Add parallel Print Page Options

Si David ay hari sa Israel at Juda.

Nang magkagayo'y (A)naparoon ang lahat ng mga lipi ng Israel kay David sa Hebron, at nagsipagsalita, na nagsisipagsabi, Narito, (B)kami ay iyong buto at iyong laman.

Sa panahong nakaraan nang si Saul ay hari sa amin, ikaw (C)ang naglalabas at nagpapasok sa Israel: at sinabi ng Panginoon sa iyo: (D)Ikaw ay magiging pastor ng aking bayang Israel: at ikaw ay magiging prinsipe sa Israel.

Sa gayo'y (E)nagsiparoon ang lahat ng mga matanda sa Israel sa hari sa (F)Hebron: (G)at ang haring si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron (H)sa harap ng Panginoon: at kanilang pinahiran ng langis si David na maging hari sa Israel.

Si David ay may tatlong pung taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y nagharing apat na pung taon.

Sa Hebron ay naghari siya sa Juda na (I)pitong taon at anim na buwan: at sa Jerusalem ay naghari siya na tatlong pu at tatlong taon sa buong Israel at Juda.

Read full chapter