Old/New Testament
Ang leksion ng dalawang bakol na igos.
24 (A)Ang Panginoon ay nagpakita sa akin, at, narito, dalawang bakol na igos ay nakalagay sa harap ng templo ng Panginoon, pagkatapos na madalang bihag ni (B)Nabucodonosor na hari sa Babilonia si (C)Jechonias na anak ni Joacim, hari sa Juda, at (D)ang mga prinsipe sa Juda, na kasama ng mga manggagawa at ng mga mangbabakal, mula sa Jerusalem, at mangadala sila sa Babilonia.
2 Ang isang bakol ay may totoong mga mabuting igos, na parang mga igos na mga unang hinog; at ang isang bakol ay may totoong masamang mga igos, na hindi makain, nangapakasama.
3 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Anong iyong nakikita, Jeremias? At aking sinabi, Mga igos; ang mga mabuting igos, totoong mabuti; at ang masasama, totoong masama na hindi makakain, dahil sa nangapakasama.
4 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsabi,
5 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Kung paano ang mga mabuting igos na ito, gayon ko kikilalanin ang mga bihag ng Juda, na aking pinayaon mula sa dakong ito na patungo sa lupain ng mga Caldeo, (E)sa ikabubuti.
6 Sapagka't aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikabubuti, at (F)aking dadalhin sila uli sa lupaing ito: at aking itatayo sila, at hindi ko itutulak sila; at aking itatatag sila, at hindi ko paaalisin.
7 At aking bibigyan sila ng puso (G)upang makilala ako, na ako ang Panginoon: at (H)sila'y magiging aking bayan, at ako'y magiging kanilang Dios; sapagka't sila'y manunumbalik sa akin ng kanilang buong puso.
8 At kung paanong ang masasamang igos, na hindi makakain, dahil sa nangapakasama, tunay na ganito ang sabi ng Panginoon, Sa gayo'y pababayaan ko si (I)Sedechias na hari sa Juda, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang nalabi sa Jerusalem, na naiwan sa lupaing ito, at (J)ang nagsisitahan sa lupain ng Egipto.
9 Akin silang pababayaan (K)upang mapahapay na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa sa ikasasama; upang maging kakutyaan at kawikaan, kabiruan at sumpa, sa lahat ng dakong aking pagtatabuyan sa kanila.
10 At aking pararatingin ang tabak, ang kagutom, at ang salot, sa gitna nila, hanggang sa sila'y mangalipol sa lupain na ibinigay ko sa kanila at sa kanilang mga magulang.
Ang pagkabihag ng Juda at ang paglagpak ng Babilonia.
25 Ang salita na dumating kay Jeremias tungkol sa buong bayan ng Juda (L)nang ikaapat na taon ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda (siya ring unang taon ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia),
2 Na siyang sinalita ni Jeremias na propeta sa buong bayan ng Juda, at sa lahat ng nananahan sa Jerusalem, na sinasabi,
3 Mula nang ikalabing tatlong taon ni (M)Josias na anak ni Ammon, na hari sa Juda, hanggang sa araw na ito, nitong dalawang pu't tatlong taon, ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, at aking sinalita sa inyo na ako'y bumangong maaga, at nagsalita; nguni't hindi ninyo dininig.
4 At sinugo ng Panginoon sa inyo ang lahat niyang lingkod na mga propeta na gumising na maaga, at sinugo sila (nguni't hindi ninyo dininig, o ikiniling man ninyo ang inyong pakinig upang mangakinig),
5 Na nangagsasabi, (N)Magsihiwalay bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang masamang lakad, at sa kasamaan ng inyong mga gawa, at (O)kayo'y magsitahan sa lupain na ibinigay ng Panginoon sa inyo at sa inyong mga magulang, mula nang una at hanggang sa magpakailan pa man;
6 At huwag kayong magsisunod sa ibang mga dios na mangaglingkod sa kanila, at magsisamba sa kanila, at huwag ninyo akong mungkahiin sa galit (P)ng gawa ng inyong mga kamay, at hindi ko kayo sasaktan.
7 Gayon ma'y hindi kayo nangakinig sa akin, sabi ng Panginoon; upang mungkahiin ninyo ako sa galit, ng gawa ng inyong mga kamay sa inyong sariling ikapapahamak.
8 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sapagka't hindi ninyo dininig ang aking mga salita,
9 Narito, ako'y magsusugo at kukunin ko ang lahat (Q)na angkan sa hilagaan, sabi ng Panginoon, at ako'y magsusugo kay Nabucodonosor na hari sa Babilonia, (R)na aking lingkod, at aking dadalhin sila laban sa lupaing ito, at laban sa mga nananahan dito, at laban sa lahat ng bansang ito sa palibot; at aking lubos na lilipulin sila, at gagawin ko silang katigilan, at kasutsutan, at mga walang hanggang kagibaan.
