Levitico 14:4
Ang Biblia (1978)
4 Ay ipagutos nga ng saserdote na ikuha siya na lilinisin, ng dalawang ibong malinis na buháy, at (A)kahoy na cedro, at (B)grana, at (C)hisopo;
Read full chapter
Levitico 14:6-7
Ang Biblia (1978)
6 Tungkol sa ibong buháy, ay kaniyang kukunin at ang kahoy na cedro, at ang grana at ang hisopo, at babasain pati ng ibong buháy, sa dugo ng ibong pinatay sa ibabaw ng tubig na umaagos:
7 At (A)iwiwisik niya na makapito doon sa kaniya na lilinisin sa ketong, (B)at ipakikilalang malinis, at pawawalan ang ibong buháy sa kalawakan ng parang.
Read full chapter
Levitico 14:49
Ang Biblia (1978)
49 At upang linisin ang bahay ay kukuha ng (A)dalawang ibon, at ng kahoy na cedro, at ng grana, at ng hisopo:
Read full chapter
Levitico 14:51-52
Ang Biblia (1978)
51 At kukunin niya ang kahoy na cedro, at ang hisopo, at ang grana, at ang ibong buháy, at babasain sa dugo ng ibong pinatay, at sa tubig na umaagos, at wiwisikang makapito ang bahay:
52 At kaniyang lilinisin ng dugo ng ibon ang bahay at ng agos ng tubig, at ng ibong buháy at ng kahoy na cedro, at ng hisopo, at ng grana:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978