Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 47-49

Ang hatol ng Panginoon sa Babilonia ay sinabi.

47 Ikaw ay bumaba, (A)at umupo sa alabok, Oh (B)anak na dalaga ng Babilonia; lumagmak ka sa lupa na walang luklukan, Oh (C)anak na babae ng mga Caldeo: sapagka't hindi ka na tatawaging maselang at mahinhin.

Ikaw ay kumuha ng gilingang mga bato, (D)at gumiling ka ng harina; magalis ka ng iyong lambong, maghubad ka ng balabal, (E)maglitaw ka ng binti, tumawid ka sa mga ilog.

Ang iyong kahubaran ay malilitaw, oo, ang iyong kahihiyan ay makikita, (F)ako'y manghihiganti, at hindi tatangi ng tao.

Ang aming Manunubos, (G)ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang pangalan niya, ang Banal ng Israel.

Maupo kang tahimik, at masok ka sa kadiliman, Oh anak na babae ng mga Caldeo: (H)sapagka't hindi ka na tatawagin. Ang mahal na babae ng mga kaharian.

Ako'y napoot (I)sa aking bayan, (J)aking dinumhan ang aking mana, at ibinigay ko sa iyong kamay: hindi mo pinagpakitaan sila ng kaawaan; (K)sa may katandaan ay pinabigat mong mainam ang iyong atang.

At iyong sinabi, Ako'y magiging mahal na babae magpakailan man: na anopa't hindi mo ginunita ang mga bagay na ito sa iyong kalooban, o inalaala mo man (L)ang huling wakas nito.

Ang kawalang bisa ng pagasa sa sarili.

Ngayon nga'y dinggin mo ito, ikaw na hinati sa mga kalayawan, na tumatahang matiwasay, na nagsasabi sa kaniyang puso, (M)Ako nga, at walang iba liban sa akin; (N)hindi ako uupong gaya ng babaing bao, o mararanasan man ang pagkawala ng mga anak:

Nguni't ang dalawang bagay na ito ay darating sa iyo sa isang sangdali, sa isang araw, ang pagkawala ng mga anak at pagkabao; sa kanilang karamihan ay darating sa iyo, (O)sa karamihan ng iyong panggagaway, at sa totoong kasaganaan ng iyong mga enkanto.

10 Sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong kasamaan; iyong sinabi, Walang nakakakita sa akin; ang iyong karunungan at ang iyong kaalaman, nagpaligaw sa iyo: at iyong sinabi sa iyong puso, Ako nga, at walang iba liban sa akin.

11 Kaya't ang kasamaan ay darating sa iyo; hindi mo malalaman ang bukang liwayway niyaon: at kasakunaan ay sasapit sa iyo; hindi mo maaalis: at kagibaan ay darating sa iyong bigla, na hindi mo nalalaman.

12 (P)Tumayo ka ngayon sa iyong mga enkanto, at sa karamihan ng iyong panggagaway, na iyong ginawa mula sa iyong kabataan: marahil makikinabang ka, marahil mananaig ka.

13 Ikaw ay yamot (Q)sa karamihan ng iyong mga payo: (R)magsitayo ngayon ang nanganghuhula sa pamamagitan ng langit, at ng mga bituin, ang mga mangingilala ng tungkol sa buwan, at siyang magligtas sa iyo sa mga bagay na mangyayari sa iyo.

14 Narito, sila'y magiging (S)gaya ng pinagputulan ng trigo; susunugin sila ng apoy; sila'y hindi makaliligtas sa bangis ng liyab: hindi babaga na mapagpapainitan, o magiging apoy na mauupuan sa harap.

15 Ganito mangyayari ang mga bagay sa iyo, na iyong ginawa: (T)silang nangalakal sa iyo mula sa iyong kabinataan ay lalaboy bawa't isa ng kaniyang sariling lakad; walang magliligtas sa iyo.

Pinagsalitaan ang Israel dahil sa di pagtatapat.

48 Iyong dinggin ito, Oh sangbahayan ni Jacob, na tinatawag sa pangalan ng Israel, (U)at nagsilabas sa bukal ng Juda; (V)na nagsisumpa sa pangalan ng Panginoon, at nagsibanggit ng (W)Dios ng Israel, nguni't hindi sa katotohanan, o sa katuwiran man.

