Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
1 Cronica 25-27

Ang mga Mang-aawit sa Templo

25 Ibinukod din ni David at ng mga punong-kawal ng hukbo para sa paglilingkod ang ilan sa mga anak nina Asaf, Heman, at Jedutun na magpapahayag ng propesiya sa saliw ng mga alpa, mga lira, at ng mga pompiyang. Ang talaan ng gumawa ng gawain at ang kanilang mga tungkulin ay sina:

Sa mga anak ni Asaf: sina Zacur, Jose, Netanias, at Asarela, na mga anak ni Asaf; sa ilalim ng pamumuno ni Asaf na nagpahayag ng propesiya ayon sa utos ng hari.

Kay Jedutun, ang mga anak ni Jedutun: sina Gedalias, Zeri, Jeshaias, Hashabias, at Matithias, anim;[a] sa ilalim ng pamumuno ng kanilang amang si Jedutun na nagpahayag ng propesiya sa saliw ng lira, na may pagpapasalamat at pagpupuri sa Panginoon.

Kay Heman, ang mga anak ni Heman: sina Bukias, Matanias, Uziel, Sebuel, Jerimot, Hananias, Hanani, Eliata, Gidalti, Romamtiezer, Josbecasa, Maloti, Hotir, at Mahaziot.

Lahat ng mga ito'y mga anak ni Heman na propeta[b] ng hari, ayon sa pangako ng Diyos na itaas siya. Sapagkat binigyan ng Diyos si Heman ng labing-apat na anak na lalaki at tatlong anak na babae.

Silang lahat ay nasa ilalim ng pamumuno ng kanilang ama sa pag-awit sa bahay ng Panginoon, na may mga pompiyang, mga lira, at mga alpa sa paglilingkod sa bahay ng Diyos; sina Asaf, Jedutun, at Heman ay nasa ilalim ng pamumuno ng hari.

Ang bilang nila kasama ang kanilang mga kapatid na mga sinanay sa pag-awit sa Panginoon, lahat ng bihasa ay dalawandaan at walumpu't walo.

Sila'y nagpalabunutan sa kanilang mga katungkulan, hamak at dakila, maging ang guro at mag-aaral.

Ang Dalawampu at Apat na Bahagi ng Mang-aawit

Ang unang sapalaran ay napunta kay Asaf hanggang kay Jose; ang ikalawa'y kay Gedalias; siya at ang kanyang mga kapatid at mga anak ay labindalawa;

10 ang ikatlo ay kay Zacur, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

11 ang ikaapat ay kay Isri, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

12 ang ikalima ay kay Netanias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

13 ang ikaanim ay kay Bukias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

14 ang ikapito ay kay Jesarela, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

15 ang ikawalo ay kay Jeshaias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

16 ang ikasiyam ay kay Matanias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

17 ang ikasampu ay kay Shimei, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

18 ang ikalabing-isa ay kay Azarel, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

19 ang ikalabindalawa ay kay Hashabias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

20 ang ikalabintatlo ay kay Subael, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

21 ang ikalabing-apat ay kay Matithias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

22 ang ikalabinlima ay kay Jerimot, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

23 ang ikalabing-anim ay kay Hananias, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

24 ang ikalabimpito ay kay Josbecasa, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

25 ang ikalabingwalo ay kay Hanani, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

26 ang ikalabinsiyam ay kay Maloti, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

27 ang ikadalawampu ay kay Eliata, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

28 ang ikadalawampu't isa ay kay Hotir, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

29 ang ikadalawampu't dalawa ay kay Gidalti, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

30 ang ikadalawampu't tatlo ay kay Mahaziot, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa;

31 ang ikadalawampu't apat ay kay Romamtiezer, sa kanyang mga anak at sa kanyang mga kapatid, labindalawa.

Ang Pagkakabahagi ng mga Bantay ng Pinto

26 Sa pagkakabahagi ng mga bantay ng pinto: sa mga Korahita, si Meselemia na anak ni Kora, sa mga anak ni Asaf.

Si Meselemia ay nagkaroon ng mga anak na lalaki: si Zacarias ang panganay, si Jediael ang ikalawa, si Zebadias ang ikatlo, si Jatnael ang ikaapat;

si Elam ang ikalima, si Jehohanan ang ikaanim, si Eliehoenai ang ikapito.

