Old/New Testament
Kaniyang sinugo si Ciro upang maging tagapagligtas ng mga nasa pagkakabihag.
45 Ganito ang sabi ng Panginoon sa (A)kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, (B)upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;
2 Ako'y magpapauna sa iyo, (C)at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: (D)aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:
3 At ibibigay ko sa iyo ang mga (E)kayamanang nasa kadiliman, at ang mga natatagong kayamanan sa mga lihim na dako, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon (F)na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga'y ang (G)Dios ng Israel.
4 Dahil sa Jacob na (H)aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking (I)pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.
5 Ako ang Panginoon, (J)at walang iba; liban sa akin ay walang Dios. Aking bibigkisan ka, bagaman hindi mo ako nakilala,
6 Upang kanilang maalaman (K)mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin: ako ang Panginoon, at walang iba.
7 Aking inilalagay ang liwanag, at nililikha ko ang kadiliman; ako'y gumagawa ng kapayapaan, at (L)lumilikha ako ng kasamaan; ako ang Panginoon, na gumagawa ng lahat na bagay na ito.
8 Maghulog, oh kayong mga langit mula sa itaas, at ang alapaap ay pumatak ng katuwiran: bumuka ang lupa, upang maglabas siya ng kaligtasan, at ang katuwiran ay lumabas na kasama niyaon; akong Panginoon ang lumikha.
9 Sa aba niya, na nakikipagpunyagi sa May-lalang sa kaniya! isang bibinga sa gitna ng mga bibinga sa lupa! (M)Magsasabi baga ang putik sa nagbibigay anyo sa kaniya, Anong ginagawa mo? o ang iyong gawa, Siya'y walang mga kamay?
10 Sa aba niya na nagsasabi sa ama, Ano ang naging anak mo? o sa babae, Ano ang ipinagdamdam mo?
11 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Banal ng Israel, at ng May-lalang sa kaniya, Magtanong ka sa akin tungkol sa mga bagay na darating; tungkol (N)sa aking mga anak, at tungkol (O)sa gawa ng aking mga kamay, magutos kayo sa akin.
12 Aking ginawa ang lupa, at (P)nilalang ko ang tao rito: ako, sa makatuwid baga'y ang aking mga kamay, nagladlad ng langit, at (Q)sa lahat ng natatanaw roon ay nagutos ako.
13 Aking ibinangon (R)siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; (S)kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, (T)hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Ang Panginoon lamang ang tagapagligtas.
14 Ganito ang sabi ng Panginoon, (U)Ang yari ng Egipto, at ang kalakal ng Etiopia, at ang mga Sabeo, sa mga taong matatangkad, ay magsisiparito sa iyo, at sila'y magiging iyo; sila'y magsisisunod sa iyo, sila'y (V)magsisidaang may tanikala; at sila'y mangagpapatirapa sa iyo, sila'y magsisipamanhik sa iyo, na mangagsasabi, (W)Tunay na ang Dios ay nasa iyo; at (X)walang ibang Dios.
15 Katotohanang ikaw ay Dios (Y)na nagkukubli, Oh Dios ng Israel, na Tagapagligtas.
16 Sila'y mangapapahiya, oo, mangalilito silang lahat; sila'y magsisipasok sa pagkalito na magkakasama na mga manggagawa ng mga diosdiosan.
17 Nguni't ang Israel ay ililigtas ng Panginoon ng walang hanggang kaligtasan: kayo'y hindi mangapapahiya o mangalilito man magpakailan man.
18 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon (Z)na lumikha ng langit, na siyang Dios na nag-anyo sa lupa at gumawa niyaon, na kaniyang itinatag, at hindi niya nilikha na sira, na kaniyang inanyuan upang tahanan: ako ang Panginoon; at wala nang iba.
19 Ako'y hindi nagsalita (AA)ng lihim, sa dako ng lupain ng kadiliman; hindi ako nagsabi sa lahi ni Jacob, Hanapin ninyo ako ng walang kabuluhan: (AB)akong Panginoon ay nagsasalita ng katuwiran, (AC)ako'y nagpapahayag ng mga bagay na matuwid.
20 Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong (AD)magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: (AE)sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at (AF)nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas.
21 Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at (AG)walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at (AH)Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.
22 Kayo'y magsitingin sa akin, (AI)at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin.
23 (AJ)Ako'y sumumpa ng aking sarili, ang salita ay nakabitaw sa aking bibig sa katuwiran, at hindi babalik, (AK)na sa akin ay luluhod ang bawa't tuhod, (AL)bawa't dila ay susumpa.
