Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 17-19

Ang hula tungkol sa Damasco.

17 (A)Ang hula tungkol sa Damasco. (B)Narito, ang Damasco ay naalis sa pagkabayan, at magiging isang buntong ginto.

Ang mga bayan ng Aroer ay napabayaan: yao'y magiging sa mga kawan, na (C)hihiga, at walang tatakot.

Ang moog sa kuta naman ay mawawala sa Ephraim, (D)at mawawalan ng kaharian ang Damasco, at ang nalabi sa Siria; sila'y magiging gaya ng kaluwalhatian ng mga anak ni Israel, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

At mangyayari sa araw na yaon, na ang kaluwalhatian ng Jacob ay mangliliit, at ang katabaan ng kaniyang laman ay (E)mangangayayat.

At (F)mangyayari na gaya ng pamumulot ng mangaani ng nakatayong trigo, at ng panggapas ng kaniyang kamay ng mga uhay; oo, magiging gaya ng pamumulot ng mga uhay sa libis ng Ephraim.

(G)Gayon ma'y maiiwan doon ang mga pinulot, gaya ng pagugog sa puno ng olibo na dalawa o tatlong bunga ay naiiwan sa dulo ng kataastaasang sanga, apat o lima sa kaduluduluhang mga sanga ng mabungang punong kahoy, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel.

Sa araw na yaon ay titingin ang mga tao sa May-lalang (H)sa kanila, ang kanilang mga mata ay magkakaroon ng pitagan sa Banal ng Israel.

At sila'y hindi titingin sa mga dambana, na gawa ng kanilang mga kamay, o magkakaroon man sila ng pitagan sa ginawa ng kanilang mga daliri, maging sa (I)mga Asera, o sa mga larawang araw.

Sa araw na yao'y ang kanilang mga matibay na bayan ay magiging gaya ng mga dakong pinabayaan sa gubat, at sa taluktok ng bundok, na pinabayaan sa harap ng angkan ni Israel: at magiging sira.

10 Sapagka't iyong nilimot ang (J)Dios ng inyong kaligtasan, at hindi mo inalaala ang (K)malaking bato ng iyong kalakasan: kaya't nagtatanim ka ng mga maligayang pananim, at iyong ibinabaon ang punla ng iba:

11 Sa araw ng iyong pagtatanim ay iyong binabakuran, at sa kinaumagahan ay iyong pinamumulaklak ang iyong binhi; nguni't nawawalan ng ani sa araw ng kalumbayan at sa lubhang kahapisan.

12 Ah, ang kaingay ng maraming bayan, na nagsisiugong na gaya ng ugong ng mga dagat; at ang daluhong ng mga bansa, na nagsisiugong na parang ugong ng bugso ng tubig!

13 Ang mga bansa ay magsisihugos na parang agos ng maraming tubig nguni't sila'y sasawayin niya, at magsisitakas sa malayo, at papaspasin na gaya ng ipa sa mga bundok sa harap ng hangin, at gaya ng ipoipong alabok sa harap ng bagyo.

14 Sa gabi ay narito ang kakilabutan; at bago dumating ang umaga ay wala na sila. (L)Ito ang bahagi nila na nagsisisamsam sa atin, at ang palad nila na nangagnanakaw sa atin.

Ang hula tungkol sa Etiopia.

18 Ah, (M)ang lupain ng pagaspas ng mga pakpak, na nasa dako roon ng mga ilog ng Etiopia:

Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat, sa makatuwid baga'y sa mga sasakyang papiro sa tubig, na nagsasabi, Magsiyaon kayo, maliliksing sugo, sa (N)bansang mataas at patag, sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin; sa bansang sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog!

Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan, at kayong mga naninirahan sa lupa, pagka ang isang watawat ay (O)nataas sa mga bundok, inyong tingnan; at pagka ang pakakak ay hinipan, makinig kayo.

Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ako'y tatahimik, at aking mamasdan mula sa aking dakong tahanan, gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw, gaya ng ulap na hamog sa init ng pagaani.

Sapagka't bago magani, pagka ang bulaklak ay nalagas, at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog, kaniyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong, at ang mga ladlad na sanga ay kaniyang aalisin at puputulin.

Ang mga yaon ay pawang mangaiiwan sa mga ibong mangdadagit sa mga bundok, at sa mga hayop sa lupa: at pagtataginitan ang mga yaon ng mga ibong mangdadagit, at pagtataginawan ang mga yaon ng lahat na hayop sa lupa.

Sa panahong yao'y (P)dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig, at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin; isang bansa na sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na bundok ng Sion.

Ang hula tungkol sa Egipto. Pagsamsam, susundan ng pagbalik sa Panginoon.

19 (Q)Ang hula tungkol sa (R)Egipto.

Narito, ang (S)Panginoon ay nakasakay sa isang matuling alapaap, at napasasa Egipto: at (T)ang mga diosdiosan ng Egipto ay makikilos sa kaniyang harapan, at ang puso ng Egipto ay manglulumo sa gitna niyaon.

At aking hihikayatin ang mga Egipcio laban sa mga Egipcio: at lalaban bawa't isa sa kanikaniyang kapatid, at bawa't isa laban sa kaniyang kapuwa; bayan laban sa bayan, at kaharian laban sa kaharian.

At ang diwa ng Egipto ay mauupos sa gitna niyaon; at aking sisirain ang payo niyaon: at (U)sasangguni sila sa mga diosdiosan, at sa mga enkantador, at sa mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga manghuhula.

