Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

M’Cheyne Bible Reading Plan

The classic M'Cheyne plan--read the Old Testament, New Testament, and Psalms or Gospels every day.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Bilang 24

Ang ikatlong hula ni Balaam.

24 At nang makita ni Balaam na kinalugdan ng Panginoon na pagpalain ang Israel, ay (A)hindi naparoon na gaya ng una na kumita ng pamahiin, kundi kaniyang itinitig ang kaniyang mukha sa dakong ilang.

At itinaas ni Balaam ang kaniyang mga mata, at kaniyang (B)nakita ang Israel na tumatahan ayon sa kanilang mga lipi; at (C)ang Espiritu ng Dios ay sumakaniya.

At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Si Balaam na anak ni Beor ay nagsabi,
At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi;
Siya'y nagsabi na nakarinig ng mga salita ng Dios,
Na nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,
Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata:
Pagka iinam ng iyong mga tolda, Oh Jacob,
Ang iyong mga tabernakulo, Oh Israel!
Gaya ng mga libis na nalalatag,
Gaya ng mga halamanan sa tabi ng ilog,
(D)Gaya ng linaloes na (E)itinanim ng Panginoon,
Gaya ng mga puno ng sedro sa siping ng tubig.
Tubig ay aagos mula sa kaniyang pang-igib,
At ang kaniyang binhi ay matatatag sa maraming tubig,
At ang kaniyang hari ay tataas ng higit kay (F)Agag,
At ang kaniyang kaharian ay mababantog.
(G)Dios ang naglalabas sa kaniya sa Egipto;
May lakas na gaya ng mabangis na toro:
Kaniyang (H)lalamunin ang mga bansa na kaniyang mga kaaway,
At kaniyang (I)pagwawaraywarayin ang kanilang mga buto,
At (J)palalagpasan sila ng kaniyang mga pana.
(K)Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon,
At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya?
(L)Pagpalain nawa yaong lahat na nagpapala sa iyo,
At sumpain yaong lahat na sumusumpa sa iyo.

Ang ikaapat na hula ni Balaam.

10 At ang galit ni Balac ay nagningas laban kay Balaam, at pinaghampas niya ang kaniyang mga kamay; at sinabi ni Balac kay Balaam, Tinawag kita (M)upang iyong sumpain ang aking mga kaaway, at, narito, iyong binasbasan totoo sila nitong makaitlo.

11 Ngayon nga ay tumakas ka sa iyong sariling dako: aking (N)inisip na itaas kita sa dakilang karangalan; nguni't, narito, pinigil ka ng Panginoon sa karangalan.

12 At sinabi ni Balaam kay Balac, Di ba sinalita ko rin sa iyong mga sugo na iyong sinugo sa akin, na sinasabi,

13 Kahit (O)ibigay sa akin ni Balac ang kaniyang bahay na puno ng pilak at ginto, ay hindi ko masasalangsang ang salita ng Panginoon, na gumawa ako ng mabuti o masama sa aking sariling (P)akala; kung ano nga ang salitain ng Panginoon, ay siya kong sasalitain?

14 At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa (Q)iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan (R)sa mga huling araw.

15 At kaniyang (S)ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Nagsabi si Balaam na anak ni Beor,
At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi;
16 Siya'y nagsabi, na nakarinig ng mga salita ng Dios,
At nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan,
Na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat,
Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata:
17 (T)Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon;
Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit:
(U)Lalabas ang isang bituin sa Jacob,
At may isang (V)setro na lilitaw sa Israel,
At sasaktan ang mga (W)sulok ng Moab,
At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan.
18 At (X)ang Edom ay magiging pag-aari niya.
Ang (Y)Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway;
Samantalang ang Israel ay magpapakatapang.
19 At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan,
At gigibain niya sa bayan ang nalalabi.

20 At kaniyang minasdan ang Amalec, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa;
Nguni't ang kaniyang huling wakas ay (Z)mapupuksa.