10 Bukod dito'y aalisin ko sa kanila ang tinig ng kalayawan at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae, (S)ang tunog ng mga (T)batong gilingan, at ang liwanag ng ilawan.
11 At ang buong lupaing ito ay magiging sira, at katigilan; at (U)ang mga bansang ito ay maglilingkod sa hari sa Babilonia na (V)pitong pung taon.
12 At mangyayari, (W)pagkaganap ng pitong pung taon, na aking parurusahan ang hari sa Babilonia, at ang bansang yaon, sabi ng Panginoon, dahil sa kaniyang kasamaan, at ang lupain ng mga Caldeo; at aking gagawing sira magpakailan man.
13 At aking gaganapin sa lupaing yaon ang lahat na aking salita na aking sinalita laban doon, lahat ng nakasulat (X)sa aklat na ito, na inihula ni Jeremias laban sa lahat na bansa.
14 Sapagka't (Y)maraming bansa at mga dakilang hari ay paglilingkuran nila, nila nga; at gagantihan ko sila ayon sa kanilang mga kilos, at ayon sa gawa ng kanilang mga kamay.
Ang saro ng alak ng kapusukan ay inihandog sa lahat ng bansa.
15 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, sa akin, (Z)Abutin mo itong saro ng alak ng kapusukan sa aking kamay, at painumin mo ang lahat na bansa na pinagsuguan ko sa iyo.
16 At sila'y magsisiinom, at magsisihapay na paroo't parito, na mangauulol, dahil sa tabak na aking pasasapitin sa kanila.
17 Nang magkagayo'y inabot ko ang saro sa kamay ng Panginoon, at (AA)pinainom ko ang lahat na bansang pinagsuguan ng Panginoon:
18 Sa makatuwid, ang Jerusalem, at ang mga bayan ng Juda, at ang mga hari niyaon, at ang mga prinsipe niyaon, upang gawin silang kagibaan, katigilan, kasutsutan, at sumpa; gaya sa araw na ito;
19 Si Faraong (AB)hari sa Egipto, at ang kaniyang mga lingkod, at ang kaniyang mga prinsipe, at ang buong bayan niya;
20 At ang (AC)lahat ng halohalong bayan, at ang lahat ng hari (AD)sa lupain ng Hus, (AE)at ang lahat ng hari sa lupain ng mga Filisteo, at ang Ascalon, at ang Gaza, at ang Ecron, at ang nalabi sa Asdod;
21 Ang (AF)Edom, (AG)at ang Moab, at ang mga anak ni (AH)Ammon;
22 At ang lahat ng hari sa (AI)Tiro, at ang lahat ng hari sa (AJ)Sidon, at ang hari sa pulo na (AK)nasa dako roon ng dagat;
23 Ang Dedan, at ang Tema, at ang Buz, at ang lahat ng magsisiputol ng mga laylayan ng kanilang buhok;
24 At ang lahat ng hari sa Arabia, at ang lahat ng hari sa halohalong (AL)bayan na nagsisitahan sa ilang;
25 At ang lahat ng hari sa Zimri, at ang lahat ng hari sa Elam, at ang lahat ng hari ng mga Medo;
26 (AM)At ang lahat ng hari sa hilagaan, malayo't malapit na isa't isa; at ang lahat ng kaharian sa sanglibutan, na nangasa ibabaw ng lupa: at ang hari sa (AN)Sesach ay magsisiinom pagkatapos nila.
27 At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Kayo'y magsiinom, at kayo'y mangagpakalasing, at kayo'y magsisuka, at mangabuwal, at huwag na kayong magsibangon, dahil sa tabak na aking pasasapitin sa inyo.
28 At mangyayari, kung tanggihan nilang (AO)abutin ang saro sa iyong kamay upang inuman, sasabihin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y walang pagsalang magsisiinom.
29 Sapagka't, narito, ako'y nagpapasimulang gumawa ng kasamaan sa bayang tinawag sa aking pangalan, at kayo baga'y lubos na hindi mapaparusahan? Kayo'y walang pagsalang parurusahan; sapagka't aking tatawagin ang tabak laban sa lahat ng nananahan sa lupa, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
30 Kaya't ihula mo laban sa kanila ang lahat ng mga salitang ito, at sabihin mo sa kanila, Ang Panginoon (AP)ay uungol mula sa itaas, at ilalakas ang kaniyang tinig mula (AQ)sa kaniyang banal na tahanan; siya'y uungol ng malakas laban sa kaniyang kulungan; siya'y hihiyaw, gaya nila na magsisiyapak ng ubas, laban sa lahat na nananahan sa lupa.
