong pangalan.
Sapagka't kanilang nilamon ang Jacob,
At inilagay na sira ang kaniyang tahanan.
(J)Huwag mong alalahanin laban sa amin ang kasamaan ng aming mga magulang:
Magmadali ang iyong mga malumanay na kaawaan na tulungan kami:
Sapagka't kami ay totoong hinamak.
Iyong tulungan kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, dahil sa kaluwalhatian ng iyong pangalan:
At iyong iligtas kami, at linisin mo ang aming mga kasalanan, (K)dahil sa iyong pangalan.
10 (L)Bakit sasabihin ng mga bansa,
Saan nandoon ang kanilang Dios?
Ang (M)kagantihan sa dugo na nabubo sa iyong mga lingkod
Maalaman nawa ng mga bansa sa aming paningin.
11 (N)Dumating nawa sa harap mo ang buntong-hininga ng bihag;
Ayon sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay palagiin mo yaong nangatakda sa kamatayan:
12 At ibalik mo sa aming mga kalapit-bansa sa (O)makapito (P)sa kanilang sinapupunan,
Ang kanilang pagduwahagi na kanilang idinuwahagi sa iyo, Oh Panginoon.
13 Sa gayo'y (Q)kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo
Mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man:
Aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.

Isaias 27

Ang ubasan ng Panginoon.

27 (A)Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak (B)ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin (C)ang buwaya na nasa dagat.

Sa araw na yaon: (D)Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang (E)ubasang pinagkunan ng alak.

Akong Panginoon ang nagiingat; aking didiligin (F)tuwituwina: baka saktan ng sinoman, aking iingatan gabi't araw.

Kagalitan ay hindi sumasa akin: kung (G)makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin! akin yaong yayapakan, aking susunuging magkakasama.

O manghawak sana siya sa (H)aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa akin; oo, makipagpayapaan siya sa akin.

Sa mga araw na darating ay (I)maguugat ang Jacob; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko: at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan.

Sinaktan baga niya siya na gaya ng pagsakit niya sa mga yaon, na nanakit sa kaniya? o pinatay siya ng ayon sa pagpatay nila, na napatay niya?

Sa sukat, pagka iyong pinayayaon siya, ikaw ay nakikipagtalo sa kaniya; kaniyang binago siya ng kaniyang pagispis na hihip sa kaarawan ng silanganang hangin.

Kaya't sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob, at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan: pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang (J)ang mga Asera at ang mga larawang araw ay hindi na matatayo.

10 Sapagka't ang bayang nakukutaan ay nagiisa, isang tahanang (K)pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang: doon manginginain ang guya, at doon hihiga, at kakainin ang mga sanga niyaon.

11 Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo, babaliin; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy: (L)sapagka't bayan na walang unawa; kaya't ang gumawa (M)sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila, at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap.

12 At mangyayari sa araw na yaon, na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos (N)ng ilog (O)hanggang sa batis ng Egipto, at kayo'y mapipisang isa isa, Oh kayong mga anak ni Israel.

13 At mangyayari sa araw na yaon, (P)na ang malaking pakakak ay hihipan; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito, at (Q)silang mga tapon sa lupain ng Egipto; (R)at sila'y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem.

1 Juan 5

Ang sinomang nananampalataya na (A)si Jesus ay siyang Cristo (B)ay ipinanganak ng Dios: at (C)ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.

Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.

Sapagka't (D)ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: (E)at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.

Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: (F)at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.

At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang (G)si Jesus ay anak ng Dios?

Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; (H)hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.

At ang Espiritu ang nagpapatotoo, (I)sapagka't ang Espiritu ay katotohanan.

Sapagka't may tatlong nagpapatotoo, ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo: at ang tatlo ay nagkakaisa.

(J)Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao, ay lalong dakila ang patotoo ng Dios, sapagka't ito ang patotoo ng Dios: (K)sapagka't ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak.

10 Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay (L)may patotoo sa kaniya: ang hindi nananampalataya sa Dios (M)ay ginagawang isang sinungaling ang Dios: sapagka't hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak.

11 At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng (N)buhay na walang hanggan, (O)at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak.

12 (P)Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay.

13 (Q)Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.

14 At ito ang nasa ating (R)pagkakatiwala sa kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na (S)ayon sa kaniyang kalooban, ay dinidinig tayo niya:

15 At kung ating nalalaman na tayo'y dinidinig niya sa anomang ating hingin, ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya'y ating hiningi.

16 Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at (T)bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. (U)May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya.

17 Lahat ng (V)kalikuan ay kasalanan: at may kasalanang hindi ikamamatay.

18 Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; (W)datapuwa't ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.

19 Nalalaman natin na tayo'y sa Dios (X)at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.

20 At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala (Y)siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang (Z)buhay na walang hanggan.

21 Mga anak ko, (AA)mangagingat kayo sa mga diosdiosan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978