21 At kaniyang minasdan ang (AA)Cineo, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Matibay ang iyong dakong tahanan,
At ang iyong pugad ay nalalapag sa malaking bato.
22 Gayon ma'y mawawasak ang Cain,
Hanggang sa ikaw ay madalang bihag ng Assur.

23 At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi,

Ay! sinong mabubuhay pagka ginawa ng Dios ito?

24 Datapuwa't ang mga sasakyan ay manggagaling sa baybayin ng (AB)Cittim.

At kanilang pagdadalamhatiin ang Assur, at kanilang pagdadalamhatiin ang (AC)Eber,
At siya man ay mapupuksa.

25 At si Balaam ay tumindig, at yumaon at (AD)bumalik sa kaniyang sariling dako: at si Balac naman ay yumaon ng kaniyang lakad.

Mga Awit 66-67

Sa Pangulong Manunugtog. Awit, Salmo.

66 Magkaingay kayong may kagalakan (A)sa Dios, buong lupa.
Awitin ninyo ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan:
Paluwalhatiin ninyo ang pagpuri sa kaniya.
Inyong sabihin sa Dios, (B)Napaka kakilakilabot ng iyong mga gawa!
Sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan ay magsisuko ang iyong mga kaaway sa iyo.
Buong lupa ay sasamba sa iyo,
At aawit sa iyo;
Sila'y magsisiawit sa iyong pangalan. (Selah)
(C)Kayo ay magsiparito, at tingnan ninyo ang mga gawa ng Dios;
Siya'y kakilakilabot sa kaniyang gawain sa mga anak ng mga tao.
(D)Kaniyang pinagiging tuyong lupa ang dagat:
Sila'y nagsidaan ng paa sa ilog:
Doo'y nangagalak kami sa kaniya.
Siya'y nagpupuno ng kaniyang kapangyarihan magpakailan man:
Papansinin (E)ng kaniyang mga mata ang mga bansa:
Huwag mangagpakabunyi (F)ang mga manghihimagsik. (Selah)
Oh purihin ninyo ang ating Dios, ninyong mga bayan,
At iparinig ninyo ang tinig ng kaniyang kapurihan:
Na umaalalay sa ating kaluluwa sa buhay,
At hindi tumitiis na makilos ang ating mga paa.
10 Sapagka't (G)ikaw, Oh Dios, tinikman mo kami:
(H)Iyong sinubok kami na para ng pagsubok sa pilak.
11 Iyong isinuot kami sa silo;
Ikaw ay naglagay ng mainam na pasan sa aming mga balakang.
12 Iyong pinasakay (I)ang mga tao sa aming mga ulo;
(J)Kami ay nangagdaan sa apoy at sa tubig;
Nguni't dinala mo kami sa saganang dako.
13 (K)Ako'y papasok sa iyong bahay na may mga handog na susunugin,
Aking babayaran sa iyo ang mga panata ko,
14 Na sinambit ng aking mga labi,
At sinalita ng aking bibig, (L)nang ako'y nasa kadalamhatian.
15 Ako'y maghahandog sa iyo ng mga matabang handog na susunugin,
Na may haing mga tupa;
Ako'y maghahandog ng mga toro na kasama ng mga kambing. (Selah)
16 (M)Kayo'y magsiparito at dinggin ninyo, ninyong lahat na nangatatakot sa Dios,
At ipahahayag ko kung ano ang kaniyang ginawa sa aking kaluluwa.
17 Ako'y dumaing sa kaniya ng aking bibig,
At siya'y ibinunyi ng aking dila.
18 (N)Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso,
Hindi ako didinggin ng Panginoon:
19 Nguni't katotohanang dininig ako ng Dios;
Kaniyang pinakinggan ang tinig ng aking dalangin.
20 Purihin ang Dios,
Na hindi iniwaksi ang aking dalangin,
Ni ang kaniyang kagandahang-loob sa akin.

