M’Cheyne Bible Reading Plan
Ang Tala ng paglalakbay ng Israel.
33 Ito ang mga paglalakbay[a] ng mga anak ni Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, ayon sa kanilang mga hukbo sa ilalim ng kapangyarihan ni Moises at ni Aaron.
2 At isinulat ni Moises ang kanilang mga pagyao ayon sa kanilang mga paglalakbay alinsunod sa utos ng Panginoon: at ito ang kanilang mga paglalakbay ayon sa kanilang mga pagyao.
3 (A)At sila'y nagsipaglakbay mula sa Rameses nang (B)unang buwan, nang ikalabing limang araw ng unang buwan; nang kinabukasan pagkatapos ng paskua ay nagsialis ang mga anak ni Israel na (C)may kamay na nakataas sa paningin ng lahat ng mga taga Egipto,
4 Samantalang inililibing ng mga taga Egipto ang lahat ng kanilang panganay, (D)na nilipol ng Panginoon sa gitna nila: na pati ng kanilang mga dios ay hinatulan ng Panginoon.
5 (E)At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Rameses at humantong sa Succoth.
6 At (F)sila'y naglakbay mula sa Succoth at humantong sa Etham na nasa gilid ng ilang.
7 (G)At sila'y naglakbay mula sa Etham, at lumiko sa Pi-hahiroth, na nasa tapat ng Baal-sephon: at humantong sa tapat ng Migdol.
8 At sila'y naglakbay mula sa tapat ng Hahiroth, at (H)nagsipagdaan sa gitna ng dagat hanggang sa ilang: at sila'y naglakbay na tatlong araw sa ilang ng Etham at humantong sa Mara.
9 At sila'y naglakbay mula sa Mara, at dumating sa (I)Elim: at sa Elim ay may labing dalawang bukal ng tubig at pitong pung puno ng palma; at sila'y humantong doon.
10 At sila'y naglakbay mula sa Elim, at humantong sa tabi ng Dagat na Mapula.
11 At sila'y naglakbay mula sa Dagat na Mapula, at humantong sa (J)ilang ng Zin.
12 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Zin, at humantong sa Dophca.
13 At sila'y naglakbay mula sa Dophca, at humantong sa Alus.
14 At sila'y naglakbay mula sa Alus, at humantong sa (K)Rephidim, na doon, nga walang tubig na mainom ang bayan.
15 At sila'y naglakbay mula sa Rephidim, at humantong sa (L)ilang ng Sinai.
16 At sila'y naglakbay mula sa ilang ng Sinai, at humantong sa (M)Kibroth-hataava.
17 At sila'y naglakbay mula sa Kibroth-hataava, at humantong sa (N)Haseroth.
18 At sila'y naglakbay mula sa Haseroth, at humantong sa (O)Ritma.
19 At sila'y naglakbay mula sa Ritma, at humantong sa Rimmonperes.
20 At sila'y naglakbay mula sa Rimmon-peres, at humantong sa Libna.
21 At sila'y naglakbay mula sa Libna, at humantong sa Rissa.
22 At sila'y naglakbay mula sa Rissa, at humantong sa Ceelatha.
23 At sila'y naglakbay mula sa Ceelatha at humantong sa bundok ng Sepher.
24 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Sepher, at humantong sa Harada.
25 At sila'y naglakbay mula sa Harada, at humantong sa Maceloth.
26 At sila'y naglakbay mula sa Maceloth, at humantong sa Tahath.
27 At sila'y naglakbay mula sa Tahath at humantong sa Tara.
28 At sila'y naglakbay mula sa Tara, at humantong sa Mithca.
29 At sila'y naglakbay mula sa Mithca, at humantong sa Hasmona.
30 At sila'y naglakbay mula sa Hasmona, at humantong sa (P)Moseroth.
31 At sila'y naglakbay mula sa Moseroth, at humantong sa Benejaacan.
32 At sila'y naglakbay mula sa Bene-jaacan, at humantong (Q)sa Horhagidgad.
33 At sila'y naglakbay mula sa Horhagidgad at humantong sa Jotbatha.
34 At sila'y naglakbay mula sa Jotbatha, at humantong sa Abrona.
35 At sila'y naglakbay mula sa Abrona, at humantong sa (R)Esion-geber.
36 At sila'y naglakbay mula sa Esion-geber, at humantong sa (S)ilang ng Zin (na siya ring Cades).
37 At sila'y naglakbay mula sa (T)Cades, at humantong sa bundok ng Hor, sa gilid ng lupain ng Edom.
Pagkamatay ni Aaron.
