Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 28-29

Ang Jerusalem ay hinatulang magiba ng Panginoon.

28 Sa aba (A)ng putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim, at (B)ng lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis nila na nadaig ng alak!

Narito, ang Panginoon ay may isang makapangyarihan at malakas na sugo (C)parang bagyo ng granizo, na manggigibang bagyo, parang unos ng bumubugsong tubig na bumabaha, ay ibubuwal niya sa lupa sa pamamagitan ng malakas na kamay.

Ang putong ng kapalaluan ng mga manglalasing sa Ephraim ay mayayapakan ng paa:

At ang lipas na bulaklak ng kaniyang maluwalhating kagandahan, na nasa ulunan ng mainam na libis, magiging gaya ng maagang hinog na bunga ng igos bago magtaginit; na kung nakikita ng tumitingin, samantalang na sa kaniyang kamay pa, kinakain na niya.

Sa araw na yaon ay magiging putong ng kaluwalhatian ang Panginoon ng mga hukbo, at pinakadiadema ng kagandahan, sa nalabi sa kaniyang bayan;

At pinaka diwa ng kahatulan sa kaniya na nauupo sa kahatulan, at pinakalakas sa kanila na umuurong sa pakikipagbaka (D)hanggang sa pintuang-daan.

Gayon man ang mga ito ay (E)gumigiray dahil sa alak, at (F)dahil sa matapang na alak ay pahapayhapay; (G)ang saserdote at ang propeta ay gumigiray dahil sa matapang na alak, sila'y nangasakmal ng alak, sila'y pahapayhapay dahil sa matapang na alak: sila'y nangamamali sa pangitain, sila'y nangatitisod sa paghatol.

Sapagka't lahat ng mga dulang ay puno ng suka, at ng karumihan, na anopa't walang dakong malinis.

Kanino siya magtuturo ng kaalaman? (H)at kanino niya ipatatalastas ang balita? silang nangalayo sa gatas, at nangahiwalay sa suso?

10 Sapagka't utos at utos: utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti.

11 Hindi, kundi (I)sa pamamagitan ng mga taong may ibang pangungusap at may iba't ibang wika ay sasalitain niya sa bayang ito.

12 Na kaniyang pinagsabihan, Ito ang kapahingahan, papagpahingahin ninyo siya na pagod; at ito ang kaginhawahan: gayon ma'y hindi nila pinakinggan.

13 Kaya't ang salita ng Panginoon ay magiging sa kanila'y utos at utos, utos at utos; bilin at bilin, bilin at bilin; dito'y kaunti, doo'y kaunti; upang sila'y mangakayaon, at mangapahinga, at mangabalian, at mangasilo, at mangahuli.

14 Kaya't iyong dinggin ang salita ng Panginoon, ninyong mga (J)mangduduwahaging tao, na nangagpupuno sa bayang ito na nasa Jerusalem:

15 Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo,

16 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (K)Narito, aking inilalagay sa Sion na pinakapatibayan ang (L)isang bato, isang batong subok, isang mahalagang batong panulok na may matibay (M)na patibayan: (N)ang naniniwala ay hindi magmamadali.

17 (O)At aking ilalagay na pinakapising panukat ang katuwiran, at pinakapabato ang kabanalan: at papalisin ng granizo ang kanlungan ng mga kabulaanan, at aapawan ng tubig ang taguang dako.

18 At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan, at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay daraan, kayo nga'y ipapahamak niyaon.

19 Sa tuwing dadaan, tatangayin kayo; sapagka't tuwing umaga ay daraan, sa araw at sa gabi: at mangyayari na ang balita ay magiging kakilakilabot na matalastas.

20 Sapagka't ang higaan ay lalong maikli na hindi maunatan ng tao; at ang kumot ay lalong makitid na hindi makabalot sa kaniya.

21 Sapagka't ang Panginoon ay babangon na gaya sa bundok ng (P)Perasim, siya'y napopoot na gaya sa libis ng (Q)Gabaon; upang kaniyang magawa ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain, at papangyarihin ang kaniyang gawain, ang kaniyang kakaibang gawain.

22 Huwag nga kayong mapagtuya, baka ang mga panali sa inyo ay magsitibay: sapagka't (R)ang paglipol na ipinasiya, narinig ko sa Panginoon, sa Panginoon ng mga hukbo, sa buong lupa.

23 Pakinggan ninyo, at dinggin ninyo ang aking tinig, inyong dinggin, at pakinggan ang aking pananalita.

24 Nag-aararo bagang lagi ang mang-aararo upang maghasik? (S)Kaniya bagang laging binubungkal at dinudurog ang kaniyang lupa.

