Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 23-25

Ang hula sa Tiro.

23 Ang hula tungkol sa (A)Tiro.

Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis; sapagka't nasira, na anopa't walang bahay, walang pasukan: (B)mula sa lupain ng Chittim ay nahayag sa kanila.

Magsitahimik kayo, kayong mga nananahan sa baybayin; ikaw na pinasagana ng mga mangangalakal ng Sidon, na nagdaraan sa dagat.

At nasa baybayin ng malawak na tubig ang binhi ng Sihor, ang ani ng Nilo, naging kaniyang pakinabang; (C)at siya'y naging pamilihan ng mga bansa.

Mahiya ka, O Sidon: sapagka't sinalita ng dagat, ng tanggulan ng dagat, na sinasabi, hindi ako nagdamdam, o nanganak man, o nagalaga man ako ng mga binata, o nagpalaki ng mga dalaga.

Pagka ang balita ay dumating sa Egipto, ay mamamanglaw silang mainam sa balita tungkol sa Tiro.

Mangagpatuloy kayo sa Tarsis: magsiangal kayo, kayong mga nananahan sa baybayin.

Ito baga ang inyong masayang bayan, na matanda na mula pa noong unang araw, na dinadala ng kaniyang mga paa sa malayo upang mangibang bayan?

Sinong nagpanukala nito laban sa Tiro na siyang bayang nagpuputong, na ang mga manininda ay mga pangulo, na ang mga mangangalakal ay mararangal sa lupa.

Pinanukala ng Panginoon ng mga hukbo, upang hamakin ang kapalaluan ng buong kaluwalhatian, upang hiyain ang lahat na mararangal sa lupa?

10 Magdaan ka sa iyong lupain na gaya ng Nilo, Oh anak na babae ng Tarsis; wala ka ng lakas.

11 Kaniyang iniunat ang kaniyang kamay sa dagat, kaniyang niyanig ang mga kaharian: ang Panginoon ay nagutos tungkol sa Canaan, upang gibain ang mga kuta niyaon.

12 At kaniyang sinabi, Ikaw ay hindi na magagalak pa, Oh ikaw na aping dalaga ng Sidon; bumangon ka, magdaan ka sa Chittim: doon ma'y hindi ka magkakaroon ng kapahingahan.

13 Tingnan mo ang lupain ng mga Caldeo; ang bayang ito ay wala na; inilaan ng taga Asiria para (D)sa mga hayop sa ilang; kanilang itinayo ang kanilang mga moog; iginiba nila ang mga palacio niyaon: kaniyang pinapaging isang guho.

14 Magsiangal kayo, kayong mga sasakyang dagat ng Tarsis: sapagka't ang inyong tanggulan ay giba.

15 At mangyayari, sa araw na yaon na ang Tiro ay malilimutang (E)pitong pung taon, ayon sa mga kaarawan ng isang hari: pagkatapos ng pitong pung taon ay mangyayari sa Tiro ang gaya sa awit ng patutot.

16 Ikaw ay humawak ng alpa, lumibot ka sa bayan, ikaw na patutot na nalimutan; magpainam ka ng tinig, umawit ka ng maraming awit, upang ikaw ay maalaala.

17 At mangyayari, sa katapusan ng pitong pung taon, na dadalawin ng Panginoon ang Tiro, at pagbabalikan niya ang kaniyang upa, at (F)magiging patutot sa lahat ng kaharian ng sanglibutan sa ibabaw ng lupa.

18 At ang kaniyang kalakal at ang upa sa kaniya ay (G)itatalaga sa Panginoon: hindi itatago o isisimpan man, sapagka't ang kaniyang kalakal ay magiging sa ganang kanila na nagsisitahan sa harap ng Panginoon, upang magsikaing may kabusugan, at manamit na mainam.

Ang hatol ng Panginoon sa mga bansa.

24 Narito, pinawawalan ng laman ng Panginoon ang lupa, at sinisira, at binabaligtad, at pinangangalat ang mga nananahan doon.

At mangyayari, (H)na kung paano sa mga tao, gayon sa saserdote; kung paano sa alipin, gayon sa kaniyang panginoon; kung paano sa alilang babae, gayon sa kaniyang panginoong babae; kung paano sa mamimili, gayon sa nagbibili; kung paano sa mapagpahiram, gayon sa manghihiram; kung paano sa mapagpatubo, gayon sa pinatutubuan.

