Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 6-8

Ang nagbabalang pagkulong sa Jerusalem.

Kayo'y magsitakas para maligtas, kayong mga anak ni Benjamin, mula sa gitna ng Jerusalem, (A)at kayo'y magsihihip ng pakakak sa Tecoa, at mangagtaas ng tanda sa (B)Beth-hacherem; sapagka't ang kasamaan ay natatanaw sa (C)hilagaan, at isang malaking paglipol.

Ang maganda at maayos na babae, ang anak na babae ng Sion, ihihiwalay ko.

Mga pastor na kasama ng kanilang mga kawan ay magsisiparoon sa kaniya; kanilang itatayo ang kanilang mga tolda laban sa kaniya sa palibot; sila'y mangagpapasabsab bawa't isa sa kanikaniyang dako.

Mangaghanda kayo ng digma laban sa kaniya; (D)kayo'y magsibangon, at (E)tayo'y magsisampa sa katanghaliang tapat. Sa aba natin! sapagka't ang araw ay kumikiling, sapagka't ang mga dilim ng gabi ay nangangalat.

Magsibangon, at tayo'y magsisampa sa gabi, at ating gibain ang kaniyang mga palacio.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y magsiputol ng mga punong kahoy, at mangagtayo kayo ng bunton laban sa Jerusalem: ito ang bayang dadalawin; siya'y lubos na kapighatian sa gitna niya.

Kung paanong ang isang bukal ay nilalabasan ng kaniyang tubig, (F)gayon siya nilalabasan ng kaniyang kasamaan: (G)pangdadahas at pagkagiba ay naririnig sa kaniya; sa harap ko ay palaging hirap at mga sugat.

Maturuan ka, Oh Jerusalem, (H)baka ang aking kaluluwa ay mahiwalay sa iyo; baka ikaw ay gawin kong sira, lupaing hindi tinatahanan.

Ang paglagpak ng Jerusalem ay dadating dahil sa kaniyang kasamaan.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (I)Kanilang lubos na sisimutin ang (J)nalabi sa Israel na parang puno ng ubas: idukot mo uli ang iyong kamay sa mga buslo na gaya ng mamimitas ng ubas.

10 Kanino ako magsasalita at magpapatotoo, upang kanilang marinig? narito, ang kanilang (K)pakinig ay paking, (L)at hindi mangakarinig: narito, ang salita ng Panginoon ay naging kadustaan sa kanila; sila'y walang kaluguran sa kaniya.

11 Kaya't ako'y puspus ng kapusukan ng Panginoon; ako'y pagod na ng pagpipigil ko: ibuhos sa mga bata sa lansangan, at sa kapulungan ng mga binata na magkakasama: sapagka't gayon din ang lalake sangpu ng asawa ay mahuhuli, ang matanda sangpu niya na puspus ng mga kaarawan.

12 At ang (M)kanilang mga bahay ay malilipat sa mga iba, (N)ang kanilang mga parang at ang kanilang mga asawa na magkakasama: sapagka't iuunat ko ang aking kamay sa mga mananahan sa lupain, sabi ng Panginoon.

13 Sapagka't (O)mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawa't isa ay ibinigay sa kasakiman; at (P)mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.

14 (Q)Kanilang pinagaling din naman ng kaunti ang sugat ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.

15 Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, o sila man ay nangamula: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon na aking dadalawin sila ay nangabubulagta sila, sabi ng Panginoon.

16 Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo (R)ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at (S)kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: nguni't kanilang sinabi, Hindi kami magsisilakad doon.

17 At ako'y naglagay ng mga bantay (T)sa inyo, na aking sinasabi, Inyong pakinggan ang tunog ng pakakak, nguni't kanilang sinabi, Hindi kami makikinig.

18 Kaya't inyong pakinggan, ninyong mga bansa, at inyong talastasin, Oh kapulungan, kung ano ang nasa gitna nila.

19 (U)Iyong pakinggan, Oh lupa: (V)narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa bayang ito, (W)na bunga ng kanilang mga pagiisip, sapagka't sila'y hindi nangakinig sa aking mga salita; at tungkol sa aking kautusan ay kanilang itinakuwil.

