Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 32-33

Ang paghahari ng matuwid na hari.

32 Narito, isang hari ay maghahari (A)sa katuwiran, at mga pangulo ay magpupuno sa kahatulan.

At isang lalake ay magiging gaya ng isang kublihang dako sa hangin, at (B)kanlungan sa bagyo, gaya ng mga ilog ng tubig sa tuyong dako, gaya ng lilim ng malaking bato sa kinapapagurang (C)lupain.

At (D)ang mga mata nila na nangakakakita ay hindi manganlalabo, at ang mga tainga nila na nangakikinig ay mangakikinig.

Ang puso naman ng walang bahala ay makakaunawa ng kaalaman, at ang dila ng mga (E)utal ay mangahahanda upang mangagsalita ng malinaw.

Ang taong mangmang ay hindi na tatawagin pang dakila o ang magdaraya man ay sasabihing magandang-loob.

Sapagka't ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay gagawa ng kasalanan, upang magsanay ng paglapastangan, at magsalita ng kamalian laban sa Panginoon, upang alisan ng makakain ang taong gutom, at upang papagkulangin ang inumin ng uhaw.

Ang mga kasangkapan din naman ng magdaraya ay masama: siya'y kumakatha ng mga masamang katha upang ibuwal ang mga maamo sa pamamagitan ng mga sinungaling na salita, pagka nga ang mapagkailangan ay nagsasalita ng matuwid.

Nguni't ang mapagbiyaya ay kumakatha ng mga bagay na pagbibiyaya; at sa mga bagay na pagbibiyaya ay mananatili siya.

Ang mga babae ay binalaan.

(F)Kayo'y magsibangon, kayong mga babaing tiwasay, at dinggin ninyo ang tinig ko; ninyong mga walang bahalang anak na babae, pakinggan ninyo ang aking pananalita.

10 Sapagka't sa mga araw na sa dako pa roon ng isang taon ay mangababagabag kayo, kayong mga walang bahalang babae: sapagka't ang ani ng ubas ay magkukulang, ang pagaani ay hindi darating.

11 Kayo'y magsipanginig, kayong mga babaing tiwasay; kayo'y mangabagabag, kayong mga walang bahala; kayo'y magsipaghubo, at kayo'y magsipaghubad, at mangagbigkis kayo ng kayong magaspang sa inyong mga balakang.

12 Sila'y magsisidagok sa mga dibdib dahil sa mga maligayang parang, dahil sa mabungang puno ng ubas.

13 Sa lupain ng aking bayan ay (G)tutubo ang mga tinik at mga dawag; oo, sa lahat na bahay na kagalakan sa masayang bayan:

14 Sapagka't ang bahay-hari (H)ay mapapabayaan; ang mataong bayan ay magiging ilang; ang burol at ang bantayang moog ay magiging mga pinaka yungib magpakailan man, kagalakan ng mga mailap na asno, pastulan ng mga kawan;

15 (I)Hanggang sa mabuhos sa atin ang Espiritu na mula sa itaas, at ang (J)ilang ay maging mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay mabilang na pinakagubat.

16 Kung magkagayo'y tatahan ang kahatulan sa ilang, at ang katuwiran ay titira sa mabungang bukid.

17 At ang gawain ng katuwiran (K)ay magiging kapayapaan; at ang bunga ng katuwiran ay katahimikan at pagkakatiwala kailan man.

18 At ang bayan ko ay tatahan sa payapang tahanan, at sa mga tiwasay na tahanan, at sa mga tahimik na dako na pahingahan.

19 Nguni't lalagpak ang granizo, sa ikasisira ng gubat; at ang bayan ay lubos na mawawasak.

20 Mapapalad kayo (L)na nangaghahasik sa siping ng lahat na tubig, na nangagpapalakad ng mga paa ng (M)baka at ng asno.

Kapayapaan ay hahalili sa pagkagiba ng kaaway. Ang katatagan ng matuwid.

33 Sa aba mo na (N)sumasamsam, at ikaw ay hindi nasamsaman; at gumagawa na may kataksilan, at sila'y hindi gumawang may kataksilan sa iyo! (O)Pagka ikaw ay naglikat ng pagsamsam, ikaw ay sasamsaman; at pagka ikaw ay nakatapos ng paggawang may kataksilan, sila'y gagawang may kataksilan sa iyo.

Oh Panginoon, magmahabagin ka sa amin; aming hinintay (P)ka: ikaw ay maging kanilang bisig tuwing umaga; aming kaligtasan naman sa panahon ng kabagabagan.

Sa ingay ng kagulo ay nagsisitakas ang mga bayan; sa pagbangon mo ay nagsisipangalat (Q)ang mga bansa.

At ang iyong samsam ay pipisanin na gaya ng pagpisan ng uod: kung paanong ang mga balang ay nagsisilukso ay gayon luluksuhan ng mga tao.

Ang Panginoon ay nahayag; (R)sapagka't siya'y tumatahan sa mataas: kaniyang pinuno ang Sion ng kahatulan at katuwiran.

At magkakaroon ng kapanatagan sa iyong mga panahon, kasaganaan ng kaligtasan, karunungan at kaalaman: ang pagkatakot sa Panginoon ay kaniyang kayamanan.

Narito, ang kanilang mga matapang ay nagsisihiyaw sa labas; (S)ang mga sugo ng kapayapaan ay nagsisiiyak na mainam.

Ang mga lansangan ay sira, ang palalakad na tao ay (T)naglilikat: (U)kaniyang sinira ang tipan, kaniyang hinamak ang mga bayan, hindi niya pinakukundanganan ang kapuwa tao.

Ang lupain ay nananangis at nahahapis: (V)ang Libano ay nahihiya at natutuyo: ang (W)Saron ay gaya ng isang ilang; at ang (X)Basan at ang Carmel ay napapaspas ang kanilang mga dahon.

