Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
1 Cronica 7-9

Ang mga Anak ni Isacar

Ang mga anak ni Isacar: sina Tola, Pua, Jasub, at Simron, apat.

Ang mga anak ni Tola: sina Uzi, Refaias, Jeriel, Jamai, Jibsam, at Samuel, mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, sa sambahayan ni Tola; matatapang na mandirigma sa kanilang salinlahi: ang kanilang bilang sa mga araw ni David ay dalawampu't dalawang libo at animnaraan.

Ang mga anak ni Uzi: si Izrahias, at ang mga anak ni Izrahias: sina Micael, Obadias, Joel, at Ishias, lima. Silang lahat ay mga pinuno.

At kasama nila ayon sa kanilang mga lahi, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, ay mga pulutong ng hukbo sa pakikipagdigma na binubuo ng tatlumpu't anim na libong katao, sapagkat sila'y nagkaroon ng maraming asawa at mga anak.

Ang kanilang mga kapatid na kabilang sa lahat ng angkan ni Isacar ay walumpu't pitong libong magigiting na mandirigma na itinala ayon sa talaan ng salinlahi.

Ang mga Anak ni Benjamin

Ang tatlong anak ni Benjamin ay sina Bela, Beker, at Jediael.

Ang mga anak ni Bela: sina Ezbon, Uzi, Uziel, Jerimot, at Iri, lima; mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang; at sila'y binilang ayon sa talaan ng lahi, dalawampu't dalawang libo at tatlumpu't apat na matatapang na mandirigma.

Ang mga anak ni Beker: sina Zemira, Joas, Eliezer, Elioenai, Omri, Jerimot, Abias, Anatot, at Alemet. Lahat ng ito'y mga anak ni Beker.

Ang kanilang bilang ayon sa talaan ng angkan, ayon sa kanilang lahi, na mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang ay dalawampung libo at dalawandaang matatapang na mandirigma.

10 Ang mga ito ang mga anak ni Jediael: si Bilhan; at ang mga anak ni Bilhan ay sina Jeus, Benjamin, Ehud, Canaana, Zethan, Tarsis, at Ahisahar.

11 Lahat ng ito'y mga anak ni Jediael, ayon sa mga puno ng mga sambahayan ng kanilang mga magulang, labimpitong libo at dalawandaang matatapang na mandirigma at handa upang maglingkod sa digmaan.

12 Sina Supim at Hupim ay mga anak ni Hir, si Husim na anak ni Aher.

Ang mga Anak ni Neftali

13 Ang mga anak ni Neftali: sina Jaziel, Guni, Jeser, at Shallum, na mga anak ni Bilha.

Ang mga Anak ni Manases

14 Ang mga anak ni Manases: si Asriel, na siyang ipinanganak ng kanyang asawang-lingkod na Arameo; ipinanganak niya si Makir na ama ni Gilead.

15 At si Makir ay kumuha ng asawa para kina Hupim at kay Supim. Ang pangalan ng kanilang kapatid na babae ay Maaca. Ang pangalan ng ikalawa ay Zelofehad, at si Zelofehad ay nagkaanak ng mga babae.

16 At si Maaca na asawa ni Makir ay nanganak ng isang lalaki, at tinawag niya ang kanyang pangalan na Peres; at ang pangalan ng kanyang kapatid ay Seres; at ang kanyang mga anak ay sina Ulam at Rekem.

17 Ang anak[a] ni Ulam: si Bedan. Ito ang mga anak ni Gilead na anak ni Makir, na anak ni Manases.

18 At ipinanganak ng kanyang kapatid na babae sina Molec, Ichod, Abiezer, at Mahla.

19 At ang mga anak ni Semida ay sina Ahian, Shekem, Licci, at Aniam.

Ang mga Anak ni Efraim

20 Ang mga anak ni Efraim: si Shutela, at si Bered na kanyang anak, si Tahat na kanyang anak, at si Elada na kanyang anak, at si Tahat na kanyang anak,

21 si Zabad na kanyang anak, si Shutela na kanyang anak, sina Eser at Elad na pinatay ng mga lalaking ipinanganak sa lupain ng Gat, sapagkat sila'y nagsilusong upang nakawin ang kanilang mga hayop.

22 Si Efraim na kanilang ama ay nagluksa nang maraming araw, at ang kanyang mga kapatid ay pumunta upang aliwin siya.

23 Si Efraim[b] ay sumiping sa kanyang asawa; at ito'y naglihi at nagkaanak ng isang lalaki, at tinawag niya ang kanyang pangalan na Beriah, sapagkat ang kasamaan ay dumating sa kanyang bahay.