38 At si Aaron na saserdote ay (U)sumampa sa bundok ng Hor sa utos ng Panginoon, at namatay roon, sa ikaapat na pung taon, pagkaalis ng mga anak ni Israel sa lupain ng Egipto, sa ikalimang buwan, nang unang araw ng buwan.
39 At si Aaron ay may (V)isang daan at dalawang pu't tatlong taon nang siya'y mamatay sa bundok ng Hor.
40 (W)At ang Cananeo na hari sa Arad, na tumatahan sa Timugan, sa lupain ng Canaan, ay nakarinig ng pagdating ng mga anak ni Israel.
41 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng (X)Hor, at humantong sa Salmona.
42 At sila'y naglakbay mula sa Salmona, at humantong sa Phunon.
43 At sila'y (Y)naglakbay mula sa Phunon, at humantong sa (Z)Oboth.
44 At sila'y naglakbay mula sa Oboth, at humantong sa Igeabarim, sa hangganan ng Moab.
45 At sila'y naglakbay mula sa Igeabarim, at humantong sa (AA)Dibon-gad.
46 At sila'y naglakbay mula sa Dibongad, at humantong sa Almondiblathaim.
47 At sila'y naglakbay mula sa Almon-diblathaim, at (AB)humantong sa mga bundok ng Abarim, sa harap ng Nebo.
48 At sila'y naglakbay mula sa mga bundok ng Abarim, at (AC)humantong sa mga kapatagan ng Moab, sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico.
49 At sila'y humantong sa tabi ng Jordan, mula sa Beth-jesimoth hanggang sa Abel-sitim, (AD)sa mga kapatagan ng Moab.
50 At sinalita ng Panginoon kay Moises sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan, sa tapat ng Jerico, na sinasabi,
51 Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, (AE)Pagtawid ninyo sa Jordan sa lupain ng Canaan,
52 Ay inyo ngang (AF)palalayasin ang (AG)lahat ng nananahan sa lupain sa harap ninyo, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga batong tinapyasan, at inyong sisirain ang lahat ng kanilang mga larawang binubo, at inyong gigibain ang lahat ng kanilang mga mataas na dako:
53 At inyong ariin ang lupain, at tatahan kayo roon: sapagka't sa inyo ibinigay ko ang lupain upang ariin.
54 (AH)At inyong aariin ang lupain sa sapalaran ayon sa inyong mga angkan; sa marami ay magbibigay kayo ng maraming mana, at sa kaunti ay magbibigay kayo ng kaunting mana: kung kanino mahulog ang palad sa bawa't isa, ay yaon ang magiging kaniya; ayon sa mga lipi ng inyong mga magulang ay inyong mamanahin.
55 Nguni't kung hindi ninyo palalayasin ang mga nananahanan sa lupain sa harap ninyo; ay magiging parang mga (AI)tibo nga sa inyong mga mata, at parang mga tinik sa inyong mga tagiliran ang mga ititira ninyo sa kanila, at kanilang babagabagin kayo sa lupain na inyong tinatahanan.
56 At mangyayari, na kung ano ang iniisip kong gawin sa kanila, ay gayon ang gagawin ko sa inyo.
Ang pagakay ng Panginoon sa kaniyang bayan sa kabila ng pagkawalang tiwala. Masquil ni Asaph.
78 Makinig kayo, Oh bayan ko, sa aking kautusan:
Ikiling ninyo ang inyong mga pakinig sa mga salita ng aking bibig.
2 (A)Aking bubukhin ang aking bibig sa isang talinghaga;
Ako'y magsasalita ng mga malabong (B)sabi ng una:
3 (C)Na aming narinig at naalaman,
At isinaysay sa amin ng aming mga magulang.
4 (D)Hindi namin ikukubli sa kanilang mga anak,
(E)Na isasaysay sa salin ng lahing darating ang mga pagpuri sa Panginoon,
At ang kaniyang kalakasan, at ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa.
5 Sapagka't siya'y nagtatag ng (F)patotoo sa Jacob,
At nagtakda ng kautusan sa Israel,
Na kaniyang iniutos sa aming mga magulang,
Na kanilang ipabatid sa kanilang mga anak:
6 (G)Upang maalaman ng lahing darating, sa makatuwid baga'y ng mga anak na ipanganganak;
Na siyang magsisibangon, at mangagsasaysay sa kanilang mga anak:
7 Upang kanilang mailagak ang kanilang pagasa sa Dios,
At huwag kalimutan ang mga gawa ng Dios,
Kundi ingatan ang kaniyang mga utos:
8 At huwag maging gaya ng kanilang mga magulang,
(H)May matigas na ulo at mapanghimagsik na lahi;
Isang lahing di naglagay sa matuwid ng kanilang puso,
At ang kanilang diwa ay hindi tapat sa Dios,
9 Ang mga anak ni Ephraim, gayong may sakbat at may dalang mga busog,
At nagsitalikod sa kaarawan ng pagbabaka.
