Old/New Testament
Ang Panginoon ay hindi mahahabag.
15 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, (A)Bagaman (B)si Moises at si Samuel ay tumayo sa harap ko, gayon ma'y ang pagiisip ko ay hindi sasa bayang ito: iyong itakuwil sila sa aking paningin, at iyong palabasin sila.
2 At mangyayari, pagka kanilang sinabi sa iyo, Saan kami magsisilabas? sasaysayin mo nga sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, (C)Ang sa kamatayan, ay sa kamatayan; at ang sa tabak, ay sa tabak; at ang sa kagutom, ay sa kagutom; at ang sa pagkabihag, ay sa pagkabihag.
3 At ako'y magtatakda sa kanila ng apat na mga bagay, sabi ng Panginoon: ang tabak upang pumatay, at ang mga aso upang lumapa, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga hayop sa lupa, upang lumamon at lumipol.
4 At aking ipagugulo sila na paroo't parito sa gitna ng lahat na kaharian sa lupa, (D)dahil kay Manases, na anak ni Ezechias, na hari sa Juda, dahil sa kaniyang ginawa sa Jerusalem.
5 Sapagka't sinong mahahabag sa iyo, Oh Jerusalem? o sinong tataghoy sa iyo? o sinong titigil na magtatanong ng iyong kalagayan?
6 Iyong itinakuwil ako, sabi ng Panginoon, ikaw ay umurong: kaya't iniunat ko ang aking kamay laban sa iyo, at pinatay kita; (E)ako'y dala na ng pagsisisi.
7 At aking pinahanginan sila ng pamaypay sa mga pintuang-bayan ng lupain; aking niwalaan sila ng mga anak, aking nilipol ang aking bayan; sila'y hindi humiwalay sa kanilang mga lakad.
8 Ang kanilang mga babaing bao ay naragdagan sa akin ng higit kay sa buhangin sa mga dagat; aking dinala sa kanila laban sa ina ng mga binata ang manglilipol sa katanghaliang tapat: aking pinabagsak na bigla sa kaniya ang kahapisan at kakilabutan.
9 Siyang nanganak ng pito ay nanglulupaypay; siya'y nalagutan ng hininga; ang kaniyang kaarawan ay lumubog nang may araw pa; napahiya at nalito: at ang nalabi sa kanila ay ibibigay ko sa tabak sa harap ng kanilang mga kaaway, sabi ng Panginoon.
Ang pagdaing ni Jeremias at ang sagot ng Panginoon.
10 Sa aba ko, (F)ina ko, na ipinanganak mo ako na lalaking sa pakikipagpunyagi at lalaking sa pakikipaglaban sa buong lupa! ako'y hindi nagpautang na may tubo, o pinautang man ako na may patubo ng mga tao; gayon ma'y sinusumpa ako ng bawa't isa sa kanila.
11 Sinabi ng Panginoon, Katotohanang palalakasin kita sa ikabubuti; katotohanang aking pamamanhikin ang kaaway sa iyo sa panahon ng kasamaan at sa panahon ng pagdadalamhati.
12 Mababasag baga ng sinoman (G)ang bakal, ang bakal na mula sa hilagaan, at ang tanso?
13 Ang iyong pagaari at ang iyong kayamanan ay ibibigay ko na pinakasamsam na walang halaga, at iya'y dahil sa lahat mong kasalanan, sa lahat mo ngang hangganan.
14 At akin silang pararaanin na kasama ng iyong mga kaaway (H)sa lupain na hindi mo nakikilala; sapagka't ang apoy ay nagniningas sa aking galit, na magniningas sa inyo.
15 Oh Panginoon, talastas mo; iyong alalahanin ako, at dalawin mo ako, at ipanghiganti mo ako sa mga manguusig sa akin; huwag mo akong kunin sa iyong pagtitiis: talastasin mo na (I)dahil sa iyo ay nagtiis ako ng kakutyaan.