24 Ang kanyang anak na babae ay si Seera, na siyang nagtayo ng Bet-horon sa ibaba at sa itaas, at ng Uzzenseera.

25 Naging anak niya sina Refa, Resef, at Tela na kanyang anak, at si Tahan na kanyang anak;

26 si Ladan na kanyang anak, si Amihud na kanyang anak, si Elisama na kanyang anak;

27 si Nun na kanyang anak, at si Josue na kanyang anak.

28 Ang kanilang mga ari-arian at mga tahanan ay ang Bethel at ang mga bayan niyon, ang dakong silangan ng Naaran, ang dakong kanluran ng Gezer pati ng mga nayon niyon; ang Shekem at ang mga bayan niyon, hanggang sa Asa at ang mga nayon niyon;

29 at sa mga hangganan ng mga anak ni Manases, ang Bet-shan at ang mga bayan niyon, ang Taanac at ang mga bayan niyon, ang Megido at ang mga bayan niyon, ang Dor at ang mga bayan niyon. Dito nanirahan ang mga anak ni Jose na anak ni Israel.

Ang mga Anak ni Aser

30 Ang mga anak ni Aser: sina Imna, Isva, Isui, Beriah, at Sera na kanilang kapatid na babae.

31 At ang mga anak ni Beriah: sina Eber, at Malkiel na siyang ama ni Birzabit.

32 At naging anak ni Eber: sina Jaflet, Somer, Hotam, at si Shua na kanilang kapatid na babae.

33 At ang mga anak ni Jaflet: sina Pasac, Bimhal, at Asvat. Ang mga ito ang mga anak ni Jaflet.

34 Ang mga anak ni Semer: sina Ahi, Roga, Jehuba, at Aram.

35 At ang mga anak ni Helem na kanyang kapatid: sina Zofa, Imna, Selles, at Amal.

36 Ang mga anak ni Zofa: sina Suah, Harnafer, Sual, Beri, Imra,

37 Bezer, Hod, Shamna, Silsa, Itran, at Bearah.

38 At ang mga anak ni Jeter: sina Jefone, Pispa, at Ara.

39 At ang mga anak ni Ulla: sina Arah, Haniel, at Resia.

40 Ang lahat ng ito ay mga anak ni Aser, mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang, mga pili at matatapang na mandirigma, mga puno ng mga pinuno. Ang bilang nila ayon sa talaan ng salinlahi para sa paglilingkod sa digmaan ay dalawampu't anim na libong lalaki.

Ang mga Anak ni Benjamin

Si Benjamin ay naging ama ni Bela na kanyang panganay, si Asbel ang ikalawa, at si Ahara ang ikatlo;

si Noha ang ikaapat, at si Rafah ang ikalima.

Ang mga naging anak ni Bela: sina Adar, Gera, Abihud;

Abisua, Naaman, Ahoa,

Gera, Sephuphim, at Huram.

Ito ang mga anak ni Ehud (ang mga ito ang mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ng mga taga-Geba, at sila'y kanilang dinalang-bihag sa Manahat):

sina Naaman, Akias, at Gera, iyon ay si Heglam, nina Uza at Ahihud.

Si Saharaim ay nagkaroon ng mga anak sa lupain ng Moab, pagkatapos na kanyang paalisin ang kanyang mga asawa na sina Husim at Baara.

Naging anak nila ni Hodes sina Jobab, Sibias, Mesha, Malcham,

10 Jeuz, Sochias, at Mirma. Ang mga ito ang kanyang mga anak na mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang.

11 Naging anak niya kay Husim sina Abitub at Elpaal.

12 At ang mga anak ni Elpaal: sina Eber, Misam, at Shemed, na nagtayo ng Ono at ng Lod, pati na ang mga bayan niyon;

13 at sina Beriah at Shema na mga puno sa mga sambahayan ng mga ninuno ng mga taga-Ajalon na nagpalayas sa mga taga-Gat;

14 sina Ahio, Sasac, Jeremot;

15 Zebadias, Arad, Eder;

16 Micael, Ispa, at Joha, na mga anak ni Beriah;

17 sina Zebadias, Mesulam, Hizchi, Eber.