10 Hindi nila tinupad ang tipan ng Dios,
At nagsitangging magsilakad sa kaniyang kautusan;
11 At kanilang kinalimutan ang kaniyang mga gawa,
At ang kaniyang mga kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ipinakita sa kanila.
12 Mga kagilagilalas na mga bagay ay ginawa niya (I)sa paningin ng kanilang mga magulang,
Sa lupain ng Egipto, (J)sa parang ng Zoan.
13 (K)Hinawi niya ang dagat, at pinaraan niya sila;
At kaniyang pinatayo ang tubig na parang bunton.
14 (L)Sa araw naman ay kaniyang pinatnubayan sila sa pamamagitan ng isang ulap,
At buong gabi ay sa pamamagitan ng tanglaw na apoy.
15 (M)Kaniyang pinuwangan ang mga bato sa ilang,
At pinainom niya sila ng sagana na gaya ng mula sa mga kalaliman.
16 Nagpabukal naman siya mula sa bato.
At nagpababa ng tubig na parang mga ilog.
17 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya,
(N)Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 At kanilang (O)tinukso ang Dios sa kanilang puso,
Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios;
Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 (P)Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?
21 Kaya't narinig ng Panginoon, (Q)at napoot:
At isang apoy ay nagalab laban sa Jacob,
At galit naman ay napailanglang laban sa Israel;
22 Sapagka't sila'y hindi nagsisampalataya sa Dios,
At hindi nagsitiwala sa kaniyang pagliligtas.
23 Gayon ma'y nagutos siya sa mga langit sa itaas,
At binuksan ang mga pintuan ng langit;
24 (R)At pinaulanan niya sila ng mana upang makain.
At binigyan sila ng (S)trigo ng langit.
25 Kumain ang tao ng (T)tinapay ng makapangyarihan:
Pinadalhan niya sila ng pagkain Hanggang sa nangabusog.
26 (U)Kaniyang pinahihip ang hanging silanganan sa mga langit:
At sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay pinatnubayan niya ang hanging timugan.
27 Pinaulanan naman niya sila ng karne na parang alabok,
At ng mga ibong parang buhangin sa mga dagat:
28 (V)At pinalagpak niya sa gitna ng kanilang kampamento,
Sa palibot ng kanilang mga tahanan.
29 Sa gayo'y nagsikain sila, at nangabusog na mabuti;
At ibinigay niya sa kanila ang (W)kanilang pita.
30 Hindi sila nagsihiwalay sa kanilang pita,
Ang kanilang pagkain ay nasa kanila pang mga bibig,
31 Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila,
At (X)pumatay sa mga pinakamataba sa kanila,
At sinaktan ang mga binata sa Israel.
32 Sa lahat ng ito ay (Y)nangagkasala pa sila,
At hindi naniwala sa kaniyang kagilagilalas na mga gawa.
33 (Z)Kaya't kaniyang pinaram ang kanilang mga kaarawan sa (AA)walang kabuluhan,
At ang kanilang mga taon ay sa mga kakilabutan.
34 (AB)Nang kaniyang patayin sila, sila'y nangagusisa sa kaniya: at sila'y nagsibalik, at nagsihanap ng tapat sa Dios.
35 At kanilang naalaala na ang (AC)Dios ay kanilang malaking bato,
At ang Kataastaasang Dios ay (AD)kanilang manunubos.
36 Nguni't tinutuya nila (AE)siya ng kanilang bibig,
At pinagbubulaanan nila siya ng kanilang dila.
37 Sapagka't ang kanilang puso ay hindi matuwid sa kaniya,
Ni tapat man sila sa kaniyang tipan.
Awit ng pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kalinga.
25 Oh Panginoon, ikaw ay aking Dios; aking ibubunyi ka, aking pupurihin ang iyong pangalan; sapagka't (A)ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay, sa makatuwid baga'y ang iyong binalak noong una, sa pagtatapat at katotohanan.
2 Sapagka't iyong (B)pinapaging isang bunton ang isang bayan, ang bayang matibay ay pinapaging isang guho: ang palasio ng mga taga ibang lupa ay di na magiging bayan; hindi matatayo kailan man.
