Add parallel Print Page Options

34 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, (A)Huwag ninyong ipanumpa ang anoman; kahit ang langit, sapagka't siyang luklukan ng Dios;

35 Kahit ang lupa, sapagka't (B)siyang tungtungan ng kaniyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagka't (C)siyang bayan ng dakilang Hari.

36 Kahit man ang ulo mo ay huwag mong ipanumpa, sapagka't hindi ka makagagawa ng isang buhok na maputi o maitim.

37 Datapuwa't ang magiging pananalita ninyo'y, Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka't ang humigit pa rito ay buhat sa masama.

Read full chapter