Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Jeremias 12-14

Pagtawag ni Jeremias.

12 (A)Ikaw ay matuwid, Oh Panginoon, nang ako'y makipagtalo sa iyo; gayon ma'y makikipagmatuwiranan ako sa iyo: (B)bakit gumiginhawa ang lakad ng masama? bakit nangatitiwasay silang lahat na nagsisigawa ng may lubhang kataksilan?

Iyong itinanim sila, oo, sila'y nangagkaugat; nagsisitubo, oo, sila'y nangagbubunga: ikaw ay malapit sa kanilang bibig, at malayo sa kanilang mga puso.

Nguni't ikaw, Oh Panginoon, nakakakilala sa akin; iyong nakikita ako, at tinatarok mo ang aking puso: itaboy mo silang gaya ng mga tupa sa patayan, at ihanda mo sila (C)sa kaarawan ng pagpatay.

Hanggang kailan tatangis ang lupain, at matutuyo ang mga damo sa buong lupain? dahil sa kasamaan nila na nagsisitahan doon, nilipol ang mga hayop, at ang mga ibon; sapagka't kanilang sinabi, Hindi niya makikita ang ating huling kawakasan.

Ang sagot ng Panginoon.

Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad, at kanilang pinagod ka, paano ngang makikipagunahan ka sa mga kabayo? at bagaman sa lupain ng kapayapaan ay tiwasay ka, gayon ma'y paano ang gagawin mo sa (D)kapalaluan ng Jordan?

Sapagka't ang iyong mga kapatid man at ang sangbahayan ng iyong magulang, ay nagsigawa ring may kataksilan sa iyo; nagsihiyaw rin ng malakas sa hulihan mo: huwag mong paniwalaan sila, bagaman sila'y nangagsasalita ng mga mabuting salita sa iyo.

Ang hatol ng Panginoon sa Juda at sa kaniyang mga kaaway.

Aking pinabayaan ang aking bahay, aking itinakuwil (E)ang aking mana; aking ibinigay ang giliw na sinta ng aking kaluluwa sa kamay ng kaniyang mga kaaway.

Sa akin ang mana ko ay naging parang leon sa gubat: kaniyang inilakas ang kaniyang tinig laban sa akin; kaya't aking ipinagtanim siya.

Ang akin bagang mana sa akin ay naging parang mangdadagit na ibong batikbatik? ang mga mangdadagit na ibon baga ay laban sa kaniya sa palibot? kayo'y magsiyaon, inyong pagpulungin ang lahat na hayop sa parang, inyong dalhin sila rito upang magsipanakmal.

10 Sinira ng maraming (F)pastor (G)ang aking ubasan, (H)kanilang niyapakan ng paa ang aking bahagi, kanilang ginawa ang aking mahalagang bahagi na ilang na sira.

11 Kanilang ginawa, itong isang kagibaan; tumatangis sa akin, palibhasa'y sira; ang buong lupain ay nasira, sapagka't (I)walang taong gumugunita.

12 Mga manglilipol ay nagsidating sa lahat na luwal na kaitaasan sa ilang: sapagka't ang tabak ng Panginoon ay nananakmal mula sa isang dulo ng lupain hanggang sa kabilang dulo ng lupain walang taong may kapayapaan.

13 Sila'y nangaghasik ng (J)trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon laban sa lahat na masama (K)kong kapuwa, (L)na nagsisigalaw ng mana sa aking bayang Israel, Narito, akin (M)silang bubunutin sa kanilang lupain, at aking bubunutin ang sangbahayan ni Juda sa gitna nila.

15 At mangyayari, na pagkatapos na aking mabunot sila, ako'y babalik at maaawa sa kanila; (N)at aking ibabalik sila uli, bawa't tao ay sa kaniyang mana, at bawa't tao ay sa kaniyang lupain.

16 At mangyayari, kung kanilang matutuhang masikap ang mga lakad ng aking bayan, (O)ang pagsumpa sa pangalan ko, Buháy ang Panginoon; sa makatuwid baga'y gaya ng kanilang itinuro sa bayan ko na pagsumpa sa pangalan ni Baal: ay mangatatayo nga sila (P)sa gitna ng aking bayan.

17 Nguni't kung hindi nila (Q)didinggin, akin ngang bubunutin ang bansang yaon, na bubunutin at lilipulin sabi ng Panginoon.

Ang tanda ng bulok na pamigkis.

13 Ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon at bumili ka ng isang (R)pamigkis na lino, at ibigkis mo sa iyong mga bayawang at huwag mong ilubog sa tubig.