20 (X)Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin (Y)ng kamangyan na mula sa Seba, at ng mabangong kalamo na mula sa malayong lupain? (Z)ang inyong mga handog na susunugin ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga hain ay nakalulugod sa akin.

21 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (AA)Narito, ako'y maglalagay ng katitisuran sa harap ng bayang ito: at ang mga magulang at ang mga anak ay magkakasamang mangatitisod doon; ang kalapit bahay at ang kaniyang kaibigan ay mamamatay.

22 Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, (AB)ang isang bayan ay nagmumula (AC)sa hilagaang lupain; at isang dakilang bansa (AD)ay pupukawin mula sa mga kaduluduluhang bahagi ng lupa.

23 Sila'y nagsisihawak ng busog at ng sibat; sila'y mabagsik at walang habag; ang kanilang tinig ay humuhugong na parang dagat, at sila'y nagsisisakay sa mga kabayo, bawa't isa ay humahanay, na parang isang lalake sa pakikipagbaka, laban sa iyo Oh anak na babae ng Sion.

24 Aming narinig ang balita niyaon; ang aming mga kamay ay nanganghihina: kahirapan ay (AE)humawak sa amin, at hirap na gaya ng sa isang babae sa pagdaramdam.

25 Huwag kang lumabas sa parang, o lumakad man sa daan; sapagka't may tabak ng kaaway, at kakilabutan sa bawa't dako.

26 Oh anak na babae ng aking bayan, magbigkis ka (AF)ng kayong magaspang, at gumumon ka sa abo: manangis ka, gaya ng sa bugtong na anak, ng kalagimlagim na panaghoy; sapagka't ang manglilipol ay biglang darating sa akin.

27 Iginawa kita (AG)ng isang moog at ng kuta sa gitna ng aking bayan: upang iyong maalaman at (AH)masubok ang kanilang lakad.

28 Silang lahat ay lubhang mapanghimagsik na (AI)nanganinirang puri; (AJ)sila'y tanso at bakal: silang lahat ay nagsisigawang may kabulukan.

29 Ang panghihip ay humihihip na malakas; ang tingga ay natutunaw sa apoy: sa walang kabuluhan nagdadalisay sila; sapagka't ang (AK)masasama ay hindi nangaalis.

30 Tatawagin silang pilak na itinakuwil, (AL)sapagka't itinakuwil sila ng Panginoon.

Ang pagsamba sa templo ay walang kabuluhan sa hindi sumusunod sa Panginoon.

Ang salita na dumating kay Jeremias mula sa Panginoon na nagsasabi,

Ikaw ay tumayo sa pintuang-daan (AM)ng bahay ng Panginoon, at itanyag mo roon ang salitang ito, at iyong sabihin, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong lahat na nasa Juda, na nagsisipasok sa mga pintuang-daang ito upang magsisamba sa Panginoon.

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, (AN)Inyong pabutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at akin (AO)kayong patatahanin sa dakong ito.

Huwag kayong magsitiwala sa mga (AP)kabulaanang salita, na nangagsasabi, Ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ang templo ng Panginoon, ay ang mga ito.

Sapagka't kung inyong lubos na pabubutihin ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa; kung kayo'y lubos na (AQ)magsisigawa ng kahatulan sa isang tao at sa kaniyang kapuwa.

(AR)Kung hindi ninyo pipighatiin ang makikipamayan, ang ulila, at ang babaing bao, at hindi kayo magbububo ng walang salang dugo sa dakong ito, (AS)o susunod man sa ibang mga dios sa inyong sariling kapahamakan.

Ay patatahanin ko nga kayo (AT)sa dakong ito, sa lupain na ibinigay ko sa inyong mga magulang mula ng una (AU)hanggang sa walang hanggan.

