Mga Bilang 35:28
Ang Biblia (1978)
28 Sapagka't siya'y nararapat na tumira sa kaniyang bayang ampunan, hanggang sa pagkamatay ng dakilang saserdote: nguni't pagkamatay ng dakilang saserdote ang nakamatay ay makababalik sa lupain ng kaniyang pagaari.
Read full chapter
Levitico 21:10
Ang Biblia (1978)
10 (A)At ang pangulong saserdote sa kanilang magkakapatid, na binuhusan ang ulo ng langis na pangpahid, at itinalaga, upang makapagbihis ng mga banal na bihisan (B)ay huwag maglulugay ng buhok ng kaniyang ulo ni huwag hahapakin ang kaniyang mga suot;
Read full chapter
Josue 20:6
Ang Biblia (1978)
6 At siya'y tatahan sa bayang yaon, (A)hanggang sa siya'y tumayo sa harap ng kapisanan upang hatulan, (B)hanggang sa pagkamatay ng pangulong saserdote, na nalalagay sa mga araw na yaon: kung magkagayo'y uuwi ang nakamatay, at paroroon sa kaniyang sariling bayan, at sa kaniyang sariling bahay, hanggang sa pinagmulan niyang bayan na tinakasan.
Read full chapter
2 Mga Hari 12:10
Ang Biblia (1978)
10 At nagkagayon, nang makita nila na maraming salapi sa kaban, na ang (A)kalihim ng hari at ang (B)dakilang saserdote ay sumampa, at kanilang isinilid sa mga supot at binilang ang salapi na nasumpungan sa bahay ng Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978