Old/New Testament
Awit ng pagtitiwala sa pagiingat ng Panginoon.
26 Sa araw na (A)yaon ay aawitin ang awit na ito sa lupain ng Juda: Tayo ay may matibay na bayan; (B)kaligtasan ay kaniyang ilalagay na pinakakuta at pinakakatibayan.
2 Buksan ninyo ang mga pintuang-bayan, (C)upang mapasukan ng matuwid na bansa na nagiingat ng katotohanan.
3 Iyong iingatan siya sa lubos na kapayapaan, na ang pagiisip ay sumasa iyo: sapagka't siya'y tumitiwala sa iyo.
4 Magsitiwala kayo sa Panginoon (D)magpakailan man: sapagka't nasa Panginoong Jehova ang walang hanggang bato.
5 Sapagka't ibinaba niya sila na nagsisitahan sa itaas, na mapagmataas na bayan: (E)kaniyang ibinaba, ibinaba hanggang sa lupa: kaniyang ibinagsak hanggang sa alabok.
6 Yayapakan ng paa, sa makatuwid baga'y ng mga paa ng dukha, at ng mga hakbang ng mapagkailangan.
7 Ang daan ng ganap ay katuwiran: (F)ikaw na matuwid ay nagtuturo ng landas ng ganap.
8 Oo, (G)sa daan ng iyong mga kahatulan, Oh Panginoon, nangaghintay kami sa iyo: (H)sa iyong pangalan at sa alaala sa iyo ang nasa ng aming kaluluwa.
9 Ninasa (I)kita ng aking kaluluwa sa gabi; oo, ng diwa ko sa loob ko ay hahanapin kita na masikap: sapagka't pagka nasa lupa ang iyong mga kahatulan ay nangatututo ng katuwiran ang mga nananahan sa sanglibutan.
10 Magpakita man ng awa sa masama, (J)hindi rin siya matututo ng katuwiran; (K)sa lupain ng katuwiran ay gagawa siyang may kamalian, at hindi niya mapapansin ang kamahalan ng Panginoon.
11 Panginoon, ang iyong kamay ay nakataas, gayon ma'y hindi nila nakikita: nguni't makikita nila ang iyong sikap sa bayan, at mangapapahiya; oo, sasakmalin ng apoy ang iyong mga kaaway.
12 Panginoon, ikaw ay magaayos ng kapayapaan sa amin: sapagka't ikaw rin ang (L)gumawa ng lahat naming gawa na para sa amin.
13 Oh Panginoon naming Dios, (M)ang ibang mga panginoon, bukod sa iyo ay nagtaglay ng pagkapanginoon sa amin; nguni't (N)ikaw lamang ang babanggitin namin sa pangalan.
14 Sila'y patay, sila'y hindi mabubuhay; sila'y namatay, sila'y hindi babangon: kaya't iyong dinalaw at sinira sila, (O)at pinawi mo ang lahat na alaala sa kanila.
15 (P)Iyong pinarami ang bansa, Oh Panginoon, iyong pinarami ang bansa; ikaw ay nagpakaluwalhati: iyong pinalaki ang lahat na hangganan ng lupain.
16 Panginoon, (Q)sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.
17 Gaya (R)ng babae na nagdadalang-tao na lumalapit ang panahon ng kaniyang panganganak, ay nasa hirap at humihiyaw sa kaniyang pagdaramdam; naging gayon kami sa harap mo, Oh Panginoon.
18 Kami ay nangagdalang-tao, kami ay nalagay sa pagdaramdam, kami ay tila nanganak ng hangin; kami ay hindi nagsigawa ng anomang kagalingan sa lupa; o nabuwal man (S)ang mga nananahan sa sanglibutan.
19 Ang iyong mga patay ay mangabubuhay; ang aking patay na katawan ay babangon. (T)Magsigising at magsiawit, kayong nagsisitahan sa alabok: sapagka't ang iyong hamog ay gaya ng hamog ng mga damo, at iluluwa ng lupa ang mga patay.
20 Ikaw ay parito, bayan ko, (U)pumasok ka sa iyong mga silid, at isara mo ang iyong mga pintuan sa palibot mo: magkubli kang sangdali, hanggang sa ang galit ay makalampas;
21 Sapagka't, narito, ang Panginoon ay lumalabas (V)mula sa kaniyang dako upang parusahan ang mga nananahan sa lupa dahil sa kanilang kasamaan: ililitaw naman ng lupa ang kaniyang dugo, at hindi na tatakpan ang kaniyang nangapatay.
Ang ubasan ng Panginoon.
27 (W)Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak (X)ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin (Y)ang buwaya na nasa dagat.