Narito, kayo'y nagsisitiwala sa mga kabulaanang (AV)salita, na hindi mapapakinabangan.

Kayo baga'y mangagnanakaw, magsisipatay, at mangangalunya at magsisisumpa ng kabulaanan, at mangagsusunog ng kamangyan kay Baal, at magsisisunod sa ibang mga dios na hindi ninyo nakikilala.

10 At magsisiparito at magsisitayo sa harap ko sa bahay na ito, na tinatawag sa aking pangalan, na mangagsasabi, Kami ay laya; upang inyong gawin ang lahat na kasuklamsuklam na ito?

11 Ang bahay bagang ito na tinawag sa aking pangalan, naging (AW)yungib ng mga tulisan sa harap ng inyong mga mata? Narito, ako, ako nga ang nakakita, sabi ng Panginoon.

12 Nguni't magsiparoon kayo ngayon (AX)sa aking dako na nasa (AY)Silo, na siyang aking pinagpatahanan ng aking pangalan nang una, at inyong tingnan (AZ)kung ano ang aking ginawa dahil sa kasamaan ng aking bayang Israel.

13 At ngayon, sapagka't inyong ginawa ang lahat ng gawang ito, sabi ng Panginoon, at nagsalita ako sa inyo, na ako'y bumabangong maaga at nagsasalita, nguni't hindi ninyo dininig: at aking tinawag kayo, nguni't hindi kayo sumagot:

14 Kaya't gagawin ko sa bahay na tinatawag sa aking pangalan, na inyong tinitiwalaan, at sa dakong ibinigay ko sa inyo at sa inyong mga magulang, ang gaya ng aking ginawa sa Silo.

15 At akin kayong itatakuwil sa aking paningin, gaya (BA)ng pagkatakuwil ko sa lahat ninyong mga kapatid, (BB)sa buong binhi ni Ephraim.

Ang sumusunod sa idolatria ay parurusahan.

16 Kaya't (BC)huwag mong idalangin ang bayang ito, ni palakasin man ang daing patungkol sa kanila ni dalangin man, o mamagitan man ikaw sa akin; sapagka't hindi kita didinggin.

17 Hindi mo ba nakikita kung ano ang kanilang ginagawa sa bayan ng Juda at sa mga lansangan ng Jerusalem?

18 Ang mga anak ay nangamumulot ng kahoy, at ang mga ama ay nangagpapaningas ng apoy, at ang mga babae ay nangagmamasa ng masa, upang igawa ng mga tinapay ang reina ng langit, at upang magbuhos ng mga handog na inumin sa ibang mga dios, upang kanilang mungkahiin ako sa galit.

19 Kanila baga akong minumungkahi sa galit? sabi ng Panginoon; hindi baga sila namumungkahi sa kanilang sarili (BD)sa ikalilito ng kanila ring mukha?

20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ang aking galit at ang aking kapusukan ay mabubuhos sa dakong ito, sa tao, at (BE)sa hayop, at sa mga punong kahoy sa parang, at sa bunga ng lupa: at masusupok, at hindi mapapatay.

21 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, (BF)Inyong idagdag ang inyong mga handog na susunugin sa inyong mga hain, at (BG)magsikain kayo ng laman.

22 (BH)Sapagka't hindi ako nagsalita sa inyong mga magulang, o nagutos man sa kanila nang araw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, tungkol sa mga handog na susunugin, o sa mga hain:

23 Kundi ang bagay na ito ang iniutos ko sa kanila, na aking sinasabi, (BI)Inyong dinggin ang aking tinig, at ako'y magiging inyong Dios, at kayo'y magiging aking bayan; at magsilakad kayo sa lahat ng daan na iniuutos ko sa inyo, (BJ)sa ikabubuti ninyo.

24 Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi nagsilakad sa kanilang sariling mga payo at sa pagmamatigas ng kanilang masamang puso, at nagsiyaong paurong at hindi pasulong.

