M’Cheyne Bible Reading Plan
Kamatayan ni Miriam.
20 At (A)ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan ay nagsipasok sa ilang ng Zin nang unang buwan: at ang bayan ay tumahan sa Cades; at (B)si Miriam ay namatay doon, at inilibing doon.
Ang tubig ng Meriba.
2 At (C)walang tubig na mainom ang kapisanan; at (D)sila'y nagpulong laban kay Moises at laban kay Aaron.
3 (E)At sinisi ng bayan si Moises, at nagsipagsalita, na sinasabi, Ibigin sana na kami ay (F)nangamatay, nang mamatay ang aming mga kapatid sa harap ng Panginoon!
4 At (G)bakit ninyo dinala ang kapulungan ng Panginoon sa ilang na ito, upang mamatay rito, kami at ang aming mga hayop?
5 At bakit ninyo kami pinasampa mula sa Egipto, upang dalhin kami sa masamang dakong ito? hindi dakong bukirin, o ng igos; o ng ubasan, o ng mga granada; at wala kahit tubig na mainom.
6 At si Moises at si Aaron ay umalis sa harap ng kapulungan at napasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, at (H)nangagpatirapa: at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay lumitaw sa kanila.
7 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
8 (I)Hawakan mo ang tungkod, at pisanin mo ang kapisanan, pisanin mo at ni Aaron na iyong kapatid, at magsalita kayo sa bato sa harap ng kanilang mga mata, na ibibigay niyaon ang kaniyang tubig; at (J)ikukuha mo sila ng tubig sa bato: sa ganito paiinumin mo ang kapisanan at ang kanilang mga hayop.
9 At kinuha ni Moises ang tungkod sa (K)harap ng Panginoon, na gaya ng iniutos sa kaniya.
10 At pinisan ni Moises at ni Aaron ang kapulungan sa harap ng bato, at kaniyang sinabi sa kanila, (L)Makinig kayo ngayon, mga mapanghimagsik, ikukuha ba namin kayo ng tubig sa batong ito?
11 At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay (M)lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop.
12 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagka't (N)hindi kayo sumampalataya sa akin (O)upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila.
13 (P)Ito ang tubig ng Meriba; sapagka't sinisi ng mga anak ni Israel ang Panginoon, at siya'y napakilalang banal sa kanila.
Ang Edom ay tumanggi sa pagdaan ng Israel.
14 (Q)At si Moises ay nagutos ng mga sugo sa (R)hari sa Edom mula sa Cades, na ipinasabi, (S)Ganito, ang sabi ng iyong kapatid na Israelita, Talastas mo ang buong kahirapan na dumating sa amin:
15 (T)Kung paanong ang aming mga magulang ay bumaba sa Egipto, at kami ay (U)tumahan sa Egipto na malaong panahon, (V)at inalipusta ng mga Egipcio kami at ang aming mga magulang:
16 (W)At nang kami ay dumaing sa Panginoon ay dininig niya ang aming tinig, at (X)nagsugo siya ng isang anghel, at inilabas kami sa Egipto: at, narito, kami ay nasa Cades, na isang bayan na nasa dulo ng iyong hangganan:
17 (Y)Isinasamo ko sa iyo, na paraanin mo kami, sa iyong lupain: hindi kami dadaan sa kabukiran o sa ubasan, ni di kami iinom ng tubig sa mga balon: kami ay manunuwid sa maluwang na lansangan, hindi kami liliko sa dakong kanan ni sa dakong kaliwa man hanggang sa maraanan namin ang iyong hangganan.
18 At sinabi ni Edom sa kaniya, Huwag kang magdadaan sa aking lupain, baka kita'y salubungin ng tabak.
19 At sinabi ng mga anak ni Israel sa kaniya, Kami ay aahon sa lansangan: at kung kami ay uminom ng iyong tubig, ako at ang aking mga hayop, ay (Z)pagbabayaran ko ang halaga: pahintulutan mo lamang ako na makaraan ng aking mga paa na walang anoman.
