Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 53-55

Ang lingkod ng Panginoon ay nagbabata. Ang kaniyang kamatayan at karangalan.

53 Sinong (A)naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang (B)bisig ng Panginoon?

(C)Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: (D)walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.

Siya'y hinamak at itinakuwil (E)ng mga tao; isang (F)taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y (G)hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.

Tunay na kaniyang (H)dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.

Nguni't siya'y nasugatan (I)dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa (J)ating kapayapaan ay nasa kaniya; (K)at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.

(L)Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan (M)sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.

Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay (N)hindi nagbuka ng kaniyang bibig; (O)gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.

Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, (P)sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.

At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama (Q)ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman (R)hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.

10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, (S)makikita niya ang kaniyang lahi, (T)pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.

11 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: (U)sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng (V)aking matuwid na lingkod ang marami; at (W)dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.

12 (X)Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang (Y)hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at (Z)ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at (AA)namagitan sa mga mananalangsang.

Ang pagpapalaki sa Sion.

54 Umawit ka, (AB)Oh baog, ikaw na hindi nanganak; ikaw ay magbiglang umawit, at humiyaw ng malakas, ikaw na hindi nagdamdam ng panganganak: sapagka't higit ang mga anak ng binawaan kay sa mga anak ng (AC)may asawa, sabi ng Panginoon.

Iyong palakhin ang dako (AD)ng iyong tolda, at maladlad ang mga tabing ng iyong mga tahanan; huwag kang magurong: habaan mo ang iyong mga lubid, at patibayin mo ang iyong mga tulos.

Sapagka't ikaw ay lalago sa kanan at sa kaliwa; (AE)at ang iyong lahi ay magaari ng mga bansa, at patatahanan ang mga gibang bayan.

Huwag kang matakot; sapagka't ikaw ay hindi mapapahiya: o malilito ka man; sapagka't hindi ka malalagay sa kahihiyan: sapagka't iyong kalilimutan ang kahihiyan ng iyong kabataan, at ang pula sa iyong pagkabao ay hindi mo maaalaala pa.

Sapagka't ang May-lalang sa iyo ay (AF)iyong asawa; ang (AG)Panginoon ng mga hukbo ay kaniyang pangalan: at ang Banal ng Israel ay (AH)iyong Manunubos, ang Dios ng buong lupa tatawagin siya.

Sapagka't tinawag ka ng Panginoon na parang asawang kinalimutan namamanglaw sa kalooban, parang (AI)asawa ng kabataan, pagka siya'y itinatakuwil, sabi ng iyong Dios.

Sa sangdaling-sangdali ay kinalimutan (AJ)kita; nguni't pipisanin kita sa pamamagitan ng mga malaking kaawaan.

Sa kaunting pagiinit ay ikinubli ko ang aking mukha sa iyo sa isang sangdali; (AK)nguni't kinaawaan kita sa pamamagitan ng walang hanggang kagandahang-loob, sabi ng Panginoon, na iyong Manunubos.

Sapagka't ito ay (AL)parang tubig ng panahon ni Noe sa akin; sapagka't kung paanong ako'y sumumpa, na ang tubig ng panahon ni Noe ay hindi na aahon pa sa lupa, gayon ako'y sumumpa na hindi ako magiinit sa iyo, o sasaway sa iyo.

10 Sapagka't ang mga bundok ay (AM)mangapapaalis, at ang mga burol ay mangapapalipat; nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi hihiwalay sa iyo, o (AN)ang akin mang tipan ng kapayapaan ay maalis, sabi ng Panginoon na naaawa sa iyo.

Ang lumalaking pagibig ng Panginoon sa Sion.

11 Oh ikaw na nagdadalamhati, na pinapaspas ng bagyo, at hindi naaaliw, narito, aking ilalagay ang (AO)iyong mga bato na may magandang mga kulay, at ilalapag ko ang iyong mga patibayan na may mga zafiro.

12 At gagawin kong mga rubi ang iyong mga dungawan, at mga karbungko ang iyong mga pintuang-bayan, at mga mahahalagang bato ang iyong lahat na hangganan.

13 At lahat mong anak ay (AP)tuturuan ng Panginoon; at magiging malaki ang kapayapaan ng iyong mga anak.

14 Sa katuwiran ay matatatag ka: ikaw ay malalayo sa kapighatian sapagka't yao'y hindi mo katatakutan; at sa kakilabutan, sapagka't hindi lalapit sa iyo.

15 Narito, sila'y magkakapisan, nguni't (AQ)hindi sa pamamagitan ko: sinomang magpipisan laban sa iyo ay mabubuwal dahil sa iyo.

16 Narito, aking nilalang ang panday na humihihip sa mga baga, at naglalabas ng kasangkapan para sa kaniyang gawa; at aking nilalang ang manglilipol upang manglipol.