25 Mula nang araw na ang inyong mga magulang ay magsilabas sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito, aking (BK)sinugo sa inyo ang lahat kong lingkod na mga propeta, na araw-araw ay bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila:

26 Gayon ma'y hindi sila nangakinig sa akin, (BL)o nangagkiling man ng kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg: sila'y nagsigawa ng lalong masama kay sa kanilang mga magulang.

Ang kasuklamsuklam ng Topheth at ang kanilang kaparusahan.

27 At iyong sasalitain ang lahat na salitang ito sa kanila; nguni't hindi sila mangakikinig sa iyo: iyo namang tatawagin sila; nguni't hindi sila magsisisagot sa iyo.

28 At iyong sasabihin sa kanila, Ito ang bansang hindi nakinig sa tinig ng Panginoon nilang Dios, o tumanggap man ng aral: katotohanan ay (BM)nawala, at nahiwalay sa kanilang bibig.

29 Iyong gupitin ang iyong buhok, Oh Jerusalem, (BN)at ihagis mo, at maglakas ka ng panaghoy sa (BO)mga luwal na kaitaasan; sapagka't itinakuwil ng Panginoon at nilimot ang lahat ng kaniyang poot.

30 Sapagka't nagsigawa ang mga anak ni Juda ng masama sa aking paningin, sabi ng Panginoon: (BP)kanilang inilagay ang kanilang mga kasuklamsuklam sa bahay (BQ)na tinatawag sa aking pangalan, upang lapastanganin.

31 At kanilang itinayo (BR)ang mga mataas na dako ng Topheth, na nasa (BS)libis ng anak ni Hinnom, (BT)upang sunugin ang kanilang mga anak na lalake at babae sa apoy; na hindi ko iniuutos, o pumasok man sa aking pagiisip.

32 Kaya't, narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na siya tatawaging Topheth, o ang libis ng anak ni Hinnom man, kundi Ang libis ng Patayan: (BU)sapagka't sila'y mangaglilibing sa Topheth, hanggang sa mawalan ng dakong mapaglilibingan.

33 At ang mga bangkay ng bayang ito ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa; at walang bubugaw sa mga yaon.

34 Kung magkagayo'y (BV)aking ipatitigil sa mga bayan ng Juda, at sa mga lansangan ng Jerusalem, ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalake at ang tinig ng kasintahang babae: (BW)sapagka't ang lupain ay masisira.

Ang pagsuway ng Juda.

Sa panahong yaon, sabi ng Panginoon, ay ilalabas nila ang mga buto ng mga hari sa Juda, at ang mga buto ng kaniyang mga prinsipe, at ang mga buto ng mga saserdote, at ang mga buto ng mga propeta, at ang mga buto ng mga nananahan sa Jerusalem, mula sa kanilang mga libingan;

At kanilang ikakalat (BX)sa liwanag ng araw, at ng buwan, at ng lahat na natatanaw sa langit na kanilang inibig, at kanilang pinaglingkuran, at siya nilang sinundan, at siyang kanilang hinanap, at (BY)siyang kanilang sinamba: (BZ)hindi mangapipisan, (CA)o mangalilibing man, sila'y magiging pinakasukal sa ibabaw ng lupa.

At ang kamatayan ay (CB)pipiliin na higit kay sa kabuhayan ng lahat ng naiwang nalabi rito sa masamang angkan, na nalabi sa lahat ng dako na aking pinagtabuyan sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

Bukod dito'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon. Mangabubuwal baga ang mga tao, at hindi magsisibangon uli? maliligaw baga ang isa, at hindi babalik?

Bakit nga ang bayang ito na Jerusalem ay (CC)tumatalikod ng walang hanggang pagtalikod? sila'y nagsisihawak na mahigpit ng karayaan, sila'y nagsisitangging bumalik.

Aking pinakinggan at narinig ko, nguni't hindi sila nagsalita ng matuwid: walang (CD)nagsisisi ng kaniyang kasamaan, na nagsasabi, Anong aking ginawa? bawa't isa'y lumilihis sa kaniyang lakad, gaya ng kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.