18 At sina Ismerai, Izlia, at Jobab, na mga anak ni Elpaal;

19 sina Jakim, Zicri, Zabdi;

20 Elioenai, Silitai, Eliel;

21 Adaya, Baraias, at Simrath, na mga anak ni Shimei;

22 sina Ispan, Eber, Eliel;

23 Adon, Zicri, Hanan;

24 Hananias, Belam, Antotias;

25 Ifdaias, Peniel, na mga anak ni Sasac;

26 sina Samseri, Seharias, Atalia;

27 Jaarsias, Elias, at Zicri, na mga anak ni Jeroham.

28 Ang mga ito ang mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ayon sa kanilang lahi, na mga pinunong lalaki na nanirahan sa Jerusalem.

29 At sa Gibeon ay nanirahan ang ama ni Gibeon, si Jeiel, na ang pangalan ng asawa ay Maaca;

30 at ang kanyang anak na panganay: si Abdon, pagkatapos ay sina Zur, Kish, Baal, Nadab;

31 Gedor, Ahio, at Zeker.

32 Naging anak ni Miclot si Shimeah. At sila nama'y nanirahang kasama ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, sa tapat ng kanilang mga kapatid.

33 At naging anak ni Ner si Kish; at naging anak ni Kish si Saul; at naging anak ni Saul sina Jonathan, Malkishua, Abinadab, at Esbaal.

34 Ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micaias.

35 Ang mga anak ni Micaias: sina Piton, Melec, Tarea, at Ahaz.

36 At naging anak ni Ahaz si Jehoada; at naging anak ni Jehoada si Alemet, at si Azmavet, at Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa;

37 at naging anak ni Mosa si Bina; si Rafa na kanyang anak, si Elesa na kanyang anak, si Asel na kanyang anak:

38 si Asel ay nagkaroon ng anim na anak na ang mga pangalan ay: Azricam, Bocru, Ismael, Searias, Obadias, at Hanan. Lahat ng mga ito ay mga anak ni Asel.

39 Ang mga ito ang anak ni Eshek na kanyang kapatid: si Ulam na kanyang panganay, si Jeus na ikalawa, at si Elifelet na ikatlo.

40 Ang mga anak ni Ulam ay matatapang na mandirigma, mga mamamana, at nagkaroon ng maraming anak, at mga apo, na isandaan at limampu. Lahat ng ito'y mula sa mga anak ni Benjamin.

Ang mga Unang Nanirahan sa Jerusalem

Sa gayon ang buong Israel ay itinala ayon sa mga talaan ng angkan; at sila'y nakasulat sa Aklat ng mga Hari ng Israel. At ang Juda ay naging bihag sa Babilonia dahil sa kanilang pagtataksil.

Ang(A) mga unang nanirahan sa kanilang mga ari-arian sa kanilang mga bayan ay mga Israelita, mga pari, mga Levita, at ang mga lingkod sa templo.[c]

Sa Jerusalem ay nanirahan ang iba sa mga anak nina Juda, Benjamin, Efraim, at Manases:

si Utai, na anak ni Amihud, na anak ni Omri, na anak ni Imri, na anak ni Bani, sa mga anak ni Perez na anak ni Juda.

Sa mga Shilonita: si Asaya na panganay, at ang kanyang mga anak.

Sa mga anak ni Zera: si Jehuel, at ang kanilang mga kapatid, na animnaraan at siyamnapu.

At sa mga anak ni Benjamin: si Sallu, na anak ni Mesulam, na anak ni Hodavias, na anak ni Hasenua;

at si Ibnias na anak ni Jeroham, at si Ela na anak ni Uzi, na anak ni Michri, at si Mesulam na anak ni Shefatias, na anak ni Reuel, na anak ni Ibnias;

at ang kanilang mga kapatid, ayon sa kanilang mga lahi ay siyamnaraan at limampu't anim. Lahat ng mga lalaking ito ay mga puno sa mga sambahayan ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang.

10 Sa mga pari: sina Jedias, Jehoiarib, Jakin,

11 at Azarias na anak ni Hilkias, na anak ni Mesulam, na anak ni Zadok, na anak ni Meraiot, na anak ni Ahitub, na tagapamahala sa bahay ng Diyos;

12 si Adaya na anak ni Jeroham, na anak ni Pashur, na anak ni Malkia, at si Mahsai na anak ni Adiel, na anak ni Jazera, na anak ni Mesulam, na anak ni Mesillemith, na anak ni Imer;

13 bukod sa kanilang mga kapatid, mga puno sa mga sambahayan ng kanilang mga magulang, na isang libo pitong daan at animnapu. Sila'y mga lalaking may kakayahan sa gawaing paglilingkod sa bahay ng Diyos.