20 At kaniyang sinabi, Huwag kang magdadaan. At si Edom ay lumabas laban sa kaniya na may dalang maraming tao, at may malakas na kamay.
21 (AA)Ganito tumanggi si Edom na paraanin ang Israel sa kaniyang hangganan: (AB)kaya't ang Israel ay lumayo sa kaniya.
Ang kamatayan ni Aaron.
22 At (AC)sila'y naglakbay mula sa Cades: at ang mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y ang buong kapisanan, ay napasa bundok ng (AD)Hor.
23 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron sa bundok ng Hor, sa tabi ng hangganan ng lupain ng Edom, na sinasabi,
24 Si (AE)Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan: sapagka't siya'y hindi makapapasok sa lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel, sapagka't kayo'y (AF)nagsipanghimagsik laban sa aking salita sa tubig ng Meriba.
25 Dalhin mo si Aaron at si Eleazar na kaniyang anak, at isampa mo sila sa bundok ng Hor.
26 At hubaran mo si Aaron ng kaniyang mga suot at isuot mo kay Eleazar na kaniyang anak: at si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan, at doon siya mamamatay.
27 At ginawa ni Moises gaya ng iniutos ng Panginoon: at sila'y sumampa sa bundok ng Hor sa paningin ng buong kapisanan.
28 (AG)At hinubaran ni Moises si Aaron, ng kaniyang mga suot, at isinuot kay Eleazar na kaniyang anak; at namatay si (AH)Aaron doon sa taluktok ng bundok: at si Moises at si Eleazar ay bumaba sa bundok.
29 At nang makita ng buong kapisanan na si Aaron ay namatay, ay kanilang (AI)tinangisan si Aaron na tatlong pung araw, sa makatuwid baga'y ng buong sangbahayan ni Israel.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. Awit ni David. Michtam.
58 Tunay bang kayo'y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan?
Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao?
2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan;
Inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata:
Sila'y naliligaw pagkapanganak sa kanila, na nagsasalita ng mga kasinungalingan.
4 (A)Ang kanilang kamandag ay parang kamandag ng ahas:
Sila'y (B)gaya ng binging ahas na nagtatakip ng kaniyang pakinig;
5 At hindi nakakarinig ng tinig (C)ng mga enkantador,
Na kailan man ay hindi umeenkanto ng gayon na may karunungan.
6 Iyong bungalin ang kanilang mga ngipin, (D)Oh Dios, sa kanilang bibig:
Iyong bungalin ang mga malaking ngipin ng mga batang leon, Oh Panginoon.
7 (E)Mangatunaw nawa silang parang tubig na umaagos:
Pagka inihilagpos niya ang kaniyang mga palaso, maging gaya nawa ng nangaluray.
8 Maging gaya nawa ng laman ng suso na natutunaw at napapawi:
(F)Na gaya ng naagas sa babae na hindi nakakita ng araw.
9 (G)Bago makaramdam ang inyong mga palyok ng mga dawag na panggatong,
(H)Kaniyang kukunin ang mga yaon ng ipoipo, ang sariwa at gayon din ang nagniningas.
10 (I)Magagalak ang matuwid pagka nakita niya (J)ang higanti:
Kaniyang huhugasan (K)ang kaniyang mga paa sa dugo ng masama.
11 (L)Na anopa't sasabihin ng mga tao, Katotohanang may kagantihan sa matuwid:
Katotohanang may Dios na (M)humahatol sa lupa.
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Al-tashheth. (N)Awit ni David. Michtam: nang magsugo si Saul, at kanilang bantayan ang bahay upang patayin siya.
59 Iligtas mo ako (O)sa aking mga kaaway, Oh Dios ko:
Ilagay mo ako sa mataas sa kanila na nagsisibangon laban sa akin.
2 Iligtas mo ako sa mga manggagawa ng kasamaan,
At iligtas mo ako sa mga mabagsik na tao.