Si(A) Obed-edom ay nagkaroon ng mga anak: si Shemaya ang panganay, si Jehozabad ang ikalawa, si Joah ang ikatlo, si Sacar ang ikaapat, at si Natanael ang ikalima,

si Amiel ang ikaanim, si Isacar ang ikapito, si Peulletai ang ikawalo; sapagkat pinagpala siya ng Diyos.

Gayundin kay Shemaya na kanyang anak ay ipinanganak ang mga lalaking namuno sa sambahayan ng kanilang mga ninuno, sapagkat sila'y mga lalaking may malaking kakayahan.

Ang mga anak ni Shemaya: sina Othni, Rephael, Obed, at Elzabad, na ang mga kapatid ay magigiting na lalaki, sina Elihu at Samacias.

Lahat ng mga ito'y sa mga anak ni Obed-edom: sila at ang kanilang mga anak at ang kanilang mga kapatid, mga bihasang lalaking naaangkop sa paglilingkod; animnapu't dalawa kay Obed-edom.

Si Meselemia ay nagkaroon ng mga anak at mga kapatid na magigiting na lalaki, labingwalo.

10 Si Hosa naman sa mga anak ni Merari ay nagkaroon ng mga anak na lalaki; si Simri ang pinuno (kahit na hindi siya panganay, ginawa siyang pinuno ng kanyang ama).

11 Si Hilkias ang ikalawa, si Tebelias ang ikatlo, si Zacarias ang ikaapat; lahat ng mga anak at mga kapatid ni Hosa ay labintatlo.

12 Sa mga ito ang mga bahagi ng mga bantay-pinto, samakatuwid ay mga pinuno na may mga katungkulang gaya ng kanilang mga kapatid na namamahala sa bahay ng Panginoon.

13 Sila'y nagpalabunutan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, hamak man o dakila, para sa kani-kanilang pinto.

14 Ang palabunutan para sa dakong silangan ay napunta kay Shelemias. Nagpalabunutan din sila para kay Zacarias na kanyang anak na isang matalinong tagapayo at ang nabunot para sa kanya ay ang dakong hilaga.

15 Ang kay Obed-edom ay ang dakong timog; at sa kanyang mga anak ay ang kamalig.

16 Kay Suppim at kay Hosa ay ang dakong kanluran, sa tabi ng pintuang-daan ng Sallechet, sa daang paahon. Bawat tanod ay may katuwang na tanod.

17 Sa dakong silangan ay anim na Levita, sa dakong hilaga ay apat araw-araw, sa dakong timog ay apat araw-araw, at sa kamalig ay dala-dalawa.

18 Sa parbar[c] sa dakong kanluran, apat sa daanan, at dalawa sa parbar.

19 Ito ang mga bahagi ng mga bantay ng pinto sa mga Korahita, at sa mga anak ni Merari.

Ang Tagapamahala ng Kayamanan sa Templo

20 Sa mga Levita, si Ahias ang namahala sa mga kayamanan ng bahay ng Diyos at sa mga kayamanan ng mga itinalagang bagay.

21 Ang mga anak ni Ladan, ang mga anak ng mga Gershonita na nauukol kay Ladan; ang mga pinuno ng mga sambahayan ng mga ninuno na ukol kay Ladan na Gershonita; si Jehieli.

22 Ang mga anak ni Jehieli: sina Zetam at Joel na kanyang kapatid ang nangasiwa sa mga kabang-yaman ng bahay ng Panginoon.

23 Sa mga Amramita, sa mga Izarita, sa mga Hebronita, sa mga Uzielita—

24 at si Sebuel na anak ni Gershom, na anak ni Moises, ay punong-tagapamahala sa mga kabang-yaman.

25 Ang kanyang mga kapatid mula kay Eliezer ay si Rehabias na kanyang anak, at si Jeshaias na kanyang anak, si Joram na kanyang anak, si Zicri na kanyang anak, at si Shelomot na kanyang anak.