Sa Pangulong Manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Salmo, Awit.

67 Dios maawa ka sa amin, at pagpalain mo kami,
(O)At pasilangin nawa niya ang kaniyang mukha sa amin; (Selah)
(P)Upang ang iyong daan ay maalaman sa lupa,
Ang iyong pangligtas na kagalingan (Q)sa lahat ng mga bansa.
(R)Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Oh mangatuwa at magsiawit sa kasayahan ang mga bansa:
Sapagka't iyong hahatulan ang mga bayan ng karampatan,
At iyong pamamahalaan ang mga bansa sa lupa. (Selah)
Purihin ka ng mga bayan, Oh Dios;
Purihin ka ng lahat ng mga bayan.
Isinibol (S)ng lupa ang kaniyang bunga:
Ang Dios ang sarili naming Dios ay pagpapalain kami.
Pagpapalain kami ng Dios:
At lahat ng mga wakas ng lupa ay (T)mangatatakot sa kaniya.

Isaias 14

Ang awit ng pananagumpay.

14 Sapagka't ang Panginoon ay (A)maaawa sa Jacob, at kaniyang pipiliin (B)pa ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain: (C)at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila, at sila'y masasanib sa sangbahayan ni Jacob.

At kukunin sila ng mga tao, (D)at dadalhin sila sa kanilang dako: at aariin sila ng sangbahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon, na mga pinakaaliping lalake at babae: at kanilang bibihagin sila, na nagsibihag sa kanila; (E)at mangagpupuno sila sa mga mamimighati sa kanila.

At mangyayari, sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan, at sa iyong kabagabagan, at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo,

Na (F)iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! (G)ang bayang ginto ay naglikat!

Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, (H)ang cetro ng mga pinuno;

Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog, na nagpuno sa mga bansa sa galit, na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman.

Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y biglang (I)nagsisiawit.

Oo, ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo, at ang mga cedro sa Libano, na nangagsasabi, Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin.

Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.

10 Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin?

11 Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.

12 (J)Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!

13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y (K)sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas (L)ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa (M)bundok ng kapisanan, (N)sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:

14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.

15 Gayon ma'y (O)mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.

16 Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na mangagsasabi, Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa, na nagpauga ng mga kaharian;

17 Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan, at gumiba ng mga bayan nito; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi?

18 Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.

19 Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga, gaya ng bihisan ng mga patay, na tinaga ng tabak, na bumaba sa mga bato ng hukay: gaya ng bangkay na nayapakan ng paa.

20 (P)Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong lupain, iyong pinatay ang iyong bayan; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan (Q)ay hindi lalagi magpakailan man.

21 Mangaghanda kayo na pumatay sa kanilang mga anak dahil sa (R)kasamaan ng kanilang mga magulang; upang sila'y (S)huwag magsibangon, at ariin ang lupain, at punuin ang ibabaw ng lupa ng mga bayan.

22 At ako'y babangon laban sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ihihiwalay ko sa Babilonia (T)ang pangalan at ang nalabi, at ang anak at ang anak ng anak, sabi ng Panginoon.

23 Akin namang gagawing pinakaari ng hayop na erizo, at mga lawa ng tubig: at aking papalisin ng pangpalis na kagibaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

24 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo:

25 (U)Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain, at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa; kung magkagayo'y mahihiwalay ang (V)kaniyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat.

26 Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa.

27 Sapagka't pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?

Ang hula sa Filistia.

28 Nagkaroon ng hulang (W)ito nang taong mamatay ang (X)haring Achaz.

29 Ikaw ay huwag magalak, ikaw na buong (Y)Filistia, sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo: sapagka't sa ahas ay lalabas ang ulupong, at ang kaniyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad.

30 At ang panganay ng dukha ay kakain, at ang mapagkailangan ay mahihigang tiwasay: at aking papatayin ng gutom ang iyong angkan, at ang nalabi sa iyo ay papatayin.