Oo, nalalaman ng ciguena (CE)sa himpapawid ang kaniyang mga takdang kapanahunan; at ang bato bato at ang langaylangayan at ang tagak ay nangagmamalas ng panahon ng pagdating ng mga yaon; nguni't hindi nalalaman ng (CF)aking bayan ang alituntunin ng Panginoon.

Paano ninyo sinasabi, Kami ay pantas, (CG)at ang kautusan ng Panginoon ay sumasaamin? Nguni't, narito, ang sinungaling na pangsulat ng mga escriba ay sumulat na may kasinungalingan.

Ang mga pantas ay nangapapahiya, sila'y nanganglulupaypay at nangahuhuli: narito, kanilang itinakuwil ang salita ng Panginoon: at anong uri ng karunungan ang nasa kanila?

10 Kaya't (CH)ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa mga iba, at ang kanilang mga parang sa mga magaari sa mga yaon: sapagka't bawa't isa mula sa kaliitliitan hanggang sa kalakilakihan, ay ibinigay sa kasakiman; mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.

11 At kanilang pinagaling ng kaunti ang sugat ng anak na babae ng aking bayan, na sinasabi, Kapayapaan, kapayapaan; gayon ma'y walang kapayapaan.

12 Nangahiya baga sila nang sila'y gumawa ng kasuklamsuklam? (CI)hindi, hindi sila nangahiya sa anoman, ni nangamula man sila: kaya't sila'y mangabubuwal sa gitna niyaong nangabubuwal; sa panahon ng pagdalaw sa kanila ay mahahagis sila, sabi ng Panginoon.

13 Aking lubos na lilipulin sila, sabi ng Panginoon: (CJ)hindi magkakaroon ng mga ubas sa puno ng ubas, o ng mga higos man sa mga puno ng higos, at ang dahon ay malalanta; at ang mga bagay na aking naibigay sa kanila ay mapapawi sa kanila.

Ang manghihiganti ay malapit.

14 Bakit tayo'y nagsisitigil na nakaupo? (CK)kayo'y magkatipon, at tayo'y magsipasok sa mga bayang nakukutaan, at tayo'y magsitahimik doon; sapagka't tayo'y pinatahimik ng Panginoon nating Dios, at (CL)binigyan tayo ng inuming mapait upang inumin, sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon.

15 Tayo'y nangaghihintay ng kapayapaan, (CM)nguni't walang dumating na mabuti; at ng panahon ng kagalingan, at narito panglulupaypay!

16 Ang singasing ng kaniyang mga kabayo (CN)ay naririnig mula sa Dan: sa tinig ng halinghing ng kaniyang mga malakas ay nayayanig ang buong lupain; sapagka't sila'y nagsidating, at nilamon ang lupain at lahat ng naroon; ang bayan at yaong mga nagsisitahan doon.

17 Sapagka't, narito, ako'y magsusugo ng mga ahas, ng mga ulupong sa gitna ninyo, (CO)na hindi maeenkanto, at kakagatin nila kayo, sabi ng Panginoon.

Ang panaghoy sa Sion.

18 Oh kung ako'y makapagaaliw laban sa kapanglawan! ang puso ko ay nanglulupaypay.

19 Narito, ang tinig ng hiyaw ng anak na babae ng aking bayan na (CP)mula sa lupain na totoong malayo: Hindi baga ang Panginoon ay nasa Sion? hindi baga ang kaniyang Hari ay nandoon? Bakit minungkahi nila ako sa galit ng kanilang mga larawang inanyuan, at ng mga walang kabuluhan ng iba?

20 Ang pagaani ay nakaraan, ang taginit ay lipas na, at tayo'y hindi ligtas.

21 (CQ)Dahil sa sugat ng anak na babae ng aking bayan ay nasasakitan ako; (CR)ako'y luksa; ako'y natigilan.