3 Sapagka't narito, kanilang binabakayan ang aking kaluluwa;
Ang mga makapangyarihan ay (P)nagpipisan laban sa akin:
(Q)Hindi dahil sa aking pagsalangsang, o sa aking kasalanan man, Oh Panginoon.
4 Sila'y nagsisitakbo at nagsisihanda na wala akong sala:
(R)Ikaw ay gumising na tulungan mo ako, at masdan mo.
5 Sa makatuwid baga'y ikaw, (S)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, na Dios ng Israel,
Ikaw ay bumangon upang iyong dalawin ang lahat ng mga bansa:
Huwag kang maawa sa kanino mang masamang mananalangsang. (Selah)
6 Sila'y nagsibalik sa kinahapunan, (T)sila'y nagsitahol na parang aso,
At nililigid ang bayan.
7 Narito, sila'y nanunungayaw ng kanilang bibig;
(U)Mga tabak ay nangasa kanilang mga labi:
Sapagka't (V)sino, sabi nila, ang nakikinig?
8 Nguni't ikaw, Oh Panginoon, (W)tatawa sa kanila;
Iyong tutuyain ang lahat ng mga bansa.
9 Dahil sa kaniyang kalakasan, didinggin kita;
(X)Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog.
10 (Y)Ang aking Dios pati ng kaniyang kagandahang-loob ay sasalubong sa akin:
Ipakikita ng Dios (Z)sa akin ang aking nasa sa aking mga kaaway.
11 (AA)Huwag mo silang patayin, baka makalimot ang aking bayan;
Pangalatin mo sila ng iyong kapangyarihan, at ibaba mo sila,
Oh Panginoon na kalasag namin.
12 (AB)Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, at sa mga salita ng kanilang mga labi,
Makuha nawa sila sa kanilang kapalaluan,
At dahil sa sumpa at pagsisinungaling na kanilang sinalita.
13 (AC)Pugnawin mo sila sa poot, pugnawin mo sila, upang sila'y mawala:
At (AD)ipakilala mo sa kanila na ang Dios ay nagpupuno sa Jacob,
Hanggang sa mga wakas ng lupa. (Selah)
14 At sa kinahapunan ay papagbalikin mo sila, pahagulhulin mo silang parang aso,
At libutin nila ang bayan.
15 (AE)Sila'y gagala na magmamanhik-manaog dahil sa pagkain,
At maghihintay buong gabi kung hindi sila mabusog.
16 Nguni't aking aawitin ang iyong kalakasan;
Oo, aking aawiting malakas ang iyong kagandahang-loob sa kinaumagahan:
Sapagka't ikaw ay naging aking matayog na moog,
At kanlungan sa kaarawan ng aking kabagabagan.
17 Sa iyo, Oh (AF)kalakasan ko, aawit ako ng mga pagpuri:
Sapagka't ang Dios ay aking matayog na moog, ang Dios ng aking kaawaan.
8 Nagpasabi ang Panginoon sa Jacob, at naliliwanagan ang Israel,
9 At malalaman ng buong bayan ng (A)Ephraim, at ng nananahan sa (B)Samaria, na nagsasabi sa kapalaluan at sa pagmamatigas ng ulo,
10 Ang mga laryo ay nangahulog, nguni't aming itatayo ng tinabas na bato: ang mga sikomoro ay nangaputol, nguni't aming papalitan ng mga cedro.
11 Kaya't itataas ng Panginoon laban sa kaniya ang mga kaaway ng (C)Rezin, at manghihikayat ng kaniyang mga kaalit;
12 (D)Ang mga taga Siria sa unahan, at ang mga (E)Filisteo sa likuran; at kanilang lalamunin ang Israel ng bukang bibig. (F)Sa lahat na ito ang kaniyang galit ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
13 Gayon ma'y (G)ang bayan ay hindi nagbalik-loob sa kaniya na sumakit sa kanila, o hinanap man nila ang Panginoon ng mga hukbo.
14 Kaya't puputulin ng Panginoon sa Israel ang ulo't buntot, ang sanga ng palma at ang tambo, (H)sa isang araw.
15 Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot.
