Old/New Testament
Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.
50 Ganito ang sabi ng Panginoon, (A)Saan nandoon ang sulat ng pagkakahiwalay ng iyong ina, na aking ipinaghiwalay sa kaniya? (B)o sa kanino sa mga nagpapautang sa akin ipinagbili kita? Narito, dahil sa inyong mga kasamaan ay naipagbili (C)kayo, at dahil sa inyong mga pagsalangsang ay nahiwalay ang inyong ina.
2 Bakit, nang ako'y parito, ay walang tao? nang ako'y (D)tumawag, ay walang sumagot? (E)naging maiksi na baga ang aking kamay na hindi makatubos? o wala akong kapangyarihang makapagligtas? (F)Narito, sa saway ko ay aking tinutuyo ang dagat, aking pinapaging ilang ang mga ilog: (G)ang kanilang isda ay bumabaho, sapagka't walang tubig, at namamatay dahil sa uhaw.
3 Aking binibihisan ng kaitiman ang langit (H)at aking ginagawang (I)kayong magaspang ang kaniyang takip.
4 Binigyan ako ng Panginoong Dios ng dila ng nangaturuan, (J)upang aking maalaman kung paanong aaliwin ng mga salita siyang nanglulupaypay. (K)Siya'y nagigising tuwing umaga, ginigising niya ang aking pakinig upang makinig na gaya ng mga natuturuan.
5 Binuksan ng Panginoong Dios ang aking pakinig, at ako'y (L)hindi naging mapanghimagsik, o tumalikod man.
6 (M)Aking ipinain ang aking likod sa mga mananakit, (N)at ang aking mga pisngi sa mga bumabaltak ng balbas; hindi ko ikinubli ang aking mukha sa kahihiyan at sa paglura.
7 Sapagka't tutulungan ako ng Panginoong Dios; kaya't hindi ako nalito: kaya't (O)inilagay ko ang aking mukha na parang batong pingkian, (P)at talastas ko na hindi ako mapapahiya.
8 Siya'y malapit (Q)na nagpapatotoo sa akin; (R)sinong makikipaglaban sa akin? tayo'y magsitayong magkakasama: sino ang aking kaaway? bayaang lumapit siya sa akin.
9 Narito, tutulungan ako ng Panginoong Dios; sino siya na hahatol sa akin? (S)narito, silang lahat ay mangalulumang parang bihisan; lalamunin (T)sila ng tanga.
10 Sino sa inyo ang natatakot sa Panginoon, na sumusunod sa tinig ng kaniyang lingkod? (U)Siyang lumalakad sa kadiliman, at walang liwanag, tumiwala siya sa pangalan ng Panginoon, (V)at umasa sa kaniyang Dios.
11 Narito, kayong lahat na nangagsusulsol ng apoy, na kumukubkob ng mga suló: magsilakad kayo sa liyab ng inyong apoy, at sa gitna ng mga suló na inyong pinagalab. (W)Ito ang tatamuhin ninyo sa aking kamay; kayo'y hihiga (X)sa kapanglawan.
Ang Panginoon ay makatutulong at tutulong sa nagtitiwala sa Kaniya.
51 Kayo'y magsipakinig sa akin, (Y)kayong nagsisisunod sa (Z)katuwiran, kayong nagsisihanap sa Panginoon: magsitingin kayo sa malaking bato na inyong kinaputulan, at sa luwang ng hukay na kinahukayan sa inyo.
2 Tingnan ninyo si Abraham na (AA)inyong ama, at si Sara na nanganak sa inyo; (AB)sapagka't nang siya'y iisa ay tinawag ko siya, at (AC)aking pinagpala siya, at aking pinarami siya.
3 Sapagka't (AD)inaliw ng Panginoon ang Sion; kaniyang pinasaya ang lahat niyang (AE)sirang dako, at ginawa niyang parang Eden ang kaniyang ilang, at ang kaniyang lupang masukal ay (AF)parang halamanan ng Panginoon; kagalakan at kasayahan ay masusumpungan doon, pagpapasalamat, at tinig na mainam.
4 Makinig ka sa akin, Oh bayan ko; at pakinggan mo ako, Oh bansa ko: (AG)sapagka't isang kautusan ay magmumula sa akin, at ang aking kahatulan ay gagawin kong (AH)pinakaliwanag sa mga bayan.
5 Ang katuwiran ko ay (AI)malapit, ang aking pagliligtas ay lumabas, (AJ)at hahatol ang aking mga bisig sa mga bayan; ang mga pulo ay magsisipaghintay (AK)sa akin, at sa aking bisig ay magsisitiwala sila.
6 (AL)Itingin ninyo ang inyong mga mata sa mga langit, at magsitungo kayo sa lupa sa ibaba; sapagka't (AM)ang mga langit ay mapapawing parang usok, at (AN)ang lupa ay malulumang parang bihisan; at silang nagsisitahan doon ay mangamamatay ng gayon ding paraan: nguni't ang pagliligtas ko ay magpakailan man, at ang aking katuwiran ay hindi mawawakasan.