31 Ang ingay ay darating hanggang sa wakas ng lupa; (AR)sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagpunyagi sa mga bansa, (AS)siya'y papasok sa paghatol sa lahat ng tao; tungkol sa masasama ay kaniyang ibibigay sila sa tabak, sabi ng Panginoon.
32 Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, kasamaan ay mangyayari sa bansa at bansa, at malakas na bagyo ay ibabangon mula sa kahulihulihang bahagi ng lupa.
33 At ang mapapatay ng Panginoon sa araw na yao'y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa: (AT)sila'y hindi tataghuyan, o dadamputin man, o ililibing man; sila'y magiging dumi sa ibabaw ng lupa.
34 Kayo'y (AU)magsiangal, kayong mga pastor, at kayo'y magsihiyaw; at kayo'y mangagsigumon sa abo, kayong pinakamainam sa kawan; sapagka't ang mga kaarawan ng pagpatay at ang pangangalat sa inyo ay lubos na dumating, at kayo'y mangababagsak na parang mainam na sisidlan.
35 At ang mga pastor ay walang daang tatakasan, o tatanan man ang pinakamainam sa kawan.
36 Tinig ng hiyaw ng mga pastor, at ng angal ng pinakamainam sa kawan! sapagka't inilalagay ng Panginoon na sira ang kanilang pastulan.
37 At ang mga payapang (AV)tahanan ay nangadala sa katahimikan dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.
38 Kaniyang pinabayaan ang kaniyang kublihan na gaya ng leon; sapagka't ang kanilang lupain ay naging katigilan dahil sa kabangisan ng mamimighating tabak, at dahil sa kaniyang mabangis na kagalitan.
Binigyan ng babala ang lahat ng bayan ng Juda.
26 Nang (AW)pasimula ng paghahari ni Joacim na anak ni Josias, na hari sa Juda, dumating ang salitang ito na mula sa Panginoon, na nagsasabi,
2 Ganito ang sabi ng Panginoon, (AX)Tumayo ka sa looban ng bahay ng Panginoon at salitain mo sa lahat ng bayan ng Juda, na nagsisiparoon upang magsisamba sa bahay ng Panginoon, ang lahat na salita na iniutos ko sa iyo upang salitain sa kanila; (AY)huwag kang magbawas ng kahit isang salita.
3 Marahil ay kanilang didinggin, at hihiwalay ang bawa't tao sa kanikaniyang masamang lakad; (AZ)upang aking mapagsisihan ang kasamaan na aking pinanukalang gawin sa kanila dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa.
4 At iyong sasabihin sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, (BA)Kung hindi ninyo didinggin ako, na magsilakad sa aking kautusan, na aking inilagay sa harap ninyo,
5 Na makinig sa mga salita ng aking mga lingkod na mga propeta, (BB)na aking sinusugo sa inyo, na bumabangon akong maaga at sinusugo ko sila, nguni't hindi ninyo pinakinggan;
6 Ay akin ngang gagawin ang bahay na ito na gaya ng (BC)Silo, at gagawin ko ang bayang ito na (BD)sumpa (BE)sa lahat ng mga bansa sa lupa.
7 At narinig (BF)ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan si Jeremias na nagsasalita ng mga salitang ito sa bahay ng Panginoon.
Ang lalang laban kay Jeremias.
8 At nangyari, nang si Jeremias ay makatapos sa pagsasalita ng lahat na iniutos ng Panginoon sa kaniya na salitain sa buong bayan, na hinuli siya ng mga saserdote at ng mga propeta at ng buong bayan, na sinasabi: Ikaw ay walang pagsalang mamamatay.
9 Bakit ka nanghula sa pangalan ng Panginoon, na iyong sinasabi, Ang bahay na ito ay magiging gaya ng Silo, at ang bayang ito ay magiging sira, na (BG)mawawalan ng mananahan? At ang bayan ay nagpipisan kay Jeremias sa bahay ng Panginoon.
10 At nang mabalitaan ng mga prinsipe sa Juda ang mga bagay na ito, sila'y nagsisampa sa bahay ng Panginoon na mula sa bahay ng hari; at sila'y nangaupo sa pasukan ng bagong (BH)pintuang-daan ng bahay ng Panginoon.
11 Nang magkagayo'y nagsalita ang mga saserdote at ang mga propeta sa mga prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Ang lalaking ito ay marapat patayin; (BI)sapagka't siya'y nanghula laban sa bayang ito, gaya ng inyong narinig ng inyong mga pakinig.
12 Nang magkagayo'y nagsalita si Jeremias sa lahat ng prinsipe at sa buong bayan, na sinasabi, Sinugo ako ng Panginoon upang manghula laban sa bahay na ito at laban sa bayang ito ng lahat na salita na inyong narinig.