22 Wala bagang balsamo sa Galaad? (CS)wala bagang manggagamot doon? bakit nga hindi gumaling ang anak na babae ng aking bayan?

1 Timoteo 5

Huwag mong pagwikaan ang matanda, kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid:

Ang mga babaing matatanda na tulad sa mga ina; at ang mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan.

Papurihan mo ang mga babaing bao (A)na tunay na bao.

Nguni't kung ang sinomang babaing bao ay may mga anak o mga apo, magsipagaral ang mga ito muna (B)ng pamamahalang may kabanalan sa kanilang sariling sangbahayan, at magsiganti sa kanilang mga magulang: (C)sapagka't ito'y nakalulugod sa paningin ng Dios.

Kaya't ang tunay na babaing bao at walang nagaampon, ay may pagasa sa Dios, at (D)nananatili sa mga pagdaing at mga panalangin (E)gabi't araw.

Datapuwa't ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, (F)bagama't buháy ay patay.

Ang mga bagay na ito'y iutos mo rin naman, upang sila'y mawalan ng kapintasan.

Datapuwa't kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya, lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan, ay tumanggi siya (G)sa pananampalataya at lalong masama kay sa (H)hindi sumasampalataya.

Huwag itala na gaya ng babaing bao samantalang walang anim na pung taon, (I)na naging asawa ng isang lalake,

10 Na may (J)mabuting patotoo tungkol sa mabubuting gawa; kung siya'y nagalaga sa mga anak, (K)kung siya'y nagpatuloy sa mga taga ibang bayan, kung siya'y (L)naghugas ng mga paa ng mga banal, kung siya'y umabuloy sa mga napipighati, kung ginanap niya na may kasipagan ang bawa't mabuting gawa.

11 Nguni't tanggihan mo ang mga batang babaing bao: sapagka't pagkakaroon nila ng masamang pita na hiwalay kay Cristo, ay nagsisipagnasang magasawa;

12 Na nagkakaroon ng kahatulan, sapagka't itinakuwil nila ang unang pananampalataya.

13 At bukod dito ay nangagaaral din naman na maging mga tamad, na nagpapalipatlipat sa bahay-bahay; at hindi lamang mga tamad, kundi (M)matatabil din naman (N)at mga mapakialam, na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat.

14 Ibig ko ngang magsipagasawa ang mga batang babaing bao, magsipanganak, (O)magsipamahala ng sangbahayan, huwag magbigay sa kaaway ng anomang pagkadahilanan ng ikalilibak:

15 Sapagka't ang mga iba'y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas.

16 Kung ang sinomang babaing nanampalataya ay may inaampong mga babaing bao, ay umabuloy sa kanila, at huwag pabigatan ang iglesia, (P)upang maabuluyan nito ang mga tunay na bao.

17 (Q)Ang mga matanda na (R)nagsisipamahalang mabuti (S)ay ariing may karapatan sa ibayong (T)kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo.

18 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, (U)Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. (V)At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya.

19 Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, maliban (W)sa dalawa o tatlong saksi.

20 Sila na mga nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama'y mangatakot.

21 Pinagbibilinan kita sa paningin ng (X)Dios, at ni Cristo Jesus, at ng mga anghel na hinirang, na iyong ganapin ang mga bagay na ito na walang pagtatangi na huwag mong gagawin ang anomang pagayo.

22 (Y)Huwag mong ipatong (Z)na madalian ang iyong mga kamay sa kanino man, (AA)ni huwag kang makaramay sa mga kasalanan ng iba: ingatan mong malinis ang iyong sarili.

23 Huwag kang iinom pa ng tubig lamang, kundi gumamit ka ng (AB)kaunting alak dahil sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit.

24 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag na, (AC)na nagsisipanguna sa paghukom: at ang ilang mga tao naman ay kanilang sinusundan.

25 Gayon din naman ang mabubuting gawa ay hayag: at ang mga di gayo'y hindi maaaring ilihim.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978