16 Sapagka't silang nagsisipatnubay ng bayang ito ay siyang nangagliligaw; at silang pinapatnubayan ay nangapapahamak.
17 Kaya't ang Panginoon ay hindi magagalak sa kanilang mga binata, ni mahahabag man sa kanilang mga ulila at mga babaing bao: sapagka't bawa't isa ay (I)marumi at manggagawa ng kasamaan, at bawa't bibig ay nagsasalita ng kamangmangan. (J)Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
18 Sapagka't ang kasamaan ay (K)sumusunog na gaya ng apoy; pumupugnaw ng mga dawag at mga tinikan: oo, nagaalab na sa siitan sa gubat, at umiilanglang na paitaas sa mga masinsing ulap na usok.
19 Sa poot ng Panginoon ng mga hukbo ay nasusunog ang lupain: ang bayan naman ay gaya ng panggatong sa apoy; (L)walang taong mahahabag sa kaniyang kapatid.
20 At isa'y susunggab ng kanang kamay, at magugutom; at kakain ng kaliwa, (M)at hindi sila mabubusog: sila'y magsisikain (N)bawa't isa ng laman ng kaniyang sariling bisig:
21 (O)Ang Manases, ay kakanin ang Ephraim; at ang Ephraim, ay ang Manases: at (P)sila kapuwa ay magiging laban sa Juda. (Q)Sa lahat na ito ang galit niya ay hindi napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
Ang galit ng Panginoon ay ginanap ng Asiria, na sa huli ay parurusahan din.
10 Sa aba nila na (R)nagpapasiya ng mga likong pasiya, at ng mga manunulat na sumusulat ng mga kasuwailan:
2 Upang iligaw sa kahatulan ang mapagkailangan, at upang alisin ang katuwiran ng (S)dukha ng aking bayan, upang ang mga babaing bao ay maging kanilang samsam, at upang kanilang gawing kanilang huli ang mga ulila!
3 At ano ang inyong gagawin sa (T)araw ng pagdalaw, at sa kagibaan na manggagaling sa malayo? sa kanino kayo magsisitakas upang kayo'y tulungan? at saan ninyo iiwan ang inyong kaluwalhatian?
4 Sila'y magsisiyukod na gaya ng mga bilanggo, at mangabubuwal sa bunton ng mga patay. Sa lahat ng ito ang galit niya ay hindi (U)napawi, kundi ang kaniyang kamay ay laging nakaunat.
3 (A)Huwag maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, yamang nalalamang tayo'y tatanggap ng lalong mabigat na hatol.
2 Sapagka't sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. (B)Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang (C)taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang (D)makapigil ng buong katawan.
3 Kung atin ngang inilalagay ang mga preno ng kabayo sa kanilang mga bibig, upang tayo'y talimahin, ay ibinabaling din naman natin ang kanilang buong katawan.
4 Narito, ang mga daong naman, bagama't lubhang malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, gayon ma'y sa pamamagitan ng isang lubhang maliit na ugit ay napapabaling kung saan ibig ng tagaugit.
5 Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at (E)nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy!
6 At (F)ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, (G)na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno.
7 Sapagka't ang bawa't uri ng mga hayop at mga ibon, ng mga nagsisiusad at mga bagay sa dagat, ay pinaaamo, at napaaamo ng tao:
8 Datapuwa't ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao; isang masamang hindi nagpapahinga, na (H)puno ng lasong nakamamatay.
9 Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong (I)ginawang ayon sa larawan ng Dios:
10 Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon.
11 Ang bukal baga'y sa isa lamang siwang ay binubukalan ng matamis at mapait?
12 Maaari baga, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas, o ng mga igos ang puno ng ubas? hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig.
13 Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting (J)kabuhayan ang (K)kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.
14 Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.
15 Hindi (L)ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, (M)sa laman, sa diablo.
16 Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.
17 Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, (N)banayad, madaling panaingan, (O)puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, (P)walang inaayunan, (Q)walang pagpapaimbabaw.
18 At ang bunga ng katuwiran (R)ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978