26 Ang Shelomot na ito at ang kanyang mga kapatid ang namahala sa lahat ng kabang-yaman na nakatalagang bagay na itinalaga ni Haring David, at ng mga pinuno ng mga sambahayan ng mga magulang, ng mga pinunong-kawal ng libu-libo at ng daan-daan, at ng mga pinunong-kawal ng hukbo.

27 Mula sa mga samsam na pinanalunan sa pakikidigma ay kanilang itinalaga ang mga kaloob upang mapanatiling maayos ang bahay ng Panginoon.

28 Gayundin ang lahat ng itinalaga ni Samuel na tagakita at ni Saul na anak ni Kish, at ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruia; ang lahat ng mga itinalagang kaloob ay nasa ilalim ng pag-iingat ni Shelomot at ng kanyang mga kapatid.

29 Sa mga Izarita, si Kenanias at ang kanyang mga anak na lalaki ay itinalaga sa mga panlabas na tungkulin para sa Israel, bilang mga pinuno at mga hukom.

30 Sa mga Hebronita, si Hashabias at ang kanyang mga kapatid na mga magigiting na lalaki, na isang libo't pitong daan, ay namahala sa Israel sa dako roon ng Jordan sa dakong kanluran na ukol sa lahat ng gawain sa Panginoon, at sa paglilingkod sa hari.

31 Sa mga Hebronita, si Jerias ang pinuno sa mga Hebronita, mula sa anumang salinlahi o mga sambahayan. Nang ikaapatnapung taon ng paghahari ni David, nagkaroon ng pagsisiyasat at may natagpuan sa kanilang magigiting na lalaki sa Jazer ng Gilead.

32 Ang kanyang mga kapatid na mga magigiting na lalaki ay dalawang libo at pitong daan, mga pinuno ng mga sambahayan na siyang ginawa ni David na mga tagapamahala sa mga Rubenita, sa mga Gadita, at sa kalahating lipi ng mga Manases, sa lahat ng bagay na ukol sa Diyos, at sa mga bagay na ukol sa hari.

Mga Punong-Kawal

27 Ito ang talaan ng sambayanan ng Israel, samakatuwid ay ang mga pinuno ng mga sambahayan, ang mga pinunong-kawal ng libu-libo at daan-daan, at ang kanilang mga pinuno na naglingkod sa hari, sa mga bagay tungkol sa mga pangkat na pumapasok at lumalabas, buwan-buwan sa buong taon, ang bawat pangkat ay dalawampu't apat na libo:

Sa unang pangkat na para sa unang buwan, ang tagapamahala ay si Jasobeam na anak ni Zabdiel; at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

Siya'y mula sa mga anak ni Perez at pinuno ng lahat ng punong-kawal ng hukbo para sa unang buwan.

Sa pangkat na para sa ikalawang buwan ay si Dodai na Ahohita, at sa kanyang pangkat ay si Miclot ang tagapamahala, at ang kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

Ang ikatlong punong-kawal na para sa ikatlong buwan ay si Benaya, na anak ng paring si Jehoiada na siyang pinuno; at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

Ito ang Benaya na magiting na lalaki sa tatlumpu, at pinuno sa tatlumpu; ang pinuno sa kanyang pangkat ay si Amisabad na kanyang anak.

Ang ikaapat na punong-kawal para sa ikaapat na buwan ay si Asahel na kapatid ni Joab, at si Zebadias na kanyang kapatid ang kasunod niya, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

Ang ikalimang punong-kawal para sa ikalimang buwan ay si Samhuth na Izrahita, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

Ang ikaanim, para sa ikaanim na buwan ay si Ira na anak ni Ikkes na Tekoita; at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

10 Ang ikapito, para sa ikapitong buwan ay si Heles na Pelonita, mula sa mga anak ni Efraim, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

11 Ang ikawalo, para sa ikawalong buwan ay si Shibecai na Husatita, mula sa mga Zeraita; at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

12 Ang ikasiyam, para sa ikasiyam na buwan ay si Abiezer na taga-Anatot, isang Benjaminita; at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

13 Ang ikasampu, para sa ikasampung buwan ay si Maharai na taga-Netofa mula sa mga Zeraita, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

14 Ang ikalabing-isa, para sa ikalabing-isang buwan ay si Benaya na taga-Piraton, mula sa mga anak ni Efraim, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

15 Ang ikalabindalawa, para sa ikalabindalawang buwan ay si Heldai na Netofatita, mula kay Otniel, at sa kanyang pangkat ay dalawampu't apat na libo.