(Sapagka't sila'y tinatawag ayon sa bayang banal, at nagsitiwala (X)sa Dios ng Israel; ang Panginoon ng mga hukbo ang kaniyang pangalan):

(Y)Aking ipinahayag ang mga dating bagay mula nang una; oo, yao'y lumabas sa aking bibig, at aking ipinakilala: biglang ginawa ko, at nangyari.

Sapagka't nakilala ko, na ikaw ay (Z)mapagmatigas, at ang iyong leeg ay parang litid na bakal, at ang iyong noo ay parang tanso:

Kaya't aking ipinahayag sa iyo mula nang una; bago nangyari ay ipinakilala ko sa iyo: (AA)baka iyong sabihin, Mga ginawa ng aking diosdiosan, at ang aking larawang inanyuan, at ang aking larawang binubo, nagutos sa kanila.

Iyong narinig; tingnan mong lahat ito; at kayo, hindi ba ninyo ipahahayag? Ako'y nagpakita sa iyo ng mga bagong bagay mula sa panahong ito, sa makatuwid baga'y mga kubling bagay na hindi mo naalaman.

Mga nalikha ngayon, at hindi mula nang una; at bago dumating ang araw na ito ay hindi mo nangarinig; baka iyong sabihin, Narito, aking nangaalaman.

Oo, hindi mo narinig; oo, hindi mo naalaman; oo, mula nang una ay hindi nabuksan ang iyong pakinig: sapagka't talastas ko na ikaw ay gumawa na totoong may kataksilan, at tinawag na mananalangsang (AB)mula sa bahay-bata.

Dahil (AC)sa aking pangalan ay (AD)aking iuurong ang aking galit, at dahil sa kapurihan ko ay aking ititigil, upang huwag kitang ihiwalay.

10 Narito dinalisay (AE)kita, nguni't hindi parang pilak; pinili kita sa (AF)hurno ng kadalamhatian.

11 Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; (AG)sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? (AH)at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba.

Ipinangako ang pagkaligtas mula sa Babilonia.

12 Inyong dinggin ako, Oh Jacob, at Israel na tinawag ko: (AI)Ako nga; (AJ)ako ang una, ako rin ang huli.

13 Oo, ang aking kamay ay siyang (AK)naglagay ng patibayan ng lupa, at ang aking kanan ay siyang nagladlad ng langit: pagka ako'y tumatawag sa kanila, sila'y nagsisitayong magkakasama.

14 Kayo'y magpipisan, kayong lahat, at inyong dinggin; (AL)sino sa kanila ang nagpahayag ng mga bagay na ito? (AM)Siyang iniibig ng Panginoon ay (AN)kaniyang tutuparin ang kaniyang kaligayahan sa Babilonia, at bubuhatin niya ang kaniyang kamay sa mga (AO)Caldeo.

15 Ako, ako nga'y nagsalita; oo, aking tinawag siya; (AP)aking dinala siya; at kaniyang pagiginhawahin ang kaniyang lakad.

16 Kayo'y magsilapit sa akin, inyong dinggin ito; mula sa pasimula ay (AQ)hindi ako nagsalita ng lihim; mula nang panahon na nangyari ito, nandoon nga ako: at ngayo'y sinugo ako (AR)ng Panginoong Dios, at nang kaniyang Espiritu.

17 Ganito ang sabi ng (AS)Panginoon, ng inyong Manunubos, ng Banal ng Israel, Ako ang Panginoon mong Dios, na nagtuturo sa iyo ng mapapakinabangan, na pumapatnubay sa iyo sa daan na iyong marapat na lakaran.

18 Oh kung dininig mo ang aking mga utos! (AT)ang iyo ngang kapayapaan ay naging parang ilog, at ang iyong katuwiran ay parang mga alon sa dagat:

19 Ang (AU)iyo namang lahi ay naging parang buhangin at ang suwi ng iyong tiyan ay parang mga butil niyaon: ang kaniyang pangalan ay hindi mahihiwalay o magigiba man sa harap ko.

20 Kayo'y magsilabas sa Babilonia, (AV)inyong takasan ang mga Caldeo; kayo'y mangagpahayag na may tinig ng awitan, inyong saysayin ito, itanyag ninyo hanggang sa wakas ng lupa: inyong sabihin, (AW)Tinubos ng Panginoon ang Jacob na kaniyang lingkod.