25 Pagka kaniyang napatag ang ibabaw niyaon hindi ba niya binibinhian ng eneldo, at ikinakalat ang binhing comino, at inihahanay ang trigo, at ang cebada sa takdang dako, at (T)ang espelta sa hangganan niyaon?

26 Sapagka't itinuturong matuwid sa kaniya ng kaniyang Dios, at itinuturo sa kaniya:

27 Sapagka't ang eneldo ay hindi ginigiik ng panggiik na matalas, o ang gulong man ng karo ay gugulong sa comino; kundi ang eneldo ay hinahampas ng tungkod, at ang comino ay ng pamalo.

28 Ang trigong ginagawang tinapay ay ginigiling; sapagka't hindi laging magigiik: at bagaman pangalatin yaon ng gulong ng kaniyang karo at ng kaniyang mga kabayo, hindi niya ginigiling.

29 Gayon ma'y ito'y mula rin sa Panginoon ng mga hukbo, (U)na kamanghamangha sa payo, at marilag sa karunungan.

Ang pagkabulag at pagpapaimbabaw ay tinuligsa.

29 Hoy (V)Ariel, Ariel, na (W)bayang hinantungan ni David! magdagdag kayo ng taon sa taon; magdiwang sila ng mga kapistahan:

Akin ngang pahihirapan ang Ariel, at magsisitangis at mananaghoy: at siya'y magiging gaya ng Ariel sa akin.

At ako'y magtatayo ng kampamento laban sa iyo sa palibot, at kukubkubin kita ng mga kuta, at ako'y magbabangon ng mga pangkubkob laban sa iyo.

At ikaw ay mabababa, at magsasalita mula sa lupa, at ang iyong salita ay magiging mababa na mula sa alabok: at ang iyong tinig ay magiging gaya ng isang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, mula sa lupa, at (X)ang iyong pananalita ay bubulong mula sa alabok.

Nguni't ang karamihan ng iyong mga (Y)kaaway ay magiging gaya ng munting alabok, at ang karamihan ng mga kakilakilabot ay (Z)gaya ng ipang inililipad ng hangin: oo, magiging sa (AA)biglang sandali.

Siya'y dadalawin ng Panginoon ng mga hukbo sa pamamagitan ng kulog, at ng lindol, at ng malaking kaingay, ng ipoipo at bagyo, at ng liyab ng mamumugnaw na apoy.

At (AB)ang karamihan ng lahat na bansa na nagsisilaban sa Ariel, lahat na nagsisilaban sa kaniya at sa kaniyang kuta, at ang nagpapahirap sa kaniya, ay magiging (AC)gaya ng panaginip na isang pangitain sa gabi.

At (AD)mangyayari, na gaya ng kung ang isang gutom ay nananaginip, at, narito, siya'y kumakain; nguni't siya'y nagigising, at ang kaniyang kaluluwa ay walang anoman: o gaya ng kung ang isang uhaw ay nananaginip, at, narito, siya'y umiinom; nguni't siya'y nagigising, at, narito, siya'y malata, at ang kaniyang kaluluwa ay uhaw: gayon ang mangyayari sa karamihan ng lahat na bansa, na nagsisilaban sa bundok ng Sion.

Kayo'y mangatigilan at manganggilalas; kayo'y mangalugod at mangabulag: (AE)sila'y lango, (AF)nguni't hindi sa alak; sila'y gumigiray, nguni't hindi sa matapang na alak.

10 Sapagka't inihulog ng (AG)Panginoon sa inyo ang diwa ng mahimbing na pagkakatulog, at (AH)ipinikit ang inyong mga mata, na mga propeta; at ang iyong mga pangulo, na mga tagakita, ay kaniyang tinakpan.

11 (AI)At ang lahat ng pangitain ay naging sa inyo'y gaya ng mga salita ng aklat na (AJ)natatatakan, na ibinibigay ng mga tao sa isang marunong bumasa, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Hindi ko mababasa, sapagka't (AK)natatatakan;

12 At ang aklat ay nabigay sa kaniya na hindi marunong, na sinasabi, Iyong basahin ito, isinasamo ko sa iyo: at kaniyang sinasabi, Ako'y hindi marunong bumasa.

13 At sinabi ng Panginoon, (AL)Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin, at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni't inilayo ang kanilang puso sa akin, at ang kanilang takot sa akin ay (AM)utos ng mga tao na itinuro sa kanila:

14 Dahil dito narito, pasisimulan kong gawin ang isang kagilagilalas na gawa sa gitna ng bayang ito, isang kagilagilalas na gawa at kamanghamangha: at ang karunungan ng kanilang mga pantas ay (AN)mapapawi, at ang unawa ng kanilang mga mabait ay malilingid.

15 Sa aba nila, (AO)na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo, at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman, at kanilang sinasabi, Sinong nakakakita sa atin? at sinong nakakakilala sa atin?