16 Ang iyong mga salita ay nangasumpungan, at aking (J)kinain; at ang iyong mga salita sa ganang akin ay katuwaan at kagalakan sa aking puso: sapagka't ako'y tinawag sa iyong pangalan, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo.
17 (K)Hindi ako nauupo sa kapisanan nila na nasasayahan, o nagagalak man; ako'y nauupong magisa dahil sa iyong kamay; sapagka't pinuno mo ako ng pagkagalit.
18 Bakit ang aking sakit ay walang hanggan, at ang aking sugat ay walang kagamutan, na hindi mapagaling? ikaw baga'y tunay na magiging parang magdarayang batis sa akin, parang tubig na nauubos?
19 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, (L)Kung ikaw ay magbalikloob, papananauliin nga kita upang ikaw ay makatayo sa harap ko; at kung iyong ihiwalay ang may halaga sa walang halaga, ikaw ay magiging parang aking bibig: sila'y manunumbalik sa iyo, nguni't hindi ka manunumbalik sa kanila.
20 At gagawin kita sa bayang ito na (M)tansong kuta na sanggalangan; at sila'y magsisilaban sa iyo, nguni't (N)hindi sila magsisipanaig laban sa iyo; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita at upang papaging layain kita, sabi ng Panginoon.
21 At ililigtas kita sa kamay ng masama, at tutubusin kita sa kamay ng kakilakilabot.
Ang nakatatakot na paghihirap ay ipinagpauna.
16 Ang salita rin naman ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsabi,
2 Huwag kang magaasawa, o magkakaroon ka man ng mga anak na lalake o babae sa dakong ito.
3 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga anak na lalake at tungkol sa mga anak na babae na ipinanganak sa dakong ito, at tungkol sa kanilang mga ina na nanganak sa kanila, at tungkol sa kanilang mga ama na naging anak sila sa lupaing ito.
4 Sila'y mangamamatay ng mga mabigat na (O)pagkamatay: (P)hindi sila pananaghuyan, o ililibing man sila; sila'y magiging (Q)parang dumi sa ibabaw ng lupa; at sila'y mangalilipol (R)ng tabak, at ng kagutom; at (S)ang kanilang mga bangkay ay magiging pinakapagkain sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop sa lupa.
5 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, (T)Huwag kang pumasok sa bahay na may tangisan, o pumaroon man upang tumaghoy, o manangis man sa mga yaon; sapagka't aking inalis ang kapayapaan ko sa bayang ito, sabi ng Panginoon, ang kagandahang-loob at mga malumanay na kaawaan.
6 Ang malaki at gayon din ang maliit ay mangamamatay sa lupaing ito; (U)sila'y hindi mangalilibing, o tataghuyan man sila ng mga tao, (V)o magkukudlit man (W)o mangagpapakakalbo man dahil sa kanila;
7 O magpuputol man ng tinapay ang mga tao, sa kanila na nananangis, upang aliwin sila dahil sa namatay; hindi man sila paiinumin sa saro ng kaaliwan ng dahil sa kanilang ama o dahil sa kanilang ina.
8 At huwag kang papasok sa bahay na anyayahan upang maupong kasalo nila, na kumain at uminom.
9 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking ipatitigil sa dakong ito, sa harap ng iyong mga mata at sa inyong mga kaarawan, ang tinig ng kalayawan, at ang tinig ng kasayahan, ang tinig ng kasintahang lalaki at ang tinig ng kasintahang babae.
10 At mangyayari, pagka iyong ipakikilala sa bayang ito ang lahat ng mga salitang ito, at kanilang sasabihin sa iyo, (X)Bakit sinalita ng Panginoon ang lahat na malaking kasamaang ito laban sa amin? o ano ang aming kasamaan? o ano ang aming kasalanan na aming ginawa laban sa Panginoon naming Dios?