21 (AX)At sila'y hindi nangauhaw nang pinapatnubayan niya sila sa mga ilang; (AY)kaniyang pinaagos ang tubig mula sa bato para sa kanila; kaniyang ginuwangan din naman ang bato, at ang tubig ay bumukal.

22 Walang kapayapaan (AZ)sa masama, sabi ng Panginoon.

Mayamang mga pangako sa nalulungkot na Sion.

49 Kayo'y magsipakinig sa akin, Oh (BA)mga pulo; at inyong pakinggan, ninyong mga bayan, sa malayo: tinawag ako ng (BB)Panginoon mula sa bahay-bata; mula sa bahay-bata ng aking ina ay binanggit niya ang aking pangalan:

At kaniyang ginawa ang (BC)aking bibig na parang matalas na tabak; sa lilim ng kaniyang kamay ay ikinubli niya ako: at ginawa niya akong makinang na pana; sa kaniyang lalagyan ng pana ay itinago niya ako:

At sinabi niya sa akin, Ikaw ay (BD)aking lingkod; Israel, na siyang aking ikaluluwalhati.

Nguni't aking sinabi, Ako'y gumawang (BE)walang kabuluhan, aking ginugol ang aking lakas sa wala, at sa walang kabuluhan; (BF)gayon ma'y tunay na ang kahatulan sa akin ay nasa Panginoon, at ang kagantihan sa akin ay nasa aking Dios.

At ngayo'y sinasabi ng Panginoon na naganyo sa akin mula sa bahay-bata upang maging kaniyang lingkod, upang dalhin uli ang Jacob sa kaniya, at ang Israel ay mapisan sa kaniya: (sapagka't ako'y marangal sa mga mata ng Panginoon, at ang aking Dios ay naging aking kalakasan;)

Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na (BG)pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa.

(BH)Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Manunubos ng Israel, na kaniyang Banal, (BI)doon sa hinahamak ng tao, doon sa kinayayamutan ng bansa, sa lingkod ng mga pinuno, Ang mga hari at ang mga pangulo, ay mangakakakita at magsisibangon, at sila'y magsisisamba; dahil sa Panginoon na tapat, sa Banal ng Israel, na siyang pumili sa iyo.

Ganito ang sabi ng Panginoon, (BJ)Sa kalugodlugod na panahon ay sinagot kita, at sa araw ng pagliligtas ay tinulungan kita: (BK)at aking iningatan ka, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, upang ibangon ang lupain, upang ipamana sa kanila ang mga sirang mana;

Na nagsasabi sa kanilang nangabibilanggo, Kayo'y magsilabas; sa kanilang nangasa kadiliman, Pakita kayo. Sila'y magsisikain sa mga daan, at ang lahat na luwal na kaitaasan ay magiging kanilang pastulan.

10 (BL)Sila'y hindi mangagugutom, o mangauuhaw man; (BM)at hindi man sila mangapapaso ng init, o ng araw man: sapagka't siyang may awa sa kanila ay papatnubay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa tabi ng mga (BN)bukal ng tubig ay papatnubayan niya sila.

11 At aking gagawing daan ang (BO)lahat ng aking mga bundok, at ang aking mga lansangan ay patataasin.

12 Narito, (BP)ang mga ito'y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay (BQ)mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim.

13 Ikaw ay umawit, Oh langit; (BR)at magalak, Oh lupa; at kayo'y biglang magsiawit, Oh mga bundok: sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, at mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati.

14 Nguni't sinabi ng Sion, (BS)Pinabayaan ako ni Jehova, at nilimot ako ng Panginoon.

15 Malilimutan ba ng babae (BT)ang kaniyang batang pasusuhin; na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ito'y makalilimot, (BU)nguni't hindi kita kalilimutan.

16 Narito (BV)aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; ang iyong mga kuta ay laging nangasa harap ko.

17 Ang iyong mga anak ay mangagmamadali; ang mga manghahamak sa iyo at ang sumisira sa iyo ay aalis sa iyo.

18 Imulat mo ang iyong mga mata sa palibot, (BW)at tingnan mo: lahat ng mga ito ay nagpipipisan, at naparirito sa iyo. Buháy ako, sabi ng Panginoon, ikaw ay mabibihisan (BX)ng lahat ng mga yaon, na parang pinakagayak, at mabibigkisan ka (BY)ng mga yaon na parang isang kasintahang babae.