16 Kayo'y nangagbabaligtad ng mga bagay! Maibibilang bagang putik ang magpapalyok; upang sabihin ng (AP)bagay na yari sa may-gawa sa kaniya, Hindi niya ginawa ako; o sabihin ng bagay na may anyo tungkol sa naganyo, Siya'y walang unawa?

Ang Israel ay nalalapit sa pagbabago.

17 Hindi baga sangdaling-sangdali na lamang, at ang (AQ)Libano ay magiging mainam na bukid, at (AR)ang mainam na bukid ay magiging pinakagubat?

18 At (AS)sa araw na yaon ay makikinig ang pipi ng mga salita ng aklat, at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa kalabuan at sa kadiliman.

19 At mananagana naman sa kanilang kagalakan sa Panginoon, ang (AT)maamo, at ang dukha sa gitna ng mga tao ay magagalak sa Banal ng Israel.

20 (AU)Sapagka't ang kakilakilabot ay nauwi sa wala, at (AV)ang mangduduwahagi ay naglilikat, at ang lahat na nagbabanta ng kasamaan ay nangahiwalay:

21 Yaong nakapagkasala sa tao sa isang usapin, at naglalagay ng silo (AW)doon sa sumasaway sa pintuang-bayan, at nagliligaw sa ganap na tao sa pamamagitan ng walang kabuluhan.

22 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, na siyang tumubos kay Abraham, tungkol sa sangbahayan ni Jacob, Si Jacob nga ay hindi mapapahiya o mamumula pa man ang kaniyang mukha.

23 Nguni't pagka kaniyang nakikita ang kaniyang mga anak, (AX)ang gawa ng aking mga kamay, sa gitna niya, ay (AY)kanilang aariing banal ang aking pangalan; oo, kanilang aariing banal ang Banal ni Jacob, at magsisitayong may takot sa (AZ)Dios ng Israel.

24 Sila namang nangamamali sa diwa ay darating sa pagkaunawa, at silang mga mapag-upasala ay mangatututo ng aral.

Filipos 3

Sa katapustapusan, mga kapatid ko, (A)mangagalak kayo sa Panginoon. Ang pagsulat ko nga sa inyo ng mga gayon ding bagay, sa akin ay tunay na hindi nakangangalay, nguni't sa inyo'y katiwasayan.

Magsipagingat kayo sa mga aso, (B)magsipagingat kayo sa masasamang manggagawa, (C)magsipagingat kayo sa mga sa pagtutuli:

Sapagka't tayo (D)ang pagtutuli, (E)na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios, at nangagmamapuri kay Cristo Jesus, at walang anomang pagkakatiwala sa laman:

Bagama't ako'y makapagkakatiwala sa laman: na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman, ay lalo na ako:

Na tinuli ng ikawalong araw, (F)mula sa lahi ng Israel, (G)mula sa angkan ni Benjamin, Hebreo sa mga Hebreo; tungkol sa kautusan, ay (H)Fariseo;

Tungkol (I)sa pagsisikap, (J)ay manguusig sa iglesia; (K)tungkol sa kabanalan na nasa kautusan, ay walang kapintasan.

Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo.

Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan (L)dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo,

At ako'y masumpungan sa kaniya, na walang katuwirang (M)aking sarili, sa makatuwid baga'y sa kautusan, kundi (N)ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya:

10 Upang makilala ko siya, at (O)ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at (P)ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan, na ako'y natutulad sa kaniyang pagkamatay;

11 Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay.

12 Hindi sa ako'y (Q)nagtamo na, o ako'y nalubos na: kundi nagpapatuloy ako, baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus.

13 Mga kapatid, hindi ko pa inaaring inabot: datapuwa't isang bagay ang ginagawa ko, (R)na nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at (S)tinutungo ang mga bagay na hinaharap,

14 Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala (T)ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus.

15 Kaya nga, kung ilan tayong (U)mga sakdal, ay magisip ng gayon: at kung sa anoma'y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios:

16 (V)Lamang, ay magsilakad tayo (W)ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na.

17 Mga kapatid, (X)kayo'y mangagkaisang tumulad sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon, ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin.

18 Sapagka't marami ang mga nagsisilakad, na siyang madalas na aking sinabi sa inyo, at ngayo'y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak, na sila ang mga (Y)kaaway ng krus ni Cristo:

19 (Z)Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, (AA)na ang kanilang dios ay ang tiyan, (AB)at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na (AC)nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa.

20 Sapagka't ang ating pagkamamamayan (AD)ay nasa langit; mula doon ay (AE)hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesucristo:

21 Na (AF)siyang magbabago (AG)ng katawan ng ating pagkamababa, (AH)upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian, (AI)ayon sa paggawa na (AJ)maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978