Old/New Testament
Ang awit ng pananagumpay.
14 Sapagka't ang Panginoon ay (A)maaawa sa Jacob, at kaniyang pipiliin (B)pa ang Israel, at ilalagay sila sa kanilang sariling lupain: (C)at ang taga ibang lupa ay lalakip sa kanila, at sila'y masasanib sa sangbahayan ni Jacob.
2 At kukunin sila ng mga tao, (D)at dadalhin sila sa kanilang dako: at aariin sila ng sangbahayan ng Israel sa lupain ng Panginoon, na mga pinakaaliping lalake at babae: at kanilang bibihagin sila, na nagsibihag sa kanila; (E)at mangagpupuno sila sa mga mamimighati sa kanila.
3 At mangyayari, sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan, at sa iyong kabagabagan, at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo,
4 Na (F)iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! (G)ang bayang ginto ay naglikat!
5 Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, (H)ang cetro ng mga pinuno;
6 Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog, na nagpuno sa mga bansa sa galit, na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman.
7 Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y biglang (I)nagsisiawit.
8 Oo, ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo, at ang mga cedro sa Libano, na nangagsasabi, Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin.
9 Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa.
10 Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin?
11 Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod.
12 (J)Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
13 At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y (K)sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas (L)ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa (M)bundok ng kapisanan, (N)sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
14 Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.
15 Gayon ma'y (O)mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay.
16 Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na mangagsasabi, Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa, na nagpauga ng mga kaharian;
17 Na ginawang gaya ng ilang ang sanglibutan, at gumiba ng mga bayan nito; na hindi nagpakawala ng kaniyang mga bilanggo upang magsiuwi?
18 Lahat ng mga hari ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.
19 Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga, gaya ng bihisan ng mga patay, na tinaga ng tabak, na bumaba sa mga bato ng hukay: gaya ng bangkay na nayapakan ng paa.
20 (P)Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong lupain, iyong pinatay ang iyong bayan; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan (Q)ay hindi lalagi magpakailan man.
21 Mangaghanda kayo na pumatay sa kanilang mga anak dahil sa (R)kasamaan ng kanilang mga magulang; upang sila'y (S)huwag magsibangon, at ariin ang lupain, at punuin ang ibabaw ng lupa ng mga bayan.
22 At ako'y babangon laban sa kanila, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ihihiwalay ko sa Babilonia (T)ang pangalan at ang nalabi, at ang anak at ang anak ng anak, sabi ng Panginoon.
23 Akin namang gagawing pinakaari ng hayop na erizo, at mga lawa ng tubig: at aking papalisin ng pangpalis na kagibaan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
24 Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumumpa, na nagsabi, Tunay na kung ano ang iniisip ko, gayon ang mangyayari; at kung ano ang aking pinanukala, gayon mananayo:
25 (U)Na aking lalansagin ang taga Asiria sa aking lupain, at sa aking mga bundok ay yayapakan ko siya sa ilalim ng paa; kung magkagayo'y mahihiwalay ang (V)kaniyang atang sa kanila, at ang ipinasan niya ay mahihiwalay sa kanilang balikat.
26 Ito ang panukala na aking pinanukala sa buong lupa: at ito ang kamay na umunat sa lahat ng mga bansa.
27 Sapagka't pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, at sinong wawala ng kabuluhan? at ang kaniyang kamay na nakaunat, at sinong maguurong?
Ang hula sa Filistia.
28 Nagkaroon ng hulang (W)ito nang taong mamatay ang (X)haring Achaz.
29 Ikaw ay huwag magalak, ikaw na buong (Y)Filistia, sa pagkabali ng pamalo na sumakit sa iyo: sapagka't sa ahas ay lalabas ang ulupong, at ang kaniyang anak ay magiging mabangis na ahas na lumilipad.
30 At ang panganay ng dukha ay kakain, at ang mapagkailangan ay mahihigang tiwasay: at aking papatayin ng gutom ang iyong angkan, at ang nalabi sa iyo ay papatayin.
31 Ikaw ay umungal, Oh pintuang bayan; ikaw ay humiyaw, Oh bayan; ikaw ay napugnaw, Oh ikaw na buong Filistia; sapagka't lumalabas ang usok na mula sa hilagaan, at walang malalabi sa kaniyang mga takdang panahon.
32 Ano nga ang isasagot sa mga sugo ng bansa? Na itinayo ng (Z)Panginoon ang Sion, at doon nanganganlong (AA)ang nagdadalamhati sa kaniyang bayan.
Ang hula sa Moab.
15 (AB)Ang hula tungkol sa (AC)Moab. (AD)Sapagka't sa isang gabi ang Ar ng Moab ay nagiba, at nawalan ng kabuluhan; sapagka't sa isang gabi ay nagiba ang Kir ng Moab, at nawalan ng kabuluhan.
