Add parallel Print Page Options

27 At siya'y lumapit at humalik siya sa kaniya: at naamoy ng ama ang amoy ng kaniyang mga suot, at siya'y binasbasan, na sinabi,

Narito, ang (A)amoy ng aking anak
Ay gaya ng amoy ng isang parang na pinagpala ng Panginoon:
28 At bigyan ka ng (B)Dios ng (C)hamog ng langit,
At ng taba ng lupa,
(D)At ng saganang trigo at alak:
29 Ang mga bayan ay mangaglingkod nawa sa iyo.
At ang mga bansa ay mangagsiyukod sa iyo:
Maging panginoon ka nawa ng iyong mga kapatid,
(E)At magsiyukod sa iyo ang mga anak ng iyong ina:
(F)Sumpain nawa ang mga sumusumpa sa iyo.
At maging mapapalad ang mga magpapala sa iyo.

Read full chapter

39 At sumagot si Isaac na kaniyang ama, at sinabi sa kaniya,

(A)Narito, magiging sadya sa taba ng lupa ang iyong tahanan,
At sa hamog ng langit mula sa itaas;

40 At sa iyong tabak ay mabubuhay ka, (B)at sa iyong kapatid ay maglilingkod ka;

(C)At mangyayari na pagka nakalaya ka,
Papagpagin mo sa iyong leeg ang pamatok niya.

Read full chapter