Add parallel Print Page Options

At dadalhin niya sa mga saserdote, na mga anak ni Aaron; at siya'y kukuha ng isang dakot na mainam na harina at ng langis, sangpu ng buong kamangyan niyaon. At (A)susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana na pinakaalaala, na isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon:

(B)At ang kalabisan sa handog na harina ay mapapasa kay Aaron at sa kaniyang mga anak: (C)kabanalbanalang bagay nga sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

Read full chapter

Ang tungkulin at bahagi ng mga saserdote.

12 At sinalita ni Moises kay Aaron, at kay Eleazar at kay Ithamar, na mga natitira niyang anak, (A)Kunin ninyo ang handog na harina na lumabis sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy, at inyong kaning walang lebadura (B)sa tabi ng dambana; sapagka't kabanalbanalan;

13 At inyong kakanin sa dakong banal, sapagka't karampatang bahagi ninyo, at karampatang bahagi ng inyong mga anak, sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy: (C)sapagka't gayon iniutos sa akin.

Read full chapter