17 Walang almas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan at (AR)bawa't dila na gagalaw laban sa iyo sa kahatulan ay iyong hahatulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon, (AS)at ang katuwiran nila ay sa akin, sabi ng Panginoon.

Ang walang bayad na kahabagan sa lahat.

55 Oh lahat (AT)na nangauuhaw, magsiparito kayo sa tubig at siyang walang salapi; magsiparito kayo, kayo'y magsibili, at magsikain; oo, kayo'y magsiparito, kayo'y magsibili ng alak at gatas (AU)ng walang salapi at walang bayad.

(AV)Ano't kayo'y nangaggugugol ng salapi sa hindi pagkain? at ng inyong gawa sa hindi nakabubusog? inyong pakinggan ako, at magsikain kayo ng mabuti, at mangalugod kayo sa katabaan.

Inyong ikiling ang inyong tainga, at (AW)magsiparito kayo sa akin; kayo'y magsipakinig, at ang inyong kaluluwa ay mabubuhay: at ako'y (AX)makikipagtipan sa inyo ng walang hanggan, sa makatuwid baga'y ng tunay (AY)na mga kaawaan ni David.

Narito, ibinigay ko siya na (AZ)pinakasaksi sa mga bayan, na patnubay at tagapagutos sa mga bayan.

Narito, ikaw ay tatawag ng bansa (BA)na hindi mo nakikilala; at bansa na hindi ka nakikilala ay tatakbo sa iyo, dahil sa Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel; (BB)sapagka't kaniyang niluwalhati ka.

(BC)Inyong hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa kaniya samantalang siya'y malapit:

Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka't (BD)siya'y magpapatawad ng sagana.

Sapagka't ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.

Sapagka't kung paanong ang langit ay lalong mataas (BE)kay sa lupa, gayon ang aking mga lakad ay lalong mataas kay sa inyong mga lakad, at ang aking mga pagiisip kay sa inyong mga pagiisip.

10 Sapagka't (BF)kung paanong ang ulan ay lumalagpak at ang niebe ay mula sa langit, at hindi bumabalik doon, kundi dinidilig ang lupa, at pinasisibulan at pinatutubuan ng halaman, at nagbibigay ng (BG)binhi sa maghahasik at pagkain sa mangangain;

11 Magiging gayon ang aking salita (BH)na lumalabas sa bibig ko: hindi babalik sa akin na walang bunga, kundi gaganap ng kinalulugdan ko, at giginhawa sa bagay na aking pinagsuguan.

12 Sapagka't kayo'y magsisilabas na may kagalakan, at papatnubayang may kapayapaan: ang mga bundok at ang mga burol ay (BI)magsisibulas ng pagawit sa harap ninyo, at ipapakpak ng lahat (BJ)na punong kahoy sa parang ang kanilang mga kamay.

13 Kahalili ng (BK)tinik ay tutubo ang puno ng abeto; at kahalili ng dawag ay tutubo ang arayan: at sa Panginoon ay magiging (BL)pinaka pangalan, pinaka walang hanggang tanda na hindi mapaparam.

2 Tesalonica 1

Si (A)Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo;

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo.

Kami ay nararapat, mga kapatid, na (B)mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana;

Ano pa't (C)kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa (D)mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya (E)sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis;

Na isang tandang hayag (F)ng matuwid na paghukom ng Dios; upang kayo'y ariing karapatdapat sa kaharian ng Dios, na dahil dito'y nangagbabata rin naman kayo:

Kung isang bagay na (G)matuwid sa Dios na gantihin ng kapighatian ang mga pumipighati sa inyo,

At kayong mga pinighati ay (H)bigyang kasama namin ng kapahingahan sa pagpapakahayag (I)ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang mga anghel ng kaniyang kapangyarihan na nasa nagniningas na apoy,

(J)Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:

Na siyang (K)tatangap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula (L)sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan.

10 Pagka paririto siya (M)upang luwalhatiin sa kaniyang mga banal, at upang siya'y maging kahangahanga (N)sa lahat ng mga nagsisampalataya sa araw na yaon (sapagka't ang aming patotoo sa inyo ay pinaniwalaan).

11 Dahil din dito ay lagi naming idinadalangin kayo, upang kayo'y ariing karapatdapat ng ating Dios sa pagkatawag sa inyo, at ganaping may kapangyarihan ang bawa't nais sa kabutihan at (O)gawa ng pananampalataya;

12 Upang ang pangalan (P)ng ating Panginoong Jesus ay luwalhatiin sa inyo, at kayo'y sa kaniya, ayon sa biyaya ng ating Dios at ng Panginoong Jesucristo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978