(S)Sa gayo'y bumili ako ng pamigkis ayon sa salita ng Panginoon, at inilagay ko sa aking mga bayawang.

At ang salita ng Panginoon, ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsabi,

Kunin mo ang pamigkis na iyong binili, na nasa iyong mga bayawang, at ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at ikubli mo roon sa isang bitak ng malaking bato.

Sa gayo'y yumaon ako, at ikinubli ko sa tabi ng Eufrates ayon sa iniutos sa akin ng Panginoon.

At nangyari, pagkaraan ng maraming araw, na sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay bumangon, yumaon ka sa Eufrates, at kunin mo ang pamigkis mula roon, na iniutos ko sa iyong ikubli mo roon.

Nang magkagayo'y yumaon ako sa Eufrates, at hinukay ko, at kinuha ko ang pamigkis mula sa dakong aking pinagkublihan; at, narito, ang pamigkis ay bulok, hindi mapapakinabangan sa anoman.

Nang magkagayo'y dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi.

Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayon sa paraang ito ay (T)aking sasayangin ang kapalaluan ng Juda, at ang malaking kapalaluan ng Jerusalem.

10 Ang masamang bayang ito, na ayaw makinig ng mga salita ko, na lumalakad ayon sa katigasan ng kanilang puso, at yumaong sumunod sa ibang mga Dios upang paglingkuran, at upang sambahin, ay magiging gaya ng pamigkis na ito, na hindi mapapakinabangan sa anoman.

11 Sapagka't kung paanong ang pamigkis ay kumakapit sa mga balakang ng lalake, gayon pinakapit ko sa akin ang buong sangbahayan ni Israel at ang buong sangbahayan ni Juda, sabi ng Panginoon; upang sila'y (U)maging pinakabayan sa akin, at pinakapangalan, at pinakapuri, at pinakaluwalhati: nguni't hindi nila dininig.

Ang tanda ng sisidlang balat na mapupuno.

12 Kaya't sasalitain mo sa kanila ang salitang ito. Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Bawa't sisidlang balat ay (V)mapupuno ng alak: at kanilang sasabihin sa iyo, Hindi baga namin nalalaman na ang bawa't sisidlang balat ay mapupuno ng alak?

13 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, aking pupunuin (W)ng pagkalango ang lahat na mananahan sa lupaing ito, (X)ang mga hari na nakaupo sa luklukan ni David, at ang mga saserdote at ang mga propeta, at ang lahat na nananahan sa Jerusalem.

14 At aking itutulak ang isa laban sa isa, sa makatuwid baga'y ang mga magulang at ang mga anak na magkakasama, sabi ng Panginoon: hindi ako magpapatawad, o maaawa man, o mahahabag man, na sila'y lilipulin ko.

Ibinabala ang pagkabihag.

15 Inyong dinggin, at kayo'y mangakinig; Huwag kayong mangagpalalo; sapagka't sinalita ng Panginoon.

16 Luwalhatiin ninyo ang Panginoon ninyong Dios, bago (Y)siya magpadilim, at bago matisod ang inyong mga paa sa mga madilim na bundok, at, habang kayo'y nangaghihintay ng liwanag, ay kaniyang gagawing (Z)lilim ng kamatayan, at papagsasalimuutin niya ang (AA)kadiliman.

17 Nguni't kung hindi ninyo didinggin, ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagka't ang kawan ng Panginoon ay nabihag.

18 Iyong sabihin (AB)sa hari at sa ina ng hari, Kayo'y mangagpapakababa, magsiupo kayo; sapagka't ang inyong mga kagayakan ng ulo ay nalagpak, ang putong ng inyong kaluwalhatian.

19 Ang mga bayan ng Timugan ay nasarhan, at walang mangagbukas: ang buong Juda ay nadalang bihag; buong nadalang bihag.

20 Inyong itanaw ang inyong mga mata, at inyong masdan sila (AC)na nanganggagaling sa hilagaan: saan nandoon ang kawan na nabigay sa iyo, ang iyong magandang kawan?

21 Ano ang iyong sasabihin pagka kaniyang inilagay ang iyong mga kaibigan na pinakapangulo mo, na wari iyong tinuruan sila laban sa iyo? (AD)hindi baga mamamanglaw ka, ng parang isang babae na nagdaramdam?

22 At kung iyong sabihin sa puso, (AE)Bakit ang mga bagay na ito ay dumating sa akin? dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan ay (AF)nalilis ang iyong mga laylayan, at iyong mga sakong ay nagtiis ng karahasan.