14 At sa mga Levita: si Shemaya na anak ni Hashub, na anak ni Azricam, na anak ni Hashabias sa mga anak ni Merari;

15 at sina Bacbacar, Heres, Galal, at si Matanias na anak ni Mikas, na anak ni Zicri, na anak ni Asaf;

16 at si Obadias na anak ni Shemaya, na anak ni Galal, na anak ni Jedutun, at si Berequias na anak ni Asa na anak ni Elkana, na nanirahan sa mga nayon ng mga Netofatita.

Ang Bantay sa Pinto at ang Kanilang Gawain

17 Ang mga bantay sa pinto ay sina Shallum, Acub, Talmon, Ahiman at ang kanilang mga kapatid (si Shallum ang pinuno),

18 na hanggang ngayo'y nananatili sa pintuang-daan ng hari na dakong silangan. Sila ang mga bantay sa pinto sa kampo ng mga anak ni Levi.

19 Si Shallum na anak ni Kora, na anak ni Abiasat, na anak ni Kora, at ang kanyang mga kapatid, sa sambahayan ng kanyang magulang, ang mga Korahita, ang namamahala sa gawaing paglilingkod, mga tagapagbantay ng mga pintuang-daan ng tolda, kung paanong ang kanilang mga ninuno ay mga tagapamahala sa kampo ng Panginoon, na mga bantay ng pasukan.

20 Si Finehas na anak ni Eleazar ay pinuno nila nang panahong nakaraan, at ang Panginoon ay kasama niya.

21 Si Zacarias na anak ni Meselemia ay bantay sa pinto ng toldang tipanan.

22 Lahat ng mga ito na pinili upang maging mga bantay sa pinto sa mga tarangkahan ay dalawandaan at labindalawa. Ang mga ito'y itinalaga ayon sa talaan ng lahi sa kanilang mga nayon na siyang pinagkatiwalaan sa kanilang katungkulan ni David at ni Samuel na tagakita ng pangitain.[d]

23 Kaya't sila at ang kanilang mga anak ay tagapamahala sa mga pintuan ng bahay ng Panginoon, samakatuwid ay ang bahay ng tolda bilang mga bantay.

24 Ang mga bantay sa pinto ay nasa apat na sulok sa dakong silangan, kanluran, hilaga at timog.

25 Ang kanilang mga kamag-anak na nasa mga nayon ay sapilitang pinapapasok tuwing ikapitong araw, tuwing kapanahunan, upang makasama ng mga ito,

26 sapagkat ang apat na bantay ng pinto na mga Levita ay tagapamahala ng mga silid at mga kayamanan sa bahay ng Diyos.

27 Sila'y naninirahan sa palibot ng bahay ng Diyos, sapagkat tungkulin nila ang pagbabantay at pagbubukas nito tuwing umaga.

28 Ang ilan sa kanila ay nangangasiwa sa mga kasangkapan na ginagamit sa paglilingkod, sapagkat kailangan nilang bilangin ang mga ito kapag ipinapasok at inilalabas.

29 Ang iba sa kanila ay itinalaga sa kasangkapan, sa lahat ng mga banal na kasangkapan, sa piling harina, sa alak, sa langis, at sa insenso, at sa mga pabango.

30 Ang ilan sa mga anak ng mga pari ay naghahanda ng pagtitimpla ng mga pabango.

31 Si Matithias, isa sa mga Levita, na siyang panganay ni Shallum na Korahita ay tagapamahala sa paggawa ng manipis na tinapay.

32 Ang ilan sa kanilang mga kapatid sa mga anak ng mga Kohatita, ay tagapamahala sa tinapay na handog upang ihanda bawat Sabbath.

33 Ang mga ito ang mga mang-aawit, mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ng mga Levita, na naninirahan sa mga silid at malaya sa ibang katungkulan, sapagkat sila'y naglilingkod araw at gabi.

34 Ang mga ito ay mga puno sa mga sambahayan ng mga magulang ng mga Levita, ayon sa kanilang salinlahi, mga pinuno na naninirahan sa Jerusalem.

35 Sa Gibeon ay nanirahan ang ama ni Gibeon, si Jehiel, at ang pangalan ng kanyang asawa ay Maaca.

36 Ang kanyang anak na panganay ay si Abdon, na sinundan nina Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab;

37 Gedor, Ahio, Zacarias, at Miclot.

38 At naging anak ni Miclot si Samaam. At sila'y nanirahan ding katapat ng kanilang mga kapatid sa Jerusalem, kasama ng kanilang mga kapatid.