Ang lupa ay lubos na mawawalan ng laman, at lubos na masasamsaman; sapagka't sinalita ng Panginoon ang salitang ito.

Ang lupa ay tumatangis at nasisira, ang sanglibutan ay nanghihina at nanglalata, ang mapagmataas na bayan sa lupa ay nanghihina.

(I)Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka't kanilang sinalangsang ang kautusan, binago ang alituntunin, (J)sinira ang walang hanggang tipan.

Kaya't nilamon ng sumpa ang lupa, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya't ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao.

Ang bagong alak ay (K)pinabayaan, ang puno ng ubas ay nalanta, lahat ng masayang puso ay nagbubuntong-hininga.

Ang saya (L)ng mga pandereta ay naglikat, ang kaingay nila na nangagagalak ay nagkawakas, ang galak ng alpa ay naglikat.

Sila'y hindi magsisiinom ng alak na may awitan; matapang na alak ay magiging mapait sa kanila na nagsisiinom niyaon.

10 (M)Ang bayan ng pagkalito ay nabagsak: bawa't bahay ay nasarhan, upang walang taong makapasok doon.

11 May daing sa mga lansangan dahil sa alak; lahat ng kagalakan ay naparam, ang kasayahan sa lupa ay nawala.

12 Naiwan sa bayan ay kagibaan, at ang pintuang-bayan ay nawasak.

13 Sapagka't ganito ang mangyayari sa mga tao sa gitna ng lupain na (N)gaya ng paguga sa isang punong olibo, gaya ng (O)pamumulot ng ubas pagkatapos ng pag-aani.

14 Ang mga ito ay maglalakas ng kanilang tinig, (P)sila'y magsisihiyaw; dahil sa kamahalan ng Panginoon ay nagsisihiyaw sila ng malakas mula sa dagat.

15 Kaya't luwalhatiin ninyo ang Panginoon sa silanganan, sa makatuwid baga'y (Q)ang pangalan ng Panginoon, ng Dios ng Israel, (R)sa mga pulo ng dagat.

16 Mula sa kaduluduluhang bahagi ng lupa ay nakarinig kami ng mga awit, kaluwalhatian sa matuwid. Nguni't aking sinabi, Namamatay ako, namamayat ako, sa aba ko! (S)ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawang may kataksilan, oo, ang mga manggagawang taksil ay nagsisigawa na may lubhang kataksilan.

17 Takot, (T)at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa.

18 At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan (U)sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay (V)umuuga.

19 Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa.

20 Ang lupa ay (W)gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; (X)at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.

21 At mangyayari, (Y)sa araw na yaon, na parurusahan ng Panginoon ang hukbo ng mga mataas sa itaas, at ang (Z)mga hari sa lupa sa ibabaw ng lupa.

22 At sila'y mangapipisan, gaya ng mga bilanggo na mangapipisan sa hukay, at masasarhan sa bilangguan, at pagkaraan ng maraming araw ay dadalawin sila.

23 Kung magkagayo'y malilito (AA)ang buwan, at ang araw ay mapapahiya; sapagka't ang (AB)Panginoon ng mga hukbo ay maghahari (AC)sa bundok ng Sion, at sa Jerusalem; at sa harap ng kaniyang mga matanda ay may kaluwalhatian.

Awit ng pagpuri sa Panginoon dahil sa kaniyang kalinga.

25 Oh Panginoon, ikaw ay aking Dios; aking ibubunyi ka, aking pupurihin ang iyong pangalan; sapagka't (AD)ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay, sa makatuwid baga'y ang iyong binalak noong una, sa pagtatapat at katotohanan.

Sapagka't iyong (AE)pinapaging isang bunton ang isang bayan, ang bayang matibay ay pinapaging isang guho: ang palasio ng mga taga ibang lupa ay di na magiging bayan; hindi matatayo kailan man.

Kaya't (AF)luluwalhatiin ka ng matibay na bayan, ang (AG)bayan ng kakilakilabot na mga bansa ay matatakot sa iyo.

Sapagka't ikaw ay naging (AH)ampunan sa dukha, ampunan sa mapagkailangan sa kaniyang kahirapan, (AI)silongan sa bagyo, lilim sa init, pagka ang hihip ng mga kakilakilabot ay parang bagyo laban sa kuta.

Gaya ng init sa tuyong dako patitigilin mo ang ingay ng mga taga ibang lupa; gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap, matitigil ang awit ng mga kakilakilabot.