23 Makapagbabago baga ang Etiope ng kaniyang balat, o ang leopardo ng kaniyang batik? (AG)kung magkagayo'y mangakagagawa naman kayo ng mabuti, na mga bihasang gumawa ng masama.

24 Kaya't aking pangangalatin sila, (AH)gaya ng dayami na dumaraan, sa pamamagitan ng hangin sa ilang.

25 Ito ang iyong kapalaran, ang bahaging sukat sa iyo na mula sa akin, sabi ng Panginoon; sapagka't iyong nilimot ako, at tumiwala ka sa kabulaanan.

26 Kaya't akin namang ililihis ang iyong mga laylayan sa harap ng iyong mukha, at ang (AI)iyong kahihiyan ay malilitaw.

27 Aking nakita ang iyong mga kasuklamsuklam na gawa, sa makatuwid baga'y ang iyong mga pangangalunya, at (AJ)ang iyong mga paghalinghing, ang kahalayan ng iyong pakikiapid, (AK)sa mga burol sa parang. Sa aba mo, Oh Jerusalem! (AL)ikaw ay hindi malilinis; hanggang kailan pa magkakaganyan?

Ang pagkatuyo, at ang panalangin sa paghingi ng awa.

14 Ang salita ng Panginoon na dumating kay Jeremias tungkol sa pagkakatuyo.

Ang Juda ay tumatangis, at ang mga pintuang-bayan (AM)niya ay nagsisihapay, mga bagsak na (AN)nangingitim sa lupa; at ang daing ng Jerusalem ay umilanglang.

At sinugo ng mga mahal na tao ang kanilang mga bata sa tubig: sila'y nagsisiparoon sa mga balon, at hindi nangakasumpong ng tubig; sila'y nagsisibalik na may mga sisidlang walang laman; sila'y nangapapahiya at (AO)nangalilito, at nangagtatakip ng kanilang mga ulo.

Dahil sa lupa na pumuputok, palibhasa't (AP)hindi nagkaroon ng ulan sa lupain, ang mga mangbubukid ay nangapahiya, kanilang tinatakpan ang kanilang mga ulo.

Oo, ang usa sa parang naman ay nanganganak, at pinababayaan ang anak, sapagka't walang damo.

At (AQ)ang mga mailap na asno ay nagsisitayo sa mga luwal na kaitaasan, sila'y humihingal na parang mga chakal; sila ay nangangalumata, sapagka't walang pastulan.

Bagaman ang aming mga kasamaan ay sumasaksi laban sa amin, gumawa ka (AR)alangalang sa iyong pangalan, Oh Panginoon; sapagka't ang aming mga pagtalikod ay marami; kami ay nangagkasala laban sa iyo.

Oh ikaw na pagasa ng Israel, na (AS)Tagapagligtas sa kaniya sa panahon ng kabagabagan, bakit ka magiging parang nakikipamayan sa lupain, at parang gala na lumiliko na nagpaparaan ng gabi?

Bakit ka magiging parang taong natigilan, parang makapangyarihan (AT)na hindi makapagligtas? gayon man (AU)ikaw, Oh Panginoon, ay nasa gitna namin, at kami ay tinatawag sa iyong pangalan; (AV)huwag mo kaming iwan.

Sinasabi ng Panginoon na ang pamamagitan ay walang kabuluhan.

10 Ganito ang sabi ng Panginoon sa bayang ito, Yamang kanilang inibig ang paglaboy; hindi nila pinigil ang kanilang mga paa: kaya't hindi sila tinatanggap ng Panginoon; ngayo'y aalalahanin niya ang kanilang kasamaan, at dadalawin ang kanilang mga kasalanan.

11 At sinabi ng Panginoon sa akin, (AW)Huwag mong idalangin ang bayang ito sa kanilang ikabubuti.

12 (AX)Pagka sila'y nangagaayuno, (AY)hindi ko didinggin ang kanilang daing; at (AZ)pagka sila'y nangaghahandog ng handog na susunugin at ng alay, hindi ko tatanggapin; kundi aking lilipulin (BA)sila ng tabak, at ng kagutom, at ng salot.

13 (BB)Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, sinasabi ng mga propeta sa kanila, Kayo'y hindi makakakita ng tabak, o magkakaroon man kayo ng kagutom; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito.

14 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Ang mga propeta ay nanghuhula (BC)ng kasinungalingan sa aking pangalan; hindi ko sila sinugo, o inutusan ko man sila, o nagsalita man ako sa kanila: sila'y nanganghuhula sa iyo ng sinungaling na pangitain, at (BD)ng panghuhula, at ng bagay na wala, at ng daya ng kanilang sariling puso.