31 Ikaw ay umungal, Oh pintuang bayan; ikaw ay humiyaw, Oh bayan; ikaw ay napugnaw, Oh ikaw na buong Filistia; sapagka't lumalabas ang usok na mula sa hilagaan, at walang malalabi sa kaniyang mga takdang panahon.

32 Ano nga ang isasagot sa mga sugo ng bansa? Na itinayo ng (Z)Panginoon ang Sion, at doon nanganganlong (AA)ang nagdadalamhati sa kaniyang bayan.

1 Pedro 2

(A)Kaya't sa paghihiwalay ng lahat na (B)kasamaan, at lahat ng pagdaraya, at pagpapaimbabaw, at mga pananaghili, at ng lahat (C)ng panglalait,

(D)Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo (E)ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;

Kung inyong (F)napagkilala na ang Panginoon ay (G)mapagbiyaya:

Na kayo'y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana'y (H)itinakuwil ng mga tao, datapuwa't sa Dios ay hirang, mahalaga,

Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay (I)natatayong (J)bahay na ukol sa espiritu, (K)upang maging pagkasaserdoteng banal, (L)upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, (M)na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.

Sapagka't ito ang nilalaman ng kasulatan,

(N)Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga:
At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga: datapuwa't sa hindi nangananampalataya,

(O)Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay
Siyang naging pangulo sa panulok;

At,

Batong katitisuran, (P)at bato na pangbuwal;

Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: (Q)na dito rin naman sila itinalaga,

Datapuwa't kayo'y (R)isang lahing hirang, isang makaharing (S)pagkasaserdote, (T)bansang banal, bayang pagaaring sarili ng Dios, upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo (U)mula sa kadiliman, hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan:

10 Na (V)nang nakaraang panahon ay hindi bayan, datapuwa't ngayo'y bayan ng Dios: na hindi nagsipagkamit ng awa, datapuwa't ngayo'y nagsipagkamit ng awa.

11 Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay, na kayo'y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman, (W)na nakikipaglaban sa kaluluwa;

12 Na (X)kayo'y mangagkaroon (Y)ng timtimang ugali sa gitna ng mga Gentil; upang, sa mga bagay na ipinagsasalita nila laban sa inyong tulad sa (Z)nagsisigawa ng masama, dahil sa inyong mabubuting gawa (AA)na kanilang nakikita, ay purihin nila ang Dios sa araw (AB)ng pagdalaw.

13 Kayo'y (AC)pasakop sa bawa't palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan;

14 O sa mga gobernador, na sinugo niya (AD)sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti.

15 Sapagka't (AE)siyang kalooban ng Dios, na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo:

16 Na gaya nang kayo'y mga laya, (AF)at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan, kundi (AG)gaya ng mga alipin ng Dios.

17 Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Dios. Igalang ninyo ang hari.

18 Mga alila, (AH)kayo'y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik.

19 Sapagka't ito'y (AI)kalugodlugod, kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan, na magbata ng di matuwid.

20 Sapagka't (AJ)anong kapurihan nga, kung kayo'y nangagkakasala, at kayo'y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis? nguni't kung kayo'y gumagawa ng mabuti, at kayo'y nagbabata, ay inyong tanggapin na may pagtitiis, ito'y kalugodlugod sa Dios.

21 Sapagka't (AK)sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si (AL)Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya:

22 Na siya'y hindi nagkasala, (AM)o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:

23 Na, nang siya'y alipustain, ay (AN)hindi gumanti ng pagalipusta; nang siya'y magbata, ay hindi nagbala; kundi ipinagkatiwala (AO)ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid:

24 Na siya rin ang (AP)nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang (AQ)pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran; (AR)na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo.

25 Sapagka't (AS)kayo'y gaya ng mga tupang nangaliligaw; datapuwa't ngayon ay nangabalik kayo sa (AT)Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978