Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 11-13

Ang sanga mula sa ugat ni Isai.

11 At may lalabas na usbong sa puno ni (A)Isai, at isang (B)sanga mula sa kaniyang mga ugat ay magbubunga:

At ang Espiritu ng Panginoon ay (C)sasa kaniya, ang (D)diwa ng karunungan at ng kaunawaan, ang diwa ng payo at ng katibayan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon;

At ang kaniyang kaluguran ay magiging sa pagkatakot sa Panginoon: at (E)hindi siya hahatol ng ayon sa paningin ng kaniyang mga mata, ni sasaway man ng ayon sa pakinig ng kaniyang mga tainga:

(F)Kundi hahatol siya ng katuwiran sa dukha, at sasaway na may karampatan dahil sa mga maamo sa lupa: at (G)sasaktan niya ang lupa ng pamalo ng kaniyang bibig, at ng hinga ng kaniyang mga labi ay kaniyang papatayin ang masama.

At katuwiran ang (H)magiging bigkis ng kaniyang baywang, at pagtatapat ang pamigkis ng kaniyang mga balakang.

At ang lobo ay tatahang (I)kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata.

At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.

At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.

Hindi sila magsisipanakit (J)o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't (K)ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.

10 At (L)mangyayari, sa araw na yaon na ang angkan ni Isai, na tumatayong (M)pinakawatawat ng mga bayan, hahanapin ng mga bansa; at ang kaniyang (N)pahingahang dako ay magiging maluwalhati.

Muling titipunin ng Panginoon ang mga nangalat sa Israel.

11 At (O)mangyayari, sa araw na yaon, na ilalapag ng Panginoon uli ang kaniyang kamay na ikalawa upang mabawi ang nalabi sa kaniyang bayan na malalabi, mula sa Asiria, at mula sa Egipto, at mula sa (P)Patros, at mula sa (Q)Cus, at mula sa (R)Elam, at mula sa Sinar, at mula sa (S)Amath, at mula sa mga (T)pulo ng dagat.

12 (U)At siya'y maglalagay ng pinakawatawat sa mga bansa, at titipunin niya (V)ang mga tapon ng Israel, at pipisanin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa.

13 Ang inggit naman ng Ephraim ay (W)maaalis, at ang mga lumiligalig ng Juda ay mahihiwalay: ang Ephraim ay hindi maiinggit sa Juda, at ang Juda ay hindi liligalig sa Ephraim.

14 At sila'y lulusob sa mga Filisteo sa kalunuran; magkasamang sasamsam sila sa mga anak ng silanganan: kanilang iuunat ang kanilang kamay sa Edom at sa Moab; at susundin sila ng mga anak ni Ammon.

15 At lubos na (X)sisirain ng Panginoon ang look ng dagat ng Egipto; at iwawaswas ang kaniyang kamay (Y)sa Ilog ng kaniyang malakas na hangin, at papagpipituhing batis, at palalakarin ang mga tao na hindi basa ang mga paa.

16 (Z)At magkakaroon ng isang lansangan sa nalabi sa kaniyang bayan, na malalabi, mula sa Asiria; (AA)gaya ng nagkaroon sa Israel ng araw na siya'y umahon mula sa lupain ng Egipto.

Muling titipunin (karugtong).

12 At sa araw na yaon ay (AB)iyong sasabihin, Ako'y pasasalamat sa iyo, Oh Panginoon; sapagka't bagaman ikaw ay nagalit sa akin ang iyong galit ay napawi, at iyong inaaliw ako.

Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: (AC)sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.

Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.

At (AD)sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, (AE)ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.

(AF)Magsiawit kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y gumawa ng mga marilag na bagay: ipaalam ito sa buong lupa.

Humiyaw ka ng malakas at sumigaw ka, ikaw na nananahan sa Sion: sapagka't dakila ang Banal ng Israel (AG)sa gitna mo.

Hula sa paglagpak ng Babilonia. Muling pagkatayo ng Israel.

13 (AH)Ang hula tungkol sa Babilonia (AI)na nakita ni Isaias na anak ni Amoz.

Kayo'y mangaglagay ng isang (AJ)watawa't (AK)sa bundok, na walang punong kahoy, mangaglakas kayo ng tinig sa kanila, (AL)inyong senyasan ng kamay, upang sila'y magsipasok sa mga pintuang-bayan ng mga mahal na tao.

Aking inutusan ang (AM)aking mga itinalaga, oo, aking tinawag ang (AN)aking mga makapangyarihang lalake dahil sa aking galit, sa makatuwid baga'y ang nangagagalak sa aking kamahalan.

Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, gaya ng malaking bayan: ang ingay ng kagulo ng mga kaharian ng mga bansa na nagpipisan! pinipisan ng Panginoon ng mga hukbo ang hukbo ukol sa pagbabaka.

Sila'y nangagmumula sa malayong lupain, mula sa kaduluduluhang bahagi ng langit, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, at ang mga almas ng kaniyang galit, upang gibain ang buong lupain.

(AO)Magsiangal kayo; (AP)sapagka't ang araw ng Panginoon ay malapit na; darating na pinaka paggiba na mula sa Makapangyarihan sa lahat.