At (AJ)sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan, ng isang (AK)kapistahan ng mga matabang bagay, ng isang kapistahan ng mga alak na laon, ng mga matabang bagay na puno ng utak, ng mga alak na laon na totoong sala.

At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at (AL)ang lambong na naladlad sa lahat na bansa.

Sinakmal niya ang kamatayan (AM)magpakailan man; at (AN)papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon.

At sasabihin (AO)sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin (AP)siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, (AQ)tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.

10 Sapagka't sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon; at ang (AR)Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako, gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi.

11 At kaniyang iuunat ang kaniyang mga kamay sa gitna niyaon, gaya ng paguunat ng lumalangoy upang lumangoy: at kaniyang ibababa ang kaniyang kapalaluan sangpu ng gawa ng kaniyang mga kamay.

12 At ang mataas na moog ng iyong mga kuta ay (AS)kaniyang ibinaba, giniba, at ibinagsak sa lupa, hanggang sa alabok.

Filipos 1

Si Pablo at si (A)Timoteo, na mga alipin ni Cristo Jesus, sa lahat ng mga banal (B)kay Cristo Jesus na nangasa (C)Filipos, pati ng mga (D)obispo at ng mga (E)diakono:

Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.

(F)Ako'y nagpapasalamat sa aking Dios, sa tuwing kayo'y aking naaalaala,

Na parating sa bawa't daing ko, ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat,

Dahil sa inyong pakikisama (G)sa pagpapalaganap ng evangelio, mula nang unang araw hanggang ngayon;

Na ako'y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito, na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa, ay lulubusin (H)hanggang sa araw ni Jesucristo:

Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka't kayo'y nasa aking puso, palibhasa'y, (I)sa aking mga tanikala at (J)pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio, kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya.

Sapagka't saksi ko ang Dios, (K)kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa (L)mahinahong habag ni Cristo Jesus.

At ito'y idinadalangin ko, na ang inyong pagibig ay lalo't lalo pang sumagana nawa sa (M)kaalaman at sa lahat ng pagkakilala;

10 Upang (N)inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling; upang kayo'y maging mga tapat at walang kapintasan (O)hanggang sa kaarawan ni Cristo;

11 Na mangapuspos ng (P)bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, (Q)sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios.

12 Ngayon ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio;

13 Ano pa't ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio, at sa mga iba't iba pa;

14 At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon, na palibhasa'y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios.

15 Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban:

16 Ang isa'y gumagawa nito sa pagibig, palibhasa'y nalalaman na ako'y nalalagay sa (R)pagsasanggalang ng evangelio;

17 Datapuwa't itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi, hindi sa pagtatapat, na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala.

18 Ano nga? gayon man, sa lahat ng paraan, maging sa pagdadahilan o sa katotohanan, ay itinatanyag si Cristo; at sa ganito'y nagagalak ako, oo, at ako'y magagalak.

19 Sapagka't nalalaman ko na ang kahihinatnan nito'y sa aking ikaliligtas, (S)sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan (T)ng Espiritu ni Cristo,

20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa, na, (U)sa anoma'y hindi ako mapapahiya, kundi (V)sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayon din naman ngayon, ay dadakilain si Cristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng kabuhayan, o sa pamamagitan ng kamatayan.

21 Sapagka't sa ganang akin (W)ang mabuhay ay si Cristo, at ang mamatay ay pakinabang.

22 Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad,—ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin.

23 Sapagka't ako'y nagigipit (X)sa magkabila, akong may nasang (Y)umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti:

24 Gayon ma'y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo.

25 At sa pagkakatiwalang ito, ay aking nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya;

26 Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo.

27 Ang inyo lamang pamumuhay (Z)ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo: upang, maging ako ay dumating at kayo'y makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na (AA)kayo'y matitibay sa isang espiritu, (AB)na kayo'y mangagkaisa ng kaluluwa (AC)na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio;

28 At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway: (AD)na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan, datapuwa't tanda ng inyong pagkaligtas, at ito'y mula sa Dios;

29 Sapagka't sa inyo'y (AE)ipinagkaloob alangalang kay Cristo, hindi lamang upang manampalataya sa kaniya, kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya:

30 Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno (AF)na inyong nakita rin sa akin, at ngayo'y nababalitaan ninyong taglay ko.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978