11 Kung magkagayo'y iyong sasabihin sa kanila, Sapagka't pinabayaan ako ng inyong mga magulang, sabi ng Panginoon, at nagsisunod sa ibang mga dios, at nangaglingkod sa kanila, at nagsisamba sa kanila, at pinabayaan ako, at hindi iningatan ang aking kautusan;
12 At kayo'y nagsigawa ng (Y)kasamaan na higit kay sa inyong mga magulang, sapagka't, narito, lumakad bawa't isa sa inyo ng ayon sa katigasan ng kanikaniyang masamang kalooban, na anopa't hindi ninyo ako dininig:
13 Kaya't kayo'y itataboy (Z)ko (AA)sa lupain na hindi ninyo nakilala, ninyo o ng inyong mga magulang man, na mula sa lupaing ito, at doo'y mangaglilingkod kayo sa ibang mga dios araw at gabi, sapagka't hindi ako magpapakita ng kagandahang loob.
14 Kaya't, narito, ang mga araw ay (AB)dumarating, sabi ng Panginoon, na hindi na sasabihin pa, (AC)Buháy ang Panginoon, na nagahon ng angkan ni Israel mula sa lupain ng Egipto;
15 Kundi, Buháy ang Panginoon, na nagahon ng mga anak ni Israel (AD)mula sa lupain ng hilagaan, at mula sa lahat ng lupain na kinatabuyan sa kanila. At (AE)akin silang ipapasok uli sa kanilang lupain na aking ibinigay sa kanilang mga magulang.
16 Narito, ipasusundo ko ang (AF)maraming mangingisda, sabi ng Panginoon, at magsisipangisda sila; at ipasusundo ko pagkatapos ang maraming mangangaso, at sila'y magsisipangaso sa bawa't bundok, at sa bawa't burol, at sa mga (AG)bitak ng mga malaking bato.
17 Sapagka't ang aking mga mata ay nangasa lahat ng kanilang lakad, sila'y hindi nangakukubli sa aking mukha, o nangalilingid man ang kanilang kasamaan sa harap ng aking mga mata.
18 At akin munang (AH)gagantihin (AI)ng ibayo ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan, sapagka't (AJ)kanilang dinumhan ang aking lupain ng mga bangkay ng kanilang karumaldumal na mga bagay, at kanilang pinuno ang aking mana ng kanilang mga kasuklamsuklam.
19 Oh Panginoon, (AK)aking kalakasan, at aking katibayan, at aking kanlungan sa kaarawan ng pagkadalamhati, sa iyo paroroon ang mga bansa na mula sa mga hangganan ng lupa, at mangagsasabi, Ang aming mga magulang ay walang minana kundi mga kabulaanan walang kabuluhan at mga bagay na (AL)hindi mapapakinabangan.
20 Gagawa baga ang tao sa kaniyang sarili ng mga dios (AM)na hindi mga dios?
21 Kaya't, narito, ipakikilala ko sa kanila, na paminsang ipakikilala ko sa kanila ang aking kamay at ang aking kapangyarihan; at kanilang makikilala na ang (AN)aking pangalan ay (AO)Jehova.
Ang kasalanan ng Juda ay hindi mapapawi.
17 Ang kasalanan ng Juda ay nasulat ng (AP)panulat na bakal, at ng dulo ng diamante: nakintal sa kanilang puso, at sa mga (AQ)sungay ng inyong mga dambana;
2 Habang naaalaala ng kanilang mga anak ang kanilang mga dambana at ang (AR)kanilang mga Asera (AS)sa tabi ng mga sariwang puno ng kahoy sa mga mataas na burol.
3 Oh (AT)aking bundok sa parang, aking ibibigay sa pagkasamsam ang iyong mga tinatangkilik sa lahat ng iyong lupa at ang lahat ng iyong mga kayamanan, at ang iyong mga mataas na dako, dahil sa kasalanan, sa lahat ng iyong hangganan.
4 At ikaw, sa makatuwid baga'y ang iyong sarili, mawawalaan ka ng iyong mana na ibinigay ko sa iyo; at paglilingkurin (AU)kita sa iyong mga kaaway sa lupain na hindi mo nakikilala: sapagka't pinapagningas ninyo ang aking galit na magniningas magpakailan man.
Ang Panginoon lamang ang dapat na pagtiwalaan.