7 Inyong pakinggan ako, ninyong nakakaalam ng katuwiran, bayan na ang puso ay kinaroonan ng aking kautusan; (AO)huwag ninyong katakutan ang pula ng mga tao, o manglupaypay man kayo sa kanilang mga paglait.
8 Sapagka't sila'y lalamunin ng tanga na (AP)parang bihisan, at kakanin sila ng uod na parang bihisan na balahibo ng tupa; nguni't ang aking katuwiran ay magiging magpakailan man, at ang aking pagliligtas ay sa lahat ng sali't saling lahi.
Ang tagapagligtas mula sa Egipto ay tinawagan upang tumulong.
9 (AQ)Gumising ka, gumising ka, magbihis ka ng kalakasan, Oh (AR)bisig ng Panginoon; gumising ka na (AS)gaya nang kaarawan noong una, nang mga lahi ng mga dating panahon. Hindi baga ikaw ang pumutol ng (AT)Rahab, na sumaksak (AU)sa buwaya?
10 Hindi baga ikaw ang tumuyo (AV)sa dagat, sa tubig ng malaking kalaliman; na iyong pinapaging daan ang kalaliman ng dagat (AW)upang daanan ng natubos?
11 At (AX)ang mga tinubos ng Panginoon ay magsisibalik, at magsisiparoong may awitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay sasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan; at ang kapanglawan at pagbubungtonghininga ay tatakas.
12 Ako, ako nga, ay siyang umaaliw (AY)sa inyo: sino ka na natatakot[a] sa tao na mamamatay at sa anak ng tao na gagawing parang (AZ)damo;
13 At iyong kinalimutan ang Panginoon na May-lalang sa iyo, na (BA)nagladlad ng mga langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa; at ikaw ay natatakot na lagi buong araw dahil sa pusok ng mamimighati, pagka siya'y nagmamadali upang gumiba? at saan nandoon ang pusok ng mamimighati?
14 Ang bihag na tapon ay madaling bibitawan; (BB)at hindi mamamatay at bababa sa hukay, o magkukulang man ang kaniyang tinapay.
15 Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, (BC)na nagpapahugong sa dagat, na ang mga alon niyao'y humuhugong: ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang kaniyang pangalan.
16 At inilagay ko ang aking mga salita (BD)sa iyong bibig, at tinakpan kita (BE)sa lilim ng aking kamay, upang aking mailadlad ang mga langit, at mailagay ang mga patibayan ng lupa, at magsabi sa Sion, Ikaw ay aking bayan.
17 Gumising ka, (BF)gumising ka, tumayo ka, Oh Jerusalem, na uminom ka sa kamay ng Panginoon sa (BG)saro ng kaniyang kapusukan; iyong ininuman (BH)ang saro ng pangpagiray, at iyong sinaid.
18 Walang pumatnubay sa kaniya sa lahat na anak na kaniyang ipinanganak; o may humawak man sa kaniya sa kamay sa lahat na anak na kaniyang pinalaki.
19 Ang dalawang bagay na ito ay nangyari sa iyo; sinong makikidamdam sa iyo? kagibaan, at kasiraan, at ang kagutom at ang tabak; (BI)paanong aaliwin kita?
20 Ang iyong mga anak ay nanganglupaypay, (BJ)sila'y nangahihiga sa dulo ng lahat na lansangan, na gaya ng isang usa sa isang silo; sila'y puspos ng kapusukan ng Panginoon, ng saway ng iyong Dios.
21 Kaya't pakinggan mo ito ngayon, ikaw na nagdadalamhati, at lango, (BK)nguni't hindi ng alak:
22 Ganito ang sabi ng iyong Panginoon na Jehova, at ng iyong Dios (BL)na nagsasanggalang ng usap ng kaniyang bayan, Narito, aking inalis sa iyong kamay ang saro na pangpagiray, ang saro nga ng aking kapusukan; hindi ka na iinom pa:
23 At aking (BM)ilalagay sa kamay nila na nagsisidalamhati sa iyo, (BN)na nakapagsabi sa iyong kaluluwa, Ikaw ay dumapa upang kami ay dumaan, at iyong inilagpak ang iyong likod na parang lupa, at parang lansangan sa kanilang nagdaraan.
Ang Sion ay tinawagan upang umalis sa pagkabihag.
52 Gumising ka, (BO)gumising ka, magsuot ka ng iyong kalakasan, Oh Sion; magsuot ka ng iyong mga magandang damit, (BP)Oh Jerusalem, na bayang banal: sapagka't mula ngayo'y hindi na papasok pa sa iyo ang hindi tuli (BQ)at ang marumi.
2 Magpagpag ka ng alabok; (BR)ikaw ay bumangon, umupo ka sa iyong luklukan, Oh Jerusalem: (BS)magkalag ka ng mga tali ng iyong leeg, Oh bihag na anak na babae ng Sion.
