Old/New Testament
Ang kaluwalhatian ng Sion at ang kaniyang bagong pangalan.
62 Dahil sa Sion ay hindi ako tatahimik, at dahil sa Jerusalem ay hindi ako magpapahinga, hanggang sa ang (A)kaniyang katuwiran ay lumitaw na parang ningning, at ang kaniyang kaligtasan ay parang ilawan na nagniningas.
2 (B)At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at (C)ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; (D)at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon.
3 Ikaw naman ay magiging (E)putong ng kagandahan sa kamay ng Panginoon, at diademang hari sa kamay ng iyong Dios.
4 (F)Hindi ka na tatawagin pang (G)Pinabayaan; hindi na rin tatawagin pa ang iyong lupain na Giba: kundi ikaw ay tatawaging Hephzi-bah, at ang iyong lupain ay Beulah: sapagka't ang Panginoon ay nalulugod sa iyo, at ang iyong lupain ay tatangkilikin.
5 Sapagka't kung paanong ang binata ay nakikipagtipan sa dalaga, gayon nakikipagtipan ang iyong mga anak na lalake sa iyo; at kung paanong ang kasintahang lalake ay nagagalak sa kasintahang babae, gayon (H)magagalak ang Dios sa iyo.
6 (I)Ako'y naglagay ng mga bantay sa iyong mga kuta, Oh Jerusalem; sila'y hindi magsisitahimik kailan man sa araw o sa gabi: kayong mga mapagalaala sa Panginoon, huwag kayong mangagpahinga,
7 At huwag ninyong bigyan siya ng kapahingahan, hanggang sa siya'y matatag, at hanggang sa kaniyang gawing kapurihan[a] sa lupa ang Jerusalem.
8 Ang Panginoon ay sumumpa ng kaniyang kanang kamay, at ng bisig ng kaniyang kalakasan, Tunay na hindi na ako magbibigay[b] ng iyong trigo na pinakapagkain sa iyong mga kaaway; at ang mga taga ibang lupa ay hindi magsisiinom ng iyong alak, na iyong pinagpagalan.
9 Kundi silang nangagimbak niyaon ay magsisikain niyaon, at magsisipuri sa Panginoon; at silang nangagtipon niyaon ay magsisiinom niyaon (J)sa mga looban ng aking santuario.
10 Kayo'y magsidaan, kayo'y magsidaan sa mga pintuang-bayan; (K)inyong ihanda ang lansangan ng bayan; inyong patagin; inyong patagin ang maluwang na lansangan; inyong pulutin ang mga bato; (L)mangagtaas kayo ng watawat na ukol sa mga bayan.
11 Narito, ang Panginoon ay nagtanyag hanggang sa wakas ng lupa, (M)Inyong sabihin sa anak na babae ng Sion, (N)Narito, ang iyong kaligtasan ay dumarating; narito, ang (O)kaniyang kagantihan ay nasa kaniya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.
12 At tatawagin nila sila (P)Ang banal na bayan, (Q)Ang tinubos ng Panginoon: at ikaw ay tatawagin Hinanap, Bayang (R)hindi pinabayaan.
Ang paghihiganti ng Panginoon sa mga bansa.
63 Sino ito na nanggagaling sa Edom, na (S)may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.
2 Bakit ka mapula sa (T)iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?
3 Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; (U)at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buháy ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.
4 Sapagka't ang kaarawan (V)ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng (W)aking mga tinubos ay dumating.
5 At ako'y lumingap, at (X)walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: (Y)kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.
6 At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.
Ang kagandahang-loob ng Panginoon noong una ay inalaala.
7 Aking babanggitin ang mga kagandahang-loob ng Panginoon, at ang mga kapurihan ng Panginoon, ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin, at ang malaking kabutihan na kaniyang ginawa sa sangbahayan ni Israel na kaniyang ginawa sa kanila ayon sa kaniyang mga kaawaan, at ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
8 Sapagka't kaniyang sinabi, Tunay, sila'y aking bayan, mga anak na hindi magsisigawang may kasinungalingan: sa gayo'y siya'y naging Tagapagligtas sa kanila.
9 (Z)Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya, at iniligtas sila (AA)ng anghel na nasa kaniyang harapan: sa kaniyang pagibig at sa kaniyang pagkaawa ay tinubos niya (AB)sila; at kaniyang kinilik (AC)sila at kinalong silang lahat noong araw.
10 (AD)Nguni't sila'y nanganghimagsik, (AE)at namanglaw ang kaniyang banal na Espiritu: kaya't siya'y naging kaaway nila, at siya rin ang nakipaglaban sa kanila.
11 (AF)Nang magkagayo'y inalaala niya ang mga araw nang una, si Moises at ang kaniyang bayan, na sinasabi, Saan nandoon siya na nagahon (AG)sa kanila mula sa dagat, na kasama ng mga pastor ng kaniyang kawan? saan nandoon siya na kumakasi ng kaniyang banal na Espiritu sa kanila?
12 Na inaakbayan ng kaniyang maluwalhating bisig ang kanang kamay ni Moises? (AH)na humawi ng tubig sa harap nila, upang gawan ang kaniyang sarili ng walang hanggang pangalan?
13 Na pumatnubay sa kanila sa mga kalaliman, na parang isang kabayo sa ilang, upang sila'y huwag mangatisod?
14 Kung paanong ang kawan na bumababa sa libis, ay pinapagpapahinga ng Espiritu ng Panginoon: gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan, upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan.