5 Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at (AV)ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.
6 Sapagka't siya'y magiging (AW)gaya ng kugon sa ilang, at hindi makakakita pagka ang mabuti ay dumarating, kundi tatahan sa mga tuyong dako sa ilang, (AX)lupaing maalat at hindi tinatahanan.
7 Mapalad (AY)ang tao na tumitiwala sa Panginoon, at ang pagasa ay ang Panginoon.
8 Sapagka't siya'y magiging (AZ)parang punong kahoy na itinanim sa tabi ng tubig, at naguugat sa tabi ng ilog, at hindi matatakot pagka ang init ay dumarating, kundi (BA)ang kaniyang dahon ay magiging sariwa; at hindi mababalisa sa taon ng pagkatuyu, o maglilikat man ng pagbubunga.
9 Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?
10 Akong Panginoon, ay (BB)sumisiyasat ng pagiisip, aking tinatarok ang mga puso, (BC)upang magbigay sa bawa't tao ng ayon sa kanikaniyang lakad, ayon sa bunga ng kanikaniyang mga gawain.
11 Kung paanong lumilimlim ang pugo sa mga itlog na hindi kaniya, gayon siya nagtatangkilik ng mga kayamanan, at hindi sa pamamagitan ng matuwid; (BD)sa kaniyang mga kaarawan ay (BE)iiwan niya yaon, at sa kaniyang wakas (BF)ay nagiging mangmang siya.
12 Ang maluwalhating luklukan, na naitaas mula nang pasimula, ay siyang dako ng aming santuario.
13 Oh Panginoon, na pagasa ng Israel, (BG)lahat na nagpapabaya sa iyo ay mapapahiya. Silang nagsisihiwalay sa akin ay (BH)masusulat sa lupa, sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon, (BI)na bukal ng buháy na tubig.
14 Iyong pagalingin ako, Oh Panginoon, at gagaling ako; iyong iligtas ako, at maliligtas ako: sapagka't ikaw ang aking kapurihan.
15 Narito, (BJ)kanilang sinasabi sa akin, Saan nandoon ang salita ng Panginoon? paratingin ngayon.
16 Sa ganang akin, ay (BK)hindi ako nagmadali sa pagpapakapastor sa pagsunod sa iyo; o ninasa ko man ang kaabaabang kaarawan: iyong nalalaman: ang lumabas sa aking mga labi ay nasa harap ng iyong mukha.
17 Huwag maging kakilabutan sa akin: ikaw ang aking kanlungan sa araw ng kasakunaan.
18 Mangapahiya sila sa nagsisiusig sa akin, nguni't huwag akong mapahiya; manganglupaypay sila, nguni't huwag akong manglupaypay; datnan sila ng araw ng kasakunaan, at ipahamak sila ng (BL)ibayong pagkapahamak.
Ang sabbath ay dapat na pakabanalin.
19 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa pintuang-bayan ng mga anak ng bayan, na pinapasukan, at nilalabasan ng mga (BM)hari sa Juda, at sa lahat ng pintuang-bayan ng Jerusalem;
20 At iyong sabihin sa kanila, Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga hari sa Juda, at ng buong Juda, at ng lahat na nananahan sa Jerusalem, na nagsisipasok sa pintuang-bayang ito:
21 Ganito ang sabi ng Panginoon, (BN)Mangagingat kayo sa inyong sarili, at huwag kayong mangagdala ng pasan sa araw ng sabbath, o mangagpasok man sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem;
22 Huwag din kayong maglabas ng pasan sa inyong mga bahay sa araw ng sabbath, o magsigawa man kayo ng anomang gawain: kundi inyong ipangilin ang araw ng sabbath, (BO)gaya ng iniutos ko sa inyong mga magulang.
23 Nguni't hindi nila dininig, o ikiniling man ang kanilang pakinig, kundi pinapagmatigas ang kanilang leeg, upang huwag nilang marinig, at huwag makatanggap ng turo.
