Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 43-44

Ang Panginoon lamang ang makapagliligtas.

43 Nguni't ngayo'y ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, Oh Jacob, at naganyo sa iyo, Oh Israel, Ikaw ay huwag matakot, (A)sapagka't tinubos kita; tinawag (B)kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.

Pagka ikaw ay dumaraan (C)sa tubig, (D)ako'y sasaiyo; at sa mga ilog ay hindi ka tatakpan niyaon: pagka ikaw ay lumalakad (E)sa apoy, hindi ka masusunog; o magniningas man ang alab sa iyo.

Sapagka't ako ang Panginoon mong Dios, ang Banal ng Israel, ang Tagapagligtas (F)sa iyo; aking ibinigay na pinakatubos sa iyo ang (G)Egipto, ang Etiopia at ang Seba.

Yamang ikaw ay naging mahalaga sa aking paningin, at kagalanggalang, at aking inibig ka; kaya't magbibigay ako ng mga tao na pinakatubos sa iyo, at ng mga bayan na pinakatubos sa iyong buhay.

Huwag kang matakot, (H)sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi (I)mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran;

Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;

Bawa't (J)tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay (K)sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.

Iyong ilabas ang bulag na bayan (L)na may mga mata, at ang bingi may mga tainga.

Mapisan ang lahat na bansa, at magpulong ang mga bayan: (M)sino sa gitna nila ang makapagpapahayag nito, at makapagpapakita sa amin ng mga dating bagay? dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila'y mapatotohanan: o dinggin nila, at magsabi, Katotohanan nga.

10 (N)Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, (O)at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; (P)walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.

11 Ako, sa makatuwid baga'y (Q)ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.

12 Ako'y nagpahayag, at ako'y nagligtas, at ako'y nagpakilala, at walang (R)ibang dios sa gitna ninyo: kaya't kayo ang aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at ako ang Dios.

13 (S)Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?

Tagapagligtas mula sa Babilonia.

14 Ganito ang sabi ng Panginoon, na inyong (T)Manunubos, na Banal ng Israel, Dahil sa inyo ay nagsugo ako sa Babilonia, at aking ibababa silang lahat na parang mga palaboy, sa makatuwid baga'y ang mga Caldeo, sa mga sasakyang dagat ng kaniyang kagalakan.

15 Ako ang Panginoon, na inyong Banal, ang Maylalang ng Israel, na inyong Hari.

16 Ganito ang sabi ng Panginoon, na (U)gumagawa ng daan sa dagat, ng landas sa mga malawak na tubig;

17 (V)Na pinalabas ang karo at kabayo, ang hukbo at ang kapangyarihan (sila'y nangahihigang magkakasama, sila'y hindi na magsisibangon; sila'y nangamamatay na parang timsim):

18 Huwag ninyong alalahanin (W)ang mga dating bagay, o bulayin man ang mga bagay ng una.

19 Narito, ako'y gagawa ng bagong bagay; ngayon yao'y lalabas; hindi baga ninyo malalaman yaon? gagawa rin ako ng daan sa lupang masukal, at (X)mga ilog sa ilang.

20 Pararangalan ako ng mga hayop sa parang, ng mga chakal at ng mga avestruz: sapagka't ako'y nagbibigay ng tubig sa lupaing masukal, at ng mga ilog sa ilang, upang painumin ang aking bayan, na aking pinili,

21 Ang bayan, na aking inanyuan para sa aking sarili, upang kanilang maihayag ang aking kapurihan.

22 Gayon ma'y hindi ka tumawag sa akin, Oh Jacob; kundi ikaw ay nayamot (Y)sa akin, Oh Israel.

23 Hindi mo dinala sa akin (Z)ang mga tupa't kambing na iyong mga pinakahandog na susunugin; o pinarangalan mo man ako ng iyong mga hain. Hindi kita pinapaglingkod ng mga handog, o niyamot man kita ng kamangyan.

24 Hindi mo ako ibinili ng mabangong kalamo sa halaga ng salapi, o binusog mo man ako ng taba ng iyong mga hain: kundi pinapaglingkod mo ako ng iyong mga kasalanan, iyong niyamot (AA)ako ng iyong mga kasamaan.

Ang pagpapatawad ng Panginoon.

25 Ako, (AB)ako nga ay siyang pumapawi ng iyong mga pagsalangsang alang-alang sa akin; at hindi ko aalalahanin ang iyong mga kasalanan.

26 Ipaalaala mo ako; tayo'y kapuwa magkatuwiranan: ilabas mo ang iyong usap, upang ikaw ay mapatotohanan.

27 Ang iyong pangunang ama ay nagkasala, at ang iyong mga tagapagpaaninaw ay nagsisalangsang laban sa akin.

28 Kaya't (AC)aking dudumhan ang mga pangulo ng santuario, at gagawin kong sumpa ang Jacob, at isang kadustaan ang Israel.

Ang Panginoon lamang ang iisang Dios.

44 Gayon ma'y dinggin mo ngayon, Oh (AD)Jacob na aking lingkod, at Israel, na aking pinili:

Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo (AE)sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; (AF)Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw (AG)Jeshurun, na aking pinili.

Sapagka't (AH)ipagbubuhos ko ng tubig siya na uhaw, at ng mga bukal ang tuyong lupa; aking ibubuhos ang aking Espiritu sa iyong lahi, at ang aking pagpapala sa iyong suwi:

At sila'y sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga sauce sa tabi ng mga batis.

Sasabihin ng isa, Ako'y sa Panginoon; at magpapangalan ang iba ng pangalang Jacob; at magsusulat ang iba ng kaniyang kamay ng sa Panginoon, at magpapamagat (AI)ng pangalan ng Israel.

Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang Manunubos, na Panginoon ng mga hukbo, (AJ)Ako ang una, at ako ang huli; at (AK)liban sa akin ay walang Dios.

At sino, na gaya ko, tatawag, at (AL)magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila.

Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: (AM)hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at (AN)kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.

Inilarawan ang kahangalan ng idolatria.

(AO)Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay (AP)hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.

10 Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan (AQ)na di pakikinabangan sa anoman?

11 Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila'y mangatatakot, sila'y mangahihiyang magkakasama.

12 Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at (AR)gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya'y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya'y hindi umiinom ng tubig, at patá.

13 Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.

14 Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya'y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao'y kinakandili ng ulan.

15 Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at (AS)pinagpapatirapaan.

16 Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:

17 At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.

18 (AT)Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka't ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.

19 At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako'y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?

20 Siya'y kumain ng abo: iniligaw siya ng (AU)nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang (AV)kabulaanan sa aking kanang kamay?

Inililigtas ng Panginoon ang kaniyang bayan.

21 Iyong alalahanin ang mga bagay na ito, Oh Jacob, at Israel; sapagka't (AW)ikaw ay aking lingkod: aking inanyuan ka; ikaw ay aking lingkod: Oh Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.

22 Aking pinawi na (AX)parang masinsing ulap ang iyong mga pagsalangsang, at, parang alapaap, ang iyong mga kasalanan: manumbalik ka sa akin; sapagka't tinubos (AY)kita.

23 Magsiawit, Oh (AZ)kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, (BA)mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.

24 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng (BB)iyong Manunubos, at niyang (BC)naganyo sa iyo mula sa bahay-bata, Ako ang Panginoon na gumagawa ng lahat na bagay; na naglaladlad, na magisa ng langit; na naglalatag ng lupa;

25 Na sumisira ng mga tanda ng mga sinungaling, at (BD)nagpapaging ulol sa mga manghuhula; na nagpapaurong sa mga pantas, at (BE)nagpapaging kamangmangan ng kanilang kaalaman;

26 Na nagpapatatag ng salita ng (BF)kaniyang lingkod, at nagsasagawa ng payo ng kaniyang mga sugo; na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, Siya'y tatahan; at tungkol sa mga bayan ng Juda, Mangatatayo, at aking ibabangon ang mga sirang dako niyaon:

27 Na nagsasabi sa kalaliman, (BG)Ikaw ay matuyo, at aking tutuyuin ang iyong mga ilog;

28 Na nagsasabi tungkol kay (BH)Ciro, Siya'y aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: na nagsasabi nga rin tungkol sa Jerusalem, (BI)Siya'y matatayo; at sa templo, Ang iyong patibayan ay malalagay.

1 Tesalonica 2

Kaya nga nalalaman ninyo rin, (A)mga kapatid, na ang aming pagkapasok sa inyo, ay hindi nawalan ng kabuluhan:

Kundi palibhasa'y nagsipagbata kami nang una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, (B)sa Filipos, ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios (C)upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan.

Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa (D)karumihan, ni sa pagdaraya.

Kundi kung paanong kami'y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio, ay gayon namin sinasalita; (E)hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao, kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso.

Sapagka't hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng balabal man ng (F)kasakiman, saksi ang Dios;

Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan, ni sa inyo man, ni sa mga iba man, nang maaaring magsigamit (G)kami ng kapamahalaan (H)gaya ng mga apostol ni Cristo.

Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak:

Gayon din kami, palibhasa'y may magiliw na pagibig sa inyo, ay kinalugdan naming kayo'y bahaginan, hindi lamang ng evangelio ng Dios, kundi naman ng (I)aming sariling mga kaluluwa, sapagka't kayo'y naging lalong mahal sa amin.

Sapagka't inaalaala ninyo, mga kapatid, ang aming (J)pagpapagal at pagdaramdam: amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi't araw, upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo.

10 Kayo'y mga saksi, at ang Dios man, kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya:

11 Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa't isa sa inyo, na (K)gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak, na kayo'y inaaralan, at pinalalakas ang loob ninyo, at nagpapatotoo,

12 Upang kayo'y (L)magsilakad ng nararapat sa Dios, (M)na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian.

13 At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios, na nang (N)inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral, sa makatuwid baga'y ang salita ng Dios, ay inyong tinanggap na (O)hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Dios, na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.

14 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay nagsitulad (P)sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus: (Q)sapagka't nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, (R)gaya naman nila sa mga Judio;

15 Na nagsipatay sa Panginoong Jesus, at gayon din (S)sa mga propeta, at kami ay kanilang pinalayas, at di nangagbibigay lugod sa Dios, at laban sa lahat ng mga tao;

16 Na pinagbabawalan kaming makipagusap (T)sa mga Gentil upang mangaligtas ang mga ito; upang (U)kanilang paramihing lagi ang kanilang mga kasalanan: nguni't dumating sa kanila ang kagalitan, hanggang sa katapusan.

17 Nguni't kami, mga kapatid, na nangahiwalay sa inyong sangdaling panahon, (V)sa katawan hindi sa puso, ay (W)nangagsisikap na lubha, upang makita ang inyong mukha na may dakilang pagnanais:

18 Sapagka't nangagnasa kaming pumariyan sa inyo, akong si Pablo, na minsan at muli; at hinadlangan kami ni Satanas.

19 Sapagka't (X)ano ang aming pagasa, o katuwaan, o putong, (Y)na ipinagmamapuri? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo (Z)sa kaniyang pagparito?

20 Sapagka't kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978