Kaya't lahat ng kamay ay manghihina, at bawa't puso ng tao ay manglulumo:

At sila'y manglulupaypay; mga pagdaramdam at mga kapanglawan ay dadanasin nila; sila'y (AQ)mangaghihirap na gaya ng babae sa pagdaramdam: mangagkakatigilan; ang kanilang mga mukha ay magiging parang liyab.

Narito, (AR)ang kaarawan ng Panginoon ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawin kagibaan ang lupa, at upang (AS)lipulin mula roon ang mga makasalanan niyaon.

10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: (AT)ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.

11 (AU)At aking parurusahan ang sanglibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang mga masama dahil sa kanilang kabalakyutan; (AV)at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng kakilakilabot.

12 At (AW)aking gagawin ang isang lalake ay maging mahalaga kay sa dalisay na ginto, ang tao na (AX)higit kay sa dalisay na ginto ng Ophir.

13 Kaya't (AY)aking panginginigin ang mga langit, at ang lupa ay yayanigin mula sa kinaroroonan sa poot ng Panginoon ng mga hukbo, at sa (AZ)kaarawan ng kaniyang mabangis na galit,

14 At mangyayari, na kung paano ang usang hinahabol, at kung paano ang mga tupa na walang pumisan, ay magsisibalik sila (BA)bawa't isa sa kaniyang sariling bayan, at tatakas bawa't isa sa kaniyang sariling lupain.

15 Bawa't masusumpungan ay palalagpasan; at bawa't nahuli ay mabubuwal sa tabak.

16 Ang kanilang mga sanggol ay (BB)pagluluraylurayin sa harap ng kanilang mga mata; (BC)ang kanilang mga bahay ay sasamsaman, at ang kanilang mga asawa ay dadahasin.

17 Narito, aking hihikayatin ang mga Medo (BD)laban sa kanila, na hindi magpapakundangan sa pilak, at tungkol sa ginto, hindi nila kaluluguran.

18 At pagluluraylurayin ng kanilang mga busog ang mga binata; at sila'y hindi maaawa sa bunga ng bahay-bata; ang kanilang mata ay hindi mahahabag sa mga bata.

19 At ang Babilonia, ang (BE)kaluwalhatian ng mga kaharian, ang (BF)ganda ng kapalaluan ng mga Caldeo, ay magiging gaya (BG)nang gibain ng Dios ang Sodoma at Gomorra.

20 Hindi matatahanan kailan man, (BH)ni di tatahanan sa buong panahon: ni di magtatayo roon ang taga Arabia ng tolda; ni di pahihigain doon ng mga pastor ang kanilang kawan.

21 Kundi mga maiilap na hayop sa ilang ang magsisihiga (BI)roon; at ang kanilang mga bahay ay mangapupuno ng mga hayop na nagsisiungal; at mga avestruz ay magsisitahan doon, at ang mga lalaking kambing ay magluluksuhan roon.

22 At ang mga lobo ay magsisihiyaw sa kanilang mga moog, at ang mga chakal sa mga maligayang palasio: (BJ)at ang kanilang panahon ay malapit nang sumapit, at ang kanilang mga kaarawan ay hindi magtatagal.

Efeso 4

Namamanhik nga (A)sa inyo akong (B)bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,

Ng buong kapakumbabaan (C)at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;

Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu (D)sa tali ng kapayapaan.

May (E)isang katawan, at (F)isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang (G)pagasa ng pagtawag sa inyo;

Isang (H)Panginoon, (I)isang pananampalataya, isang bautismo,

(J)Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang (K)sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.

Datapuwa't (L)ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.

Kaya't sinasabi niya,

(M)Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag,
At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.

(Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa (N)mga dakong kalaliman ng lupa?

10 Ang bumaba ay siya rin namang (O)umakyat (P)sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, (Q)upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)

11 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging (R)mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y (S)evangelista; at ang mga iba'y (T)pastor at (U)mga guro;

12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay (V)ng katawan ni Cristo:

13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng (W)kapuspusan ni Cristo:

14 Upang tayo'y huwag nang maging (X)mga bata pa, (Y)na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;

15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, (Z)ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;

16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan (AA)na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.

17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, (AB)na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, (AC)sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,

18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, (AD)ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa (AE)kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;

19 Na sila (AF)sa (AG)di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.

20 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;

21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, (AH)at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.

22 At (AI)inyong iwan, (AJ)tungkol sa (AK)paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, (AL)ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;

23 At (AM)kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,

24 At kayo'y mangagbihis (AN)ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.

25 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, (AO)ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y (AP)mga sangkap na isa't isa sa atin.

26 Kayo'y mangagalit (AQ)at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:

27 Ni bigyan daan man ang diablo.

28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, (AR)na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, (AS)upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.

29 (AT)Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng (AU)biyaya ang mga nagsisipakinig.

30 At (AV)huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, (AW)na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng (AX)pagkatubos.

31 Ang lahat ng kapaitan, (AY)at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:

32 At (AZ)magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, (BA)na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978