19 Sapagka't tungkol sa iyong mga sira at sa iyong mga gibang dako at sa iyong lupain na nawasak, tunay na ikaw (BZ)ngayon ay magiging totoong napakakipot sa mga mananahan, at silang nagsisisakmal sa iyo ay mangalalayo.

20 (CA)Ang mga anak ng inyong kapanglawan ay mangagsasabi pa sa iyong mga pakinig, Ang dako ay totoong makipot sa ganang akin: (CB)bigyan mo ako ng dako upang aking matahanan.

21 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa iyong sarili, (CC)Sinong nanganak ng mga ito sa akin, dangang nawalan ako ng aking mga anak, at ako'y nagiisa, tapon, at lumalaboy na paroo't parito? at sinong nagpalaki ng mga ito? Narito, ako'y naiwang magisa; mga ito, saan nangandoon?

22 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (CD)Narito, aking ikakaway ang aking kamay sa mga bansa, at itatayo ko ang aking watawat sa mga bayan; at sila'y kakalong ng iyong mga anak na lalake sa kanilang sinapupunan, at ang iyong mga anak na babae ay papasanin ng kanilang mga balikat.

23 (CE)At mga hari ang magiging iyong mga taga kandiling ama, at ang kanilang mga reina, ay iyong mga taga kandiling ina: sila'y magsisiyukod sa iyo (CF)ng kanilang mga mukha sa lupa, at (CG)hihimuran ang alabok ng inyong mga paa: at iyong makikilala, na ako ang Panginoon, at ang nangaghihintay sa akin ay (CH)hindi mangapapahiya.

24 Makukuha baga ang huli sa makapangyarihan, o maliligtas ang mga talagang nabihag?

25 Nguni't ganito ang sabi ng Panginoon, Pati ng mga bihag ng makapangyarihan ay kukunin, at ang huli ng kakilakilabot ay maliligtas; (CI)sapagka't ako'y makikipaglaban sa kaniya na nakikipaglaban sa iyo, at aking ililigtas ang iyong mga anak.

26 (CJ)At aking pakakanin silang nagsisipighati sa iyo ng kanilang sariling laman; at sila'y mangalalango ng (CK)kanilang sariling dugo, na gaya ng matamis na alak: at (CL)makikilala ng lahat ng tao, na akong Panginoon ay iyong Tagapagligtas, at iyong (CM)Manunubos, na (CN)Makapangyarihan ng Jacob.

1 Tesalonica 4

Katapustapusan nga, mga kapatid, kayo'y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, (A)na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo'y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, (B)na gaya ng inyong paglakad,—upang kayo'y magsipanagana ng higit at higit.

Sapagka't talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.

Sapagka't ito (C)ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga'y ang inyong (D)pagpapakabanal, (E)na kayo'y magsiilag sa pakikiapid;

Na ang bawa't isa sa inyo'y makaalam na maging mapagpigil sa (F)kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan,

Hindi sa pita (G)ng kahalayan, na (H)gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios;

Na sinoma'y huwag lumapastangan at magdaya (I)sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka't ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.

Sapagka't tayo'y tinawag ng Dios hindi (J)sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.

Kaya't ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, (K)na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.

Datapuwa't tungkol sa (L)pagiibigang kapatid ay (M)hindi ninyo kailangan na kayo'y sulatan ng sinoman: sapagka't kayo rin ay tinuruan ng Dios na (N)mangagibigan kayo sa isa't isa;

10 Sapagka't katotohanang (O)ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Nguni't aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo'y lalo't lalong magsipanagana.

11 At pagaralan ninyong maging (P)matahimik, at (Q)gawin ang inyong sariling gawain, at (R)kayo'y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;

12 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat (S)sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan.

13 Nguni't hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo'y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, (T)na walang pagasa.

14 Sapagka't kung tayo'y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon (U)din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.

15 Sapagka't ito'y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na (V)tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

16 Sapagka't (W)ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng (X)arkanghel, at may (Y)pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay (Z)unang mangabubuhay na maguli;

17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila (AA)sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y (AB)sasa Panginoon tayo magpakailan man.

18 Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978