Add parallel Print Page Options

12 At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay (A)nakita ko ang pitong kandelerong ginto:

13 At sa gitna ng mga kandelero ay may (B)isang katulad ng isang anak ng tao, (C)na may suot na (D)damit hanggang sa paa, at (E)may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto.

14 At ang kaniyang ulo at ang (F)kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang (G)kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy;

15 At ang kaniyang mga paa ay katulad ng (H)tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang (I)kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig.

16 At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.

Read full chapter