2 Siya'y umahon sa Bayith, at sa (AE)Dibon, sa mga mataas na dako, upang umiyak: ang Moab ay umaangal sa (AF)Nebo, at sa (AG)Medeba: (AH)lahat nilang ulo ay kalbo, bawa't balbas ay gupit.
3 Sa kanilang mga lansangan ay nangagbibigkis sila ng kayong magaspang: sa kanilang mga bubungan, at sa kanilang mga luwal na dako, umaangal ang bawa't isa, na umiiyak ng di kawasa.
4 At ang Hesbon ay humihiyaw, (AI)at ang Eleale; ang kanilang tinig ay naririnig hanggang sa (AJ)Jahas: kaya't ang mga lalaking nangasasakbatan sa Moab ay nagsihiyaw ng malakas; ang kaniyang kalooban ay nagugulumihanan.
5 Ang aking puso ay dumadaing dahil sa Moab, ang kaniyang mga mahal na tao ay nagsisitakas sa Zoar, (AK)sa Eglat-selisiyah: sapagka't sa ahunan sa Luhith ay nagsisiahon silang may iyakan: sapagka't sa daan ng Horonaim ay nagsisihagulhol sila sa kapahamakan.
6 Sapagka't ang tubig ng Nimrim (AL)ay natuyo, sapagka't ang damo ay natuyo, ang sariwang damo ay nalalanta, walang sariwang bagay.
7 Kaya't ang kasaganaan na kanilang tinamo, at ang kanilang tinipon, ay kanilang dadalhin sa mga batis ng mga kahoy na sauce.
8 Sapagka't ang daing ay lumilipana sa mga hangganan ng Moab; ang angal niya ay hanggang sa Eglaim, at ang angal niya ay hanggang sa (AM)Beer-elim.
9 Sapagka't ang tubig ng (AN)Dimon ay nahaluan ng dugo: sapagka't magpapasapit pa ako sa Dimon ng isang (AO)leon na nakatanan sa Moab, at sa nalabi sa lupain.
Ang pagsamsam sa Moab.
16 Ipadadala ninyo ang mga (AP)kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang, hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.
2 Sapagka't mangyayari, na gaya ng mga ibong nagsisigala, na gaya ng kalat na pugad, magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng (AQ)Arnon.
3 Magpayo ka, magsagawa ka ng kahatulan; (AR)iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat: ikubli mo ang mga tapon; huwag mong ilitaw ang palaboy.
4 Patirahin mong kasama mo ang aking natapon; tungkol sa Moab, maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam: sapagka't ang mamimighati ay mauuwi sa wala, ang pagsamsam ay matitigil, ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain.
5 At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo (AS)roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; (AT)na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran.
6 (AU)Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang (AV)kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala.
7 Kaya't aangal ang (AW)Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng (AX)Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.
8 Sapagka't ang mga bukid (AY)ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa (AZ)Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.
9 Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka.
10 At ang kasayahan ay naalis, (BA)at ang kagalakan sa mainam na bukid; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan, o masayang kaingay man: walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan; aking pinatigil ang awitan sa pagaani.
11 Kaya't ang (BB)aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab, at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares.
12 At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siya'y napagod (BC)sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig.
13 Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab (BD)sa panahong nakaraan.
14 Nguni't ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, Sa loob ng tatlong taon, (BE)na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga.
5 Kayo (A)nga'y magsitulad sa Dios, na gaya ng mga anak na minamahal;
2 At magsilakad kayo sa pagibig, (B)gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo, at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili, na (C)hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy.
3 Nguni't ang (D)pakikiapid, at ang lahat ng karumihan, o kasakiman, ay huwag man lamang masambit sa inyo, gaya ng nararapat sa mga banal;
4 O (E)ang karumihan man, o mga mangmang na pananalita, o ang mga pagbibiro, na di nangararapat: kundi kayo'y magpasalamat.
5 Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, (F)na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, (G)ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.
6 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't (H)dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios (I)sa mga anak ng pagsuway.
7 Huwag kayong makibahagi sa kanila;
8 Sapagka't noong panahon (J)kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon (K)kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga (L)anak ng kaliwanagan
9 (Sapagka't (M)ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),
10 Na inyong pinatutunayan (N)ang kinalulugdan ng Panginoon;
11 At huwag kayong makibahagi sa (O)mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;
12 Sapagka't ang mga bagay na (P)ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.
13 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.
14 Kaya sinasabi niya, (Q)Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.
15 Mangagingat (R)nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad, huwag gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;
16 Na inyong samantalahin ang panahon, sapagka't ang mga araw ay masasama.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978