24 Sa Panginoon lamang, sasabihin ng isa tungkol sa akin, ang katuwiran at kalakasan: sa makatuwid baga'y sa kaniya magsisiparoon ang mga tao, at ang lahat na nagiinit laban sa kaniya ay mangapapahiya.
25 Sa Panginoon ay aariing ganap ang buong lahi ng Israel, at luluwalhati.
Pinagparis ang idolo ng Babilonia at ang Panginoon ng Israel.
46 Si Bel ay nagpapatirapa, sa Nebo ay (AM)yumuyukod; ang kanilang mga diosdiosan ay pasan sa ibabaw ng mga hayop, at sa ibabaw ng mga baka: ang mga bagay na inyong daladalang inilibot ay mabigat na pasan sa pagod na hayop.
2 Sila'y yumuyukod, sila'y nangagpapatirapang magkakasama; hindi nila maiwasan ang pasan, kundi sila ma'y napapasok sa pagkabihag.
3 Inyong dinggin ako, Oh sangbahayan ni Jacob, at (AN)lahat na nalabi sa sangbahayan ni Israel, (AO)na kinalong ko mula sa tiyan, na dala mula sa bahay-bata:
4 At hanggang sa katandaan ay (AP)ako nga, at hanggang sa magka uban ay dadalhin kita; aking ginawa, at aking dadalhin; oo, aking dadalhin, at aking ililigtas.
5 Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?
6 Sila'y dumudukot ng maraming ginto sa supot, (AQ)at tumitimbang ng pilak sa timbangan, sila'y nagsisiupa ng panday-ginto, at kaniyang ginagawang dios; (AR)sila'y nangagpapatirapa, oo, sila'y nagsisisamba.
7 Pinapasan nila siya sa balikat, (AS)dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya'y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: (AT)oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma'y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan.
8 Inyong alalahanin ito, at (AU)mangagpakalalake kayo: isaisip ninyo uli, Oh ninyong mga mananalangsang.
9 Inyong alalahanin ang mga (AV)dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, (AW)at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;
10 (AX)Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, (AY)Ang payo ko ay mananayo, (AZ)at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:
11 Na tumatawag ng ibong mangdadagit (BA)mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, (BB)aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.
12 Inyong dinggin ako, ninyong may mapagmatigas na loob; na malayo sa katuwiran:
13 Aking inilalapit ang (BC)aking katuwiran, hindi maglalaon at ang aking pagliligtas ay (BD)hindi magluluwat: at aking ilalagay ang (BE)kaligtasan sa Sion na ukol sa Israel na aking kaluwalhatian.
3 Kaya't nang hindi na kami mangakatiis, ay (A)minagaling naming maiwang nangagiisa sa Atenas;
2 At aming sinugo si (B)Timoteo, na aming kapatid at ministro ng Dios sa evangelio ni Cristo, (C)upang kayo'y kaniyang patibayin at aliwin, tungkol sa inyong pananampalataya;
3 Upang ang sinoma'y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito; sapagka't kayo rin ang nangakaaalam (D)na itinalaga kami sa bagay na ito.
4 Sapagka't sa katotohanan, nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng kapighatian; gaya nga na (E)nangyari, at nalalaman ninyo.
5 Dahil dito naman, nang hindi ko na matiis pa, ako'y nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya, baka sa anomang paraan kayo'y nangatukso ng manunukso, at ang (F)aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan.
6 Datapuwa't nang si Timoteo ay (G)dumating sa amin ngayon na buhat sa inyo, at nagdala sa amin ng mabubuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pagibig, at laging kami'y inaalaalang mabuti ninyo, na ninanasang makita kami na gaya naman namin sa inyo;
7 Dahil dito'y nangaaliw kami, mga kapatid, tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian:
8 Sapagka't ngayon ay nangabubuhay kami, kung kayo'y (H)nangamamalaging matibay sa Panginoon.
9 (I)Sapagka't ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo, dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios;
10 Gabi't araw ay (J)idinadalangin naming buong ningas (K)na aming makita ang inyong mukha, at (L)aming malubos ang inyong pananampalataya.
11 Ngayo'y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama, at ng ating Panginoong Jesus, ang aming paglalakbay sa inyo:
12 At (M)kayo'y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa't isa, at sa lahat ng mga tao, na gaya naman ng amin sa inyo;
13 Upang (N)patibayin niya ang inyong mga puso, na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, (O)sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na (P)kasama ang kaniyang lahat na mga banal.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978