2 Sa araw na yaon: (Z)Awitin ninyo sa kaniya ang tungkol sa isang (AA)ubasang pinagkunan ng alak.
3 Akong Panginoon ang nagiingat; aking didiligin (AB)tuwituwina: baka saktan ng sinoman, aking iingatan gabi't araw.
4 Kagalitan ay hindi sumasa akin: kung (AC)makipagbaka sana ang mga dawag at mga tinik laban sa akin! akin yaong yayapakan, aking susunuging magkakasama.
5 O manghawak sana siya sa (AD)aking lakas, upang siya'y makipagpayapaan sa akin; oo, makipagpayapaan siya sa akin.
6 Sa mga araw na darating ay (AE)maguugat ang Jacob; ang Israel ay mamumulaklak at magbubuko: at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng sanglibutan.
7 Sinaktan baga niya siya na gaya ng pagsakit niya sa mga yaon, na nanakit sa kaniya? o pinatay siya ng ayon sa pagpatay nila, na napatay niya?
8 Sa sukat, pagka iyong pinayayaon siya, ikaw ay nakikipagtalo sa kaniya; kaniyang binago siya ng kaniyang pagispis na hihip sa kaarawan ng silanganang hangin.
9 Kaya't sa pamamagitan nito ay malilinis ang kasamaan ng Jacob, at ito ang buong bunga ng pagaalis ng kaniyang kasalanan: pagka kaniyang ginagawa ang mga bato ng dambana na gaya ng mga malambot na batong naluluray upang (AF)ang mga Asera at ang mga larawang araw ay hindi na matatayo.
10 Sapagka't ang bayang nakukutaan ay nagiisa, isang tahanang (AG)pinabayaan at iniwanan gaya ng ilang: doon manginginain ang guya, at doon hihiga, at kakainin ang mga sanga niyaon.
11 Pagka ang mga sanga niyaon ay nangatuyo, babaliin; paroroonan ng mga babae at igagatong sa apoy: (AH)sapagka't bayan na walang unawa; kaya't ang gumawa (AI)sa kanila ay hindi magdadalang habag sa kanila, at ang naganyo sa kanila ay hindi magpapakita sa kanila ng lingap.
12 At mangyayari sa araw na yaon, na lalagasin ng Panginoon ang bunga niyaon mula sa agos (AJ)ng ilog (AK)hanggang sa batis ng Egipto, at kayo'y mapipisang isa isa, Oh kayong mga anak ni Israel.
13 At mangyayari sa araw na yaon, (AL)na ang malaking pakakak ay hihipan; at silang nangapapahamak sa lupain ng Asiria ay magsisiparito, at (AM)silang mga tapon sa lupain ng Egipto; (AN)at sila'y magsisisamba sa Panginoon sa banal na bundok ng Jerusalem.
2 Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, (A)kung mayroong anomang (B)mahinahong awa at habag,
2 Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, (C)upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;
3 Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng (D)pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi (E)sa kababaan ng pagiisip, (F)na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;
4 Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang (G)bawa't isa naman ay sa iba't iba.
5 Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na (H)ito'y na kay Cristo Jesus din naman:
6 Na siya, bagama't (I)nasa anyong Dios, (J)ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
7 Kundi bagkus (K)hinubad niya ito, (L)at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:
8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, (M)na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
9 (N)Kaya siya naman ay pinakadakila ng (O)Dios, at (P)siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;
10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang (Q)lahat ng tuhod, ng (R)nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,
11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay (S)Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
12 Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may (T)takot at panginginig;
13 Sapagka't (U)Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.
14 Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo:
15 Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, (V)mga anak ng Dios na walang dungis (W)sa gitna ng isang lahing (X)liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong (Y)tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,
16 Na nagpapahayag (Z)ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri (AA)ako sa kaarawan ni Cristo, na (AB)hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan (AC)ni nagpagal man nang walang kabuluhan.
17 Oo, kahit (AD)ako'y maging hain sa paghahandog (AE)at paglilingkod ng inyong pananampalataya, (AF)ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat:
18 At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin.
19 Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si (AG)Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan.
20 Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan.
21 Sapagka't (AH)pinagsisikapan nilang (AI)lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo.
22 Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya (AJ)na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio.
23 Siya nga ang aking inaasahang suguin madali, pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin:
24 Datapuwa't (AK)umaasa ako sa Panginoon, na diya'y makararating din naman akong madali.
25 Nguni't inakala kong kailangang suguin sa inyo si (AL)Epafrodito, na aking kapatid at kamanggagawa, at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan.
26 Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat, at totoong siya'y namanglaw, sapagka't inyong nabalitaan na siya'y may-sakit:
27 Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan: nguni't kinahabagan siya ng Dios; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan.
28 Siya nga'y sinugo kong may malaking pagpipilit, upang, pagkakitang muli ninyo sa kaniya, kayo'y mangagalak, at ako'y mabawasan ng kalumbayan.
29 Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak; at ang gayon ay papurihan ninyo:
30 Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay (AM)upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978