Add parallel Print Page Options

18 At sinabi niya, Ito ang gagawin ko: igigiba ko ang aking mga bangan, at gagawa ako ng lalong malalaki; at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pagaari.

19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, (A)Kaluluwa, marami ka nang pagaaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka.

20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing (B)ito ang iyong kaluluwa; at (C)ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?

Read full chapter