3 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (BT)Kayo'y naipagbili sa wala; at kayo'y matutubos ng walang salapi.
4 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Ang bayan ko ay bumaba noong una (BU)sa Egipto upang makipamayan doon: at pinighati sila ng mga taga Asiria ng walang kadahilanan.
5 Ngayon nga, anong ginagawa ko rito, sabi ng Panginoon, yamang ang aking bayan ay dinala ng walang anoano? silang nangagpupuno sa kanila ay nagsisiungal, sabi ng Panginoon, at ang aking pangalan (BV)ay natutungayaw na lagi buong araw,
6 Kaya't makikilala ng aking bayan ang aking pangalan: kaya't matatalastas nila sa araw na (BW)yaon, na (BX)ako yaong nagsasalita; narito, ako nga.
7 Anong pagkaganda (BY)sa mga bundok ng mga (BZ)paa niyaong nagdadala ng mga mabuting balita, na naghahayag ng kapayapaan, (CA)na nangagdadala ng mga mabuting balita sa ikabubuti, na nagtatanyag ng kaligtasan, na nagsasabi sa Sion, (CB)Ang iyong Dios ay naghahari!
8 Ang tinig ng iyong mga bantay! sila'y naglalakas ng tinig, na magkakasamang nagsisiawit; sapagka't sila'y makakakita ng mukhaan pagka ang Panginoon ay bumalik sa Sion.
9 Kayo'y magbiglang magalak, kayo'y magsiawit na magkakasama, kayong mga sirang dako ng Jerusalem; (CC)sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, kaniyang tinubos (CD)ang Jerusalem.
10 Hinubdan ng Panginoon ang kaniyang banal na (CE)bisig sa harap ng mga mata ng lahat na bansa; at makikita ng (CF)lahat na wakas ng lupa ang pagliligtas ng ating Dios.
11 (CG)Kayo'y magsiyaon, kayo'y magsiyaon, kayo'y magsialis doon, huwag kayong magsisihipo ng maruming bagay; kayo'y magsilabas sa gitna niya; kayo'y mangagpakalinis, (CH)kayong nangagdadala ng mga sisidlan ng Panginoon.
12 Sapagka't kayo'y (CI)hindi magsisilabas na nagmamadali, o magsisilabas man kayo na takas: sapagka't ang Panginoon ay magpapauna sa inyo; (CJ)at ang Dios ng Israel ay magiging inyong bantay likod.
13 Narito, (CK)ang lingkod ko ay gagawang may karunungan, (CL)siya'y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas.
14 Kung paanong marami ang natigilan dahil sa iyo (ang kaniyang mukha (CM)ay napakakatuwa kay sa kaninomang lalake, at ang kaniyang anyo ay higit na kumatuwa kay sa mga anak ng mga tao),
15 (CN)Gayon siya magwiwisik sa maraming bansa; (CO)ang mga hari ay magtitikom ng kanilang mga bibig dahil sa kaniya: sapagka't ang hindi nasaysay sa kanila ay (CP)kanilang makikita; at ang hindi nila narinig ay kanilang mauunawa.
5 Datapuwa't tungkol sa (A)mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, (B)hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.
2 Sapagka't kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating (C)ng kaarawan ng Panginoon ay (D)gaya ng magnanakaw sa gabi.
3 Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo'y (E)darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila'y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.
4 Nguni't kayo, (F)mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:
5 Sapagka't kayong lahat (G)ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo'y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;
6 (H)Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi (I)tayo'y mangagpuyat at mangagpigil.
7 Sapagka't ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; (J)at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.
8 Datapuwa't palibhasa'y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, (K)na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.
9 Sapagka't tayo'y (L)hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,
10 Na (M)namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.
11 Dahil dito (N)kayo'y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa't isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.
12 Datapuwa't ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, (O)na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at (P)nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;
13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. (Q)Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.
14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, (R)alalayan ang mga mahihina, (S)at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.
15 (T)Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni't sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa'y sa iba, at sa lahat.
16 (U)Mangagalak kayong lagi;
17 Magsipanalangin kayong (V)walang patid;
18 Sa lahat ng mga bagay ay (W)magpasalamat kayo; sapagka't ito (X)ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
19 Huwag ninyong patayin (Y)ang ningas ng Espiritu;
20 Huwag ninyong hamakin (Z)ang mga panghuhula;
21 Subukin ninyo ang (AA)lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;
22 Layuan ninyo ang (AB)bawa't anyo ng masama.
23 At pakabanalin (AC)kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong (AD)espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan (AE)sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.
24 (AF)Tapat yaong sa inyo'y tumatawag, na gagawa rin naman nito.
25 Mga kapatid, (AG)idalangin ninyo kami.
26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng (AH)banal na halik.
27 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid (AI)ang sulat na ito.
28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978