3 Kaya't (C)luluwalhatiin ka ng matibay na bayan, ang (D)bayan ng kakilakilabot na mga bansa ay matatakot sa iyo.
4 Sapagka't ikaw ay naging (E)ampunan sa dukha, ampunan sa mapagkailangan sa kaniyang kahirapan, (F)silongan sa bagyo, lilim sa init, pagka ang hihip ng mga kakilakilabot ay parang bagyo laban sa kuta.
5 Gaya ng init sa tuyong dako patitigilin mo ang ingay ng mga taga ibang lupa; gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap, matitigil ang awit ng mga kakilakilabot.
6 At (G)sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan, ng isang (H)kapistahan ng mga matabang bagay, ng isang kapistahan ng mga alak na laon, ng mga matabang bagay na puno ng utak, ng mga alak na laon na totoong sala.
7 At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at (I)ang lambong na naladlad sa lahat na bansa.
8 Sinakmal niya ang kamatayan (J)magpakailan man; at (K)papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon.
9 At sasabihin (L)sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin (M)siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, (N)tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.
10 Sapagka't sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon; at ang (O)Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako, gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi.
11 At kaniyang iuunat ang kaniyang mga kamay sa gitna niyaon, gaya ng paguunat ng lumalangoy upang lumangoy: at kaniyang ibababa ang kaniyang kapalaluan sangpu ng gawa ng kaniyang mga kamay.
12 At ang mataas na moog ng iyong mga kuta ay (P)kaniyang ibinaba, giniba, at ibinagsak sa lupa, hanggang sa alabok.
3 Masdan ninyo (A)kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y (B)mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, (C)sapagka't siya'y hindi nakilala nito.
2 Mga minamahal, (D)ngayon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa (E)nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siya'y mahayag, (F)tayo'y magiging katulad niya: (G)sapagka't siya'y ating (H)makikitang gaya ng kaniyang sarili.
3 At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya (I)ay naglilinis sa kaniyang sarili, (J)gaya naman niyang malinis.
4 Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at (K)ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.
5 At nalalaman ninyo na siya'y (L)nahayag (M)upang magalis ng mga kasalanan; at sa kaniya'y (N)walang kasalanan.
6 Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; (O)sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, (P)ni hindi man nakakilala sa kaniya.
7 Mumunti kong mga anak, huwag kayong padaya kanino man: ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya niya na matuwid:
8 Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka't buhat pa nang pasimula ay nagkakasala (Q)ang diablo. Sa bagay na ito'y nahayag ang Anak ng Dios, (R)upang iwasak ang mga gawa ng diablo.
9 Ang sinomang (S)ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala, sapagka't ang (T)kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya: at siya'y hindi maaaring magkasala, sapagka't (U)siya'y ipinanganak ng Dios.
10 Dito nahahayag ang mga anak ng Dios, at ang mga anak ng diablo: ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.
11 Sapagka't (V)ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula, (W)na mangagibigan tayo sa isa't isa:
12 Hindi (X)gaya ni Cain na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid.
13 Huwag kayong mangagtaka, mga kapatid, kung kayo'y kinapopootan (Y)ng sanglibutan.
14 Nalalaman nating (Z)tayo'y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan, sapagka't tayo'y nagsisiibig sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan.
15 Ang sinomang (AA)napopoot sa kaniyang kapatid ay (AB)mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan.
16 (AC)Dito'y nakikilala natin ang pagibig, (AD)sapagka't kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay dahil sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid.
17 Datapuwa't ang (AE)sinomang mayroong mga pagaari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait (AF)ang kaniyang awa, (AG)paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya?
18 Mumunti kong mga anak, (AH)huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.
19 Dito'y makikilala nating (AI)tayo'y sa katotohanan, at (AJ)papapanatagin natin ang ating mga puso sa harapan niya.
20 Sapagka't (AK)kung hinahatulan tayo ng ating puso, ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso, at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay.
21 Mga minamahal, kung tayo'y hindi hinahatulan ng ating puso, (AL)ay may pagkakatiwala tayo sa Dios;
22 (AM)At anomang ating hingin ay tinatanggap natin sa kaniya, sapagka't tinutupad natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugodlugod sa kaniyang paningin.
23 At ito ang kaniyang utos, (AN)na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo, at tayo'y mangagibigan, ayon sa ibinigay niyang utos sa atin.
24 At ang tumutupad ng kaniyang mga utos (AO)ay mananahan sa kaniya, at (AP)siya ay sa kaniya. At (AQ)dito'y nakikilala natin na siya'y nananahan sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978