At aking ibibigay ang mga Egipcio (V)sa kamay ng mabagsik na panginoon; at mabangis na hari ay magpupuno sa kanila, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

At (W)magkukulang ng tubig sa mga dagat, at ang ilog ay mawawalan ng tubig at matutuyo.

At ang mga ilog ay babaho; ang mga batis ng Egipto ay huhupa at matutuyo: ang mga tambo at mga talahib ay mangatutuyo.

Ang mga parang sa pangpang ng Nilo, sa baybayin ng Nilo, at lahat na nahasik sa tabi ng Nilo, mangatutuyo, mangatatangay, at mangawawala.

(X)Ang mga mangingisda naman ay magsisitaghoy, at lahat ng nangaglalawit ng bingwit sa Nilo ay tatangis, at silang nangaglaladlad ng mga lambat sa mga tubig ay manganglalata.

Bukod dito'y silang nagsisigawa sa mga (Y)lino, at silang nagsisihabi ng puting damit ay mangapapahiya.

10 At ang kaniyang mga haligi ay magkakaputolputol, silang lahat na nangagpapaupa ay nangagdadalamhati ang kalooban.

11 Ang mga pangulo sa (Z)Zoan ay lubos na mangmang; ang payo ng mga pinakapantas at kasangguni ni Faraon ay naging tampalasan: paanong masasabi ninyo kay Faraon, Ako'y anak ng pantas, anak ng mga dating hari?

12 Saan nangaroon nga (AA)ang iyong mga pantas? at sasabihin nila sa iyo ngayon; at alamin nila kung ano ang pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo tungkol sa Egipto.

13 Ang mga pangulo sa Zoan ay naging mga mangmang, ang mga pangulo sa Nof ay (AB)nangadaya; kanilang iniligaw ang Egipto, na siyang panulok na bato ng kaniyang mga lipi.

14 Naghalo ang Panginoon ng (AC)diwa ng kasuwailan sa gitna niya: at iniligaw nila ang Egipto sa bawa't gawa niya, na parang langong tao na nahahapay sa kaniyang suka.

15 Hindi na magkakaroon man sa Egipto (AD)ng anomang gawain, na magagawa ng ulo o ng buntot, sanga ng palma, o tambo.

16 (AE)Sa araw na yaon ay magiging (AF)parang mga babae ang Egipto: at manginginig at matatakot dahil sa (AG)bala ng kamay ng Panginoon ng mga hukbo, na kaniyang ibinabala.

17 At ang lupain ng Juda ay magiging kakilabutan sa Egipto; sa kanino man mabanggit yaon ay matatakot, dahil sa panukala ng Panginoon ng mga hukbo, na ipinanukala laban doon.

18 (AH)Sa araw na yaon ay magkakaroon ng limang bayan sa lupain ng Egipto, (AI)na mangagsasalita ng wika ng Canaan, at magsisisumpa sa Panginoon ng mga hukbo; isa'y tatawagin: Ang bayang giba.

19 Sa araw na yaon ay (AJ)magkakaroon ng isang dambana sa Panginoon (AK)sa gitna ng lupain ng Egipto, at isang haligi sa hangganan niyaon sa Panginoon.

20 (AL)At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto: sapagka't sila'y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati, at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at isang tagapagsanggalang, at kaniyang ililigtas sila.

21 At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto, at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon; oo, (AM)sila'y magsisisamba na may hain at alay, at magsisipanata ng panata sa Panginoon, at tutuparin.

22 At sasaktan ng Panginoon ang Egipto, na nananakit at magpapagaling; at sila'y manunumbalik sa Panginoon, at siya'y madadalanginan nila, at pagagalingin niya sila.

23 Sa araw na yaon ay (AN)magkakaroon ng lansangan mula sa Egipto hanggang sa Asiria, at ang mga taga Asiria ay magsisipasok sa Egipto, at ang mga Egipcio ay sa Asiria, at ang mga Egipcio ay magsisisambang kasama ng mga taga Asiria.

24 Sa araw na yao'y magiging pangatlo ang Israel sa Egipto at sa Asiria, na pagpapala sa gitna ng lupain:

25 Sapagka't pinagpala sila ng Panginoon ng mga hukbo, na sinasabi, Pagpalain ang bayan kong Egipto, (AO)at ang Asiria na gawa ng aking mga kamay, at ang Israel na (AP)aking mana.

Efeso 5:17-33

17 Kaya huwag kayong maging mga mangmang, (A)kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

18 At (B)huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu;

19 Na kayo'y mangagusapan (C)ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;

20 Na kayo'y laging magpasalamat (D)sa lahat ng mga bagay (E)sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa (F)Dios na ating Ama;

21 Na pasakop kayo sa isa't isa sa takot kay Cristo.

22 Mga babae, (G)pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa, na (H)gaya ng sa Panginoon.

23 Sapagka't ang lalake (I)ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas (J)ng katawan.

24 Datapuwa't kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo, ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay.

25 Mga lalake, (K)ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at (L)ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;

26 Upang kaniyang pakabanalin ito, na nilinis (M)sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig (N)na may salita,

27 Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na (O)maluwalhati, na (P)walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; (Q)kundi ito'y nararapat maging banal at walang kapintasan.

28 Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa, na gaya ng kanilang sariling mga katawan. Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili:

29 Sapagka't walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan; kundi kinakandili at minamahal, gaya naman ni Cristo sa iglesia;

30 Sapagka't (R)tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan.

31 Dahil dito'y (S)iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman.

32 Ang hiwagang ito ay dakila: datapuwa't sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia.

33 (T)Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay (U)gumalang sa kaniyang asawa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978