Mga Tagapamahala sa mga Lipi

16 Ang mga tagapamahala sa mga lipi ng Israel: sa mga Rubenita, si Eliezer na anak ni Zicri, ang punong-tagapamahala; sa mga Simeonita, si Shefatias na anak ni Maaca.

17 Sa Levi, si Hashabias, na anak ni Kemuel; kay Aaron, si Zadok;

18 sa Juda, si Elihu, isa sa mga kapatid ni David; sa Isacar, si Omri na anak ni Micael;

19 sa Zebulon, si Ismaias na anak ni Obadias; sa Neftali, si Jerimot na anak ni Azriel.

20 Sa mga anak ni Efraim, si Hosheas na anak ni Azazias; sa kalahating lipi ni Manases, si Joel na anak ni Pedaya,

21 sa kalahating lipi ni Manases sa Gilead, si Iddo na anak ni Zacarias; sa Benjamin, si Jaasiel na anak ni Abner.

22 Sa Dan, si Azarel na anak ni Jeroham. Ito ang mga pinuno ng mga lipi ng Israel.

23 Ngunit(B) hindi isinama ni David sa pagbilang ang mula sa dalawampung taong gulang pababa, sapagkat ipinangako ng Panginoon na kanyang pararamihin ang Israel na gaya ng mga bituin sa langit.

24 Si(C) Joab na anak ni Zeruia ay nagpasimulang bumilang, ngunit hindi natapos; gayunma'y dumating sa Israel ang poot dahil dito, at hindi ipinasok ang bilang sa mga talaan ni Haring David.

Ang mga Ingat-yaman ni Haring David

25 Ang namahala sa mga kabang-yaman ng hari ay si Azmavet na anak ni Adiel. Ang ingat-yaman sa mga bukid, sa mga bayan, sa mga nayon, at sa mga tore ay si Jonathan na anak ni Uzias.

26 Ang namahala sa gumagawa sa bukirin at pagbubungkal ng lupa ay si Ezri na anak ni Kelub.

27 Sa mga ubasan ay si Shimei na Ramatita, at sa mga ani sa mga ubasan para sa mga imbakan ng alak ay si Zabdi na Sifmita.

28 Sa mga puno ng olibo at sa mga puno ng sikomoro na nasa Shefela ay si Baal-hanan na Gederita, at sa mga imbakan ng langis ay si Joas.

29 Sa mga bakahan na ipinapastol sa Sharon ay si Sitrai na Sharonita, at sa mga bakahan na nasa mga libis ay si Shafat na anak ni Adlai.

30 Sa mga kamelyo ay si Obil na Ismaelita, at sa mga babaing asno ay si Jehedias na Meronotita, at sa mga kawan ay si Jaziz na Hagrita.

31 Lahat ng mga ito'y mga katiwala sa mga ari-arian ni Haring David.

Ang mga Tagapayo ni David

32 Si Jonathan na amain ni David ay isang tagapayo, lalaking matalino, at isang eskriba; at si Jehiel na anak ni Hacmoni ay lingkod sa mga anak ng hari.

33 Si Ahitofel ang tagapayo ng hari; at si Husai na Arkita ang kaibigan ng hari.

34 Kasunod ni Ahitofel ay si Jehoiada na anak ni Benaya, at gayundin ni Abiatar. Si Joab ang punong-kawal sa hukbo ng hari.

Juan 9:1-23

Pinagaling ni Jesus ang Isang Bulag

Sa kanyang paglalakad, nakita niya ang isang lalaking bulag mula pa sa kanyang pagkapanganak.