15 Tumungo ka mula sa langit, at tumingin ka, (AI)mula sa tahanan ng iyong kabanalan at ng iyong kaluwalhatian: saan nandoon ang iyong sikap at ang iyong mga makapangyarihang gawa? (AJ)ang iyong pagmamagandang-loob at ang iyong mga habag ay iniurong mo sa akin.
16 Sapagka't ikaw (AK)ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.
17 Oh Panginoon; bakit mo (AL)kami iniligaw na inihiwalay sa iyong mga daan, at (AM)pinapagmatigas mo ang aming puso na inihiwalay sa takot sa iyo? (AN)Ikaw ay magbalik dahil sa iyong mga lingkod, na mga lipi ng iyong mana.
18 Inaring sangdali lamang (AO)ng iyong banal na bayan: niyapakan ng aming mga kaaway ang iyong santuario.
19 Kami ay naging gaya ng hindi mga pinagpunuan kailan man, gaya ng hindi nangatawag sa iyong pangalan.
Panalangin sa paghingi ng awa at tulong.
64 (AP)Oh buksan mo sana ang langit, na ikaw ay bumaba, na ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.
2 Gaya ng kung nililiyaban ng apoy ang siitan, at ng kung pinakukulo ng apoy ang tubig; upang ipakilala ang iyong pangalan sa iyong mga kaaway, upang ang mga bansa ay manginig sa iyong harapan!
3 Nang ikaw ay (AQ)gumawa ng mga kakilakilabot na bagay na hindi namin hinihintay, ikaw ay bumaba, ang mga bundok ay gumuho sa iyong harapan.
4 Sapagka't hindi narinig ng mga tao mula nang una, (AR)o naulinigan man ng pakinig, o ang mata ay nakakita man ng Dios liban sa iyo, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya.
5 (AS)Iyong sinasalubong siya na nagagalak at gumagawa ng katuwiran, yaong nagsialaala sa iyo sa iyong mga daan: narito, ikaw ay napoot, at kami ay nagkasala: napasa kanila kaming malaong panahon; at maliligtas baga kami?
6 (AT)Sapagka't kaming lahat ay naging parang marumi, at ang (AU)lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi: at (AV)nalalantang gaya ng dahon kaming lahat; at tinatangay kami ng aming mga kasamaan, na parang hangin.
7 At walang tumatawag ng iyong pangalan, na gumigising upang manghawak sa iyo; sapagka't (AW)ikinubli mo ang iyong mukha sa amin, at iyong pinugnaw kami sa aming mga kasamaan.
8 Nguni't ngayon, Oh Panginoon, (AX)ikaw ay aming Ama; kami ang malagkit na putik, (AY)at ikaw ay magpapalyok sa amin; at kaming lahat ay (AZ)gawa ng iyong kamay.
9 Huwag kang lubhang mapoot, Oh Panginoon, o umalaala man ng kasamaan ng magpakailan man: narito, tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, kaming lahat ay iyong (BA)bayan.
10 Ang iyong mga bayang banal ay naging ilang, ang Sion ay naging giba, ang Jerusalem ay sira.
11 Ang aming banal at magandang bahay, na pinagpupurihan sa iyo ng aming mga magulang (BB)ay nasunog sa apoy; at lahat naming maligayang bagay ay nasira.
12 Magpipigil ka baga sa mga bagay na ito, (BC)Oh Panginoon? ikaw baga'y tatahimik, at pagdadalamhatiin mo kaming mainam?
1 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (A)ayon sa utos ng (B)Dios na ating Tagapagligtas, at ni Cristo Jesus na (C)ating pagasa;
2 Kay (D)Timoteo na aking (E)tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.
3 Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso, nang pumaparoon ako sa Macedonia, upang maipagbilin mo sa ilang tao (F)na huwag magsipagturo ng ibang aral,
4 Ni huwag makinig (G)sa mga katha at sa mga (H)kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng (I)pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon.
5 Nguni't (J)ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na (K)puso at sa (L)mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw:
6 Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita;
7 Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan, bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi, kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan.
8 (M)Datapuwa't nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,
9 Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid, kundi sa mga walang kautusan at manggugulo, dahil sa masasama at mga makasalanan, dahil sa mga di banal at (N)mapaglapastangan, dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina, dahil sa mga mamamatay-tao,
10 Dahil sa (O)mga nakikiapid, dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake, dahil sa mga (P)nagnanakaw ng tao, dahil sa mga bulaan, dahil sa mga (Q)mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban (R)sa mabuting aral;
11 Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios, (S)na ipinagkatiwala sa akin.
12 Nagpapasalamat (T)ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin, kay Cristo Jesus na Panginoon natin, sapagka't ako'y inari niyang tapat, na ako'y inilagay sa paglilingkod sa kaniya;
13 Bagaman nang una ako'y naging mamumusong, at (U)manguusig; at mangaalipusta: gayon ma'y (V)kinahabagan ako, sapagka't yao'y (W)ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya;
14 At totoong sumagana (X)ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus.
15 Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, (Y)na si (Z)Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo (AA)sa mga ito;
16 Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan.
17 Ngayon (AB)sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, (AC)sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.
18 Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo, Timoteo na aking (AD)anak, ayon sa mga (AE)hula na nangauna tungkol sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay (AF)makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka;
19 (AG)Na ingatan mo ang pananampalataya (AH)at ang mabuting budhi; na nang ito'y itakuwil ng iba sa kanila (AI)ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya:
20 Na sa mga ito'y si (AJ)Himeneo at si (AK)Alejandro; (AL)na sila'y aking ibinigay kay Satanas, upang sila'y maturuang huwag mamusong.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978