10 Ngayo'y babangon ako, (Y)sabi ng Panginoon; ngayo'y magpapakataas ako; ngayo'y magpapakadakila ako.

11 Kayo'y mangaglilihi ng ipa, kayo'y manganganak ng (Z)dayami: ang inyong hinga ay apoy na pupugnaw sa inyo.

12 At ang mga bayan ay magiging gaya ng pagluluto ng apog: (AA)gaya ng mga putol na mga tinik, na mga nasusunog sa apoy.

13 Pakinggan ninyo, ninyong nangasa malayo, (AB)kung ano ang aking ginawa; at kilalanin ninyo, na nangasa malapit, ang aking kapangyarihan.

14 Ang mga makasalanan sa Sion ay nangatatakot; nanginginig ang (AC)mga masasama. Sino sa atin ang tatahan sa mamumugnaw na apoy? Sino sa atin ang tatahan sa walang hanggang ningas?

15 Siyang lumalakad ng matuwid, at[a] nagsasalita ng matuwid; siyang humahamak ng pakinabang sa mga kapighatian, na iniuurong ang kaniyang mga kamay sa paghawak ng mga suhol, na nagtatakip ng kaniyang mga tainga ng pagdinig ng tungkol sa dugo, at ipinipikit ang kaniyang mga mata sa pagtingin sa kasamaan;

16 Siya'y tatahan sa mataas, ang kaniyang dakong sanggalangan ay ang mga katibayan na malalaking bato: ang kaniyang tinapay ay mabibigay sa kaniya; ang (AD)kaniyang tubig ay sagana.

Ang Mabiyayang paghahari ng Panginoon.

17 Makikita ng iyong mga mata (AE)ang hari sa kaniyang kagandahan: sila'y tatanaw sa isang lupaing malawak.

18 Ang inyong puso ay gugunita ng kakilabutan: (AF)saan nandoon siya na bumibilang, saan nandoon siya na tumitimbang ng buwis? saan nandoon siya na bumibilang ng mga moog?

19 Hindi mo makikita ang (AG)mabagsik na bayan, (AH)ang bayan na may malalim na pananalita na hindi mo matatalastas, na may ibang wika na hindi mo mauunawa.

20 Tumingin ka sa Sion, ang (AI)bayan ng ating mga takdang kapistahan: makikita ng iyong mga mata ang (AJ)Jerusalem na tahimik na tahanan, isang tabernakulo (AK)na hindi makikilos, ang mga tulos (AL)niyao'y hindi mangabubunot kailan man, o mapapatid man ang alin man sa mga tali niyaon.

21 Kundi doon ay sasa atin ang Panginoon sa kamahalan, na dako ng mga maluwang na ilog at batis; na hindi daraanan ng mga daong na may mga gaod, o daraanan man ng magilas na sasakyang dagat.

22 Sapagka't ang Panginoon ay ating hukom, ang Panginoon ay ating tagapaglagda ng kautusan, (AM)ang Panginoon ay ating hari; kaniyang ililigtas tayo.

23 Ang iyong mga tali ay nangakalag: hindi nila mapatibay ang kanilang palo, hindi nila mailadlad ang layag: ang huli nga na malaking samsam ay binahagi; ang pilay ay kumuha ng huli.

24 At ang mamamayan ay (AN)hindi magsasabi, Ako'y may sakit: (AO)ang bayan na tumatahan doon ay patatawarin sa kanilang kasamaan.

Colosas 1

Si Pablo, na (A)apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at ang (B)kapatid nating si Timoteo,

Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo, na nangasa sa Colosas: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama.

Nagpapasalamat kami (C)sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging idinadalangin,

Nang nabalitaan namin ng inyong pananampalataya kay Cristo Jesus, at ang pagibig ninyo sa lahat ng mga banal,

Dahil sa pagasa (D)na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa (E)salita ng katotohanan ng evangelio,

Na ito'y dumating sa inyo; (F)gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap, gaya rin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at maalaman (G)ang biyaya ng Dios sa katotohanan;

Ayon sa inyong natutuhan kay (H)Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod, na isang tapat na ministro ni Cristo, sa ganang atin;

Na siya rin namang sa amin ay nagbalita ng inyong (I)pagibig sa Espiritu.

Dahil dito'y kami naman, mula nang araw na aming marinig ito, ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo, upang kayo'y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban, sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu,

10 Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, (J)sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios;

11 Na kayo'y palakasin ng buong (K)kapangyarihan, ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak;

12 (L)Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan;

13 Na siyang nagligtas sa atin sa (M)kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig;

14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan:

15 Na (N)siya ang larawan ng (O)Dios na di nakikita, (P)ang panganay ng lahat ng mga nilalang;

16 Sapagka't (Q)sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga (R)pagsakop o mga (S)pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan (T)niya at ukol sa kaniya;

17 At siya'y (U)una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.

18 At (V)siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang (W)panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

19 Sapagka't minagaling ng Ama (X)na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;

20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, (Y)maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.

21 At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama.

22 Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon (Z)sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya:

23 Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa (AA)pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; (AB)na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.

24 (AC)Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin (AD)ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa (AE)kaniyang katawan, na siyang iglesia;

25 Na ako'y ginawang ministro nito, ayon sa (AF)pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios,

26 Maging (AG)ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal,

27 (AH)Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano (AI)ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, (AJ)na pagasa ninyo sa kaluwalhatian:

28 Na siya naming inihahayag, na pinaaalalahanan ang bawa't tao at tinuturuan ang bawa't tao, sa buong karunungan, upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa't tao;

29 Na dahil dito'y nagpapagal din naman ako, na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa, na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978