13 Kaya't (BJ)ngayo'y pabutihin ninyo ang inyong mga lakad at ang inyong mga gawa, at inyong talimahin ang tinig ng Panginoon ninyong Dios; at pagsisisihan ng Panginoon ang kasamaan na kaniyang sinalita laban sa inyo.
14 Nguni't tungkol sa akin, narito, ako'y nasa inyong kamay: inyong gawin sa akin ang minamabuti at minamatuwid sa harap ng inyong mga mata.
15 Talastasin lamang ninyong mabuti na kung ako'y inyong ipapatay, kayo'y magdadala ng walang salang dugo sa inyo at sa bayang ito, at sa mga nananahan dito: sapagka't katotohanang sinugo ako ng Panginoon sa inyo upang magsalita ng lahat ng mga salitang ito sa inyong mga pakinig.
Ang lalang ay nawalang bisa.
16 Nang magkagayo'y sinabi ng mga pangulo at ng buong bayan sa mga saserdote at sa mga propeta: Ang lalaking ito ay hindi marapat patayin; sapagka't siya'y nagsalita sa atin sa pangalan ng Panginoon nating Dios.
17 Nang magkagayo'y nagsitindig ang ilan sa (BK)mga matanda sa lupain, at nangagsalita sa buong kapulungan ng bayan, na nangagsasabi,
18 Si Miqueas na Morastita ay (BL)nanghula sa mga kaarawan ni Ezechias na hari sa Juda: at siya'y nagsalita sa buong bayan ng Juda, na nagsasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Ang Sion ay aararuhing parang bukid, at ang Jerusalem ay magiging mga bunton, at ang bundok ng bahay ay parang mga mataas na dako sa gugubat.
19 Si Ezechias bagang hari sa Juda at ang buong Juda ay nagpapatay sa kaniya? (BM)hindi baga siya natakot sa Panginoon, at dumalangin ng lingap ng Panginoon, at ang Panginoon ay nagsisi sa kasamaan na kaniyang sinalita laban sa kanila? Ganito gagawa tayo ng malaking kasamaan laban sa ating sariling mga kaluluwa.
20 At may lalake naman na nanghula sa pangalan ng Panginoon, si Urias na anak ni Semaias na taga Chiriath-jearim: at siya'y nanghula laban sa lupaing ito ayon sa lahat ng mga salita ni Jeremias:
21 (BN)At nang marinig ni Joacim na hari sangpu ng lahat niyang mga makapangyarihang lalake, at ng lahat na prinsipe, ang kaniyang mga salita, pinagsikapan ng hari na ipapatay siya; nguni't nang marinig ni Urias, siya'y natakot, at tumakas, at pumasok sa Egipto:
22 At si Joacim na hari ay nagsugo ng mga lalake sa (BO)Egipto, ang mga ito nga, si Elnathan na anak ni Acbor, at ilang mga lalake na kasama niya, sa Egipto:
23 At kaniyang inilabas si Urias sa Egipto, at dinala niya siya kay Joacim na hari; (BP)na pumatay sa kaniya ng tabak, at naghagis ng kaniyang bangkay sa mga libingan ng karaniwang tao.
24 Nguni't ang kamay (BQ)ni Ahicam na anak (BR)ni Zaphan ay sumasa kay Jeremias upang huwag siyang ibigay nila sa kamay ng bayan at ipapatay siya.
2 Nguni't magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na (A)magaling:
2 Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil, (B)mahusay, mahinahon ang pagiisip, (C)magagaling sa (D)pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis:
3 Na gayon din ang matatandang babae (E)ay maging magalang sa kanilang kilos, hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak, mga guro ng kabutihan;
4 Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na (F)magsiibig sa kanikaniyang asawa, magsiibig sa kanilang mga anak, mangagpakahinahon,
5 Mangagpakahinahon, mangagpakalinis, mangagpakasipag sa bahay, magagandang-loob, pasakop sa kanikaniyang asawa, upang huwag lapastanganin ang (G)salita ng Dios:
6 Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila'y mangagpakahinahon ng pagiisip:
7 Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan,
8 Pangungusap na magaling, (H)na di mahahatulan; (I)upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya, nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin.
9 Iaral mo sa mga (J)alipin na sila'y pasakop sa kanikaniyang Panginoon, at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay; at huwag mga masagutin;
10 Huwag mangagdaya, kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay (K)ang aral ng Dios na (L)ating Tagapagligtas.
11 Sapagka't napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,
12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan (M)at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito;
13 Na hintayin yaong (N)mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng (O)kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;
14 Na siyang (P)nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, (Q)upang tayo'y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili (R)ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.
15 Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan. (S)Sinoman ay huwag humamak sa iyo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978