Tinanong siya ng kanyang mga alagad, “Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kanyang mga magulang, kaya siya'y ipinanganak na bulag?”

Sumagot si Jesus, “Hindi dahil sa ang taong ito'y nagkasala, o ang kanyang mga magulang man, kundi upang mahayag sa kanya ang mga gawa ng Diyos.”

Kailangan nating[a] gawin ang mga gawa niyong nagsugo sa akin,[b] samantalang araw pa. Dumarating ang gabi, na walang taong makakagawa.

Habang(A) ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.”

Nang masabi niya ang mga bagay na ito, siya'y dumura sa lupa, at gumawa ng putik mula sa dura, at pinahiran ng putik ang mga mata ng lalaki.

At sinabi sa kanya, “Humayo ka, maghugas ka sa imbakan ng tubig ng Siloam” (na ang kahulugan ay Sinugo). Humayo nga siya at naghugas at bumalik na nakakakita.

Kaya't ang mga kapitbahay at ang mga nakakita sa kanya nang una, na siya'y pulubi, ay nagsabi, “Hindi ba ito ang nakaupo noon at nagpapalimos?”

Sinabi ng iba, “Siya nga.” Ang sabi ng iba, “Hindi, subalit kamukha niya.” Sinabi niya, “Ako nga iyon.”

10 Kaya't sinabi nila sa kanya, “Paanong nabuksan ang iyong mga mata?”

11 Sumagot siya, “Ang taong tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik, at pinahiran ang aking mga mata, at sinabi sa akin, ‘Pumunta ka sa Siloam, at maghugas ka.’ Kaya't ako'y umalis at naghugas, at nagkaroon ako ng paningin.”

12 Sinabi nila sa kanya, “Saan siya naroon?” Sinabi niya, “Hindi ko alam.”

Siniyasat ng mga Fariseo ang Pagpapagaling

13 Dinala nila sa mga Fariseo ang lalaki na dating bulag.

14 Noon ay araw ng Sabbath nang gumawa ng putik si Jesus, at binuksan ang kanyang mga mata.

15 Muli na naman siyang tinanong ng mga Fariseo kung paano siya nagkaroon ng paningin. At sinabi niya sa kanila, “Nilagyan niya ng putik ang aking mga mata, at hinugasan ko, at ako'y nakakita.”

16 Kaya't sinabi ng ilan sa mga Fariseo, “Ang taong ito'y hindi mula sa Diyos, sapagkat hindi siya nangingilin ng Sabbath.” Subalit sinabi ng iba, “Paanong makakagawa ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan?” At nagkaroon ng pagkakahati-hati sa kanila.

17 Muling sinabi nila sa bulag, “Ano ang masasabi mo tungkol sa kanya, sapagkat binuksan niya ang iyong mga mata?” At kanyang sinabi, “Siya'y isang propeta.”

18 Hindi naniwala ang mga Judio na siya'y dating bulag at nagkaroon ng kanyang paningin, hanggang sa kanilang tinawag ang mga magulang ng lalaki na nagkaroon ng paningin,

19 at tinanong sila, “Ito ba ang inyong anak, na sinasabi ninyong ipinanganak na bulag? Paanong nakakakita na siya ngayon?”

20 Sumagot ang kanyang mga magulang, “Alam naming ito'y aming anak, at siya'y ipinanganak na bulag.

21 Subalit kung paanong siya'y nakakakita ngayon, ay hindi namin alam, o kung sino ang nagbukas ng kanyang mga mata, ay hindi namin kilala. Tanungin ninyo siya, siya'y may sapat na gulang na, at siya'y magsasalita para sa kanyang sarili.”

22 Ang mga bagay na ito'y sinabi ng kanyang mga magulang sapagkat natatakot sila sa mga Judio. Sapagkat pinagkaisahan na ng mga Judio, na kung ang sinuman ay magpahayag na si Jesus[c] ang Cristo ay palalayasin mula sa sinagoga.

23 Kaya't sinabi ng kanyang mga magulang, “Siya'y may sapat na gulang na, tanungin ninyo siya.”

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001