24 At mangyayari, kung kayo'y mangakinig na maingat sa akin, sabi ng Panginoon, na huwag magpasok ng pasan sa mga pintuan ng bayang ito sa araw ng sabbath, kundi ipangilin ang araw ng sabbath, upang huwag gawan ng anomang gawain;
25 Kung magkagayo'y magsisipasok (BP)sa mga pintuan ng bayang ito ang mga hari at mga prinsipe na nangauupo sa luklukan ni David, na nangakakaro at nangakakabayo, sila at ang kanilang mga pangulo, ang mga lalake ng Juda, at ang mga taga Jerusalem; at ang bayang ito ay mananatili magpakailan man.
26 At sila'y manganggagaling sa (BQ)mga bayan ng Juda, at sa (BR)mga palibot ng Jerusalem, at sa lupain ng Benjamin, at sa (BS)mababang lupain, at sa mga bundok, at (BT)sa Timugan, na magdadala ng mga handog na susunugin, at ng mga hain, at ng mga alay, at ng kamangyan, at mangagdadala ng mga hain na pasalamat sa bahay ng Panginoon.
27 Nguni't kung hindi ninyo didinggin ako upang ipangilin ang araw ng sabbath, at huwag mangagdala ng pasan at pumasok sa mga pintuang-bayan ng Jerusalem sa araw ng sabbath; kung magkagayo'y (BU)magsusulsol ako ng apoy sa mga pintuang-bayan niyaon, at pupugnawin niyaon ang mga palacio sa Jerusalem, at hindi mapapatay.
2 Ikaw nga, (A)anak ko, (B)magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus.
2 At (C)ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi, (D)ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat, na makapagtuturo naman sa mga iba.
3 (E)Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na (F)gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus.
4 Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito; upang siya'y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal.
5 At kung ang sinoman ay (G)makikipaglaban naman sa mga laro, ay hindi (H)pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid.
6 Ang magsasaka na nagpapagal (I)ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga.
7 Isipin mo ang sinasabi ko; sapagka't bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay.
8 Alalahanin mo si Jesucristo na (J)muling nabuhay sa mga patay, sa binhi ni David, ayon sa aking evangelio:
9 Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan (K)sa mga tanikala, na tulad sa tampalasan; (L)nguni't ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan.
10 Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay (M)dahil sa (N)mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan.
11 (O)Tapat ang pasabi: (P)Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya:
12 (Q)Kung tayo'y mangagtiis, ay (R)mangaghahari naman tayong kasama niya: (S)kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo:
13 Kung tayo'y hindi mga tapat, (T)siya'y nananatiling tapat; sapagka't (U)hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili.
14 Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito, na sila'y pagbilinan sa paningin ng Panginoon, (V)na sila'y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan, sa ikapapahamak ng mga nakikinig.
15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios, manggagawang walang anomang ikahihiya, na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan.
16 Datapuwa't (W)ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan: sapagka't sila'y lalong magpapatuloy sa kasamaan,
17 At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena: na sa mga ito ay si (X)Himeneo at si Fileto;
18 Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay, na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na, at ginugulo ang pananampalataya ng iba.
19 Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, (Y)Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.
20 Datapuwa't sa isang malaking bahay ay (Z)hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak, kundi mayroon din namang kahoy at (AA)lupa; (AB)at ang iba'y sa ikapupuri, at ang iba'y sa ikasisirang-puri.
21 Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito, ay magiging sisidlang ikapupuri, pinakabanal, marapat gamitin ng mayari, nahahanda sa lahat ng gawang mabuti.
22 Datapuwa't layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan, at (AC)sundin mo ang kabanalan, ang pananampalataya, ang pagibig, ang kapayapaan, kasama ng mga (AD)nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis.
23 Nguni't tanggihan mo ang mga usapang (AE)walang kabuluhan at hangal, yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo.
24 At (AF)ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo, kundi maamo sa lahat, (AG)sapat na makapagturo, matiisin,
25 Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang; baka sakaling sila'y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi (AH)sa ikaaalam ng katotohanan,
26 At (AI)sila'y makawala sa silo ng diablo, na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978