15 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nanghuhula sa aking pangalan, at hindi ko sila sinugo, na gayon ma'y (BE)nagsasabi sila, Tabak at kagutom ay hindi sasapit sa lupaing ito: (BF)Sa pamamagitan ng tabak at ng kagutom ay malilipol ang mga propetang yaon.

16 At ang bayan na kanilang pinanghuhulaan ay ihahagis sa mga lansangan ng Jerusalem dahil sa kagutom at sa tabak; (BG)at walang maglilibing sa kanila—sa kanila, sa kanilang mga asawa, o sa kanilang mga anak na lalake man, o babae man: sapagka't aking ibubuhos sa kanila ang kanilang kasamaan.

17 At iyong sasabihin ang salitang ito sa kanila, Daluyan ang aking mga mata ng mga luha gabi at araw, at huwag maglikat; sapagka't ang (BH)anak na dalaga ng aking bayan ay nasira ng malaking pagkasira, na may totoong mabigat na sugat.

18 Kung ako'y lumabas (BI)sa parang, narito, ang mga pinatay ng tabak! at kung ako'y pumasok sa bayan, narito, sila na mga may sakit ng pagkagutom! sapagka't ang propeta (BJ)at gayon din ang saserdote ay lumilibot sa lupain at walang kaalaman.

19 Iyo bagang lubos na itinakuwil ang Juda? kinapootan baga ng iyong kaluluwa ang Sion? bakit mo sinaktan kami, at walang kagalingan sa amin? Kami ay nangaghihintay ng kapayapaan, nguni't walang kabutihang dumating; at ng panahon ng kagalingan, at, narito, panglulupaypay!

20 Aming kinikilala, Oh Panginoon, ang aming kasamaan, at ang kasamaan ng aming mga magulang; (BK)sapagka't kami ay nangagkasala laban sa iyo.

21 Huwag mo kaming kayamutan, (BL)alangalang sa iyong pangalan; huwag mong hamakin ang luklukan ng iyong kaluwalhatian: (BM)iyong alalahanin, huwag mong sirain ang iyong tipan sa amin.

22 Mayroon bagang sinoman (BN)sa gitna ng mga walang kabuluhan ng mga bansa na makapagpapaulan? o makapagpapaambon baga ang mga langit? (BO)Hindi baga ikaw ay siya, Oh Panginoon naming Dios? kaya't kami ay mangaghihintay sa iyo; sapagka't iyong ginawa ang lahat na bagay na ito.

2 Timoteo 1

Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus (A)sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa (B)pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus,

(C)Kay Timoteo na (D)aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Nagpapasalamat ako sa Dios, na (E)mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing (F)malinis, (G)na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw

Na kinasasabikan kong makita kita, (H)na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan;

Na inaalaala ko (I)ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay (J)Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.

Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo (K)na paningasin mo ang kaloob ng Dios, (L)na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay.

Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; (M)kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng (N)kahusayan.

(O)Huwag mo ngang ikahiya (P)ang pagpapatotoo sa ating Panginoon, ni ako na bilanggo niya: (Q)kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios;

Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay (R)tumawag ng isang banal na (S)pagtawag, (T)hindi ayon sa ating mga gawa, kundi (U)ayon sa kaniyang sariling akala at (V)biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus (W)buhat pa ng mga panahong walang hanggan.

10 Nguni't (X)ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus, (Y)na siyang nagalis ng kamatayan, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio,

11 Na sa bagay na ito ay ako'y itinalaga na (Z)tagapangaral, at apostol at guro.

12 Dahil dito'y nagtiis (AA)din ako ng mga bagay na ito: gayon ma'y (AB)hindi ako nahihiya; (AC)sapagka't nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang siya'y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya (AD)hanggang sa araw na yaon.

13 Ingatan mo (AE)ang mga ulirang mga salitang (AF)magagaling (AG)na narinig mo sa akin, (AH)sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus.

14 Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo (AI)na nananahan sa atin.

15 Ito'y nalalaman mo, na (AJ)nagsihiwalay sa akin ang lahat ng nangasa Asia; na sa mga yaon ay si Figello at si Hermogenes.

16 Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan (AK)ni Onesiforo: sapagka't madalas niya akong pinaginhawa, at hindi ikinahiya ang (AL)aking tanikala;

17 Kundi, nang siya'y nasa Roma, ay hinanap niya ako ng buong sikap, at ako'y nasumpungan niya.

18 (Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon (AM)sa araw na yaon); at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978