39 Si Ner ang ama ni Kish; at naging anak ni Kish si Saul; at naging anak ni Saul sina Jonathan, Malkishua, Abinadab, at Esbaal.

40 At ang anak ni Jonathan ay si Merib-baal; at naging anak ni Merib-baal si Micaias.

41 Ang mga anak ni Micaias ay sina Piton, Melec, Tarea, at Ahaz.

42 At naging anak ni Ahaz si Jara; at naging anak ni Jara sina Alemet, Azmavet, at Zimri; at naging anak ni Zimri si Mosa.

43 Naging anak ni Mosa si Bina; at si Refaias, Elesa at Asel ang kanyang mga anak.

44 Si Asel ay nagkaroon ng anim na anak, ito ang kanilang mga pangalan: Azricam, Bocru, Ismael, Seraia, Obadias, at Hanan. Ang mga ito ang mga naging anak ni Asel.

Juan 6:22-44

Hinanap ng mga Tao si Jesus

22 Kinabukasan ay nakita ng mga taong nakatayo sa kabilang pampang ng dagat na doo'y walang ibang bangka maliban sa isa. Nakita rin nila na hindi sumakay sa bangka si Jesus na kasama ng kanyang mga alagad, kundi ang kanyang mga alagad lamang ang umalis.

23 Gayunman, may mga bangkang dumating mula sa Tiberias malapit sa pook na kanilang kinainan ng tinapay, pagkatapos na makapagpasalamat ang Panginoon.

24 Nang makita ng mga tao na wala roon si Jesus, o ang kanyang mga alagad man, sumakay sila sa mga bangka at dumating sa Capernaum na hinahanap si Jesus.

Si Jesus ang Tinapay ng Buhay

25 Nang siya'y kanilang makita sa kabilang pampang ng dagat, kanilang sinabi sa kanya, “Rabi, kailan ka dumating dito?”

26 Sinagot sila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ako'y inyong hinahanap hindi dahil sa nakakita kayo ng mga tanda, kundi dahil sa kayo'y kumain ng tinapay, at kayo'y nabusog.

27 Huwag kayong magsumikap nang dahil sa pagkaing nasisira, kundi dahil sa pagkaing tumatagal para sa buhay na walang hanggan na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat sa kanya inilagay ng Diyos Ama ang kanyang tatak.”

28 Sinabi nila sa kanya, “Ano ang kailangan naming gawin upang aming magawa ang mga gawa ng Diyos?”

29 Sumagot si Jesus sa kanila, “Ito ang gawa ng Diyos na inyong sampalatayanan ang kanyang sinugo.”

30 Sinabi naman nila sa kanya, “Ano ngayon ang tanda na iyong ginagawa na aming makikita upang sumampalataya kami sa iyo? Ano ang iyong ginagawa?

31 Ang(A) aming mga ninuno ay kumain ng manna sa ilang, gaya ng nasusulat, ‘Kanyang binigyan sila ng tinapay na galing sa langit upang kanilang makain.’”

32 Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit.

33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay ang bumababang mula sa langit at nagbibigay ng buhay sa sanlibutan.

34 Sinabi nila sa kanila, “Panginoon, lagi mo kaming bigyan ng tinapay na ito.”

35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin ay hindi kailanman mauuhaw.

36 Subalit sinabi ko sa inyo na nakita ninyo ako subalit hindi kayo sumasampalataya.

37 Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin; at ang lumalapit sa akin kailanman ay hindi ko itataboy.

38 Sapagkat ako'y bumaba mula sa langit hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.

39 At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anuman, kundi muli kong bubuhayin sa huling araw.

40 Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat nakakakita sa Anak at sa kanya'y sumampalataya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.”

41 Kaya't ang mga Judio ay nagbulung-bulungan tungkol sa kanya sapagkat kanyang sinabi, “Ako ang tinapay na bumabang galing sa langit.”

42 Kanilang sinabi, “Hindi ba ito'y si Jesus, ang anak ni Jose, na kilala natin ang kanyang ama at ina? Paano niya nasasabi, ‘Ako'y bumabang galing sa langit?’”

43 Sumagot si Jesus sa kanila, “Huwag kayong magbulung-bulungan.

44 Walang taong makakalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama na nagsugo sa akin; at siya'y muli kong bubuhayin sa huling araw.

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001